Pagkatapos maligo, inayusan ko ang sarili ko . Sinuot ko ang backless black dress na ang haba ay hanggang tuhod, na pinahiram ni Ella. Wala akong dalang damit kahit na isa maliban sa suot kong damit kahapon dahil lahat ng gamit ko ay nasa bahay namin ni Harvey. Tinali ko ang buhok ko para makita ang maputi at makinis kong likod. Naglagay din ako ng manipis na make-up para matakpan ang eye bag ko. Nang makontento ako sa ayos ko ay bumaba na ako sa sala. Napalingon ako kay Ella nag pumalakpak ito habang nakangiti. "Ang ganda naman!" puri nito kaya't tipid akong ngumiti sa kan'ya. Lumapit siya sa akin at umakbay. "Dapat always kang nakangiti para mas lalo kang magandang tingnan." Tumango tango na lang ako. "Oo na." lumayo ako ng unti at tumingin sa orasan. "Malalate na ako." I sighed. Sa

