CHAPTER 3

1555 Words
CHAPTER 3. CHAPTER III | THE UNVEILING OF THE 2ND CURTAIN—THE MSYTERY OF THE HOLY ROSARY "Bago lumabas, ligpitin muna natin ang mga nagamit nating upuan dito sa loob ng parish hall, pagkatapos ay dumeretso kayo sa parish garden, magrorosaryo tayo, at pangungunahan ni…" napatigil ito saglit sa pananalita saka tumingin sa aking banda, lintek, hindi pwede!!! "YES, COLE, IKAW NGA." Hindi ko alam pero ito ata 'yung gustong ipahiwatig nung kanta ni Moira may lyrics na "At tumigil ang mundo, nung ako'y pinili mo." Nalintikan na! Ano nang gagawin ko ngayon? Wait, magpanggap na lang kaya akong biglang sumakit 'yung ulo ko? O bewang ko? Samahan pa ng tuhod para sexbomb dancer na ang labas ko, makatakas lang ako sa oras na ito. Wait! utak, gumana kaaa!!! Ahh! Alam ko na! "Ahm, n..naiwan ko p..po sa bahay 'yung rosary ko.. papaano po 'yan?" Pikit mata kong rason. Sana naman gumana! Kung hindi, nalintikan na talaga!!! "Wag kang mag-alala, Hijo, dahil may rosaryo pa ako sa office. Katunayan, binibigay ko yun sa mga bagong pasok sa ministry." Todo ngiti nitong paliwanag. Waaaaah! Wala na talaga akong takas! pero hindi, ayoko!!! Kaya ko pang lumusot. Sabihin ko kayang biglang sumakit 'yung tyan ko? Ahhh ang baboy pero pwede na 'to!!! "Ahm, atsaka ahm, p..pwede po bang iba na lang, natata—." akmang magrarason na uli ako nang biglang may magsalita sa likuran ko. "Sir Arnel, pwede ho bang ako na lang ang maglead ng rosary? Birthday ko naman po next week, eh. Sige na po. Pasasalamat ko na rin po sa Diyos at regalo ko na rin para sa inyong lahat." Para akong action star na dahan-dahang napalingon sa pinanggalingan ng nagligtas sa akin! Waahhhh! Tunay kang bayani, kapanalig, ay este kapatid! Nang lingunin ko ito'y bumungad sa akin ang isang binata na kung tatantsahin ay nasa edad dalawampu't isa. Maliban kasi sa fully developed nito physical features, mapapansin mo rin ang edad nito ayon sa kanyang pananalita. Pikit mata akong naghintay sa isasagot ni Sir Arnel dun sa sumalo sa kin. Sana naman umoo siya. Haays! "Uhmm. Pwede naman, pero sa isang kundisyon.." panimula ni Sir Arnel na siyang nagpahinahon sa kumakabog kong dibdib. Pero wait, anong kondisyon na naman 'yon! "Ano po." Tanong ko na tila uhaw na uhaw sa kasagutan. "Si Cole ang magli-lead next week. Okay ba 'yun?" Tanong nito sa amin. Napansin ng peripheral vision ko na tumango 'yung lalaking nasa tabi ko, habang ako, hindi maka-oo. "Ayos ba 'yun, Cole?" Tanong uli ni Sir Arnel. Para akong naalimpungatan, hindi ko alam pero bigla akong napa-oo. Haays, ano pa bang magagawa ko? Ginusto ko 'to. Isipin ko na lang, mas okay na next week kesa ngayon, at least, nakapagprepare na ako non, 'di ba? "Oh, sige, si Chan muna ang magli-lead ngayon, basta nextweek si Cole. Ay, teka, ano nga uli 'yung gusto mong sabihin kanina Cole? Natata? Anong natata?" Tanong ni Sir Arnel sa akin. Wait, haays! Paano ko ba ipapaliwanag yun? Kainisss! Bakit ba kasi nirason ko pa yun, atsaka bakit kasi late dumating itong… Chan? Basta kahit ano nang pangalan niya! "Ahh. Ano po..ang totoo po niyan, sumaki—" "Ah, baka po ang ibig niyang sabihin ay natata..ranta po siya. Normal lang naman yun, sir, 'di ba? Lalo na at bago sa ministry." Sabat nung Chan. Tumingin pa ito sa akin na para bang ewan. Siguro kung katoliko ako, tapos marunong akong magrosary tapos biglang mangaagaw ng trabaho itong Chan na 'to, iisipin kong pabibo at pabida siya. Buti na lang, 'yung pagiging pabibo niya at pabida niya ay nasa lugar ngayon. Haays! Tumingin naman sa akin si Sir Arnel na para bang gusto niyang kumpirmahin kung tama ang sinabi ni Chan. "Ah, 'yun nga po 'yung ibig kong sabihin, sir Arnel." Pagpapaliwanag ko. "O siya, kung ganon, Cole, tawagin mo na mga kasama mong bago, sabihin mong sumunod sa'yo na pumunta sa office para maibigay ko na 'yung rosaryong pa-welcome ko sa inyo." "S..sige po." Sagot ko, at 'yon nga ang ginawa ko, nang matawag ko na silang lahat ay dumeretso kami sa isang maliit na espasyo ng parish hall na may karatula sa labas ng pinto na "ALTAR SERVER'S OFFICE", pagkapasok namin ay bumungad sa akin ang kwarto na punong puno ng mga litrato ng mga servers mula taong 1996, hanggang sa taong 'to. Makikita sa litratong iyon kung gaano sila nauto, ay este, kung gaano sila kasaya. Inikot ko pa ang mata ko at dun ay tumambad sa akin ang isang rebultong kahoy nung tinatawag nilang mama Mary. Nakasuot ito ng kulay asul, at nakatuntong ito sa isang fundasyon. Sa pagkakataong iyon ay bigla akong kinabahan. Hindi ako maaring magkamali, 'yun 'yung rebultong nagpakita sa akin sa panaginip nung nasa Maynila pa lamang ako. Hindi ko alam pero sa panaginip ko'y puro mga batabg tumatangis ang nakita ko, sapagkat may isang tao, na 'di ko maaninag, ang nagwasak noong rebulto na 'yun. Feeling ko nga, ako 'yung taong 'yun, eh. Siguro, 'yun 'yung gustong ipahiwatig sa akin ng panaginip, na nasa tamang lugar ako. Ibinaba ko ang paningin ko paanan ng rebulto, dun ko napansin ang nakamarka sa may paanan nito.—Our Lady of the Pillar. Haays, iba na naman pala 'to sa nakita ko sa Maynila. Ewan ko ba sa mga katoliko, 'di ko maintidihan kung bakit andaming pangalan nung mama Mary nila, may manaoag, may lasalet, at kung ano ano pa. Ano ba pinagkakaiba nung mga 'yon? Natigil ako sa kakamasid sa rebulto nang tawagin ni Sir Arnel ang pangalan ko. "Oh, Cole, mukhang nahuhumaling ka na kay Mama Mary ah." Sambit nito, ngumiti lamang ako. "Alam nyo ba, ang unang simbahang inialay sa Ina ay nagawa nung nabubuhay pa siya? At si St. James the Greater, kapatid ni St. John ang gumawa nito nang magpakita ito sa kanya sa isang pillar, kaya naman binigyan ng simabahan ang Ina ng pangalang Our Lady of the Pillar." Paliwanag ni Sir Arnel sa amin. Kitang-kita naman ang pagkahanga nung mga batang kasama ko sa sa sinabing ito ni Sir Arnel, haban ako ay tahimik lang na nakikinig. Haays, mga katoliko talaga, mahilig sa tradisyon na naisasalin salin sa bibig. Nang maibigay na sa amin ang rosaryo ay dumeretso na kami sa rosary garden, doon ay nakita ko ang ilan sa mga kasama ko kanina. Andun si Chan, at 'yung nakatabi kong si..sino nga ba ulit yon? Ahh! Daryl Asis! Habang hawak hawak ko ang rosaryo ay 'di ko