"Masarap talaga kayong magluto, Tita," nakangiting sabi ni Romir habang tinutulungan niya si Mama sa pagluluto ng hapunan namin.
Pagkatapos kasi ng event sa school, inihatid na naman niya ako sa apartment na tinutuluyan ko at ayun, hindi naman siya kaagad pinakawalan ni Mama. Pakiramdam ko tuloy, ako 'yong kontrabida dahil pilit kong tinataboy palayo si Romir tapos ito si Mama, mukhang naghahanap ng alibi para mapalapit sa akin si Romir.
"Hay, napakabolero mo talaga, Romir," para namang kinikilig na pahayag ni Mama.
Kunwari pa siya, halata namang gustong-gusto niya ang sinabi ni Romir. Pakipot pa kumbaga.
"Totoo po ang sinabi ko, Tita. Sa totoo nga po, namiss ko ang luto ni Mama nang matikman ko ang luto niyo. Matagal-tagal na rin kasing hindi siya nakapagluto para sa amin."
Pasimple akong napatingin kay Romir. Nakikita ko ang lungkot sa kanyang mga mata ng mga oras na 'to.
"Kung ganu'n pala, dapat palagi kang nandito hanggang sa makasal na kayo ni Vence para naman malulutuan kita."
Agad akong nagbawi ng tingin nang biglang tumingin sa akin si Romir.
"Yon po kung papayag si Vence." Narinig kong sabi niya.
"Oh, Vence. Anong masasabi mo?" tanong sa akin ni Mama.
"Bakit, pinagbabawalan ba siyang pumunta rito?" tanong ko kay Mama habang hindi ko man lang sila nilingon at narinig ko na ang pagtawa ni Mama ng mahina.
"Okay," sabi pa niya at lihim naman akong napangiti.
"Bakit hindi na nagluluto ang Mama mo ng pagkain para sa inyo?" tanong ko kay Romir nang ihatid ko na siya palabas ng apartment.
"Simula kasi nang nawala si Papa, lagi na siyang busy sa negosyo kaya nawalan na siya ng oras para gawin pa ang ganu'ng bagay."
Napakaseryoso niya habang sinasabi niya ang mga katagang 'yon at sa totoo lang, ngayon ko lang siya nakitang ganito ka-seryoso. Iba rin pala ang karisma niya sa ganitong bagay.
"Okay lang 'yon para rin naman sa inyo 'yong ginagawa niya," sabi ko sa pagbabasakaling mapagaan ko ang kalooban niya saka may bigla akong naisip, "...so, paano 'yan? Hindi ako marunong magluto," sabi ko pagkaraan.
Napatingin ako sa kanya na may pagtataka dahil nakita ko kasi sa kanyang mga labi ang biglaan niyang pagngiti.
"Bakit? May nasabi ba akong nakakatawa?" kunot-noo kong tanong sa kanya.
"W-wala naman," sagot naman niya.
"Eh, ba't ka nakangiti?"
"Para mo na rin kasing sinasabing handa ka nang maging asawa ko."
Bigla tuloy akong napatingin sa narinig ko galing sa kanya. Bakit ko nga ba sinabi 'yon? Pero, wala namang masama du'n, di ba? Kahit pa anong gagawin ko, tuloy pa rin talaga ang kasal namin at kahit ayaw ko, magiging asawa pa rin talaga niya ako.
"Doon naman tayo pupunta, di ba?"
"Well, sabagay. Oh, uwi na ako," paalam niya sa akin. Tumangu-tango ako saka agad na tumalikod para pumasok na rin sa apartment pero bago pa ako tuluyang nakapasok ay muli niya akong tinawag.
"Bakit, may kailangan ka pa ba?" taka kong tanong. Lumakad siya ng ilang hakbang palapit sa akin at walang anu-ano'y hinila niya ang isa kong kamay na siya namang nagpagulat sa akin at kahit na hindi pa ako nakabawi sa pagkagulat ko ay naramdaman ko na lang ang kanyang mga labi na nakadikit sa aking noo. Pakiramdam ko tuloy, huminto sa pag-ikot ang mundo. Lumakas at bumilis ang pagtibok ng puso ko.
He kissed me on my forehead without asking my permission na siyang labis kong ikinagulat.
"Huwag kang magpuyat dahil masama 'yan sa kalusugan mo at sa baby mo. Matulog ka nang maaga. Kung gusto mo ng kausap, just call me and I'm willing to listen," pabulong niyang sabi habang hawak-hawak pa rin niya ang kamay ko at and he kissed me again on my forehead and this time, nakapikit na ang aking mga mata habang unti-unti ko ikinuyom ang aking palad dahil doon ako kumukuha ng lakas kasi pakiramdam ko, nangangatog ang tuhod ko sa kanyang ginawa at baka any moment, mabuwal ako sa aking kinatatayuan.
"Aalis na ako. Pasok ka na," nakangiti niyang sabi. Dali-dali naman akong pumasok ng gate at agad ko itong isinara, ni hindi na ako nag-abala pang lingunin siya.
Pagkasara na pagkasara ko sa gate ay agad akong napasandal dahil talagang nangangatog ang tuhod ko. Agad kong dinama ang kaliwang dibdib ko.
"Tumigil ka nga. Ba't ba ang bilis ng pagtibok mo?" mahina kong sabi sa sarili habang damang-dama ko ang mabilis na pagpintig ng puso ko.
Napapikit ako saka sunod-sunod na paghinga ng malalim ang pinakawalan ko. Talagang nataranta ako sa kanyang ginawa. Hindi ko kasi inaasahan ang bagay na 'yon. Sino ba kasi ang mag-aakalang gagawin niya sa akin 'yon?
