I ran immediately to Nazareth Private Hospital. Agad akong nagbayad kay kuyang driver ng pamasahe pagkatapat namin sa hospital saka nag mamadali akong bumaba. Magaan man ang pakiramdam ko dahil pakiramdam ko nailabas ko lahat ng galit ko sa ginawa sa akin ni Hannah sa pamamagitan ng pag buhos ng tubig sa mukha niya. Ngunit hindi ko pa rin maiwasan kabahan, na baka kung anong nangyari kay Harvey. Pagkapasok ko sa hospital bumungad agad sa akin ang mga abalang nurse, doctors, mga pasyente at staffs. Agad akong lumapit sa front desk at nag tanong Ngunit hindi pa man ako nakakapag salita para mag tanong sa Nurse nang biglang mahagip ng paningin ko si Sir. Nathan na nasa ER mabilis akong lumapit dito. "Is he going to be okay?" tanong ng isang hindi pamilyar na lalaki sa tabi ni Sir. Nathan

