CHAPTER 2

1602 Words
CHAPTER 2 KABANATA II | THE UNVEILING OF THE FIRST CURTAIN-THE BEAUTY OF SERVICE If there's one quotation that best describes what I am doing right now, I think it would be the quotation that I have read from the so-called catholic saint, which is Agustine of Hippo: "When in Rome, do as the Romans do." Well, hindi sa interesado ako sa kung sino mang santong meron sila, sadyang nagresearch lang ako para naman hindi agad ako mabisto. Lalo't kakailanganin ko ito mamaya. I don't know, but have you ever been into a place where everything is new to you? That feeling when you're not used to do the things that they are doing, so you're afraid because you know that big adjustments are on the way to haunt you. Ang mahirap pa, you can't make qualms about it because they might notice that you're just an intruder trying to enter a lion's den. So, you chose to observe and observe and observe until you're good enough to do what the Romans is doing. Sabado ngayon, at ngayon 'yung unang meeting na kasama 'yung ibang Altar Servers. Honestly, kinakabahan ako, paano pala kung may nakakakilala sa akin dito? What if may makaalam na hindi naman pala ako talaga nabinyagang katoliko? Paano kung malaman agad nila na taga-ibang sekta talaga ako at iba ang pakay ko? I am struggling a lot. Andaming nangyayari sa paligid. Andaming tumatakbo sa isip ko. Hindi ko alam kung maidedeliver ko ba nang maayos 'yung prinactice kong pagpapakilala mamaya sa harap lalo't isa-isa nang tinatawag 'yung mga bagong sakristan na tulad ko. Kanina nga, nung magsisimula 'yung meeting, akala ko, ako na 'yung tatawaging mag-lead ng prayer, buti na lang 'yung katabi ko ang tinawag. Haays. Nalintikan na. Ayokong magsign of the cross nang wala sa oras Wala naman kasi sa bibliya 'yon, lalo na 'yung rosaryo nilang isang vain repetition! "Hi, bro." Natigil ang isip ko sa kakahukay nang malalim nang magsalita 'yung katabi kong tinawag kanina para mag-lead ng prayer. He's extending his right arm, parang gusto makipagkamay. I shook his hands in return while replying a simple 'Hello.' "Daryl Asis nga pala, sakristan Mayor. Bago ka lang dito?" Tanong niya. "Ah..hindi, ay, oo, b..bago lang ako. B..bakit?" Nauutal kong tanong sa kanya. "Parang ngayon lang kasi kita nakita dito. Dito ka rin ba nagsisimba?" Muli niyang tanong. Bumuntong hininga ako. Haays. "Ahm.. ang totoo niyan..ahm-" Napatigil ako saglit, tumingin sa kisame para makapagisip ng fabricated answer. Nang makapagisip ako ng isasagot ay saka ako nagpatuloy.. "-G..Galing akong maynila, s..sakristan mayor din ako doon." Sagot ko. Oo, totoo namang galing akong Maynila, pero di talaga ako sakristan mayor. 'Di ko nga alam ibig sabihin nun, eh. "Wow! Kaya pala. Halos kilala ko kasi mga parokyano dito, kaya sabi ko, bakit parang bagong salta ka. Ibig sabihin ba non iniwan mo 'yung pagiging sakristan mayor mo doon? Sayang naman, pero bakit?" Tanong uli nito. "Ah.. natanggal sa trabaho si papa, eh, kaya umuwi kami dito sa probinsya nila para makapaghanap siya ng bagong trabaho." Sagot ko sa kanya. Oo, totoo namang natanggal si papa sa firm na oinagtatrabahuan niya, tinanggal kasi siya ng boss niyang Katok-liko (katoliko) nang makipagdebate siya sa kasamahan niya tungkol sa