Tahimik ako sa tabi ni Romir sa loob ng kotse niya habang pauwi na ako. Hindi mawala-wala sa akin ang mga napag-usapan sa nangyaring dinner. Ginugulo ang isipan ko at hindi ako handang makita si Romir na naghihirap dahil sa akin.
"Bakit ka ginawa ang lahat ng 'yon?" tanong ko habang nakatingin ako sa labas ng kotse.
"Tama naman si Mama, eh. Papano ko bubuhayin ang pamilya ko kung hindi ako marunong magtrabaho."
Inis na binalingan ko siya nang tingin.
"Pero hindi mo'to anak, Romir. Papaano mo nasabing pamilya mo kami na kung tutuusin, hindi binahiran ng kahit konting patak lang ng dugo mo ang sanggol na nasa sinapupunan ko ngayon?"
Hindi siya umimik kaya medyo napikon ako dahil kahit maikling paliwanag lang sana, hindi ko pa marinig galing sa kanya kaya galit na ipinapahinto ko sa kanya ang kotse.
"Hinto mo, bababa ako," sabi ko pero hindi siya nakinig.
"Masyado nang madilim. Masama sa'yo ang maglakad mag-isa," sabi pa niya saka itinuloy ang pagmamaneho.
"Sabing ihinto!" pasigaw kong sabi pero kung matigas ako, sa tingin ko mas matigas pa 'tong lalaking 'to sa akin.
"Ano ba, Romir? Ihinto mo ang kotse!" muli kong sigaw.
"Vence, wag ka namang matigas dahil baka-----Vence, itigil mo 'yan!" sigaw niya nang bigla ko ba namang pilit na inaagaw mula sa kanya ang manibela.
"Ihinto mo kasi!"
Pilit ko pa ring inaagaw ang manibela at sa takot na baka pa'no kami ay biglang inapakan ni Romir ang break. Sa sobrang bigla ay muntikan na akong mapasubsob. Napapikit ako pero agad din akong napamulat nang maramdaman ko ang dalawang palad ni Romir na nakaharang sa noo ko at bahagya pa siyang nakayakap sa akin. Sobra akong nagulat sa kanyang ginawa. Kung hindi niya hinarang ang kanyang palad sa aking noo, malamang nauntog na ako sa sasakyan.
"Stop being stubborn, Vence. Please, I'm begging you dahil baka mapa'no ang anak mo," nag-aalala niyang sabi habang nasa noo ko pa ang dalawa niyang palad.
Agad niyang tinanggal ang kanyang mga palad nang makita niyang natigilan ako. Hindi ko maiwasang napatitig sa kanya habang nasa unahan nakatingin ang kanyang mga mata.
"Bakit ka concern sa akin? Para saan ang lahat ng mga ginagawa mo para sa akin, Romir?" naguguluhan kong tanong. Pero gaya ng dati, wala akong sagot na narinig dahil hindi siya sumasagot.
"Itigil natin 'to. Walang magandang patutunguhan ang lahat ng 'to. Ayokong balang-araw, pagsisihan mo rin ang lahat ng 'to. Alam kong----"Alam ko, kailanman hindi ko pagsisisihan ang lahat ng ginagawa ko," putol niya sa iba ko pa sanang sasabihin. Kaya napatingin ako sa kanya. Ano ba ang gusto niyang sabihin?
Napansin kong napahigpit ang hawak niya sa manibela.
"Kung naghahanap ka lang ng mapaglaruan, 'wag ako, Romir dahil sapat na ang sakit na nararamdaman ko nang iwan niya ako," pahayag ko at ang tinutumbok ko ay si Ken. Alam kong alam niyang si Ken ang ama ng anak ko.
Seryosong napalingon siya sa akin.
"I'm willing to heal that pain if you are willing to stay by my side," madamdamin niyang pahayag, "...at hindi ako nakikipaglaro, Vence. Hindi ko man anak ang dinadala mo, I'm willing to be his father," dagdag pa niya na siyang nagpagaan sa aking kalooban.
Pabaling-baling na ako ng higa pero hindi pa rin talaga ako dinadalaw ng antok kaya bumangon ako at pumunta ng sala matapos akong kumuha ng tubig sa reef. Liwanag lang na nanggagaling sa buwan ang tanging ilaw na nakikita ko ngayon. Hindi na rin kasi ako nag-abala pang buksan ang ilaw sa sala.
Umupo ako sa sofa at kahit anong aliw ang gagawin ko sa sarili, hindi pa rin talaga mawala-wala sa isipan ko ang lahat ng sinabi ni Romir.
"I'm willing to heal that pain if you are willing to stay by my side," naalala kong sabi niya sa akin kanina. May iba pa ba siyang ibig sabihin nu'n? Hindi naman niya ako mahal, di ba? Kasi kung mahal niya ako, eh di sana sinabi niya pero ni minsan, hindi talaga niya iyon nabanggit bakit na madulas man lang sana.
"...at hindi ako nakikipaglaro, Vence. Hindi ko man anak ang dinadala mo, I'm willing to be his father."
Napahilamos ko ang sarili kong palad sa aking mukha. Masyado na akong naguguluhan. Hindi ko na rin alam ang gagawin.
"Anong true love kiss? Hindi naman uubra 'yan," sabi ko kay Lani nang banggitin ba naman niya uli ang tungkol sa true love kiss para makabalik na sa sariling katawan sina Clark at Anton. Ito rin kasi ang huling araw ng pagdiriwang namin ng anniversary ng school namin and this will be the day na makipag-compete si Clark sa pagpi-paint habang nasa loob siya ng katawan ni Anton.
"With Direk!" Lahat kami napatingin kay Lani.
"Ano bang pinagsasabi mo?" tanong ko uli sa kanya.
"Baka this time, gagana ang paniniwalang 'yun," aniya na mukhang proud na proud pa sa ideyang naisip.
"Pero bakit kay Direk?" takang-tanong ni Romir.
"Just think about it. Sa kabila ng katotohanang nasa loob ng ibang katawan si Anton ngayon, eh tinanggap at minahal pa rin siya ni Direk. Hindi na niya pinansin pa kung anuman ang masasabi ng ibang tao. That is one of the signs of true love," paliwanag niya. Sumang-ayon naman ang iba sa kanyang sinabi.
"Eh, ano ngayon ang dapat nilang gawin?" curious na tanong ni Mark.
"Bago mag-7:00 bukas ng gabi o kaya sa pagpatak mismo ng 7:00, dapat mahalikan na ni Direk si Anton." Napatingin ako kay Anton na ngayon ay nakayuko na.
"Gagana kaya?" tanong ni Joey.
"Walang masama kung susubukan natin," singit ko naman.
"Tama! Baka 'yun lang ang tanging paraan para makabalik kayo sa sarili ninyong katawan," sabi ni Mark.
"Subukan niyo lang. I-pray natin na sana gumana," segunda naman ni Romir.
"Paano 'pag hindi gumana. Ibig bang sabihin nu'n, hindi na sila makakabalik sa sarili nilang katawan?" tanong ni Joey.
"Sa himala na lang tayo aasa," saad naman ni Mark.
"Oh paano, Anton?" napaangat ng tingin si Anton sa tanong ko sa kanya. Nagpalipat-lipat naman ang tingin niya sa amin.
"Baka nga. Baka a true love kiss with Direk will be the only way para makabalik na kami sa sarili naming katawan," aniya.
Napatingin ako kay Clark, seryoso ang kanyang mukha at pasimpleng sinusulyapan lang niya si Anton.
"Subukan natin!"
Napatingin kaming sa biglang pagsalita ni Clark.
"Wala namang mawawala kung susubukan natin ang ganu'ng strategy. Malay natin gumana. Gusto ko na rin kasing makabalik sa sarili kong katawan dahil napapagod na ako sa ganitong sitwasyon. Gusto ko nang mamuhay ng normal," pahayag niya. Napatingin ako sa kanilang dalawa, ramdam ko na may pag-ibig nang umuusbong ngayon sa kani-kanilang puso para sa isa't-isa kahit ayaw man nilang aminin.
Nagsimula na ang contest. Ramdam na ramdam na ng lahat ang tensyon sa loob ng pinagdausan ng event.
Labi naman ang aming pagtataka nang mapansin naming natigilan si Clark at hindi siya gumuguhit. Malalim ang iniisip, malayo ang tingin.
Siniko ko si Lani at nang mapatingin siya sa akin ay pasimpleng ininguso ko sa kanya si Anton na tense na tense na ngayon.
Hinawakan ni Lani ang likod ng kamay ni Anton kaya napatingin siya sa amin. Isang matamis na ngiti ang aming ibinigay sa kanya. Talent kasi niya ang gumuhit and supposedly, siya sana ang nakikipaglaban ngayon sa ibabaw ng stage pero unfortunately, nasa loob siya ngayon ng katawan ni Clark at si Clark ngayon ang nakikipag-compete na wala namang alam tungkol sa pagguguhit.
"You still have 30 minutes remaining," paalala ng host kaya lalong naging intense ang labanan.
Abala ang mga katunggali ni Ckark sa pagpi-paint habang siya naman ay hindi makagalaw.
"What's happening to him?" oabulong na tanong sa akin ni Lani pero kibit-balikat lang din ang kaya kong ibigay na sagot.
"You only have 60 seconds remaining," sabi uli ng host. Buti na lamang at bumalik na si Clark sa sarili at naka-focus na siya sa kanyang ginagawa kaya nakapagpahinga na rin si Anton ng maluwag hanggang sa sabay-sabay na silang nagsimulang magcount down galing sa 10.
"10!"
"9!"
"8!"
Lalong nagkakagulo sa loob ng pinagdausan ng event.
"7!"
"6!"
Lahat, sumasabay na sa pagbilang.
"5!"
"4!"
"3!"
"2!"
"1!"
"Your time is up!" paalala ng host sa mga contestants, "...tank you for your participation, dear students..." sabi niya habang nakatingin siya sa mga kalahok. "...kindly, give them a round of applause!" baling niya ng host sa aming nanonood nh competition.
Sinuri ng mga judges ang mga gawa nila at makalipas ang ilang sandali ay natapos na rin nilang itali ang mga naging scores nila and this time, they will announce if who will be the winner.
"Let's call on the 5 contestants who are lucky tonight," sabi ng host habang hawak-hawak niya ang result ng competition.
Tinawag niya ang 5th place. Nagbunyi ang department ng 5th place winner.
Kinabahan kami nang first at champion na lamang ang tatawagin.
"And our 1st place goes to..." Kumabog ang dibdib namin at alam ko na kung may mas kinabahan man ngayon kaysa sa amin ay si Anton 'yon.
"Art Department! Congratulations!"
Napasigaw kami dahil nakuha ni Clark ang first place kahit na hindi siya ang naging champion.
Napangiti si Anton dahil hindi naman talaga niya inaasahang napanalunan ni Clark ang first place kahit pa na hindi talent ni Clark ang gumuhit.