CHAPTER THIRTEEN

1505 Words
PATULOY lang sa pagtipa si Jared sa kaharap nitong laptop ng mga oras na iyon. Hinilot-hilot niya ang batok dahil nangalay na rin siya. Paano ba naman kasi nag-uwi na naman siya ng trabaho galing opisina. Sa dumaan na tatlong taon ay naging abala siya sa trabaho. Pabor sa kaniya iyon, dahil kinakailangan niyang abalahin ang isip. Inaakala ni Jared ay hindi na siya makakaligtas sa car accident na kinasangkutan nila ng nobya. Dahil halos mayupi ang harapan ng sasakiyan nila. Ipinagpapasalamat pa rin ng binata na walang napuruhan sa mga nakasakay sa bus na nakabanggaan nila. Katulad niya’y minor injuries lamang din naman ang natamo ng mga sakay sa pampasaherong sasakiyan. Agad lumipad ang pansin ni Jared ng marinig niya ang marahan pagkatok mula sa pinto ng kaniyang silid. “Gabi na anak, hindi ka pa ba matutulog?”Tanong ni Aleng Clemencia matapos nitong dumungaw sa siwang ng pinto ng binata. “Tatapusin ko lamang ito Mama,”sagot ni Jared sa ina na hindi man lang nag-abalang tapunan ito ng pansin. “Aba halos gabi-gabi ka ng napupuyat iho, saka linggo naman bukas eh bakit hindi mo na lamang iyan ipagpa-bukas,”tugon ng ina na nag-aalala sa kalagayan ng anak. Magmula kasi ng maaksidenti ito at ang nobya nito’y nag-iba na ang binata. “Okay lang Mama, mas okay na ang ganito kaysa naman nakatunganga lang ako pag-uwi ko.” Naiiling na lamang ni Aleng Clemencia ang ulo, tuluyan na itong pumasok sa silid ng binata. Habang tumatagal kasi ay tila ba lalong inilayo nito ang sarili sa lahat. “Nag-aalala lamang kami sa’yo Jared, magmula ng maaksidenti kayo ay lalo mong inabala ang sarili mo. Imbes na magpahinga ka’y pinapagod mo ang katawan mo,”puna ng Nanay nito na naiiling pa. Tuluyan itinigil ng binata ang ginagawa at hinarap ang ina na kasalukuyang na nakaupo sa kama niya. “Mas okay na ang ganito para naabala po ang utak ko kaysa naman nagmumukmok ako." “Aba kung ganiyan ka ng ganiyan ay baka hindi na matapos ang taong ito ay mamatay ka na! Ngayon pa lang ay makinig ka na sa amin ng Papa mo,”pangangaral ng ina niya. “Pero Ma. . . “gusto pa sanang magprotesta ni Jared ngunit bigla siyang nawalan ng masasabi ng mag-umpisang umiyak sa harap niya ang ina. “Ano ka ba anak! Buhay kapa! Binigyan ka ng chance ng nasa itaas para mabuhay ulit. Huwag mo naman sayangin iyon sa ginagawang pagpaparusa sa sarili mo,”nasasaktang bigkas ng ginang na nakatuon ang pansin sa binata. Agad iniiwas ni Jared ang tingin sa ina, biglang naikuyom nito ang kamao. Sa lumipas na taon ay ngayon niya lang ulit narinig ang pagbanggit sa pangalan ng panginoon. “Bakit Ma, nakinig ba siya sa mga dalangin ko ng mga panahon na kailangan namin siya ni Monette hindi diba? Nasaan siya noong nag-aagaw buhay ang nobya ko. Wala! Kaya ano pang silbi na binuhay niya ako. Habang si Monette. . .”naghihinakit niyang dikta. “Anak! Tama na!”Agad niyakap ni aleng Clemencia si Jared. Tuluyan napaiyak ang binata sa bisig ng ina. Sa pamamagitan niyon ay tila doon umamot ng lakas ito. “Hindi Ma! Hindi ko matanggap na pinabayaan kami ng Diyos!”nangingipuspos na sabi ni Jared sa pagitan ng patuloy nitong mabigat na pagluha. Hindi na nagsalita ang ginang at hinayaan na ilabas lahat ng binata ang lahat ng sama ng loob nito. Nawa’y sana hindi tuluyang balutin ng galit ang buong puso ng binata. PALABAS na si Aleng Clemencia sa may pinto ng muli pang magsalita ang ginang. “Iho linggo naman bukas baka gusto mong dalawin si Monette,”habol ng ina bago pa maipinid ng binata ang pinto. “S-Sige po Ma,”walang-buhay na bigkas ng binata. Nanghihinang napaupo sa swivel chair si Jared. Muli nitong itinuloy ang ginagawa, para bukas ay mahaba-haba ang libreng oras niya. . . DAHIL sa napuyat siya kagabi ay late na bumangon si Jared. Hindi pa sana gagayak ito kung hindi pa pumanhik si Mang Ramil sa silid niya. “Magbihis ka na Jared, nauna ko nang inihatid ang Mama mo. Matutulog na muna ako,”panimula ni Mang Ramil. Nang tumango siya’y agad ng naglakad palabas ang Papa ng binata. Binilisan na niya ang pagkain ng almusal, pagkaligo ay nagbihis na siya. Agad ng ini-start ni Jared ang engine ng owner jeep ng papa niya. Tuluyang nasira sa aksidenti ang koste niya, may inilabas siya sa casa na bagong-bago na kotse. Ngunit ginagamit niya lamang iyon kapag pumapasok siya sa trabaho. Habang nagda-drive ay tila bumalik sa nakaraan ang alaala nila ng nobya sa sasakiyan ng ama. Tila may humaplos sa puso ng binata, pakiramdam niya kasi ay kasama niya pa rin ang presensiya ng nobya saan man siya naroon. Makaraan ang kalahating oras ay nakarating na siya sa destinasyon. Sa tuwing nagpupunta siya roon ay binabalot ng kung anong mabigat na pakiramdam na tila siya napupunta sa kawalan. Kitang-kita ng binata ang mga nakakalat na tao sa iba’t ibang panig ng lugar. Habang tumatagal ay pabilis ng pabilis ang pagtibok ng puso ni Jared. Isang matipid na ngiti ang itinugon ni Jared sa Doctor na kalalabas lamang ng silid na kaniyang pakay. Tumango naman ito at magaan lamang siyang tinapik sa balikat. Tuluyang itinulak nito ang pinto, agad niyang nahagip sa gilid ang ina na mabilis na lumapit sa kaniya. “Mabuti naman at dumating ka na ‘nak, lalabas muna ako saglit bibili lang ako ng makakain ano!”pamamaalam nito sa binata. “Sige Mama, kung may gagawin kayo okay lang. Maghapon naman po ako ngayon.” Nang makaalis si Aleng Clemencia ay tuluyan ng naupo si Jared sa upuan na katabi ng kama na kinahihigaan ni Monette. “Kumusta ka love?”tanong nito. Kahit alam niyang hindi ito sasagot ay nagpatuloy siya sa pakikipag-usap rito. “Pasensiya ka na kung ngayon lang ako ulit nakadalaw, sobra kasing busy sa opisina. Halos gabi-gabi nga akong nag-uuwi ng mga papeles, stress na stress na ako eh love. Kung andito ka lang ay kahit paano marerelax ako. K-Kaya g-gsing ka na. . .”anas ni Jared. Masuyo niyang inabot ang kaliwang palad ni Monette na nakapatong sa gilid nito. Tuluyan niyang dinampian ng halik iyon. Magpahanggang ngayon ay hindi pa rin makapaniwala si Jared sa kinahinatnan ni Monette. “I’m sorry for being irresponsible boyfriend to you love. Kung hindi dahil sa akin ay hind ito mangyayari sa iyo.” Bigla ay naramdaman ni Jared ng pagvibrate ng phone niya. Isang voice recording message iyon galing sa boss niya. Diumano’y gusto na nitong isumite na niya ang tinapos niyang assignment kagabi. Matapos mareplayan ng binata ang boss ay dali-dali niyang tinawagan ang ina. “Sige Ma, hinatyin kita rito. Pasensiya na kailangan ko talagang magpunta sa office.” Matapos nitong makipag-usap sa ina mula sa tawag ay muli niyang ibinalik ang pansin sa nobya nanatiling payapang nakapikit ito. Kitang-kita ng binata ang mga napakadaming tubo na nakakabit sa katawan ng nobya. Awang-awa siya, ngunit wala siyang magagawa kung ‘di patuloy na umasa ang binata na isang araw ay magigising din ito mula sa pagkaka-coma. “Hindi ka ba talaga makatagal kahit isang araw lamang sa tabi ng nobya mo Jared, hmmm?”biglang wika ni Eros sa naaliw na tono. Hindi naman nakakibo si Jared, ipinagwalang bahala niya ang presensiya ng matabang lalaking kasama niya sa silid na iyon. “Yahoo! Hey Jared! Magpahanggang ngayon ba ay ide-deny mo pa rin na nakikita mo ko’t nakakausap. Pero seryuso, hanggang kailan mo titikisan si Monette?”Patuloy nitong pagsasalita at naglakad pa sa harapan niya. Tumanghod pa sa harap ng nakahigang dalaga ito. “Infairness napakaganda pa rin niya. Pero mas maganda pa sana siya kung gigising pa siya diba Jared?”Aliw nitong sabi. “Pwedi ba manahimik ka na lamang, kung wala kang sasabihin na matino. Ang totoo ay ayaw kitang kausapin, dahil sa tuwing lumilitaw ka sa harapan ko at kinakausap ako na tanging suot mo lang ay ang ready made na lampin bang tawag diyan. Ugh! What ever! Ay nagmumukha akong baliw alam mo ba iyon. May mataas akong natapos sa college, may magandang trabaho tapos ano nakakakita ng isang katulad mo na hindi ko alam kung anong klaseng nilalang sa mundong ito!”Nanlalaking matang sumbat niya rito. Magmula kasi ng maaksidenti siya’y nakikita na niya ito. Akala niya kathang isip lamang niya ito noong una o epekto ng kinasangkutang niyang aksidenti. Ngunit mukhang nagkamali siya, dahil heto nga’t kaharap niya ito. “Bahala ka, baka pagsisihan mo lahat ito huh! Na hindi mo pinatos ang tulong ko upang magising ang nobya mo!”Tumaas-taas pa ang kilay ni Eros habang nakapameywang ito sa harapan niya. Tuluyan ng napatayo si Jared. “Kahit anong sabihin mo hindi mo ako mapapaniwala. Ano ako, uto-uto? Sige diyan ka na!”Kasabay ng paglalakad ni Jared papunta sa pinto. Naiwan naman si Eros na may bahid ng mapaglarong ngiti sa labi ng mga sandaling iyon. “Makikita natin Jared, kakainin mo lahat ng sinabi mo ngayon-ngayon lang .”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD