CHAPTER NINE

1484 Words
ILAN na lamang ang bisita ni Jared sa kanilang bahay. Halos lahat din ng mga handa na pagkain ng binata’y simot na. Kanina pa napapansin ng binata na pasulyap-sulyap sa kaniya si Monette. Inabala kasi nito ang sarili sa ibang mga bisita na dumalo sa munting salo-salo na naganap sa bahay nila. Nakaakiyat na rin ang mga tito at tita niya galing Korea, tuwang-tuwa ang mga ito ng ipakilala niya si Monette. Napakasuwerti raw ni Jared at nanatiling sila pa rin ng binata kahit na matagal silang naging LDR. “Sige na iho, asikasuhin mo na si Monette. Kami ng bahala ni ate Jenina mo rito, natitiyak kong napagod si Monette sa biyahe.”bilin ni Aleng Clemencia sa anak. “Sige po Mama,”maiksing sagot lamang ni Jared sa ina. Agad na niyang nilapitan ang nobya. Isang matamis na ngiti ang nakita niya sa mapupulang labi nito. Sa mga sandaling iyon ay gusto niyang hagkan ang labi nito. Ngunit mabilis niyang pinalis sa isipan ang pag-iisip ng ganoon sa babae. “Tara na Monette, sa silid ko na lamang ikaw matulog.”walang anu-ano’y sabi niya. “S-Sige.” Kinakabahan man si Monette ay tila nagustuhan niya ang isipin na sa unang beses ay matutulog siya sa bahay ng nobyo. Na magkakasarilanan sila nito. Tuluyan binuksan ni Jared ang pinto nito. Ipinaglabas naman siya ng tuwalya nito at ilang maluwang na t-shirt na maari niyang magamit sa pagtulog. “Ikaw nang gumamit sa banyo ko Monette, makikigamit na lang ako sa banyo nina Papa,”bilin ng binata na hindi man lang makatingin ng maayos sa kaniya. Hindi pa nakakapagsalita si Monette ay tuluyan na itong tumalikod sa kaniya at lumabas na ng silid pagkatapos. Nanghihinang napaupo ang dalaga, pakiramdam niya ay tila siya estranghera sa harapan ng boyfriend niya. Napabuntong-hininga na lamang si Monette at tuluyan na siyang pumasok sa banyo. After 15 minutes ay tuluyan ng lumabas sa palikuran ang dalaga. Nakapagbihis na ito, ipinupulot na lamang nito ang tuwalya sa basang buhok. Nagpapahid na si Monette ng lotion ng biglang bumukas ang pinto. Iniluwa niyon ang binata na nakapagsuot na rin ng white sando at garterize short. Bigla ay nagkatitigan sila, tila ba bumilis ang pagtibok ng kanilang mga puso ng mga sandaling iyon. Hanggang sa tuluyang binawi ng dalaga ang pansin dito. “M-May kailangan ka pa ba?”casual na tanong ni Jared. Bigla ay tumuon ang mga mata ng binata sa mapuputing biyas ni Monette. Napalunok siya ng wala sa oras, pakiramdam niya ay tuyong-tuyo ang lalamunan niya. Agad siyang nag-init mula sa pagkakatitig lamang niya sa nakalitaw na legs ng nobya. “Wala na love, pero may gusto s-sana akong itanong. . . “biglang bulalas ng mga salita ni Monette. “A-Ano iyon?”Tanong ni Jared. Tuluyan na siyang kumuha ng banig at inilatag iyon sa ibaba ng kama nito. Pinagmasdan lamang siya ni Monette sa ginagawa niya, pakiramdam niya ay tila may pader na nakaharang sa pagitan nila ng nobyo. “D-Diyan ka ba matutulog sa ibaba love?”tanong ni Monette. Natigil naman sa pagkuha ng unan at kumot sa kaniyang kama si Jared. “Oo eh, mas okay kung hindi tayo magtatabi sa iisang kama. Dahil hindi naman tayo mag-asawa,”paliwanag ni Jared sa babae. Naupo na ito sa banig at inaayos na nito ang unan. Biglang nanigas sa pagkakaupo ang binata ng maramdaman niya ang mabining yakap ng nobya. “B-Bakit Jared, a-ayos lang naman na magtabi tayo. M-Malapit naman na tayong maikasal diba?”may ningning ang mga mata na sambit ng dalaga. “Monette, a-ayaw ko lang kasi may masabi ang magulang mo,”sagot ng binata na nanatiling nakaiwas ang pansin sa nobya. “I-Iyan ba talaga ang dahilan l-love?”himig nagtatampo na saad ni Monette. Tuluyang umagos sa magkabilang pisngi ng dalaga ang luha. Hanggang sa tuluyang naging hagulhol iyon. Napakuyom naman ng kamao si Jared, kapag ganito na ang nobya ay lumalambot ang puso niya. Lahat ng hinanakit niya’y tuluyan naglalaho. Mabilis na niyang kinabig si Monette at hinalikan sa noo, pisngi, ilong at labi. Nagpaubaya naman si Monette sa mga nais ng nobyo. Nilasap niya ang mabining halik nito, ang pakiramdam na kaytagal niyang pinangulilaan. Matagal sila sa ganoong ayos, hanggang sa unti-unting kumalas ang binata. Kapag kasi hindi niya ginawa iyon ay baka humantong na naman sila sa kung saan. “B-Bakit love?”Takang-tanong ni Monette. Hinawakan sa magkabilang pisngi ni Monette si Jared. Gusto niyang makita ag mukha ng nobyo. “Sabihin mo nga ang totoo, h-hindi mo na ba ako mahal?”naghihinakit na usal ni Monette. Matagal bago nakasagot si Jared, nanatili lamang itong nakatingin sa ibaba sa mga sandaling lumipas. Dahil sa hindi agad pagsagot ni Jared sa tanong ni Monette ay lalong tumindi ang pag-iyak nito. Halos gustong sumabog ng dibdib ni Jared, pinakaayaw niyang umiiyak ito ng dahil sa kaniya. “Tama na Monette, I-I’m so sorry. . . magiging okay ka rin kapag nagtagal. B-Basta lagi mo lang isipin na nandito lang ako lagi, kapag kailangan mo ng kausap.”masuyong anas ng binata. Hinigpitan pa lalo ni Jared ng pagkakayakap sa nobya. Makalipas ang ilang minuto’y tuluyan nakatulog ito sa kaniyang bisig. . . MARAHAN hinahaplos ni Jared ang mahabang buhok ng nobya. Titig na titig siya sa magandang mukha ni Monette, sa totoo lang ay hindi niya gustong pakitunguhan ng malamig ang dalaga. Pero iyon ang inaakala niyang makakabuti sa babae at para sa sarili. Tuluyan na siyang nahiga sa banig na inilatag niya sa ibaba ng kaniyang kama matapos niyang maiayos si Monette sa sariling higaan. Ipinatong na ni Jared ang kamay sa noo, mano-mano lamang siyang nakatitig sa kisame ng kaniyang silid. Muli ay naalala niya ang nakalipas may dalawang taon na rin ang nakararaan. . . PAPALABAS na ng campus sa UP si Jared ng isang itim na SUV ang bumusina sa kaniya. Saglit niyang inilibot ang paningin sa paligid, sa isip ng binata’y iba ang binubusinahan ng sasakiyan. Ngunit nang bumaba ang bintana at makita niya ang may-ari niyon ay nakumpirma niyang siya talaga ang kailangan nito. Sinenyasan siya ni Don Romulo na pumasok sa loob ng sasakiyan. Kahit labag sa loob ay tuluyan na siyang sumunod dito. Sa isip niya’y marahil may importanteng bagay itong sasabihin sa kaniya. Pagkasara pa lamang ng pinto ay agad ng nagsalita si Donya Selma. “Hindi ko aakalain na magpahanggang ngayon pa rin pala ay dalawa pa kayo ni Monette!”nakaismid na sabi nito. “Opo Tita, sana po matanggap niyo na akong nobyo ng anak niyo,”magalang niyang sagot sa mga ito. Kahit ang totoo ay rinding-rindi na siyang sumbatan ang dalawang matandang nasa harapan niya. “Kung ako sa iyo putulin mo na ang ugnayan niyo ng anak ko iho,”seryusong utos ni Don Romulo. “Ipagpaumanhin niyo pero ayaw kong saktan si Monette, mahal ko po ang anak niyo at ganoon din siya. Bakit hindi niyo na lang po tanggapin na kami ang para sa isa’t isa.” Isang nangiinsultong halakhak galing kay Don Romulo ang pumailanglang sa loob ng sasakiyan ng mga Del Gado. Napakuyom na lamang ng kamao ang binata, labis-labis na ang pagtitimpi nito. “Hindi mo ba alam na may ibang nakalaan kay Monette, iyon ay anak ng matalik kong kaibigan na si Ernest Lincoln ang unico iho nitong si Brix lincoln na siyang magmamana ng isa sa pinakamabigating textile company sa France. Kung hindi mo naitatanong ay pumayag si Monette. . .” Hindi agad nakapagsalita si Jared. Ayaw niyang paniwalaan ang mga sinabi ng mga magulang ng babaeng mahal niya. Dahil nangngahulugan iyon ng hindi niya pagtitiwala sa nobya. “Bakit Jared? Magpahanggang ngayon pa ba wala kang alam sa mga totoong nangyayari kay Monette sa France. Aba! Sa totoo lang ay ipinahack na namin ang sss niya para matigil iyang kakailusyon mo na bagay kayo ng anak namin!”Mapanguyam na sabi ni Donya Selma. “Kung iyan lamang po ang sasabihan niyo ay aalis na po ako. Hangga’t hindi ko nakukumpirma mismo kay Monette ang katotohanan ay hindi ko po iyan paniniwalaan.”pagtatapos ng binata. Tuloy-tuloy na ito sa paglabas ng sasakiyan. Ngunit hindi niya napaghandaan ang mga sumunod na nangyari. Dahil isang post na naka-tag sa status ni Monette sa sss ang umagaw ng pansin sa kaniya. Pero iniisip niyang pakana lamang iyon ng mga magulang ng babae kaya hindi niya pinansin iyon. Pero halos sampalin siya ng makita sa internet ang diumano’y engage na ito kay Brix, lalo pang pinag-ibayo ng lahat ng haka-haka niya ng makita pa niya sa France news ang isang captured photo ni Monette at Brix na kumakain sa isang sikat na restaurant sa France. Masakit sa kaniyang ipinaglihim ng nobya na may ganoon na nagaganap sa buhay nito. Ngunit mas lamang ang sakit na hanggang sa ngayon ay pinanitili ni Monette ang pagkakaroon ng affair nito sa lalaking piniling ipinagkasundo rito ng magulang.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD