"Buti naman at naisipan niyong dalawi kami rito," sabi ni Romir sa tropa na kararating lang sa bahay. Andito na rin sina Anton at Lani. Kumpleto rin ang tropa ni Romir. Weekend kaya walang pasok sa trabaho si Romir. Kasalukuyan silang nasa labas ng bahay, magkaharap na nakaupo habang nasa harapan nila ang isang bilog na mesa. Nasa loob ako ng bahay, nasa kusina kasama sina Anton at Lani pero sa dahil ang lalaki ng mga boses nila'y naririnig namin ang kanilang usapan. "Pasensya ka na, Dude. Na-busy kasi kami ng konti at ngayon lang din kami nakapag-usap para dalawin kayo," sagot naman ni Joey. "Kumusta na nga ba ang buhay may asawa?" tanong naman ni Mark. "Okay lang naman," sagot din ni Romir. Napatingin ako kay Anton nang bigla ba naman niya akong siniko. "Kumusta ang pakikitung

