CHAPTER FOURTEEN

1793 Words
WANGIS ng mga nagkatawang sanggol ang halos lahat ng naroroon, maliit na pak-pak sa bawat likuran ng mga ito. Nagkakaingayan at puno ng sigla ang buong paligid. Napapalibutan ng makakapal na puting ulap na animo’y kaysarap higaan. Nakatanglaw ang haring araw sa lahat na tila nakikisaya sa pag-iingayan ng mga nilalang na hindi magkamayaw. “Ano ka ngayon Eros, mukhang pumapalya na ata ang bisa ng kapangyarihan mo. Tanggapin mo na kasing nalalaos ka na!”Kantiyaw ng kasamahan nitong may kulay pulang buhok na kulot. Parehas niyang may maputing kulay din ng balat ito. May nakakabit din sa katawan nito na bow and arrow. Pero kapag bumaba sila sa lupa kung saan naroroon ang mga mortal ay nagiging invisible iyon. Lilitaw lamang iyon kapag may matiyempuhan silang tao na papanahin upang maisakatuparan ng mga katulad nilang cupid ang ritwal na ilang libong taon na rin naman nilang ginagawa. Isa si Eros sa mga pinakamamagaling na cupid na inilaan ng maykapal upang tugunan at gabayan ang mga mortal para makatagpo nito ang taong inilaan ng panginoon sa isa’t isa. Mapaglaro sila, ngunit kapag kaharap na nila ang mga magiging target ay literal na nagseseryuso ang mga ito. Likas na binigyan sila ng nasa itaas ng angking kagalingan sa pagbubuklod ng mga taong inaakala nilang makakadaupang palad ng mga ito. Ngunit namumukod tanging ang katulad ni Eros ay siyang pinakamatinik sa mga ito. Paano ba naman kasi, kahit kailan ay hindi pa ito pumapalpak. Ngunit, hindi sa lahat ng oras ay umaayon kay Eros, dahil sa unang beses ay tila pagdadamutan siya ng kapalaran. “Huwag ka nga! Ako si Eros anak ni Aphrodite at Zeus. Kahit na kailan ay hindi pa ako namamali sa mga pinipili kong magmahalan na mortal!”Mayabang na sagot nito. Sa mundo nila’y sanggol ang wangis ni Eros na nakasuot pa rin naman ng lampin. Ilang daan taon na rin silang nabubuhay, nakakaya nilang magsalita at kumilos ayon sa nais nila. “Talaga? Eh bakit mukhang walang nangyayari sa mga plano mo Eros. Kita mo ang tagal mo na sa mundo ng mga tao ay hindi mo pa rin naisasakatuparan ang dapat mangyari kina Monette at Jared.”patuloy na pangangantiyaw nito. “Hee! Tumahimik ka, nag-uumpisa pa lamang akong mag-enjoy. May tiwala ako sa powers ko lalong-lalo na kay Jared!”matatag na sabi ni Eros na itinaas pa ang mukha nito sa cupid na kaharap. “Hanggang kailan sa tingin mo magkakaroon ng bisa ang kapangyarihan mo sa mundong binuo mo kay Jared. Take note may hangganan pa rin ang kapangyarihan mo Eros.”naiiling nitong sabi na panay ang sipat sa mga kuko nito. Napasmirk naman si Eros at nag-umpisang maglakad ang mga walang sapin na paa papunta sa duluang bahagi ng ulap. Tanaw-tanaw niya sa lagusan ang mundo ng mga tao. “Basta! Makikita mo, I have big faith to Jared. Never akong magsisisi na siya ang pinili ko para kay Monette kahit na ang totoo’y si Brix talaga ang lalaking nakalaan sa dalaga.”bulong ni Eros. Mabilis na siyang tumalon, kasabay ng pagpapalit niyang muli ng anyo. . . ~~~~~~ “Congratulations Jared!”Sabay-sabay na bati ng mga katrabaho niya sa kumpaniya. Maging ang mga big boss niya’y naroon at tila nakikisaya sa naging achievement ng binata. “You did a great job Mr. Lopez! Because of that I will give you the promotion that your waiting for this past Six years in company. You will have the chance to work abroad, free lodging and other necessities. Plus the other bonuses with in a month. . .”masayang anunsiyo ni Mr. Black na boss niya. Parang gustong sumabog ang ulo ni Jared sa narinig, actually matagal na niyang gustong makapagtrabaho sa ibang bansa. Para sa binata’y ibang klaseng experience na iyon sa katulad niyang hindi pa naman nagtatagal sa isang kilalang kumpaniya rito sa lungsod ng Maynila. “So ano, i-schedule na natin ang pagflight mo next week maliwanag na ba Mr.Lopez,”agaw pansin nito sa binata na abala sa pakikipag-kamay sa mga katrabaho. Biglang natigilan si Jared at agad na hinarap ang boss nito. “E-Excuse me sir, d-did you say next week?”nauutal na pagtatama ni Jared sa amo. “Yes! Sa madaling panahon ay ihanda mo na ang mga kakailanganin mo sa pag-alis, no more but’s okay. . .”wika pa nito na tinapik-tapik pa sa balikat si Jared na tuluyang natigilan. Unti-unti na rin nagsibalikan ang mga empleyado sa kani-kanilang mga gawain sa araw na iyon. Biglang napapiksi si Jared ng makarinig siya ng malakas na pagtikhim mula sa kaniyang likuran upang tuluyan siyang lumingon doon. “Ikaw na naman, bakit andito ka na naman taba!”Inis na wika nito kay Eros na palapit sa direksyon niya. Hindi niya masiyadong linakasan ang boses baka may makapansin pa sa kaniya at pagmulan pa iyon ng usapin sa opisina. Na ang isang tulad niya’y nakikipag-usap sa isang nilalang na hindi nakikita ng iba kung ‘di siya lang. Tila ba biglang sinakop ni Eros ang buong espasyo dahil sa laki ng katawan nito. “Ganiyan ba ang pagsalubong mo sa isang nilalang na may katangi-tanging charm at kakaibang ganda ng katawan.”Sabay niyon ang pag poise nito na parang pinapakita sa binata ang mga muscle nito sa braso. “Tigilan mo nga iyan nakakasuka kang tignan!”Suway ni Jared. Tuluyan na itong naupo sa swivel at binuksan ang laptop na nasa harapan nito. “Funny! Pero maiba tayo Jared, bakit pumayag ka na tanggapin ang promotion?”tanong ni Eros matapos nitong maupo sa leather sofa sa office niya. May sarili kasing opisina ang binata, makalipas ang dalawang taon na pagtratrabaho ni Jared sa kumpaniya ay binigyan na siya ng boss niya ng sariling office sa kumpaniya. “Kailangan ko pa bang sagutin iyan Eros, siyempre once a lifetime experience lang iyon. Alangan ayawan ko pa. . .”Walang anu-ano’y sabi ng binata. “Your unbelievable human! Hindi mo man lang ba inisip si Monette? My gosh Jared ganiyan mo na ba sinasamba ang pera!”Hindi makapaniwalang sambit ni Eros na naiiling pa. Nagulat si Jared sa biglaang pagtaas ng boses ng kaharap. Kahit paano ay kinabahan siya, dahil pagbabaliktarin man ang mundo ay hindi pangkaraniwaang nilalang ang kaharap. Sa totoo lang ay nagresearch na siya noong isang araw ng tungkol kay Eros. Napag-alaman niyang isa itong cupid, bukod tanging nilalang na may alam sa mga taong inilaan sa isa’t isa. Kung ano man ang pakay nito sa buhay nila ng nobya niya ay wala na siyang pakialam doon. “Ano tatahimik ka na lang ba diyan? C’mon Jared tumatakbo ang oras. Ilang beses na kitang pinagbigyan ngunit sadiyang napakatigas mo. Masiyado kang mapride! Mabuti sana kung nakakain iyan, pero hindi!”patuloy na pangangaral ni Eros na naiiling pa. “Pwedi ba umalis ka na lamang sa harapan kong damulag ka, panira ka sa araw ko eh!” Isang naaliw na halakhak ang pumailanlang sa buong silid na kinaroroonan nila. “Sige ba, sinabi mo iyan huh! Walang sisihan kapag nagkataon. . .”nasabi pa ni Eros bago ito unti-unting naglaho sa harap ni Jared. Akma siyang babalik sa ginagawa ng isang katok ang umagaw sa pansin ng binata. Nagulat pa siya na ang ina ang humahangos na pumasok sa loob ng opisina niya. “Iho s-si Monette!”Humahaguhol nitong sabi. Bigla ang kabang bumangon sa dibdib ni Jared ng mga oras na iyon. Hindi na nag-abalang kausapin pa nito ang ina, dali-dali na siyang lumabas ng opisina para mapuntahan si Monette. PARANG pinagbagsakan ng langit at lupa ng mga sandaling iyon si Jared. “Time of death 12:30 p.m.”anang ng mangagamot. Kitang-kita niya kasi sa salamin na nakapagitan sa silid ng nobya at sa labas, ang tuluyang pagtatakip ng putting kumot rito ng Doctor. “H-Hindi! Monette! No!please don’t leave me love!”Hiyaw ni Jared. Hindi na nito namalayan na naglakad na ito papasok at hinawi ang mga hospital staff na nakapalibot sa kama ng nobya. Agad niyang hinila ang putting kumot na tumatakip sa katawan ng dalaga. “Bakit niyo siya tinakpan, dahil sa ginagawa niyo ay baka mahirapan makahinga ang girlfriend ko,”nanginginig niyang bigkas. Unti-unting namuo sa magkabilang mata niya ang luha, tuluyang bumagsak iyon. Hanggang sa hindi na niya mapigilan ang sarili. Dahil hindi na nga humihinga si Monette. “Monette! B-Bakit mo naman ako iniwan! Bakit! Paano na tayo, m-magpapakasal pa ta’yo diba? Mahal na mahal kita love please gumising ka. . . pakiusap!”Naghihinagpis na saad ng binata. Wala na itong pakialam kahit ano pang isipin ng ibang tao sa kaniya. Sobra siyang nasasaktan sa pagkawala ni Monette. Sa mga oras na iyon ay parang gusto na lamang niyang sumunod sa nobya! “T-Tahan na anak, okay lang iyan hindi magugustuhan ni Monette kapag nakikita ka niyang nahihirapan. Magpakatatag ka!”Pampalubag ng loob na sabi ng Mama ni Jared. Hinagod-hagod pa nito ang likuran ng binata na patuloy lamang sa mabigat na pagluha. “Hindi Ma! Ang sakit! Kasalanan ko kung bakit siya namatay! Dapat ako na lang kasi!” Ngayon narealize ni Jared ang mga pagkakamali niya sa relasyon nila ng nobya. Na naging makasarili siya, hindi man lang niya inisip kung ano ang makakabuti rito. “Wala akong kuwentang boyfriend iyon ang totoo!”Sigaw ni Jared. Tuluyan itong napaluhod sa lapag. Pinagsusuntok niya ang semento sa labis na hinagpis. Hanggang sa tuluyan dumilim ang buong paligid. Tanging si Monette na nasa kama at siya ang nabibigyan ng liwanag ng mga sandaling iyon. Kahit naguguluhan ay unti-unting napatayo si Jared. Mula sa tabi ng kama ni Monette ay lumitaw si Eros. “Ngayon kailangan mo na ba ng tulong ko Jared?” “Oo please, buhayin mo lamang si Monette. G-Gagawin ko ang lahat, kaya pakiusap Eros maawa ka sa mahal ko. . . “nakikiusap na anas ni Jared sa harap nito. “Okay! Hindi naman ako ganoon kahirap pakiusapan eh. Pero sa isang kondisyon ginoo,”malumanay nitong sabi. “A-Ano iyon?” “Simple lang Jared, bubuhayin ko siya pero buburahin ko ang lahat ng alaala mo sa kaniya." Hindi agad nakaimik si Jared, may bahagi ng pagkatao niya na ayaw pumayag sa ibinigay na kondisyon ni Eros. Kaya nag-alangan siyang sagutin ito. Isang pitik ang ginawa ni Eros kaya upang mapabalik ang pansin ng binata rito. “Time is running, pinakaayaw ko ay pinaghihintay ako!”Tumataas-taas pa ang kilay nito. Mariin ipinikit ng binata ang mga mata. Kasabay ng pagsagot niya. “S-Sige pumapayag ako E-Eros, basta makita kong buhay siya. . .”tila may bikig sa lalamunan na usal ni Jared. Bigla-bigla ay may bumaba na putting liwanag mula sa itaas papunta sa katawan ni Monette. Hanggang isang putting kalapati ang magaslaw na lumipad paibaba rito. Matapos na makalapag iyon ay tuluyan binalot ng nakakasilaw na liwanag ang buong paligid pagkatapos.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD