Nag taxi ako papunta sa place na tinutukoy ni Hannah. Sa isang kilalang coffee shop na medyo malapit lang sa company ni Harvey. Habang bumabyahe papunta doon, ay hindi ko maiwasan isipin kung bakit gusto niyang makipag kita. Gusto niya bang ipamukha sa akin na sa kan'ya si Harvey? Na sa huli sa kan'ya pa rin mapupunta si Harvey. Pagtatawanan ba niya ako dahil hinayaan ko ulit saktan ako ni Harvey? Tatawagin niya ba ulit akong tanga? O gusto niyang makipag kita sa akin para pagbawalan ako na makipag kita kay Harvey? Wala sa sariling napangiti ako ng mapait. Kung nais niya lang makipag kita sa akin para pag bawalan akong makipag kita sa asawa niya, h'wag siyang mag alala dahil isang buwan na ko ng hindi nakikita si Harvey. Well, kan'yang kanya na si Harvey kahit ilunok niya pa tutal kasal