mapigilang titigan ang bawat parte nito. Gawa ito sa crystal beads na tila umaabot sa limampung bilang. May imahe pa ito nung tinatawag nilang mama mary. May krus din ito. Bigla ko tuloy naalala 'yung kumalat sa f*******: na Satan Rosary. Ito kaya yun? Ewan ko pero di ako naniniwala na sa paulit-ulit mong pagdarasal ay mapapakinggan ng Diyos 'yung panalangin mo. Tayo pa nga lang pag paulit-ulit tayong kinukulit ay naiinis na. Atsaka sabi sa Matthew 6:7 na "When you pray, do not keep on babbling like pagans, for they think they will be heard because of their many words." Pwede namang magdasal na lang ng patago. Atsaka bakit kailangan pa ng rosary? Ngayon ko masasabi na nabuksan ko na ang pangalawang kurtina ng katotohanan na ang mga Katoliko ay mga pagano na naniniwala sa tradisyonal o mga pangyayari sa nakaraan. 2nd curtain unveiled: catholics are pagans!! Napabuntong hininga ako nang biglang magsalita si Sir Arnel sa harapan. " Gusto ko lamang ipaalala sa inyo na nawa ay isapuso niyo ang pagdarasal sapagkat wala nang mas lalakas pa sa isang komunidad na nagkakaisang nananalangin. Iyan ang halaga ng pagrorosaryo para sa ating mga Katoliko, oo, makapangyarihan ang pagdarasal nang mag-isa, pero mas lumalakas ito pag tayo'y nagkakaisa. Bago natin simulan ang pagrorosaryo, sama sama nating ialay ang ang ating intensyon sa kaarawan ni Chan, at sa mga walong bagong sakristan na sina Wilmar, Danz, Clyde, Ken, Matthias, Jolo, Howard at Cole na sanay magtagal sila sa pinili nilang misyon. Nawa'y palakasin ng Panginoon ang kanilang loob at linisin ang kanilang intensyon sa pagsisilbi bilang Sakristan." Hindi ko mapigilang pagpawisan sa mga narinig ko, hindi pa ako nakakapasok sa simbahan nila pero para bang nasusunog na ako! Haays! "Ngayon ay atin nang simulan ang pagrorosaryo sa pangunguna ni Chan, sa ngalan ng Ama.." At dun na nga nagsimula ang kanilang pagdarasal. Oo, sila lang dahil 'di naman ako nakisali. Ni hindi ko nga alam kung ano 'yung ano ba yun? Basta, iba ata pagkakarinig ko. Habang sila'y nakapikit at nagdarasal, 'di ko mapigilang mapaisip. Lahat kaya ng kaluluwang ito, maliligtas? Bahala na. Basta ako, alam ko, kami lang maliligtas. Nang matapos ang pagrorosaryo ay nag-aya si Sir Arnel sa aming mga bago na kumain muna sa labas bilang parte ng pagwelcome nila sa amin, pero tumanggi ako. Sabi ko kasi ay may kailangan akong gawin, pero ang totoo niyan, pupunta ako sa kapilya namim upang sumamba. Pumayag naman si Sir Arnel, pero bago pa ako makalabas sa tarangkahan ng gate ng simbahan ng San Juan ay may isang pamilyar na boses ang tumawag sa pangalan ko.. "Cole Riverendo!" Agad akong lumingon sa pinanggalingan ng boses, pagkuwa'y tumambad sa akin ang isang pamilyar na mukha na nakasama ko lamang kanina—si Chan. Hindi ko alam kung anong sasabihin nito pero nakangiti ito sa akin. Maya-maya pa ay mahinahon itong bumitaw ng mga salita—mga salitang gumambala sa akin. "Kilala kita. At alam kong hindi talaga Cole Riverendo ang pangalan mo. Tama ba ako, Aldus Parba Ventilacion?" TO BE CONTINUED.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD