"Vence? Vence, wake up." Nagising ang diwa ko nang biglang may yumugyog sa balikat ko habang tinatawag niya ang pangalan ko. Napamulat ako ng mga mata at ang mukha ni Romir ang una kong nakita. Bumangon ako at umupo sa kama. "Sabi ni Manang, hindi ka raw kumain," aniya habang nakatingin siya sa akin at nakaupo na rin siya sa gilid ng kama na malapit lang sa akin. Nang maalala ko ang eksenang nakita ko ay muli akong napahiga, "Wala akong gana," sabi ko saka ko ibinalot ang kumot sa buo kong katawan pero hinila iyon ni Romir. "Kailangan mong kumain kahit konti lang," sabi pa niya, "...halika na." Hinila niya ako pabangon kaya wala akong nagawa kundi ang mapaupo na lamang sa ibabaw ng kama. "You need to eat," dagdag pa niya. Hindi ako umimik. Hindi ko siya tiningnan. "Kailangang magkala