pananampalataya namin. Haays. Sa totoo lang, nasa lugar naman si papa, eh, sadyang 'di lang matanggap ng mga katoliko niyang kasamahan na puro liko ang mga aral at doktrinang pinaniniwalaan nila. Kaya heto ako ngayon, gumaganti. "Ah, di bale, welcome na welcome ka dito sa parokya namin." Sambit pa nito. Maya-maya pa ay tumahimik ang paligid. Hindi ko na lang namalayan, nakikinig na pala ako sa kapareho kong bata na nagpapakilala sa harapan. Kung aking tatantyahin, mga nasa edad walo lamang ito. Haays. Napakabata pa niya para maloko ng simbahang ito! Kaawa-awang bata! Ipinakilala niya ang kanyang pangalan bilang Wilmar, ibinahagi rin niya kung taga saan siya, at kung bakit niya piniling maging sakristan. "Bata pa lang po ako, alam ko pong gusto ko na magpari. Hindi ko po alam kung bakit, pero basta gusto ko po. Kaya po ako pumasok bilang sakristan ng parokya kasi gusto ko po Siyang pagsilbihan. Alam ko po, mga kuya, mga ate, ako po ang pinakabata sa ating lahat. Pero alam ko po na kaya ko pong magsilbi sa Panginoon. Sana po tulungan po ninyo po ako na matuto. Salamat po." Pagbabahagi nito na sinundan ng palakpakan. Inikot ko ang paningin sa paligid. Ang oa magreact nung iba na may pa-punas-mata effect pang nalalaman. Ano bang meron sa sinabi nung bata na 'yon? Haays. Nakakastress, ah. Maya-maya pa ay nagsalita yung Coordinator ng mga sakristan na kilala bilang Sir Arnel. "Sana lahat may pananampalataya na tulad ni Wilmar. Natutuwa kami sa shinare mo sa amin, hijo. Ewan ko pero parang pinaalala mo sa amin na hindi hadlang ang edad para magsilbi sa Panginoon. Tama ba 'yon, mga kasangga sa Panginoon?" Tanong ni Sir Arnel sa amin. Maliban sa akin, lahat sila ay sumagot ng 'opo.' Haays. Ano ba tong pinasok ko, parang networking! "Ang huling magpapakilala mula sa sa walong bagong pasok ay walang iba kundi..." pabitin na sambit ni Sir Arnel, maya-maya pa ay nagtinginan silang lahat sa akin na para bang ako ang naging sentro ng atensyon ng lahat. Nagsimula akong kabahan nang sobra. Alam kong narehearse ko na 'yung sasabihin ko kanina pa pero parang iba 'yung pakiramdam ngayon. Para bang pinangungunahan ako ng takot. Pero wala akong magagawa, mas mahahalata nilang may iba akong pakay pag nagpahalata ako. "Pwede ka ba naming imbitahan sa harap?" Tanong ni Sir Arnel sa akin. Walang anu-ano'y tumayo ako saka pumunta sa harap. Bago ko sinimulang magpakilala ay humugot muna ako nang malalim na buntong hininga. Kaya ko 'to! Para 'to sa pagpapabagsak ng simbahang katoliko, kaya ko 'to! Mula sa harap, ay kitang kita ko ang mga matang nakatingin sa akin na naghihintay ng sasabihin ko. "A..ako si Cole R..iverendo, ta..taga Maynila. Lumipat kami dito sa probinsya, kaya andito ako ngayon." Waait! Nalintikan na, hindi ito 'yung dapat na sinasabi ko. Haays. Aldus, do what the Romans do!! Ilang segundo pa ang nakalipas ay tahimik pa rin silang naghihintay sa sasabihin ko. Maya-maya pa ay nagsalita si Sir Arnel na nasa tabi ko lang. "Alam naming nahihiya ka pero pwede mo bang ibahagi sa amin kung bakit gusto mong magsakristan ng parokya ng San Juan? Para naman mainspire kami. Kaya mo 'yan, Cole." pumikit ako, saka bumuntong hininga. Heto na. Iyakan pala gusto niyo, sige ito na ang madramang kwento ko. "Ahh. Dati na akong sakristan mayor sa kapilya.. ay, este s..simbahan sa Maynila. Sa Q..Quiapo." Panimula ko na dahilan para umalingaw-ngaw ang nakakabwisit na "sana all" sa apat na sulok na kwarto kung nasaan kami ngayon. Pinatahimik naman sila ni Sir Arnel at sininyasan ako na magpatuloy. "P..pero bago 'yon, da..dati akong basagulero. Tipikal po akong kabataan na nahumaling sa mga makamundong mga bagay. Nagpakasasa po ako sa mga bagay na hindi ko dapat tinatangkilik. Sa murang edad ay naging s..sakit ako ng ulo, lalo ng nanay ko noo, p..pero kagaya ni Santa Monica na hindi napagod na ipagdasal ang kanyang anak na si San Agustin, nung mamatay na po si mama, sabi po niya, ang hiling niya sa akin, mas mapalapit ako sa Panginoon. Kaya 'yun po, nagbago po ako. Naging Sakristan, at nagkaroon ng debosyon sa mahal na Ina sa pamamagitan ng Santo Rosaryo. Mas nakilala ko rin ang kagandahan ng Diyos, at ngayon, gusto ko na siyang pagsilbihan nang lubos." sagot ko. Isang saglit pa ay natahimik ang paligid. Tila walang nagsasalita, pero rinig mo ang bawat paghinga na nagpipigil ng mga luha. Hahahah! Kita mo nga naman kung gaano nila kabilis mauto!!! Kung gaanong katahimik ang paligid kanina, napalitan naman ito ng kaingayan dala isang masigabong palakpakan para sa akin. May mga naiyak pa nga sa pekeng kwento ng buhay ko. Tho totoong wala na si mama, pero wala siyang sinabing ganon sa akin. Lol. Ang galing ko na ba mang-uto? "Salamat sa pagbabahagi mo ng buhay mo, Cole. Hindi namin inaasahan na ganun pala ang naging buhay mo, pero welcome sa parokya namin, welcome sa simbahan." Sambit ni Sir Arnel nang matapos ako magsalita. Dali-dali naman akong dumeretso sa dati kong inuupuan kanina, binati pa ako nung ilang dinaanan ko na "welcome raw" sa parokya nila. Haha. Talagang winelcome niyo pa ang sisira sa simbahan niyo, mga hangal!! Ngayon, tila alam ko na ang unang kurtina na siyang nagtatakip sa likod ng mga katoliko, ito ang mabilis nilang paniniwala sa mga bagay na wala namang kasiguraduhan. First curtain unveiled! Pero akala ko nung mga oras na iyon ay uuwi ako na sa bahay na dala dala ang unang kurtinang nabuksan ko, pero patapos na ang meeting nang biglang magsalita si Sir Arnel, at hindi ko na inasaahan ang susunod na nangyari. "Siya nga pala, para sa mga bago, kakailangan kong makita ang baptismal certificate niyo sa susunod na sabado." Kumabog ang dib-dib ko sa anunsyong ito. Nalintikan na!! Saan ako kukuha ng baptismal certificate!!! Pero akala ko ay tapos na, pero hindi pa pala! Muli niyang ipinagpatuloy ang anunsyo... "Bago lumabas, ligpitin muna natin ang mga nagamit nating upuan dito sa loob ng parish hall, pagkatapos ay dumeretso kayo sa parish garden, magrorosaryo, at pangungunahan ni..." napatigil ito saglit sa pananalita saka tumingin sa aking banda, lintek, hindi pwede!!! "YES, COLE, IKAW NGA." todo ngiti pa nitong paanyaya sa akin. Nalintikan naaaa! Natataranta na nga ako kung saan ako makakakuha ng baptismal certificate, tapos ano? Ako raw ang maglelead ng rosary!!!!!! Bakit akooo!! Wait, paano ba magrosaryo? Teka?! Ang alam ko, iba ibang misteryo ang dinarasal nila sa bawat araw! Teka, anong misteryo ba sa araw na 'to!!!!! Waaaaaahhh!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD