NAPAGDESISYUNAN ni Jared na putulin na ang lahat ng ugnayan nila ng dalaga.
Tinikis niyang hindi makipag-usap at makipagkita rito.
Kahit panay pa rin ang pangungulit ni Monette sa kaniya nanatili siyang nagmatigas sa lumipas na Buwan.
Pero sadiya yatang nanadiya ang tadhana sa kanila. Dahil isang araw ay dumating ang hindi inaasahan na trahediya sa buhay ni Monette para muli silang magkaroon ng koneksyon. . .
“Andito na po ako Ma!”Agad pagtawag ng pansin ng binata.
Ngunit nagtaka siya dahil hindi siya sinalubong ng gabing iyon ng ina.
Tuluyan na niyang inalis ang suot na leader shoes, maski ang coat niya ay inilagay niya sa sabitan malapit sa pinto.
Inilapag niya rin sa ibabaw ng cabinet na nasa bungad ng pinto nila ang dala niyang susi ng kotse.
Sa lumipas na limang Buwan ay sobra siyang naging busy. Hindi aakalain ni Jared na makakapasok siya sa kumpaniyang aalagaan siya ng maayos.
Kada-buwan kasi ay napro-promote siya. Paano ba naman kasi laging may umaalis na senior head manager. Hanggang sa tuluyan siyang naging instant rookie employer.
At sa bawat pagtaas ng posisyon niya’y ganoon din ang sahod niya. Kaya wala pang tatlong Buwan sa kumpaniya ay nakakuha na siya ng hulugan na kotse.
Maybe next year ay kukuha na rin ng sariling condo unit ito malapit sa Makati, para malapit lamang sa pinagtratrabuhan niya.
Magkagayunman sa lumipas na mga araw ay walang sandali na hindi sumasagi sa isip niya si Monette.
Kung kamusta na ito, kung kumakain na ba sa tamang oras ito. Hanggang ngayon ay mabigat pa rin sa binata ang naging desisyon niyang hiwalayan ito.
Ngunit sa bawat araw na lumipas ay hindi pa rin tumitigil sa pagsuyo sa kaniya ni Monette. Hindi siya sanay na parang siya pa ang nililigawan ng babae. Pero hindi naman niya mapigilan ito, sa totoo lang sa kabila ng nangyari ay tila lalong minahal niya ito.
Tila may isang bahagi niya ang natutuwa sa atensyon na ibinibigay sa kaniya ni Monette. Dahil sa tagal ng panahon na nagkawalay sila nito ay ngayon ito bumabawi.
Nagdiretso na sa may kusina si Jared.
Ngunit sa pagtataka niya wala roon ang ina niya.
Papanhik na siya sa hagdan papunta sa kaniyang silid ng makasalubong niya ito.
“Oh! Mama, saan ho ang punta niyo? N-Nakapagluto na po ba kayo?”Tanong ni Jared sa aligagang ina. Kasunod nito si Mang Ramil na hawak sa isang daliri ang susi ng owner jeep nito.
“Hindi mo ba alam iho?”Takang-tanong ni Aleng Selma.
“Ang alin Ma?”Naguguluhan na tanong ng binata na pinaglipat-lipat pa ang mukha sa dalawa.
Agad tumuon ang pansin ni Jared sa dyaryo na iniabot sa kaniya ng Ama.
“Para saan ito Pa?”Nagtatakang usisa ni Jared.
“Buklatin mo. . .”utos ni Mang Ramil.
Tuluyan na ngang kinuha iyon ng binata at binuklat. Sa front page pa lamang ay naroon na ang isang balitang nagpatigil saglit sa mundo ni Jared.
Diumano’y bumagsak ang isang private plaine at sakay niyon ang mommy at daddy ni Monette.
Binalot ng kakaibang kaba si Jared. Agad niyang naisip si Monette.
“Sumunod ka na lamang sa mansyon nina Monette iho, ngayon kailangan ng dadamay sa batang iyon.”untag ni Aleng Clemencia.
“Oo nga e, ulilang lubos na ngayon si Monette. Kahit ganoon naman ang mga magulang niya ay nakakabigla pa rin na sa isang iglap ay tuluyan naulila ang nobya mo,”segunda naman ni Mang Ramil.
Magpahanggang ngayon kasi ay walang kaalam-alam ang mga magulang ng binata sa totoong estado ng relasyon nila ni Monette.
“Sige po, kakain lang muna ako at magpapalit ng damit saka po ako pupunta sa b-burol ng magulang ni Monette.”nasabi ni Jared matapos na mag-alis ng bara sa lalamunan.
Tinapik-tapik naman siya ni Mang Ramil habang si Aleng Clemencia naman ay napatango.
Matapos makaalis ang mga magulang ay nanghihinang napaupo sa may sofa ang binata. Marahan niyang hinilamos sa mukha ang palad.
Halos hindi pa rin mag-sink in sa gunita ni Jared na wala na sina Don Romulo at Donya Selma.
Hindi na niya maipapakita sa dalawang matanda na mali ang mga ito sa panghuhusga sa pagkatao niya.
Hindi niya batid ngunit may bahagi ng pagkatao niya na nabuhayan. Dahil ngayon wala na ang mga magulang ni Monette ay wala na rin magiging hadlang sa kanilang dalawa.
Ngunit ang tanong maibabalik pa ba sa dati ang samahan nila ni Monette?
Hindi niya alam.
Tuluyan na siyang tumayo at naglakad papunta sa kusina upang ipaghanda ang sarili ng makakain. Kung susumain ay humigit kalahating oras din ang pagpunta sa mansyon ng mga Del Gado.
AGAD niyang natanaw ang malaking gate ng mga Del Gado sa prestiyusong subdivision sa Maynila.
Halos lumiwanag ang malawak na bakuran ng mansiyon nina Monette. Nagkalat din ang ilang magagarang kotse sa labas at loob.
Akma niyang ipapasok ang kotse na senyasan siya ng security guard na naroon. Dali-dali niyang ibinaba ang salamin sa tabi niya.
“Goodevening boss, pasensiya na pero mga malalapit na kaibigan lamang po ng pamilya ang maaring makapasok,”paglilinaw nito.
Mapait na napangiti si Jared, paano naman kasi siya makikilala ng mga nagtratrabaho roon. Never naman siyang ipinakilala sa side ng babae bilang nobyo dati. Imbes na sabihin niyang siya ang ex ng anak ng namatay ay nag-alangan ang binata. Kahit na may masasabi na siya kahit paano.
Ibang-iba na siya sa binatilyong tinapak-tapakan ng mag-asawang Del Gado dati!
Napabuntong-hininga na lamang si Jared. Marahil si Brix na pala ang kinikilalang nobyo ni Monette ngayon o ‘di kaya fiance. Hindi na lang niya ipinilit ang sarili.
“Sorry for inconvenience, pakisabi na lang na dumaan ako rito. . . Jared Lopez pala,”usal ng binata.
Bigla ang pagliwanag ng mukha nito.
“Ahy sir! Pasensiya na po, actually kanina pa ho kayo hinihintay ni Ma’am Monette sa loob.”napakamot sa ulo na paghingi ng dispensa ng matandang lalaki.
Tuluyan na siyang pinagbuksan nito ng gate matapos niyang tumango.
Pagpasok pa lamang niya sa magarbong sala ng mansiyon ng mga Del Gado ay agad na niyang natanaw sa entrada ang nakaupong bulto ni Monette.
Parang binibiyak ang puso ni Jared sa nakikitang pagdadalamhati sa mukha nito. Mugtong-mugto ang mga mata nito, maging ang ilong nito’y namumula.
Sa itsura pa lamang nito’y pansin niyang wala pa itong tulog. Ang gagawin na paglapit ni Jared ay biglang nahinto ng makita niyang nilapitan ito ng isang lalaking matangkad.
Hinaplos-haplos nito ang likuran ng dalaga, kitang-kita ng binata kung paano nito aluin ang babaeng mahal niya.
Sa nakikitang eksena parang sinuntok sa sikmura si Jared. Hindi niya maipaliwanag ang namuong selos sa kaloob-looban ng binata.
Akma siyang tatalikod ng marinig niya ang pagtawag ni Monette.
“Thanks god! Akala ko hindi ka pupunta rito love. So totoo ang sabi ni Mama Clemencia na darating ka ngayon. . .”nakita ni Jared ang ningning sa mga mata ng dalaga kahit may lungkot pa rin naman siyang nabanaag doon.
“Of course, hindi ba’t sabi ko naman dati na andito lamang ako kahit na anong mangyari. It’s just that sobra lamang akong naging busy sa trabaho,”paliwanag niya sa babae matapos niyang tugunin ang yakap nito.
“Siya nga pala Jared, meet Brix Lincoln.”pakilala ni Monette sa binata.
“Hello! Finally we met,”tugon ni Brix na nakatuon ang malaberdi nitong mata sa kaniya.
Agad nitong inilahad ang kanang kamay. Mataman nag-isip si Jared kung aabutin niya iyon in end ay nakipagkamay pa rin siya rito.
Kabastusan naman kung hindi niya iyon gagawin. Kahit ang totoo’y labag sa loob ng binata na pakiharapan si Brix.
Naramdaman ni Jared ang masuyong paghawak ni Monette sa braso niya. Natitiyak niyang napansin din nito ang kakaibang tensyon sa pagitan nila ng lalaking pinili ng magulang para sa dalaga.