CHAPTER SIXTEEN

1075 Words
DUMAAN ang ilang araw, linggo at Buwan na lagi lamang sumusubaybay si Jared sa dalaga. Tuwing break time niya ay sinusundan niya ng palihim sakay ng itim niyang toyata ang pinupuntahan ng nobya. Tila naging instant stalker siya ng dalaga, sa totoo lang ay unti-unti ay natutunan na rin niyang tanggapin mula sa sarili na hindi talaga sila para sa isa’t isa nito. Ngunit may isang bahagi pa rin ng pagkatao niyang umaasa na balang-araw ay babalik sa dati ang lahat sa kanila ni Monette. Kabababa lamang ni Jared sa mga sandaling iyon sa sasakiyan niya nang sinalubong siya ng ina. “Saan ka galing iho, siya nga pala napatawag ang boss mo. Tinatanong niya kung bakit hindi ka raw nakapasok ngayong araw. Saka ‘nak, sabi pa niya padalas ng padalas ang pag-aabsent mo. Ano ba talaga ang problema?”Nag-aalalang salubong sa kaniya ni Aleng Clemencia. Pilit naman nangiti ang binata at inakbayan ang mama niya. Sinabayan na niya itong pumasok sa loob ng bahay nila. “Walang problema Ma, may mga inasikaso lang ako. Kaya napapadalas ang pag-absent ko.”nasabi na lamang ni Jared. Sa totoo lang ay walang lakas ng loob ang binata na sabihin kanino man ang tungkol kay Monette. Dahil pares ng dalaga ay wala na rin naman maalala ang pamilya niya ng tungkol sa naging relasyon nila ng nobya. Masakit sa kaniya na tila alikabok lamang sa hangin na biglang naglaho ang lahat ng pinagsamahan nila ng nobya. Hindi niya aakalain na sobrang napakasakit na nauwi sa wala ang lahat-lahat. “Jared, alam ko kung kailan ka may problema. Kaya sige na magsabi ka na anak, Mama mo ako kaya maiintindihan kita. . . “pangungumbinsi pa ni Aleng Clemencia. Tuluyan na niyang ibinigay sa ina ang coat niya. Itinabi na lamang niya sa gilid ang sapatos niya. Nahahapong naupo sa may sofa ang binata, tuluyan niyang isinandig ang likurang bahagi roon. Hinilot-hilot niya ang ulo dahil kanina pa kumikirot iyon. Ilang araw na rin kasi siyang puyat. Paano ba naman kasi noong isang gabi ay napaginipan niya si Monette. Umiiyak raw ito, habang kinakausap siya. Sa panaginip niya’y ramdam niyang mahal na mahal siya ng nobya. Dahil sa panaginip na iyon ay tila ayaw na niyang gumising. Para kasing totoong-totoo, ngunit alam niyang malabong mangyari iyon. “H-Hindi ko alam Mama, p-pero hanggang ngayon ay mahal na mahal ko pa rin si Monette,”taimtim niyang amin sa ina. “M-Monette? Sino ba ang babaeng iyan at bakit ka nagkakaganiyan. Pero base sa pagkakabanggit mo sa pangalan niya’y malalim nga ang tama mo sa kaniya.” “Nobya ko siya Ma--- basta! Siya ang dahilan ko, kung bakit po ako patuloy na nabubuhay sa mundong ito.”madamdamin niyang bigkas. “Bakit iho, nasaan ba ang babaeng ito. Bakit hindi mo siya ipakilala sa amin ng Papa mo. . .” “Paano ko gagawin iyon Mama, h-hindi ko alam kung gugustuhin pa niya akong makita. Iniisip niya na nababaliw na ako dahil sa mga pinagsasabi ko. Pero iyon talaga kasi ang totoo na girlfriend ko siya.”Titig na titig niyang sabi sa ina. “Iho, huwag kang mawalan ng pag-asa ipagdasal mo na lumambot ang puso ng babaeng sinisinta mo. Tiyak didinggin ng panginoon iyan,”puno ng pag-asa na bigkas ng ginang. Napangiti naman si Jared. “Labis kong ikatutuwa na muli akong pansinin ng isang Monette Del Gado kapag nangyari iyon. Sana nga magdilang anghel ka Mama.”nakangising sabi ng binata. “Teka mukhang pamilyar ang pangalan ng binanggit mo, ah oo! Nakita ko na siya sa isang commercial add sa telebisyon noong isang araw. Napakaganda naman talaga ng tipo mong babae anak!”Galak na banggit ng ina. “Sige Ma, aakiyat na muna ako sa silid ko.”paalam ng binata, humalik muna ito sa pisngi ni Aleng Clemencia bago tuluyan tumayo sa tabi nito. Sinundan na lamang siya ng naawang tingin ng ginang. . . SA mga sandaling iyon ay sinusundan na naman ni Jared si Monette. Kasalukuyan itong nakasakay sa Van ng mga ito. Hanggang sa pumasok sa isang sikat na beach resort iyon. Nang tumigil ang kinalululan na sasakiyan ni Monette ay nagmadali na rin bumaba si Jared. Patuloy lamang siya sa pagsunod dito. Kitang-kita ng binata ang maraming tao, ang ilan ay mga pangalan na masasabi sa lipunan nila. Natigil lamang siya sa pagsunod dito ng may dalawang lalaki na nakauniporme na humarang sa daraanan nila. “Hey! May sinusundan akong babae! Let me go!”Mariin sigaw ni Jared. “Pasensiya na boss, pero utos po sa amin na huwag po lalagpas sa line.”sagot sa kaniya nito. “Bakit ano bang meron?”Tanong ng binata na panay ang linga niya sa harapan. Nag-umpisa nang pinagkukuhanan ng mga taong nasa media sina Monette, nasa paanan naman nito si Brix na nakaluhod sa harapan ng babae. May tangan itong box na sa tingin niya’y naglalaman ng isang singsing na hindi biro ang halaga. “Will you Marry me Monette Del Gado?”Umaasam na tanong ni Brix mula sa mikropono na tangan nito kaya dinig-dinig ng lahat ang sinabi nito. Si Monette naman ay napatakip ng palad sa bibig. Tila hindi ito makapaniwala, nangingislap ang mga mata na tumango ang babae. “Yes! Yes! Brix!”Sagot ni Monette. “T-Thank you darling! I’ll promise, you will gonna the most happiest wife in this world!”Puno ng pangangakong salita ni Brix. Isang mahigpit na yakap ang namagitan sa dalawa, makalipas ang ilang sandali. Sabay-sabay na nagpalak-pakan ang mga taong nakasaksi sa sweet moment ng dalawa. Maliban lamang kay Jared na tuluyan nang naestatwa sa mga oras na iyon. Nanatili siyang nakatayo doon, wala siyang nagawa para pigilan ang pagpro-prose ng kasal ni Brix kay Monette. Para saan pa, bale-wala rin naman iyon dahil matagal ng tapos ang lahat sa kanila ni Monette. Kitang-kita ng binata ang napakatamis na ngiti sa labi ng pinakamamahal niyang babae. Kung paano ito alalayan ni Brix ng mga sandaling iyon. Na mukhang nakalimutan niyang gawin sa lumipas na taon na sila pa ang nagmamahalan ni Monette. Ngayon niya lang narealize na ang dami pala niyang pagkukulang sa relasyon nila ng nobya na tila ngayon ay ipinapamukha na sa kaniya. Yuko ang ulo na tumalikod na si Jared, hindi na niya namalayan na tuluyang nagsitulo ang mga luha na hindi na niya napigilan. Sa pagtalikod niyang iyon ay nahagip naman siya ni Monette. Nasa mukha nito ang pagtataka at lungkot na rumaan saglit sa maganda nitong mukha.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD