"Rovi...is my illegitimate son." Umugong ang loob ng room kung saan hineld ni Mama Cathy ang isang press conference para tuluyan nang matuldukan ang mga kumakalat na balita tungkol sa anak kong si Rovi. Kasalukuyan akong napaupo sa tabi ng asawa ko habang nasa harapan namin ang mga reporters na inimbitahan nina Mama. "The information you've got about my son was accurate. He is not my biological son but there's one thing that I want you to know, I love my son. I love him," dagdag pa niya habang ako nanatiling tahimik at kinakabahan. This is my first time to face the crowd na may mga camera pang kanya-kanya sa pagpa-flash. Sa kabilang kwarto naman ay malaya kaming pinapanood nina Mama Cathy at Lola Rosalinda with all their shareholders through the monitor. "Rovi is one of the sources

