MARAHAN iminulat ni Monette ang mga mata pagkagising niya ng umagang iyon.
Agad tumuon ang pansin nito mula sa ibaba, kung saan doon napiling matulog ng binata ng nakaraang gabi.
Ngunit sa pagtataka ng dalaga ay wala na ito roon. Tuluyan siyang bumangon at inayos ang pinaghigaan niya.
Agad niyang hinagilap ang bag kagabi para kuhanin doon ang android phone niya. Nagulat pa ang dalaga dahil halos pasado alas-nuebe na ng umaga.
Dali-dali na siyang nagpunta ng banyo para makapaghilamos. Matapos niyang magbihis ay dali-dali na siyang pumanog sa kusina.
Nakita niyang naroon ang mama ni Jared na kasalukuyan nagpupunas ng plato. Agad siyang nginitian nito pagkakita pa lamang sa kaniya.
“Magandang umaga iha, halika at ipaghahanda kita ng maalmusal!”Aya sa kaniya ng ginang.
Mabilis na nitong iginayak ang mga lamesa matapos na ngumiti ang dalaga.
“Good morning din po Ma, Salamat po. Siya nga pala nasaan po si Jared?”Tanong ni Monette rito.
“Hindi ba nagpaalam sa’yo ang anak ko iha?”Takang tanong nito matapos na mailapag sa harap niya ang baso at ilang garapon ng asukal, kape at coffee creamer.
“W-Wala po kasing nasabi si Jared kagabi, kasi po nakatulog na ako kaagad.”palusot ni Monette. Agad na nitong nilagyan ng mainit na tubig ang pasuwelo niya.
Hindi na nag-abala ang dalaga na sabihin sa ina ng boyfriend niya ang namagitan na pag-uusap sa kanila nito.
Baka kung ano ang isipin nito sa kanila, lalong-lalo na kay Jared.
“Nagpunta lamang sa University si Jared para kuhanin ang ilang mga documents niya. Biruin mo iha, kakagraduate lang niya ay mayroon na kaagad kumuha sa kaniya na malaking company sa lungsod ng Makati. Next week na nga siya mag-uumpisa sa trabaho. . . “kuwento sa kaniya nito.
“G-Ganoon po ba, magandang balita po iyan kung ganoon,”natutuwang tugon ni Monette matapos makahigop sa ginawang kape.
“Oo nga e, limang buwan kasi bago makagraduate si Jared ay nag-apply na pala siya roon. Sakto naman na hiring pala sila, pero nagpaplano na rin naman next year na magtake ng board exam si Jared.”patuloy na pagdedetalye ng ginang.
Napangiti na lamang si Monette, atleast kahit paano ay unti-unting napapatunayan ng nobyo niya na may patutunguhan ang pagsusumikap nito.
“Sige ‘nak! Makikipalengki muna ako ano. Kung may kailangan ka ay andiyan naman ang kambal.”bilin ni Aleng Clemencia rito.
“Po? Nasaan po ba sina Papa Ma?”tanong muli ni Monette.
“Naku iha, nakalimutan mo yata Martes ngayon nasa munisipyo si Ramil.”tukoy nito sa asawa. Isa kasing Municipal Treasure ito sa pook nila. Sa secretarial desk naman nakassign si Jenina na ate ni Jared.
“Ahy oo nga po pala, sorry po. Sige po diyan na muna ako sa may silong ng mangga. Hihintayin ko na munang dumating si Jared, saka po ako uuwi sa mansyon Mama.”
“Mabuti pa nga iha kung ganoon. Hayaan mo mabilis lang ako sa pamilihan.”
Matapos na maihatid ni Monette sa labasan at makasakay ng trycle ang Mama ni Jared ay tuluyan na siyang naupo sa pinasadiyang swing sa silong ng mangga sa bakuran ng mga ito.
Nanatili lamang nakatitig sa kawalan ang dalaga. Unti-unti ay naglandas sa pisngi niya ang kanina pa niya tinitimping luha. Hinintay niya lamang makaalis ng bahay ang mama ng nobyo. Dahil natitiyak niyang mag-aalala ito sakaling mahuli siya nito sa ganoong ayos.
Hindi pa rin matanggap ni Monette na hindi na siya mahal ng nobyo. Sa isip niya’y ginawa na niya ang lahat upang maisalba lamang ang relasyon na mayroon sila nito.
Nungka na ipinaglaban niya pa ito sa sariling mga magulang noong nasa Paris pa lamang siya. . .
“Nababaliw ka na ba Monette? Mas pipiliin mo ang hampas lupa na iyon kaysa sa buhay na nakakariwasa na maaring ibigay sa iyo ni Brix!”Mataas na ang tinig ng Mommy Selma niya ng mga sandaling iyon.
“Pwedi tama na Mommy! Mahal ko si Jared. Kahit na anong sabihin ninyong pangungumbinsi sa akin na hiwalayan siya’y hindi pa rin magbabago ang desisyon ko!”matatag na sagot ng dalaga sa mga magulang na kasalukuyan nakaupo sa harapan niya sa may sala ng condo niya sa France.
“You can’t do that iha! Mas lalo ngayon na nalulugi na ang negosyo natin at tanging ang pagpapakasal lamang kay Brix ang makakapagligtas sa mga ari-arian natin sa Pilipinas.”seryusong wika ni Don Romulo.
“Anong ibig niyong tukuyin Daddy, na magiging pambayad utang ako?”naghihinakit niyang tanong sa dalawa.
Nagkatinginan naman ang Mommy at Daddy niya.
“Iha, matagal ng napag-usapan ng pamilya natin at pamilya ni Brix ang pagpapakasal niyo five years from now, kaya sana sumunod ka na lamang. Huwag mo naman kaming ipahiya.”mariin na utos ni Donya Selma sa anak.
Halos hindi naman mapaniwalaan ni Monette ang lahat ng sinabi ng magulang. Hirap siyang magdesisyon, dahil parehas na importante sa kaniya ang mga magulang at si Jared.
“Please Mommy, Daddy, c-can you give me enough time to think of this. Gusto kong mag-isa. . . “bagsak ang balikat na pakiusap niya sa dalawa na nagkatinginan pa.
“Kung ako sa iyo ay bilisan mo ang pagde-desisyon Monette. Kababata mo naman si Brix at kilala mo na siya mula pagkabata. Saka, naghiwalay lang naman ang landas niyo dati dahil mas piniling mag-aral ni Brix dito sa France ng highschool. Habang ikaw ay nag-stay sa Pinas. . .”pangungumbinsi pa ni Don Romulo.
“Huwag po kayong mag-aalala susubukan ko po,”mabilis niyang sagot para hindi na humaba pa ang maging usapan nila ng mga magulang niya.
Nagdesisyon nga si Monette, pumayag siyang makipagkita at bigyan ng oras si Brix at katulad pa rin dati ang ugali ng kababata niya. Sadiyang napakabait at maunawain nito.
“Hindi ko aakalain na pumapayag ka ng lumabas kasama ako Monette,”isang beses ay nasabi ni Brix sa dalaga na nakatuon lamang ang pansin sa kinakain. Bigla ang pag-angat ng ulo ng dalaga, tila doon lang napansin nitong nagsasalita ito.
“H-Huh sorry, m-may sinasabi ka ba Brix?”tanong ni Monette. Napangiti naman ito.
“Natutuwa lang ako kasi atleast kahit matagal tayong hindi nagkita ay ikaw pa rin naman ang dating Monette na nakilala ko. . . “
Bigla naman pinamulahan ang dalaga. Hindi kasi lingid dito na matagal ng may gusto ang binata sa kaniya.
Wala naman itulak kabigin si Monette sa kababata, dahil halos perpekto ito sa lahat ng bagay.
Kaso, ang puso niya’y nakatali na sa iba. Hanggang sa tuluyang umamin si Monette sa kasama.
“ . . .Kaya kung maari Brix, ilihim na muna natin itong naging pasiya ko. Pumapayag akong makipagkita sa iyo dahil hindi ko kayang suwayin sina Daddy at Mommy.”nalulungkot niyang amin dito.
Naramdaman ng dalaga ang masuyong paghawak ni Brix sa nakapatong niyang kamay sa lamesa.
“It’s okay Monette, iginagalang ko ang pasiya mo. Willing akong mahintay sakali, ganoon kita kamahal. Pero it seems, somebody already take your heart. Sa tingin ko’y mahal na mahal mo si Jared, he’s very lucky to have you darling. Kapag sinaktan ka niya, magsabi ka lang at ako mismo ang mananapak sa kaniya!”pabirong habol pa ni Brix sa dalaga ngunit matiim lamang ang pagkakatitig sa kaniya.
“Ano ka ba! Mabait si Jared at kapag nagkita kayo, tiyak makakasundo mo rin ang isang iyon.”nangingiting sabi ng dalaga.
Ipinagkibit na lamang ng balikat ni Brix iyon. Tuluyan nakahinga ng maluwag ang dalaga dahil lang naman sa pumayag ito sa gusto niya. . .
BIGLANG umangat ang tingin ni Monette ng makarinig siya ng pagtikhim. Nakumpirma niyang nasa harapan na pala niya si Jared, hindi na niya namalayan na dumating na ito. Maging nang buksan nito ang gate ay hindi rin natunugan ng dalaga. Paano ba naman kasi ay malalim ang iniisip niya.
“Kanina ka pa love?”casual na tanong ni Monette.
“Hindi naman kadarating ko lang, tinagawan ako ni Mama na dumiretso ako rito, ang sabi’y hinihintay mo raw ako. . . “naitugon lamang ng binata at umiba ng tingin sa kaniya.
“Oo e love m-may ibibigay pa kasi ako bago ako umuwi.”parang may nakabara sa lalamunan ni Monette kaya hirap siyang makabigkas.
Agad nitong inilabas sa bulsa ang isang branded na relo na galing pa sa France na nagkakahalaga lang naman ng ilang libo.
“Ano naman iyan? Sana hindi ka na nag-abala. Sige na, pwedi ka ng umuwi. Baka naghihintay na ang Mommy at Daddy mo,”malamig nitong tugon.
Parang piniga ang puso ng dalaga sa inasal ng nobyo. Akala niya’y matutuwa ito sa pinag ipunan pa naman niyang regalo rito sa unang sahod niya sa ibang bansa.
Tuluyan na itong tumalikod sa babae, ngunit hindi agad nakapaglakad si Jared dahil mahigpit siyang niyakap nito mula sa likuran.
“Please Jared, k-kung may nagawa man ako patawarin mo na ako. Pag-usapan naman natin ‘tu oh! Ayusin natin kung anong problema. Hindi iyong ganito na inililihim mo pa!”madamdamin na hayag ni Monette.
Agad ang pagtatagis ng ngipin ni Jared kasabay niyon ang mariin nitong pagkuyom.
“Inililihim ko? Baka ikaw itong may itinatago sa akin Monette.”nasa tinig ng binata ang kapaitan.
Mahal niya si Monette pero kung patuloy lamang siya nitong pinagmumukhang tanga ay hindi na niya iyon mapapayagan ng binata!
Tuluyan itong kumalas at hinarap ang babaeng patuloy lamang sa pag-iyak.
“A-Ano bang problema Jared, hindi kita maintindihan?”
“Hindi ko alam kung bakit nagagawa mo pa rin magpanggap na walang alam. Pwedi ba Monette, tigil-tigilan mo na ako. Alam ko na ang lahat, ang katotohanan na engage ka na sa nagngangalang Brix Lincoln! Kaya kung maari umalis ka na! Ipinapaubaya na kita sa lalaking iyon. Dahil alam ko naman na mas higit niyang maibibigay ang lahat ng mga gusto mo sa buhay! Pero sobrang sakit lang Monette bakit inilihim mo sa akin ito? Ganoon mo na ba ako kadaling baliwalain. . . “naghihinakit nitong lintaniya kay Monette na natigagal na sa mga sandaling iyon.
Wala ng nagawa si Monette ng tuluyan na siyang iniwan roon ni Jared. Tulala lamang ang dalaga sa nakalipas na sandali. . .