Nakabalik na sa kani-kanilang katawan sina Clark at Anton, hindi dahil sa true love kiss kundi dahil sa minahal nila ang isa't-isa. Kailangan lang pala nilang aminin 'yon sa kanilang sarili.
Masaya kaming lahat para sa kanila at ngayon masaya silanh dalawa. Naginh maayos ang kanilang relasyon lalo na ang relasyon ng kani-kanilang mga magulang. Sana, magtuloy-tuloy na ito dahil mas magiging masaya kaming lahat kung makikita naming masaya silang dalawa dahil sa wakas, natuldukan na rin ang galit na kinikimkim nila para sa isa't-isa.
Dahil semestral break na, kanya-kanya na ng buhay ang tropa pero andoon pa rin ang gimikan kung minsan at dahil palaki na nang palaki ang tiyan ko, hindi na ako sumasama sa kanilang mga gigs. Gusto ko na rin kasing baguhin ang sarili ko para sa magiging anak ko kahit pa hanggang ngayon, wala pa akong balita sa kanyang ama. Sana, masaya at okay lang siya kahit nasaan man siya ngayon nilagay ng Diyos.
"Kasal niyo na bukas, ready ka na ba?" tanong sa akin ni Anton nang dalawin niya ako kasama si Lani.
Napabuntong-hininga muna ako bago sumagot.
"May magagawa pa ba ako?"
"Dapat maging masaya ka. Minsan tayo ikakasal, so you need to be happy," sabi naman ni Lani. Maayos na talaga ang pormahan niya ngayon, hindi tulad ng dati. Nerd na nerd!
Paminsan-minsan na rin niyang isinusuot ang glasses niya kaya mas nakikita ang gandang taglay ng kanyang mga mata.
"Hindi mo pa sinasabi sa amin ang totoo." Napatingin ako kay Anton sa kanyang sinabi.
"Totoo? Tungkol saan?" kunot-noo kong tanong.
"Sa totoong ama ng anak mo." Natigilan ako sa kanyang sinabi kaya hindi ako nakaimik, "...I'm pretty sure, Romir is not a father of your child," diretsa niyang sabi.
"Yan din ang iniisip ko kasi papaano naging ama si Romir eh, halos hindi naman kayo madalas magkita at magsama. Hindi naman kayo close sa isa't-isa," sabi rin ni Lani na siyang nagpakaba sa akin dahil sa isiping mabibisto na ako ng mga ito ngayon.
"Don't tell..." Nanlalaki ang mga matang napatingin sa akin ang dalawa. Parang nage-gets ko na ang kanilang iniisip, "...is it Ken?" nakaawang ang mga labing tanong ni Lani.
Hindi ko magawang ibuka ang mga bibig ko dahil nahihiya ako sa kanila. Pero, alam ko alam na nila dahil sa pananahimik ko. Ika nga ng iba "silence means yes".
"No way," hindi makapaniwalang bulalas ni Anton.
"How? When? Where?" sunud-sunod na tanong ni Lani at agad naman siyang binatukan ni Anton.
"Aray naman, Anton! Ba't mo'ko binatukan?" tanong niya saka niya kinapa ang bahagi ng kanyang ulo na binatukan ng kaibigan namin.
"Gusto mo yatang i-elaborate ni Vence kung paano siya nabuntis dahil sa tanong mo, eh."
"Sorry naman. Nabigla lang talaga ako," dipensa naman ni Lani sa sarili.
"Eh, ano nga ba talagang nangyari?" baling sa akin ni Anton.
"It was an accident. We were both drank that night and we woke up the next day naked," nakayuko kong sabi sa kanila.
Hindi ko na siguro kailangan pang itago 'to sa kanila dahil alam kong lalabas at lalabas pa rin ang katotohanan.
"Is your pregnancy the reason why Ken left?" tanong ni Lani.
Bahagya akong umiling-iling, "He didn't know about my pregnancy . Kahit ako, nalaman ko lang na buntis ako noong na-hospital ako,"
"Alam ba ni Romir na si Ken ang ama ng anak mo?" tanong sa akin ni Anton.
"Siguro. Ewan. Wala rin kasi siyang binabanggit sa akin tungkol sa ganu'ng bagay," malamig kong sagot.
"Why did he agree to get married with you?" Tanong sa akin ni Anton.
"Sabi niya, ayaw niyang maranasan ng anak ko ang naranasan niya. Ang lumaking walang ama."
"I guess, that's not the main reason."
Napatingin kaming dalawa ni Anton kay Lani.
"What do you mean?" tanong ni Anton.
"May iba pa bang rason maliban du'n?" tanong ko na rin.
"I think so," sagot niya na siyang lalong nagpalito sa akin.
"And what is it?" seryosong tanong ni Anton.
Bahagya pa niyang inilapit ang aming mga mukha sa kanya saka siya sumagot ng pabulaong, "It's love. He loves you," sagot niya na siyang nagpaawang ng bahagya sa aking mga labi.
Dahan-dahan akong umayos sa kakaupo at pasimpleng napatingin ako sa kanilang dalawa at napatingin naman sila sa akin.
"Impossible," maikli kong sabi.
"Look! Hindi mo sasayangin ang oras at atensyon mo sa isang taong hindi mo mahal," dagdag pa ni Lani, "Bakit kayo? Kaya niyo bang magpakasal sa taong hindi mo gusto? Kaya niyo bang isugal ang sarili mong kaligayahan para sa isang taong hindi mo mahal?" sunod-sunod niyang tanong saka niya binalingan si Anton, "...ikaw, Anton. Kaya mo bang magpakasal kay Mark kahit na si Clark naman ang mahal mo?"
"Hindi nuh! Magpapakasal man ako, doon sa taong mahal ko at hindi sa taong hindi ko mahal," litanya naman ni Anton.
"See?" sabi niya Lani saka niya ako binalingan, "...he loves you but he can't tell you about how he feels towards you," dagdag pa niya.
Napaisip ako sa sinabi ni Lani, mahal nga ba talaga ako ni Romir kaya siya magpapakasal sa akin?
"Bakit ba magpapakasal ang dalawang tao?" tanong ko kay Romir nang makapag-usap kami.
"Dahil mahal nila ang isa't-isa," sagot naman niya kaagad.
"Mahal mo ba ako?" diretsa kong tanong sa kanya na siyang nagpaangat sa kanyang mukha at diretso siyang napatingin sa akin pero agad din naman siyang nag-iwas ng tingin.
"Ba't mo tinatanong 'yan?" tanong niya sa akin habang inaabala ang sarili sa ginagawa.
"I just want to know. I just want to know the reason why you'd agreed to get married with me," desperado kong pahayag sa kanya.
"Didn't I tell you about it?" tanong niya habang nakatuon ang kanyang pansin sa kanyang ginagawa.
Naalala ko ang kanyang sinabi noon sa hospital.
"Ba't mo ginawa 'yun?!"
"I just want to help you," nakayuko niyang sagot.
"Help? Sa tingin mo ba nakakatulong ka? Lalo mong pinalala ang sitwasyon, Romir!"
"Hindi mo ba inisip ang magiging resulta? Paano kung ipapakasal ka nila sa akin, anong gagawin mo? Huwag mong sabihing papayag ka."
"Aminin mo sa kanila ang totoo. Ang totoo na hindi mo anak ang dinadala ko."
"Paano ang anak mo? Hahayaan mo lang bang lumaki siyang walang ama?"
"Problema ko na 'yon at labas ka na du'n."
"Mahirap ang lumaking walang ama."
And after all, naaawa lang siya sa anak ko kaya siya pumayag na magpapakasal sa akin. Hindi niya maatim na tingnan ang anak ko na lalaking walang ama dahil for sure, makikita niya ang kanyang sarili sa anak ko kapag nagkataon.
Awa para sa anak ko, para sa bata na hindi niya kaanu-ano, hindi niya kadugo! Magpapakasal siya sa akin dahil doon at wala nang ibang paraan.
"It's love. He loves you." naalala kong sinabi ni Lani.
"He loves you but he can't tell you about how he feels towards you."
Hindi ko napigilan ang aking sarili na mapatitig kay Romir. He didn't love me as what Lani imagined. Ginagawa lang niya ang lahat ng 'to dahil naaawa siya sa aking anak. Ginagawa lang niya 'to dahil gusto niya akong tulungan at ilayo sa mapanghusgang mundo na aking kinabibilangan.
Hindi ba dapat maging masaya ako? Pero, bakit there's a part of me na para bang nadidismaya sa katotohanang pakakasalan lang ako ni Romir dahil sa batang dinadala ko at hindi dahil mahal niya ako?
Siguro, nag-o-over think lang ako. Hindi ko 'to dapat nararamdaman.
Mula sa aking bag, dinukot ko ang isang nakatuping papel at iniabot ko ito sa kanya.
"What is this?" tanong niya saka niya tinanggap.
"Read it and if ever you agreed, sign it," sabi ko sa kanya. Nagtataka man ay binasa pa rin niya ang laman ng papel na iniabot ko sa kanya.
"3 years contract agreement?" nagtataka niyang tanong.
"Exactly," malamig kong sabi.
Yes! It's a contract agreement. Magsasama kami sa loob ng tatlong taon, no touching, no holding, no hugging and most of all, we are not allowed to sleep together. And after 3 years, we will split. We will get divorce. We will go in our separate ways and act like we don't know each other. After 3 years, we will be a stranger to each other.
Hindi ko alam kung ano ang iniisip niya habang binabasa niya ang agrrement na ginawa ko pero ang hindi ko inaasahan ay ang ilatag niya ito sa ibabaw ng mesa at agad na pinirmahan saka niya ito isinauli sa akin.
"Thank you," sabi ko saka ko agad na inilagay sa loob ng bag ko ang papel na iyon at agad ko na siyang nilisan.
Nang nasa labas na ako ng building, muli kong inilabas ang papel na inabot ko kay Romir kanina at nakita ko ang kanyang pirma. The strange feelings na siyang maramdaman ko kanina ay muling nagbabalik.
Bakit ba ako dismayado? Bakit parang may nagdidikta sa akin na hindi ko dapat ginawa ang agreement na 'to. Bakit parang ngsisisi ako?
Hindi ko dapat 'to nadarama. Dapat nga maging masaya ako dahil pumayag kaagad si Romir sa kagustuhan ko.