"Nakaalis na si Romir?" Salubong sa akin Mama nang makapasok na ako sa bahay.
"O-opo," pautal kong sagot saka mabibilis ang mga hakbang na pumasok ako sa kwarto.
Padapang ibinagsak ko ang katawan ko sa ibabaw ng kama. Buti na lang at malambot ang kama at maliit pa ang tiyan ko.
Bumabalik-balik sa isipan ko ang ginawa ni Romir. Napatihaya ako ng higa at dinama ko ang aking noo na dalawang beses niyang hinalikan.
Sa noo lang naman niya ako hinalikan pero bakit iba ang dating niya sa akin? Bakit ganu'n na lang ang pagbilis ng pagpintig ng puso ko? Hindi ko naman siya mahal, di ba? Hindi naman niya ako mahal, di ba? Pero, bakit niya ginawa 'yon? Bakit apektado ako sa kanyang ginawa?
Victory ball na namin today. Lahat excited sa magiging result ng ibang competition na ginanap at nang i-anounce na kung sino-sino ang nanalo sa mga paligsahang nangyari ay nakatanggap ng trophy at certificate si Lani dahil sa kanyang pagkapanalo and she deserves it.
Ganu'n rin si Clark. Ako? na-disqualified ako dahil raw taga ibang department ang naging partner ko nu'ng araw na 'yun. Tinanggap ko naman 'yon dahil totoo naman. Nagpapasalamat na lang rin ako dahil kahit papaano hindi ako napahiya habang nagsasayaw. Malaki rin ang pasasalamat ko kay Romir dahil sa pagsagip niya sa akin.
"Ready ka na ba?" salubong ko kay Anton. Today is their 100th day at kailangan before o sa pagpatak mismo ng 7:00 ng gabi makabalik na sila sa sarili nilang katawan at kapag hindi nila nagawa 'yon, habang buhay na silang ganito. Habang buhay na sila sa loob ng katawan ng bawat isa.
Ang tanging naisip naming paraan ay ang true love kiss with Direk. Dalangin namin na sana gagana ang lahat.
Umalis na sina Anton at Direk papunta sa park para isagawa ang naisip naming way para makabalik na sila sa kani-kanilang katawan.
Ni hindi man lang niya tiningnan si Clark habang si Clark naman ay pilit na 'wag tapunan ng tingin si Anton pero nang makaalis na ang dalawa ay nakatitig siya sa daan kung saan dumaan ang magnobyo. Kitang-kita ko ang lungkot sa kanyang mga mata. Alam ko, he loves our friend, he loves Anton pero hindi lang niya 'yon maamin sa amin lalo na sa kanyang sarili dahil na rin sa hindi magandang relasyon nila noong una magmula pa sa kani-kanilang mga magulang.
"Dude, lasing ka na," puna ni Mark kay Clark. Nang makaalis na kasi sina Anton at Direk, agad naman siyang nagyaya para mag-inuman dahil gusto raw niyang mag-celebrate sa kanyang napanalunan.
"Sabi mo, iinom tayo konti lang. Pero sobra na yata sa konti ang nainom mo," segunda ni Joey.
"Tama na 'yan. Magmamaneho ka pa ng motor mo," paalala ni Lani.
Kasama nila ako pero hindi ako uminom dahil nga buntis ako at andiyan pa si Romir, panay ang tingin sa akin na para bang binabantayan niya ako dahil baka iinom ako.
"May problema ba?" tanong ko sa kanya at napatingin naman siya sa akin.
"Kailangan pa bang si Direk 'yun?" tanong niya na siyang ikinataka namin, "...kailangan pa bang si Direk ang true love kiss niya?" Dagdag pa niya.
"What do you mean?" Lani asked.
"Bakit...bakit hindi na lang ako ang true love kiss niya?" sabi niya kasabay ng pag-agos ng kanyang mga luha kaya nagkatinginan na lamang kaming lahat.
"Who? Anton?" tanong ni Romir.
"Para akong gago. Pilit ko siyang itinataboy palayo tapos heto ako, iiyak-iyak lang pala," humihikbi niyang sabi.
"I love her." Mga salitang bigla na lang namutawi mula sa kanyang mga labi. Mga salitang hindi namin inaasahang maririnig galing mismo sa kanyang bibig.
"Mahal ko siya. Mahal ko si Anton." sabi niya sa pagitan ng pag-iyak. Hinagud-hagod ni Mark ang likod niya at maya-maya lang ay bumagsak sa mesa ang kanyang mukha. Bigla siyang nawalan ng malay. Dahil nga siguro sa kalasingan. Dahil sa dami ng kanyang nainom.
"Ihatid niyo na 'yan sa kanila," sabi ni Lani. Aalalay sana si Romir kay Clark nang bigla siyang pinigilan ni Lani.
"Huwag ka nang mag-abala diyan. Atupagin mo ang pregnant fiancee mo. Siya ang ihatid mo," sabi niya kay Romir. Pasimple ko naman siyang siniko.
"Ano bang pinagsasabi mo?" pabulong kong tanong.
"Bakit, totoo naman, ah!" sabi pa niya.
"Tama si Lani, Dude. Alalahanin mong buntis 'yang si Vence. Dapat siya ang priority mo dahil baka mapa'no pa 'yan," segunda naman ni Mark.
"Kami na ang bahala sa broken-hearted na 'to," sabi naman ni Joey saka na nila pinagtulung-tulungan para buhatin si Clark at maihatid na nila ito sa kanila.
Napatingin sa akin si Romir, "Shall we?" tanong niya at tumangu-tango naman ako.
Agad na rin naming nilisan ang lugar na 'yon at inihatid ako ni Romir hanggang sa gate ng apartment na tinutuluyan ko.