"Doc, ang anak namin?" nababahala kong tanong sa kalalabas lang na doktor. Hawak-hawak ni Romir ang kamay ko habang nasa likod namin ang mga barkada namin. Nakatanggap ng tawag si Manang Minda galing sa teacher ni Rovi at ayon dito, bigla na lang daw nagsusuka ang anak ko at sumasakit ang right upper abdomen nito at hindi nito kinaya kaya dinala nila kaagad ang anak ko sa hospital. Pagdating namin ay naghintay pa kami ng ilang sandali bago pa lumabas ang doktor na nag-asikaso sa kanya. "Doc, kumusta ang anak ko?" tanong naman ni Romir. Lalo akong kinabahan nang ibang facial expression ang nakikita ko sa mukha ng kaharap naming doktor. "He has a acute liver failure." Napatda ako sa narinig pati ang mga kaibigan naming nasa likuran namin, nakikinig lang ay nagulat rin sa sinabi ng doktor.

