"Ang ganda mo, Vence," bulalas ni Anton nang madatnan nila ako sa isang dressing room kung saan ako inaayusan ng make-uo artist na kinuha nila para ayusan ako. Si Anton ang kinuha naming bridesmaid at si Clark naman ang bestman at si Lani naman ay isa sa kinuha naming abay. Dali-daling lumapit sa akin si Lani saka niya inilagay sa magkabilang gilid ng mga labi ko ang kanyang hinlalaki at ang kanyang hintuturo na daliri saka niya ito bahagyang itinaas. "Smile," sabi niya habang nasa mga labi niya ang matamis na ngiti. Napilitan akong ngumiti dahil sa kanyang ginawa. Papaano ba ako ngumiti gayong halos, mawasak na ang dibdib ko sa sobrang lakas ng pagkabog ng dibdib ko. Hindi ko ginusto ang kasal na 'to pero ang puso ko nagkakagulo ang pagpintig. Sobrang lakas! "Kinakabahan ang anak ko.

