AGAD ang pagmulat ni Jared ng mga sandaling iyon, kinusot-kusot pa niya ang mga mata.
Marahan niyang inilibot ang tingin sa buong paligid. Kasalukuyan siyang nasa function room sa kanilang kumpaniya ng mga sandaling iyon.
Napatayo at bigla niyang ipinihit ang sarili ng biglang may mabunggo siyang babae.
“Oh I’m sorry!”Agad na paghingi ng sorry ni Jared.
“It’s okay Mr. Lopez, siya nga pala bakit andito ka pa? Kanina pa tapos ang general meeting diba?”Nagtatakang usisa nito sa binata.
“G-Ganoon ba, siya nga pala s-sino ka ba? Bago ka lang ba rito?”Balik-tanong niya.
“Huh! Ano ka ba Jared, nabagok ka ba? O prina-prank mo na naman ako hmmm, si Nicole ito ano! Ako lang naman ang babaeng niligawan mo!”natatawang kantiyaw nito kay Jared na titig na titig sa kaniya.
Akma siyang hahawakan nito sa braso ng mabilis na itinaas ng binata ang kamay sa ere.
“Pwedi ba Miss, hindi ka nakakatawa. Ikaw yata itong nagpra-prank sa akin, I have a girlfriend and her name is Monette Del Gado.”kasabay ng pagbigkas niya ng mga katagang iyon ay dali-dali na niyang iniwan ito.
Mabilis siyang nagpunta sa office niya at kinuha ang briefcase niya. Hindi pa dismissal hour sa hapon na iyon ngunit wala siyang pakialam, desido siyang magpunta sa alam niyang matatagpuan ang nobya.
ILANG minuto rin naghintay si Jared sa labas ng Lincoln Textile Company. Kung saan nagtratrabaho si Monette, kung hindi lamang siya pinigilan ng nakatokang security roon ay kanina pa siya nakapasok sa loob.
Hindi kasi ito naniniwala sa alabi niyang may kilala siyang tao na kikitain niya sa building. Nang pilit siyang kinuhanan ng appointment ay wala siyang maibigay. Kaya upang tuluyan siya nitong hindi pinayagan na makapasok.
Agad ang pag-angat ng ulo ni Jared ng makita ang bulto ni Monette.
“L-Love? M-Monette.”halos hindi makapaniwala si Jared sa nakikita. Kitang-kita niya ang nobya na buhay na buhay mula sa ‘di kalayuan.
Katulad ng dati’y napakaganda nito.
Wala sa sariling naglakad ito palapit sa dalaga. Hindi na nagdalawang-isip si Jared na kuhanin ang pansin ng nobya.
“H-Hai Monette! Kumusta ka?”Tanong niya ng tuluyan siyang makalapit sa tabi nito. Agad nalanghap ng binata ang paboritong pabango ng babae na lagi niyang binibili rito.
Agad ang pagbaling ng maamong mukha ng babae, ngunit hindi katulad ng inaasahan ni Jared ang magiging reaksyon nito.
“S-Sorry? Kinakausap mo ako mister?”takang tanong ng dalaga.
“Yes, h-hindi mo ba ako naalala?”tila may bikig sa lalamunan ng binata matapos na masabi iyon.
Tinitigan naman siya ni Monette mula ulo hanggang paa.
“Pasensiya ka na kuya pero hindi kita kilala,”bigkas nito, pagkatapos ay nagmadali na itong naglakad sa pumarada na puting Van sa harap nila.
Agad nakilala ni Jared si Mang Dencio.
“Monette! Monette! Tanungin mo si Mang Dencio, tiyak kong kilala niya ako!”Habol ng binata.
“Kilala mo ba siya manong?”diretsang tanong ng dalaga.
Agad naman nailing ang matanda.
“Pwedi ba mister kung wala kang magawa sa sarili mong buhay ay huwag mo akong idinadamay. You see busy akong tao!”Inirapan pa siya nito. Akmang sasakay ito sa binuksang pinto ng drayber nito ng mabilis na hinagip ni Jared ang braso ng babae..
“Please Monette makinig ka naman sa akin oh! S-Si Jared ito nobyo mo. Tignan mo itong suot kong relo i-ikaw pa nga ang nagbigay nito sa akin remember noong graduation ko sa college . . .”patuloy na pamimilit ng binata.
Agad iwinaksi ng dalaga ang kamay ni Jared na humahawak sa braso niya.
“Hey! Stop that! Are you crazy! I don’t know you! Sige kapag nagpilit ka pa, ipapapulis na kita!”pagbabanta ni Monette kasabay ng mabilis nitong pagpanhik pasakay sa loob ng Van. Mabilis din isinara iyon ng dalaga.
“No Monette! Please just listen to me love!”patuloy na pagsusumamo at pagkalampag ni Jared sa saradong pinto ng Van.
Wala ng nagawa ang binata ng umandar iyon at tuluyan nakaalis sa harapan niya. Balak pa sanang habulin ng binata iyon ngunit hindi na niya itinuloy, dahil pinagtitinginan na kasi siya ng ibang empleyado.
Yuko ang ulo na bumalik sa loob ng kotse niya si Jared.
Iniyukyok niya ang ulo sa manibela, kasabay ng tuluyan paglandas ng masaganang luha sa pisngi niya.
“f**k! This life!”mura ng binata.
“I told you Jared, mawawala ang lahat ng alaala mo kay Monette. My cupid’s power never failed me didn’t told yah!”maarteng wika ni Eros na nasa likuran bahagi ng kaniyang sasakiyan. Agad tinitigan ng binata ito sa pamamagitan ng rearview mirror sa itaas ng kotse niya.
“Ganoon ka na ba kasama huh Eros! Nasa rule ba ng pagiging cupid mo ang manakit ng damdamin ng isang nilalang na katulad ko na nagmamahal lang naman!”Nagdadamdam na hinaing niya rito.
“Heep! Huwag mong isisisi sa akin ang pagkakamali na ikaw naman talaga ang may kagagawan. Come to think of it Mr. Lopez, diba in the first place ay ikaw naman itong sumira sa relasyon niyo ng nobya mo. Hindi mo binigyan ng importansya ang relasyon na meron kayo ng nariyan pa siya.You always taking her for granted, kaya pagdusaan mo ang consequence ng ginawa mong pagpapabaya sa kaniya. For now, goodbye Jared!”
Kasabay niyon ang tuluyang paglalaho nito mula sa kinauupuan nito.
Naikuyom na lamang ni Jared ang mga kamao at patuloy niyang pinaghahampas ang manibela.
KINABUKASAN ay muling bumalik si Jared sa harap ng building ng pinatratrabahuhan ni Monette. Sa mga sandaling iyon ay may dala-dala siyang putting rosas ng boqouet at chocolates na lagi niyang ibinibigay dati rito.
Agad lumiwanag ang mukha ng binata ng makita niya sa entrada ang paglabas ng dalaga. Kasalukuyan pa itong nakikipagpaalamanan sa mga kapuwa kaopisina nito.
Kitang-kita niya ang dalawang biloy nito sa pisngi, ang makikislap nitong mata.
Parang may mabigat na bagay na rumaan sa dibdib ni Jared ng mga sandaling iyon.
Naisip niya, kailan ba niya ulit huling nakita na ganoon kasaya ang nobya. Three years ago? Five years? Sa totoo lang, hindi na niya maalala.
Babalik na sana si Jared sa loob ng kotse niya ng mahagip niya ang paglabas ni Brix at ang ginawa nitong pag-akbay sa nobya niya.
Tuluyan nilukuban ng panibugho ang puso ng binata.
“How daire you to touch my girlfriend!”naghuhumerentado niyang sigaw matapos niyang suntukin sa panga si Brix.
Nagsisigaw naman si Monette na halatang nagulat sa nangyari.
“Ikaw na naman! Diba’t sinabi kong hindi kilala at hindi mo ako girlfriend!”hysterical na sabi ni Monette.
“L-Listen to me l-love, maaalala mo rin ako I swear pero maniwala ka naman owh! Magkarelasyon tayo! Please listen to your heart not what your seeing!”Naghihinagpis na saad ni Jared.
Ang sakit-sakit sa loob ng binata na para siyang estrangherong itinataboy ng pinakamamahal niyang babae!
“Pwedi ba, umalis ka na lamang. Tigilan mo ang pageeskandalo rito. I can sue you for that!” Banta ni Brix na nagpupunas na ng dugong pumuslit sa gilid ng bibig nito.
“O-Okay ka lang?”Nag-aalalang sabi ni Monette sabay haplos sa pisngi ni Brix.
Kitang-kita iyon ni Jared, tuluyan na siyang tumalikod sa mga ito. Hindi niya kayang tumagal sa harap ng dalawa. Parang pinipilas ang puso niya!
Hindi niya matanggap na sa isang iglap ay tuluyang nawala sa kaniya ang babaeng pinakamamahal. Mas masakit na hindi na nga siya nito maalala ay mukha pa itong nahuhulog sa lalaking karibal niya lang naman sa pagmamahal rito!
“Kung may pagkakataon lang ako, kahit isang beses lang Eros! Pakiusap! Pagbigyan mo ako na sana--- maibalik ko pa sa dati ang lahat sa amin ni Monette. . .”usal ni Jared.
Hindi niya alam kung naririnig siya ni Eros. Naghintay siyang lumitaw ito, ngunit nabigo siya. Dahil lumipas ang magdamag na hindi ito nagpakita sa kaniya.