CHAPTER SEVENTEEN

1203 Words
NANATILI lamang na nakahiga sa malambot niyang kama si Jared. Wala siyang kagana-gana sa mga oras na iyon. Ano bang bago, sa lumipas na araw ay nagkukulong na lamang siya sa sariling silid. Walang kinakausap, kinakatok lamang siya ng mga magulang kapag kakain na. Magkagayunman ay nawalan ng sigla sa lahat ng bagay ang binata. Tila may isang bahagi ng pagkatao niya ang tuluyang naiwala niya. Isang marahan pagkatok ang nadinig ni Jared mula sa pinto niya. “Kuya Jared! May bisita ka!”pagtawag sa kaniya ni Jhyruz mula sa labas ng nakasaradong pinto. “Pwedi ba ayaw kong tumanggap ng bisita ngayon. Kaya paalisin mo na!”Hiyaw ni Jared. Tuluyan siyang nagtalukbong ng kumot. Muli sanang sisigaw si Jared, dahil rinig niya ang pagbukas ng kaniyang pinto. Agad ang pagbangon nito. “Hindi ba’t kasasabi ko lang na---” Ngunit nabitin iyon sa lalamunan ni Jared nang makita niya sa mismong bungad ng pintuan niya si Monette. May bahid ng manipis na ngiti ang labi nito. Wala sa sariling napatayo sa kama ang binata. “I-Ikaw ba iyan, l-love?”Tila may bikig sa lalamunan na sambit ni Jared. Akma na niyang hahawakan sa mukha si Monette nang umiwas ito. “Ahmmm! Ang mabuti pa’y magbihis ka muna. Hihintayin na lamang kita sa ibaba. . .”pamaalam sa kaniya nito. Kitang-kita ni Jared ang pamumula ng magkabilang pisngi ng babae. Nang makatalikod ito’y doon lamang naalala ni Jared na tanging boxer short lang ang suot-suot niya sa mga sandaling iyon. Naiiling na lamang niya ang ulo, mabilis na siyang dumampot sa kabinet niya ng maong pants at shirt. Agad siyang nagsuklay ng buhok saka ito dali-daling pumanaog. Kitang-kita ng binata kung gaano kagiliwan ng pamilya niya si Monette na nakaupo sa pang-isahan na sofa. Parang dati, noong masaya pa sila. Noong wala pang kumplikasyon ang relasyon nila. Napaiwas ang pansin ni Jared ng tapunan siya ni Monette ng tingin at agad nang tumayo. “Sige po, aalis na muna ho kami ng binata niyo. Huwag kayong mag-aalala dahil ibabalik ko ho siya rito ng buo!”may halong biro ang mga katagang nasabi ni Monette. “Sige iha, mag-ingat ka lang dahil matinik ang binata ko sa babae.Baka ikaw itong hindi makauwi ng buo niyan!”Pilyong sagot din ng ama niya. “Pa! h-huwag kang maniwala diyan Monette. G-Goodboy yata ako!”agad niyang sabi. Sa isip niya’y baka maniwala ito ay hindi na sila matuloy. “Ano ka ba anak, binibiro ko lang itong si Monette", nakakalukong sagot sa kaniya ni Mang Ramil. Gustong matawa ni Jared ng mapansin niyang namumula si Monette. “Siya nga pala anak, heto baunin niyo; nagluto ako ng adobong manok. Diba’t lagi mong sinasabi sa akin na paborito iyan ni Monette?”sabad naman ni Aleng Clemencia. “Oo tama po kayo, tiyak magugustuhan mo ito love. . .” Tumango-tango naman si Monette habang nagpapasalamat sa Mama ni Jared. “Sige po aalis na kami. . .”wika ni Jared. Kasabay niyon ang masuyong paghawak nito sa nakaladlad na kamay ni Monette. Isang maluwang na ngiti ang umubabaw sa labi ni Jared ng hindi man lang nagreact si Monette. Pakiramdam niya’y tila tuluyan tinupad ni Eros ang huling hiling niya dati, na sana kahit isang beses ay muling ibalik nito ang dating sila ni Monette. Inalalayan na niya ang dalaga pasakay sa kaniyang itim na toyota. “Wear your seltbelt love.”malumanay na wika ni Jared. “Okay thanks!”magiliw na sagot naman ni Monette. Kaya lalong binalot ng masiglang aura ang binata. Masayang-masaya naman na kinawayan ni Jared ang mga magulang at mga kapatid. Tila natutuwa rin ang mga ito sa nakikitang kasiyahan sa kaniya. Halos magkakalahating oras din ang naging biyahe nila. Sa lumipas na sandali ay naging tahimik lamang sila. Hanggang sa tuluyan silang nakarating sa kanilang tagpuan. “Wow! Ang ganda naman dito Jared!”Natutuwang sambit ng dalaga. Lumanghap ito ng sariwang hangin at saka nagpaikot-ikot. Pinagmasdan naman siya ni Jared nanatiling nakasandig sa kotse niya ito, may matamis na ngiting hindi na yata mapuknat-puknat. “Ay!”Tili ni Monette. Kung hindi naging maagap si Jared ay tiyak niyang natumba na sa lupa ito. Pero parehas pa rin naman silang bumagsak ang kaibahan lamang ay payakap na nakadapa kay Jared si Monette, habang ang likuran ni Jared ang siyang sumalampak sa damuhan. Tawang-tawa naman si Monette, ngunit ng mapansin niyang hindi na umiimik ang binata at nanatiling nakatitig na lamang sa kaniya ay tila biglang nahiya ito. “S-Sorry! Dahil sa akin nadumihan ang damit mo,”pagpapumanhin ni Monette habang dahan-dahan silang tumayo na dalawa. “Okay lang love, b-basta ikaw.”tanging naisagot ni Jared na hinuli ang kamay ni Monette na patuloy sa pagpag sa shirt niya. Isang halik ang iginawad nito sa likuran palad ng babae. “D-Doon tayo sa puno ng mangga, mukhang magandang maupo roon. . .”agad na yakag ni Monette na pasimpleng kinuha ang kamay niyang hawak-hawak ng binata na natigilan. Sumunod naman si Jared, ngunit ang sigla nito’y tila tuluyan naglaho. “Talagang napakaganda naman dito ano Jared, lagi ka ba rito?”Tanong ni Monette sa binata. “Oo, dati noong okay pa tayo. . .”usal ni Jared na sa papalubog na araw nakatingin. “I mean paano mo ba nasasabi na tayo Jared. Kasi ang totoo ay hindi talaga kita matandaan . . .” “Kailangan ko pa bang ipaliwanag sa’yo ang lahat, kung sa huli’y hindi ka rin babalik sa akin Monette.”tila may bikig sa lalamunan na nasabi niya iyon. Anuman oras ay magbabadiya ang luha sa mga mata ng binata. Dahil paikut-ikotin man yata ang mundo ay wala ng mababago. Kaninang hinalikan niya ang palad ni Monette ay kitang-kita pa rin naman niya ang sing-sing na bigay ni Brix rito noong nagpro-proise ito sa resort. “Atleast a-alam ko, akala mo lang ay hindi kita naiintindihan Jared. Nang tumawag si Tita Clemencia sa akin at ipinaliwanag niya ang kalagayan mo sa akin. Dahil sa car accident kaya ka nakakaranas ng ganito. Don’t worry lagi naman akong nandito para makinig sa’yo kapag kinakailangan mo ng kausap. . . “si Monette. Agad binalingan ng binata ang maamong mukha ng dalaga. Kasabay niyon ang pagtulo ng luha nito. Masuyong niyang hinimas ang pisngi ng babae. Pinagmasdan na niya ng maigi ito, tila kinabisado na niya ang bawat detalye ng mukha ng nobya. “Salamat Monette sa pagsama mo sa akin dito, marahil ito na ang huling pagkikita natin dahil pipilitin kong ipagpatuloy ang buhay ko k-kahit na wala ka na sa tabi ko love. . . “madamdamin na anas ni Jared. “Salamat kung ganoon Jared atleast kahit paano ay hindi na mag-aalala ang pamilya mo na baka may gawing kang hindi maganda sa sarili mo,”nakangiting bigkas ni Monette. “Sa huling pagkakataon sana mapagbigyan mo akong mayakap ka.” “Sure Jared,”tugon naman nito. Si Monette na ang kusang yumakap sa binata. Isang masuyong halik sa bumbunan ang ginawa ni Jared sa babaeng pinakamamahal niya. “Mag-iingat ka lagi, I wish all the best for you sa magiging buhay mo sakali sa piling ni Brix. Mahal na mahal kita Monette, masakit man ay ipinapaubaya na kita.” Iyon ang huling paglubog ng silahis ng araw na nakasama niya si Monette sa burol. Babaunin niya ito sa kaniyang alaala . . .
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD