MULI isang tapik ang ginawa ni Brix sa braso ni Monette.
“So balik na lang ako sa ibang araw, okay lang matapos ang burol ng Mommy at Daddy mo’y huwag ka munang magreport sa office,”bilin pa ni Brix.
Mataman nag-isip si Jared. Agad ang pagbangon ng hinila sa sulok ng isipan nito.
Pinigilan ni Jared na magtanong sa babae, dahil kasalukuyan itong nagdadalamhati sa pagkawala ng mga mgulang nito.
Mahigit isang oras din siyang namalagi sa burol ng mga magulang ni Monette, bago ito magpasiyang magpaalam.
“Kailan ka babalik love?”nasa tinig ng dalaga ang pag-aasam.
“Huwag kang mag-aalala gabi-gabi akong narito,”assurance ni Jared.
Paalis na siya ng isang maiksing halik sa labi ang ibinigay ng dalaga sa kaniya.
Sa pangyayaring iyon ay muling pinagbigyan ng binata ang sarili na tugunin ang pagmamahal ni Monette.
TULUYAN natapos ang burol ng mga magulang ng dalaga. Muling bumalik sa dati ang relasyon nina Monette at Jared.
“Love saan pala ang opisina niyo?”Tanong ni Jared sa nobya. Isang beses na lumabas sila para maglunch.
“Ah m-malayo dito love,”tugon ni Monette na agad umiwas ng pansin.
“Saan nga banda, para hindi mo na tawagan si Mang Dencio.”patuloy na pangungulit ni Jared.
“O-Okay lang love, t-trabaho naman talaga ng driver namin na ihatid at sundiin ako sa kung saan,”sagot ng dalaga.
“Ganoon ba love. . .”wala ng nagawa si Jared kung ‘di hayaan ito.
Nagpatuloy sila sa tahimik na pagkain sa lumipas na sandali. . .
AGAD ang pagbangon ng kaba sa dibdib ni Monette ng malabasan niya mula sa labas ng LTC (Lincoln Textile Company) kung saan siya nagtratrabaho ng mahigit isang taon na rin.
Pagmamay-ari lang naman nina Brix ang naturang kumpaniya.
Halos mangatog sa sobrang kaba na nadarama si Monette ng mga oras na iyon. Habang palapit siya sa boyfriend niya na nanatiling nakasandig sa itim nitong SUV.
Natitiyak niyang kalalabas lang din nito mula sa kumpaniyang pinagtratrabuhan dahil suot pa rin naman nito ang office attire nito.
“K-Kumusta love, k-kanina ka pa?”nauutal na umpisa ng dalaga.
“Hindi naman, halika na pumasok ka na sa loob. . .”utos ni Jared. Nag-umpisa na itong pumasok. Habang ang dalaga ay natigilan, mukhang kagagalitan siya ng nobyo. Sa itsura pa lamang nito ngayon kasi ay iba na ang timpla nito.
“Ano ba Monette! Pasok na!”Bulyaw ni Jared mula sa loob ng sasakiyan. Napapiksi pa sa pagkabigla ang dalaga dahil sa ginawa nitong paninigaw.
Unang beses na ginawa sa kaniya nito. Dali-dali na siyang pumasok sa loob pagkatapos.
Sa ibang direksyon tumitingin si Monette habang panay ang tungayaw ng nobyo sa tabi niya.
Panay likot na rin ng daliri ng dalaga sa ibabaw ng skirt niya. Ganito siya kapag natetense.
“Ilang beses pa ba Monette ang gagawin mong paglilihim sa akin. Kung hindi pa kita sinundan noong isang araw ay hindi ko malalaman na sa kumpaniya ka pa pala ng Brix Lincoln na iyon nagtratrabaho!”Nangagagalaiting dagdag ng binata.
“S-Sorry love, sasabihin ko rin naman eh . . .”tanging naiusal ni Monette. Unti-unting nagtuluan sa pisngi ng dalaga ang masaganang luha sa magkabilang pisngi nito.
“Sorry? Bakit hanggang kailan mo itatago ang lahat ng ito. Heto na nga’t nabuking na kita! Ngayon ano? Pagmumukha mo na naman akong tanga huh, Monette!”
Kung nakakamatay lamang ang titig na ipinukol ni Jared sa dalaga, tiyak na kanina pa ito nakatimbuwang. Muling ibinalik ng binata ang pansin sa harapan.
“Nagkakamali ka love, a-ang totoo niyan ay may balak na akong sabihin kaso naunahan ako ng takot. Baka kasi hindi mo ako maintindihan,”eksplika ni Monette.
“Ewan ko sa’yo Monette, hanggang ngayon hindi mo pa rin ako kilala. Akala mo ba na mas okay kapag pinatagal mo pa ang paglilihim sa akin? Ang pinakaayaw ko ay kailangan mo pang magsinungaling sa akin. Lalong-lalo na ang dahilan ay ang lalaking sa tingin ko ay karibal ko sa’yo! Naiintindihan mo ba talaga ako? Because I’m f*****g jealous of that Brix!”ngitngit na deklarasyon ni Jared.
Napatitig lamang sa kaniya si Monette na parang hindi makapaniwala sa mga narinig buhat sa nobyo.
Napansin niyang nasa harapan na pala sila ng malaking gate ng mansyon nila.
“Sige na Monette bumaba kana. . .”malamig na utos ni Jared na natiling nakaiwas ang pansin sa babae.
Napatungo naman si Monette, kasabay niyon ang muli niyang pagsasalita.
“Love kahit na kailan ay hindi ko isinantabi ang mararamdaman mo sa tuwing magsisinungaling ako. Sa totoo lang ay para sa atin ang ginagawa ko. Malaki ang utang na loob ng pamilya namin kina Brix, n-nakiusap akong iligtas niya sa pagkakaremata sa Bangko ang mga negosyo namin kapalit ng pagtratrabaho ko sa kanila may tatlong taon na ang nakararaan. K-Kahit ang gusto nila ay magpakasal kami, hindi ako pumayag dahil sa mahal kita Jared. Kaya please love sana mapatawad mo ako. . . “nagsusumamong saad ni Monette kay Jared na tahimik lamang.
Matagal bago hindi nakakibo ito, marahil tinitimbang nito ang mga sinabi ng nobya.
Hanggang sa tuluyan nag-alis ng seatbelt si Monette. Bubuksan na sana nito ang pinto ng kotse ng binata ng muli niyang marinig ang baritonong tinig ng nobyo.
“Pagbibigyan kita ngayon, hahayaan ko na magtrabaho sa lalaking iyon. Bibigyan kita ng sapat na panahon para mamili, sa susunod na tatanungin kita ay susundin mo na ako. Pero hindi ibig sabihin na pinapayagan na kita na magtrabaho sa kanila habang panahon. Sana pagdating ng araw na iyon ay handa ka na sa magiging sagot mo sakali sa akin. Sana sa pagdating ng araw na iyon ay ako na ang piliin mo. . .”
Upang hindi na humaba pa ang usapan nila ng nobyo ay pumayag si Monette.
Ngunit sa pagpayag niyang iyon ay unti-unting na palang magbabago ang pakikitungo sa kaniya ni Jared sa pagdaan ng panahon.
MAKALIPAS ANG TATLONG TAON
MABILIS na ipinarada ni Jared ang sinasakiyan niyang kotse sa gilid ng daan. Itinaas niya ang kaliwang braso upang sipatin ang oras sa relos na kaniyang suot. Agad niyang inihinto sa tapat ng isang lumang gate ang kotse. Ilang minuto din siyang naghintay.
Mayamaya’y tuluyang bumukas ang gate na bakal sa gilid.Nagdudumaling lumabas mula roon si Monette. Ang kaniyang nobya.
Hindi na niya pinag-kaabalahang pagbuksan ng pintuan ng kotse ito.
Sa tinagal-tagal na nilang magnobyo. Sanay na si Monette sa ugaling yaon ng katipan.
Mabilis siyang pumasok sa loob, kasabay niyon ang agad na pag-andar ng kotse. Hindi pa man niya naisusuot ang kaniyang seatbelt.
Bagama’t sanay na ay ‘di parin naikubli sa pinakaibutoran bahagi ng damdamin ng dalaga ang sama ng loob patungkol dito.
Napalingon si Monette ng magsalita si Jared sa kaniyang tabi.
“How come na napakatagal mo?” Agad na palatak ni Jared.
“Ah kasi…”, ngunit hindi pa man natatapos ang dalaga sa pagsasalita ay agad ng sumabad ang binata.
“C’mon, alam mo namang ayaw kong naatraso tayo sa pupuntahan natin. Nextime magpakaaga ka naman!”
Imbes na kumibo si Monette. Naunahan na tuloy siya ng hiya. Mas pinili nalang niyang yumuko. Mayamaya, muli na namang kumibo si Jared.
“By the way next month. Pupunta ako ng Brazil, kasama ng mga big boss. Gusto ko, pagbalik ko. Inaasahan kong nakapaghanda ka na.”
Napalis ang pagdaramdam sa mga mata ng dalaga. Napalitan iyon ng kakaibang kislap na bumalong sa kaniyang mga mata. Lihim siyang umaasam.
Humayon ang malalantik niyang mga mata sa labas ng kotse. Kung saan, binabagtas na nila ang kahabaan ng highway sa may Ayala.
Lihim siyang nangarap. Na sa pagbabalik ng nobyo ay magpropropose na ito ng kasal sa kaniya. Hindi naman siya desperada o naghahabol. May karapatan naman na siyang magdemand ng kasal rito.
Sapagkat, ilang taon na rin naman sila. Eight years to be exact and anniversary nila today. Highschool sweetheart sila. Ang iba nilang mga kaklase noong highschool ay nakakapag-asawa na’t may mga anak na rin.
Kung hindi lang nakakahiya ay siya na ang nagpropose rito.
Marahan siyang lumingon sa kinauupuan ng nobyo ng magvibrate at tumunog ang caller ring tone nito na nakapatong sa may dashboard.
Biglaang napalis ang masigla niyang mood ng hindi sinasadiyang maulinigan niya sa bibig ng nobyo ang pangalan ng boss nito.
Tuluyan na siyang sumimangot. Itinuon nalang niya sa labas ng bintana ang pansin. Tila mangingilid na ang kaniyang luha.
Matapos makipag-usap ni Jared sa boss nito ay mabilis na niyang ibinalik ang wireless phone sa dashboard.
Marahang tinapunan ng tingin ni Jared ang natahimik na katipan. Nag-alis muna ng bara sa lalamunan si Jared. Bago inihanda ang sasabihin.
“Monette, ahmm.. Maari bang sa ibang araw nalang natin ituloy ang lakad nating ito? Kasi---”
Ngunit naputol pa ang madaming sasabihin ni Jared. Dahil sa biglang pag-imik ni Monette.
“What do you mean, ika-cancel natin ang matagal na nating plinagplanuhang lakad natin ngayon? For what, dahil sa letseng trabaho mo?” Puno ng hinanakit na saad ni Monette sa nobyo.
Hindi niya aakalaing ika-kansela. At mas pipiliin nito ang naturang trabaho. Parati niya itong pinagbibigyan. Laging inuunawa. Na halos sa walong taong magnobyo sila. Ito lamang ang bukod tanging nasusunod sa kanila.
Matapos magpalit ng signal light sa stop light. Maang siyang tinitigan ni Jared. Nasa mga mata ng binata ang pagtitimpi at pagkayamot.
“I don’t understand you Monette, this last few days. Napapansin kong lagi ka nalang ganiyan. Alam mo namang nasa kalagitnaan ng busy schedule ang trabaho ko. Kaya pati ang paglabas-labas natin ay…” Ngunit, mabilis ng sumabad si Monette. Sumambulat ang itinatago niyang kinikimkim na tampo.
“Oo nga naman, isinisingit mo na lamang pala. Kahit minsan, ‘di ako nagdemand. Pero, nakakasawa na. Para sa’yo mas mahalaga ang trabaho mo. Unlike, our celebrations of anniversaries and dates. Tila wala ka nang pakialam. Pati nararamdaman ko nagagawa mo ng isantabi,” madamdaming pahayag ng dalaga.
Naikuyom nalang ni Jared ang kamao. Mahigpit na mahigpit na ang pagkakahawak niya sa manibela ng kotse.
Sa pagpapalit ng signal light ay itinuon nalang ni Jared sa pagmamaneho ang pansin. Sa biglaang pag-u-uturn niya ay nabanaag in Jared and pagbalong at pagalpas ng luha sa mga mata ni Monette.
Pinigilan niyang mainis at sermonan ito. Nakakainis na ang ugaling iyon ni Monette. Na tila sa pagluha nito ay may magbabago pa sa kaniyang naging pasiya.
Muling nagsalita si Monette. Kalakip ng luhaang mukha, ang gumagaragal na boses nito.
“Sana nga Jared. Hindi mo pagsisihan ang naging desisyon mo. Hindi ko alam, kung ano nga ba ang dahilan ng ipinagbago mo. Kung ako nga ba ang nagbago. Sana nga, tama ang pinili mo.”
Marahan lang siyang tinapunan ni Jared ng tingin. Mababakas sa magandang mukha ng katipan ang labis na hinampo. Ngunit nakapagdesisyun na siya. Sa ayaw at sa gusto nito, siya ang masusunod. Nakadama man siya ng awa. Na tila gusto na niya itong mapagbigiyan. Ngunit, nanaig sa kaniya ang desisyon.
Sa pagliko niyang iyon. May biglang nahagip ang kaniyang mga mata.
Isang matabang lalaki. Walang saplot, puting tela ang natatanging pantakip nito sa ibabang bahagi ng katawan nito. Pawang nakangiti ang mga mata. Ang mga labi nito’y mistulang inukit ng magaling na skultor. Kulay ginto ang buhok nito na kulot. Ang balat nito’y may kaputian. Mabilis pang hinayon ng kaniyang mga mata ang lalaki.
Tila ba biglang tumigil ang lahat. Na tila siya namagneto sa pagkakasugpong ng kanilang mga mata ng lalaking estranghero.
Bigla ang pagsikdo ng kaba rito. Nang biglang ngumiti ito sa kaniya. Tila ba may ibinabadiya ang mapaglarong kislap ng mga mata nito.
Napawi lamang ang tingin niya rito nang may dumaang taxi sa harapan ng lalaki.
Mabilis niyang binalikan ang dating kinatatayuan nito. Ngunit wala na ito roon. Mariin pa niyang kinusot ang mga mata, ngunit nanatiling hindi na niya nahagilap ang hinahanap.
“Sucks, what getting in my mind. Kung anu-ano na nakikita ko.” Halos pabulong na sabi ni Jared sa sarili.
Nanumbalik ang pansin ni Jared ng muli niyang narinig ang pagsinghot at patuloy na pagluha ni Monette. Buhat roon, lalong nadaragdagan ang inis niya sa nobya. Ngunit, biglang napawi iyon ng muling magsalita ito. Nasa tinig na ng dalaga ang hinahon.
“So, nextime nalang tayo lumabas kung ganoon Jared.”
Agad niyang ginagap ang kaliwang palad ng nobya. Marahang pinisil iyon. Na may kalakip naman ng pagsuyo at lambing.
“Don’t worry, I will make up to you later my love.”
Ngunit hindi na nagawang tumugon ni Monette. Nang biglang sumirko at tumilapon sa kung saan ang kinalululunan nilang sasakiyan.
Tila ba kay bilis ng mga pangyayari. Ramdam nila ang bawat mabibigat na puwersa! Ang mga nagkabasag-basag na salamin ng sasakiyan ni Jared.
Ilang minuto ang lumipas bago tuluyan huminto ang pagsirko ng kotse kung saan nakakulan ang dalawa.
Napuno na ng dugo ang kanilang mga mukha. Mula sa labas ng kotse, naroroon ang mga taong nakikiisyuso.
Sa isang panig ng pagkukumpulan. May isang tinig ang nangibabaw.
“Teka!, buhay pa yata iyong lalaki.”
Dahan-dahan hinagilap ni Jared ang palad ng nobya. Tila lalo pang lumamig, dahil sa pagkakahawak na iyon ni Jared sa duguan at walang malay na dalaga.
Sa isang banda. Muli niyang nakita ang bulto ng lalaking hubad. Hindi paris noong una na ang mga mata nito ay tila nagse-seasaw sa tuwa.
Ngayon ay may kaakibat na ng misteryo.
“Sino ka ba?”salitang namutawi sa bibig ni Jared.
Isang manipis na ngiti ang isinukli nito. Ewan ba niya, ngunit kusang pumikit ang kaniyang mga mata ng dahan-dahang ibaba ng misteryusong hubad na lalaki ang kaniyang mga talukap ng mata. Ang malamig na dulot ng hangin sa araw na iyon ay lalong nanuot sa kalamnan ng binata.
“Matulog ka na muna. Paggising mo masasagot ang lahat ng tanong mo, Jared.”
Iyon ang huling mga katagang iniwan sa kaniya ng kausap.
Sa pagkagupo ni Jared sa kawalan. Unti-unting nilamon ng liwanag ang kaniyang kamalayan. Hanggang sa siya’y muling nasilaw sa liwanag…