CHAPTER 1

2289 Words
This is my marriage life. Kasal ako sa lalaking pinakamamahal ko. I love him but I don’t know if he loves me too. Pero paano kami ikinasal kung hindi naman niya ako mahal? Well kumbaga hindi naman talaga ako dapat 'yong pakakasalan niya. Iniwan lang siya ng babaeng pakakasalan niya. Maybe no choice? Kailangan maituloy ang kasal para hindi mapahiya ang family nila? I don’t know. Pero kung ano man ang dahilan masaya akong ako ang ikinasal sa kan'ya at hindi ang babaeng iyon. Pero kahit ikinasal na kami at asawa ko na siya. Never niyang pinaramdam sakin iyon. Maaga siyang gigising para pumasok sa trabaho at late siyang uuwi. Maybe ayaw niyang makita ako? Nasasaktan ako tuwing iniiwasan niya ako. Pero anong magagawa ko? Ginusto ko rin naman ito. Tulad na lang ngayon. Napatayo ako galing sa pag kakaupo nang bumukas ang pinto. Nakangiti akong sinalubong siya. “Harvey, Saan ka ba nangaling? At ngayon ka lang umuwi.” Mahina kong tanong sa kan'ya. Kahit antok na antok na ako ay pinilit ko pa rin ang sarili kong h'wag munang matulog dahil hihintayin ko pa ang asawa ko. Sa halip na sagutin ang tanong ko ay umakyat siya sa hagdan papunta sa aming kwarto. Kaya’t sinundan ko siya. Naabutan ko siyang tinatangal ang kanyang coat. Kaya’t lumapit ako sa kan'ya upang tulungan siyang tanggalin ito. Inis niyang itinulak ang kamay ko. Hindi ko na lang iyon pinansin at sa halip ay umupo ako sa kama namin para humarap sakanya. “Hindi ka pa ba kumakain? Nag luto ako ng sinigang kanina akala ko kasi maaga kang uuwi. Pero pwede pa naman ‘yon paiinitin ko na lang para uminit yung sabaw.” Parang batang sambit ko. Pero tulad nang na una wala pa rin itong kibo. Hindi man lang niyang nagawang sulyapan ako. Nag karoon ba ng problema sa opisina? Kaya’t walang siyang imik. Ano bang nangyari? May nagawa ba akong mali? Tumayo ako sa pagkaka upo ko at niyakap siya likuran niya ngunit tinanggal niya ang pag kakayakap ko sakanya. Sumikip ang dibdib ko sa ginawa niyang iyon. Simula nang ikasal kami palagi niya akong iniiwasan o ‘di kaya ni rereject. Hindi ko maramdaman kung may asawa ba talaga ako. “H-harvey?” ulit kong tawag sa kan’ya, sa oras na ito ay nilingon niya na ako. Walang mababakas na kung anong emosyon sa kanya. “She’s back.” Blanko nitong ani. Napatigil ako sa sinabi niya. Bumalik na siya? Kailan pa? Matatapos na ba? Pero natatakot ako. Ayaw kong mawala siya. Mahal na mahal ko na siya at hindi ko kayang mawala siya. No! Hindi niya ako puwedeng iwan dahil lang sa may bumalik. Hindi ako papayag. Asawa ko siya at may karapatan akong pigilan siya sa gusto niya. Umatras ako at nag iwas ng tingin. “H-harvey kumain—” he cut me off. “Enough, Cara” nag uutos ang kanyang tinig. “She’s now back, and I want her back to my life.” Matigas nitong sabi. “Kailan pa?” halos mabasag ang bosses ko. Kumikirot ang puso ko sa iisiping iiwan niya na ako dahil sa babaeng iyon. Hindi ko maiwasang masaktan. “Last month, nalaman ko lang kanina.” Harvey said. “B-bumalik na pala siya. Ayos ‘yon” pilit ngiti kong sabi. “Sige, bababa na ako at iinitin ko na 'yong—” he cut me off again. But this time. Unti-unting nag situluan ang mga luhang pilit kong pinipigalan kanina pa sa mga salitang binibitawan niya. “We need to divorse asap, Cara.” He said. He didn’t even hesitate. Parang wala lang sa kan’ya iyon. Parang wala lang sa kan'ya ang limang taon naming pagsasama bilang mag asawa. Divorce? Wala lang ba sa kan’ya ang limang taon naming pagsasama? Wala lang ba lahat ng iyon sa kan’ya? Yung pag sasama namin bilang mag asawa. Kahit minsan ba wala siyang naramdaman para sakin? Kahit kunti lang? Wala ba talaga? Wala na ba talagang chance ang relasyon namin bilang mag asawa? Matatapos na ba talaga? “N-no, baka na bigla ka lang. Y-you know, almost 5 years mo rin siyang hindi nakita. Alam mo b-baka nagkakamali ka lang. L-limang taon mo na siyang hindi nakikita kaya imposible naman na mahal mo pa rin siya at siyaka—” muli nitong pinutol ang aking sasabihin. “I STILL LOVE HER.” Napahinto ako sa sinabi niya. Of course you still love her. You never stop loving her. Even though I’m his wife. Hindi mag babago ang pagmamahal niya sa kan’ya. Na kahit ako ang asawa niya si Hannah pa rin ang mahal niya. Na kahit ako na hindi siya iniwan ay si Hannah pa rin ang mahal niya. Si Hannah na iniwan siya. Pero bakit ba kahit anong gawin ko hindi ko kayang tapatan ang pagmamahal niya sa kan’ya? Bakit ba kahit ako lang 'yong laging nasa tabi niya at hindi siya iniwan. Bakit ba kahit ginago na siya five years ago ng babaeng ‘yon at sa loob nang limang taon ako lang 'yong kasama niya at hindi siya iniwan. Pero bakit hanggang ngayon mahal na mahal pa rin niya si Hannah. Anong bang mayroon kay Hannah na wala sa akin? At hindi niya ako kayang mahalin tulad ng pagmamahal niya sa bestfriend ko. -•-•-•-•-•-•-•-•-•- I’m staring blankly at my own blood. Wala akong maramdaman na hapdi sa sugat ko. Kaya’t mas lalo ko pang hinigpitan ang pag kakahawak ko sa basag na salamin. Ngunit kahit anong higpit ng pag kakahawak ko sa bagay na iyon ay wala akong maramdaman na sakit. Ngunit ang puso ko parang binibiyak sa sakit. Para akong nanghihina sa iisipin na magkasama na silang dalawa ngayon. Dahan dahan kong niluwagan ang pagkakahawak ko dito at itinapat sa leeg ko. Kung mamatay ba ako ngayon pupuntahan niya ako? Mag-aalala kaya siya kapag sinaktan ko ang sarili ko? Magagawa niya kaya akong puntahan at alamin ang kalagayan ko? Anong klaseng tanong ‘yon. Paniguradong matutuwa siya kung sakaling mawawala ako. Wala ng magiging hadlang sa pagmamahalan nila ni Hannah. Kung mamatay ako ngayon hindi na sila mahihirapan na magsama. Puwede na silang ikasal ng walang iniisip na ako. I smiled bitterly. For sure they will be happy without me. I can feel the wetness of my cheeks. I close my eyes and ready to s***h my neck. But when I’m ready to kill my self biglang may humila sa hawak ko. Dahan-dahan kong binuksan ang mata ko. Hoping na sana si Harvey iyon. Pero mali ako hindi niya magagawang balikan ako dahil masaya na siya sa piling ni Hannah. “What the hell, Cara?!” Ella hissed angrily. Hinagis nito kung saan ang basag na salamin. Hindi ko pinansin si Ella at tumayo upang hanapin ang basag na salamin. Ngunit hindi pa man ako nakakatayo ay hinawakan ako nito sa braso upang pigilan. “Bitawan mo’ko!” pasigaw kong ani. “Gosh! Cara ano ba satingin mo ang ginagawa mo, huh?” tukoy nito sa nadatnan niya. Umiling iling ako habang tumutulo ang luha ko. I want to die. “Bitawan mo’ko! Bitaw!” bulyaw ko. Halos lumabas ang ugat ko sa leeg. Bahagya ako nitong tinulak kaya’t napasubsob ako sa sofa. “Gusto mo ng mamatay?!” “Oo! Gusto ko ng mamatay kaya hayaan mo na’ko!” pag sisigaw ko. Binitawan niya ako at biglang nawala sa paningin ko ngunit wala pang ilang segundo ay bumalik din ito at may dalang maliit na kutsilyo. Inabot niya ito sa’kin. “Ito! Iyan ang gamitin mo!” Kinuha nito ang kamay ko at ibinigay sa'kin ang kutsilyo. “Kung sa tingin mo may magbabago kapag namatay ka then just die.” Naniningkit ang mga mata nitong sabi. Mas lalo akong napaiyak at nabitawan ang binigay nito sa akin na kutsilyo. Tama siya walang mag babago kahit mamatay ako ngayon. Hindi pa rin siya babalik sa 'kin. “W-wala na siya.. Iniwan niya na ‘ko.” I burst out crying. “Hindi ko na alam ang gagawin ko Ella.” I said while my tears keep on falling. Iniwan niya ako nang ganon lang kadali. Na parang wala lang sa kan’ya ang pinag samahan namin nang limang taon bilang mag asawa. He still love Hannah. Maybe I’m not really enough for him compare to Hannah. Umupo ito sa tabi ko at hinagkan ako. “Shhh just let him go.” Mas lalong tumutulo ang luha ko. “I can’t---I love him.” Hinaplos nito ang likod ko. “Stop crying, babalik siya okay?” she said making me stopped. “Really?” I asked pero sa iisipin na magkasama na silang dalawa ni Hannah ay paniguradong hindi na siya babalik. “N-no hindi na siya babalik Ella—for sure masaya na siya sa piling ni Hannah.” I cried again. Sobrang nadudurog ang puso ko. Hindi ko alam paano magsisimula nang wala siya. Everything reminds me of him. Paano ko pa magagawang gumising kung wala ng dahilan pa? Mahal na mahal ko siya. Pero bakit hindi ako sapat. Bakit hanggang ngayon si Hannah pa rin. Kahit minsan ba hindi siya nakaramdam ng pagmamahal sa 'kin? Sa limang taon na pagsasama namin bilang mag asawa kahit unti wala ba talaga? Gusto kong sumigaw pero sobra akong pagod para magawang sumigaw pa. Bumitaw sakin si Ella at hinawakan ang mag kabilang balikat ko. “Look at me.” Utos nito na agad ko naman sinunod kahit halos hindi ko na siya makita dahil natatabunan nang mga luha ang aking mata. “Hindi ka niya iiwan, okay?” Gusto kong maniwala sa sinabi niya ngunit alam kong sinasabi niya lang iyon para pagaanin ang nararamdaman ko. Umiling iling ako. “Iniwan na niya ‘ko.. hindi na siya babalik—wala ng rason para mabuhay pa—ayoko na.” My tears keep on falling. Niyugyog ako nito.”Hindi ka niya magagawang iwan!” wika nito. Tinanggal ko ang pagkakahawak nito sa balikat ko. “He already did!” I shouted. She shaked her head. “Hindi ka niya puwede iwan dahil----” Naputol ang sasabihin nito nang biglang tumunog ang cellphone ko. Sabay kaming napalingon dito. Agaran akong tumayo upang kunin ito. Halos tumalon ang puso ko sa tuwa nang makitang si Harvey iyon. “H-harvey!? Oh god akala ko iniwan mo na ako. P-please balik kana.” I begged. Kaya kong gawin lahat 'wag niya lang akong iwan. “Ahmm Ma’am? Kayo ho ba ang asawa ni Sir. Reharvey Morrison?” sagot sa kabilang linya. Napalingon ako kay Ella “Sino ito? N-nasaan ang asawa ko? Nasaan si Harvey!?” umiiyak kong tanong Narinig kong bumuntong hininga ang nasa kabilang linya “Ma’am na aksidente po ang inyong asawa at nasa Romero Hospita—” Nanlabot ang katawan ko at nanginig ang kamay ko dahilan para mabitawan ko ang cellphone ko. Si Harvey? Na aksidente? No! Hindi ko kayang iwan niya ako. Pero mas hindi ko kakayanin kapag namatay siya. Handa akong pakawalan siya ‘wag lang siyang mamatay. Mahal na mahal ko siya. Mas mahal ko siya higit pa sa buhay ko. Lumapit sa akin si Ella hinawakan niya ako sa dalawang braso ko. “C-cara! Anong nangyari? A-anong sabi ng tumawag sa'yo?” nag aalala nitong tanong. Halos hindi ko mabukas ang bibig ko para sabihin sa kan’ya ang nangyari. Unti unting pumatak muli ang mga luha ko. Luha na hindi dahil sa takot akong iwan ni Harvey kundi dahil sa takot na baka mawala na siya ng tuluyan. “S-si--- H-harveyy na a-aksindent-te siya!” utal-utal na sabi ko habang hindi pa rin makapaniwala. Napasinghap si Ella “Omygad! Let’s go pupuntahan natin siya Cara.” Tumango ako bilang sagot. -•-•-•-•-•-•-•-•-•- Isang linggo na ang lumipas simula nang ma aksidente si Harvey at hanggang ngayon hindi pa rin siya gumigising. Naalala ko pa ang sabi nang Doctor malala daw ang tinama ng ulo nito kaya’t hanggang ngayon hindi pa rin ito gumigising. Patay na ang parents ni Harvey at wala siyang kapatid. Samantalang ang mga pinsan at kamag anak niya ay nasa ibang bansa kaya walang bumisita sa kan’ya pagkatapos ng aksidente. Ano kayang nangyari sa pagkikita nila ni Hannah? Nagkita na kaya sila? Pero bakit na aksidente si Harvey? Ano bang nangyari? Sana magising na siya. Handa na akong pakawalan siya. Kasalanan ko itong lahat kung sana hindi ako nagdrama bago siya pumunta kay Hannah hindi siguro ito mangyayari. Kahit masakit, kahit mahirap palalayain ko na siya. Ayaw kong makita muli siyang nakahiga sa hospital. Mahal na mahal ko siya. Napabuntong hininga ako at tinitigan ang maamo niyang mukha na may galos sa labi. Napakaguwapo niya talaga kaya’t hindi na ako nagtaka kung bakit pati ang bestfriend ko ay nahulog sakanya. Tumayo ako at hinaplos ang mukha niya. Unti unting tumulo ang luha ko. “Mahal na mahal kita Harvey. Gumising ka na diyan kasi hinihintay kana ni Hannah. Kahit masakit kahit mahirap palalayain na kita. I love you.” Mahina kong usal. Pinunasan ko ang luha ko. At hinawakan ang kamay niya at hinalikan iyon. Iniisip ko pa lang napapalalayain ko na siya hindi na ako makahinga. Pero kung iyon lang ang tanging paraan para gumising na siya ay gagawin ko. Kahit mahirap. Kahit sobrang sakit. Palalayain ko siya. Hinalikan ko muli ang kanyang palad. Gumising kana Harvey— “S-sinoon k-kaa?” halos mapatalon ako ng marinig ko ang boses ni Harvey “H-harveyy” wala sa sariling usal ko. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD