Chapter 4

1515 Words
"Good evening!" bati niya sa amin, "...excited na ba kayong malaman kung sino ang winner natin ngayon?" tanong niya. "Yessss!!!" halos sigaw ng lahat. "Pare, pasok ang goddess mo," bulalas ng isa sa mga kaibigan ni Carlo. "No one can defeat her beauty," confident pa niyang sabi. "Pero pasok din ang nerd na 'yan." "Kakaiba din kasi ang ganda niya tapos ----"Tapos matalino pa." Napaawang ang mga labi namin nang biglang sumingit si Joey sa pag-uusap ng magkakaibigan. "Joey," awat ni Anton sa kanya. "Oh, ikaw 'yun. Yung nagtanggol sa kanya ng araw na 'yun," sabi ng kaibigan ni Carlo. "Yeah! That's me. Maganda siya, ano? Sa tingin ko, matatalo ang goddess mo." "Dude," awat sa kanya ni Romir. "Let's see," sabi rin ni Carlo. "Ok. Let's start from the 5th. Who will be our fifth?!" sigaw ng president ng school namin. Kanyang-kanyang sigaw ng candidate's number ang mga estudyante. Kami naghihintay lang sa magiging resulta pero how I wish hindi si Lani 'yon. "Congratulations to candidate number 3 from veterinary department." Naghiyawan ang mga estudyante. Matapos maibigay ang award nito ay agad na sinunod ang 4th placer. "And the 4th place goes to..." Lalo tuloy kaming kinabahan dahil sa pinapatagal pa niyang sabihin kung sino. "Goes to IT department, candidate number 10. Congratulations!" Lalong lumapad ang ngiti namin dahil palapit nang palapit na si Lani sa champion. "For the 3rd place goes to Education Department!" "Woooohh! Lani!" sigaw ni Mark. Napahawak ako sa kamay ni Anton dahil parang hindi ko yata kakayanin ang magiging resulta sa sobrang kaba. "Now! I will announce first our new Ms. Stanford University this time. And whoever will be the 2nd placer, don't be disappoint if you didn't get the crown. There are lots of chances. You can join again next year, right?" sabi niya saka niya tiningnan sina Lani at ang katunggali nito na galing sa Engineering Department na si Khaela. "Pare, ang goddess mo at ang nerd ang maglalaban para sa crown." "I couldn't believe it!" Nanatili lamang na tahimik si Carlo habang panay ang bulalas ng mga kaibigan nito. "And now! The precious crown goes to..." sabi ni President habang tumatambol ang dibdib ko, "...congratulations to Art Department!" Napatayo kami habang nagsisigaw sa tuwa. "Lani!!!" sigaw ni Joey. "Wooohh!!" sigaw ko rin. Nagtatalun-talon ako sa tuwa kaya dali-dali akong sinuway ni Anton dahil buntis ako kaya nakangiting napatingin naman ako sa kanya. Natutop rin ni Lani ang sarili niyang bibig sa narinig. Kahit sino, walang nag-e-expect na mananalo siya. "Oh my god, pare!" hindi makapaniwalang nasambit ng isa sa mga kaibigan ni Carlo. "Lani, ang galing mo!" sigaw pa ni Mark. Another happy memories to remember na naman ang nangyari sa aming tropa. Matapos ang batian, yakapan sa bagong Ms. Stanford University ay kanya-kanya na rin kami ng uwi pero bago pa ako nakauwi ay nilapitan ako ni Romir. "My Mom wants to invite you for tonight's dinner." Napatingin ako kay Romir. Kinabahan tuloy ako. Muli ko na namang makikita ang mga magiging in-laws ko. "Ma, ano bang susuotin ko," tanong ko kay Mama habang hinahalungkat ko ang mga damit ko. Halos lahat kasi, panlalaki kaya nahihirapan talaga akong pumili ng isusuot. Habang abala ako sa paghahanap ng susuotin ko ay nakatayo lang si Mama sa gilid ng pintuan ng kwarto ko at tahimik na nagmamasid sa akin. "Ma?" himutok ko nang tingnan ko siya. Humihingi ako ng tulong niya tapos nagawa lang niyang pagmasdan ako? Napatigil ako sa aking ginagawa nang makita ko siyang nakangiti. "Bakit kayo nakangiti?" taka kong tanong. Lumakad siya palapit sa akin. "Ngayon lang kasi kita nakitang ganyan." "Eh, sino ba naman kasi ang hindi magkakaganito kung niyaya ka ng mga magiging in-laws mo." "Natataranta ka. Hindi mo alam kung ano ang susuotin mo, bakit?" "Dahil...dahil gusto kong magiging presentable sa kanilang harapan." "Bakit gusto mong maging presentable sa kanilang harapan?" "Dahil..." Napaisip ako, bakit nga ba?" "So, tanggap mo si Romir na magiging asawa mo?" Natigilan ako sa tanong ni Mama. Bakit naman niya nabanggit si Romir? "Anong koneksyon ni Romir?" kunot-noo kong tanong. "Hindi mo naman pag-aaksayahan ng panahon ang isang bagay na hindi mahalaga sa'yo." "Ma, kung ano-ano na ang mga sinasabi niyo. Ayaw ko lang mapahiya kaya gusto ko presentable ako sa kanilang mga mata," sabi ko saka muli kong itinuon ang pansin sa pagpili ng susuotin. "Kung hindi mo tanggap si Romir, di ba dapat wala kang pakialam kung ano ang sasabihin ng kanyang pamilya?" Hindi ko pinansin si Mama pero nasa utak ko naman ang kanyang mga sinabi. Lumapit siya sa akin saka kinuha niya ang isang plain white na dress na hanggang tuhod ko lang saka niya ito inabot sa akin. "Simplicity is beauty, ika nga. Bagay sa'yo 'to," aniya saka niya kinuha ang kamay ko at pinahawakan niya sa akin ang damit na hawak niya, "...bilisan mo dahil nasa sala na si Romir," pabulong niyang sabi saka siya lumabas ng kwarto. Napaupo ako sa gilid ng kama habang bumabalik sa isipan ko ang mga sinabi ni Mama. "Kung hindi mo tanggap si Romir, di ba dapat wala kang pakialam kung ano ang sasabihin ng kanyang pamilya?" naalala kong sinabi sa akin ni Mama. Kung tutuusin, may point rin siya. Bakit ko nga ba alalahanin kung ano ang sasabihin nila sa akin? Di ba, dapat balewala lang sa akin 'yon? "Hi, are ready?" salubong sa akin ni Romir nang lumabas na ako ng kwarto. Nakaupo siya sa sofa at agad ding tumayo nang makita niya ako. Marahan akong tumango bilang sagot sa kanyang tanong. Nagpaalam muna kami kay Mama bago kami tuluyang umalis papunta sa kanilang bahay. Pagkaparada na pagkaparada ng kotseng dala ni Romir sa harap ng kanilang bahay ay kinabahan ako. Agad siyang lumabas at bago pa niya ako mapagbuksan ng pinto ay inunahan ko na siya dahil ayokong magmukhang senyorita. Iniabot niya sa akin ang kanyang braso para humawak ako sa kanya pero dahil nga sa totoong estado namin sa isa't-isa ay napatingin lamang ako at hindi ako humawak. Ayoko kasing bigyan siya ng kahit konting palaisipan na may gusto ako sa kanya. Nahihiyang binawi niya ang kanyang braso saka siya nagpatiuna sa paglalakad papasok ng gate ng kanilang bahay. Napahanga ako sa ganda ng kanilang bahay. Malaki at talagang masasabi mong mayaman ang nakatira. Nang papasok na kami ay muling tumambol sa kaba ang puso ko kaya huminga ako nang malalim at bigla na lamang akong napatingin sa aking kamay nang bigla itong hawakan ni Romir. "Everything will be fine," nakangiti niyang sabi. Muli akong napatingin sa kamay ko nang maramdaman kong bahagya niya itong pinisil at sa totoo lang, nakaramdam ako ng ginhawa sa kanyang ginawa. "Hello," nakangiting salubong sa amin ni Lola Rosalinda at ang ina ni Romir na si Tita Cathy ay nakaupo na walang imik. Ramdam ko ang pagkadisgusto niya sa akin para sa kanyang anak at naiintindihan ko 'yon. Nag-iisang anak niya si Romir kaya ganu'n na lang ang proteksyon na ibibigay niya ito at alam ko rin na hindi niya pinangarap na mapunta sa isang tomboy ang kanyang anak. "Hello, po. Magandang gabi po, Lola," bati ko sa nakangiting matanda, "...magandang gabi din po, Tita," baling ko sa kanyang ina. "Magandang gabi din sa'yo, hija," sagot ni Lola. Napatingin ako kay Tita nang bigla siyang tumayo at pumasok ng kusina. "Halina kayo. Ready na ang pagkain," yaya niya saka tuluyan na kaming tinalikuran. May kalamigan sa kanyang boses nang sabihin niya ang mga katagang 'yon. "Halika na, hija," yaya rin ni Lola. Napatingin ako kay Romir at isang ngiti lang ang tanging sagot niya sa akin saka niya ako iginaya papasok ng dining area. Ipinaghila niya ako ng upuan. Nasa pinakadulo ng mesa nakaupo si Lola habang si Tita naman ay nasa gilid nito na nakaharap ni Romir at ako naman ay nasa tabi ng kanyang anak. Pasimpleng pinigilan ko si Romir nang sinalinan niya ako ng pagkain sa pinggan. Hindi kasi ako sanay pagsilbihan. Isa pa, kunwari lang naman ang kumg anong namamagitan sa aming dalawa ngayon. "I want you to stop your studies even you, Romir." Napatingin ako kay Romir sa sinabi ni Tita. Nakita kong lumagok muna ng juice si Tita bago ito muling nagsalita, "...you need to build your family with your own hands," dagdag pa niya. "Cathy, what are you talking about?" nagtatakang tanong ni Lola. "I will hold a meeting in our company next week at ipapaalam ko sa lahat ng mga shareholders natin that from now on, Romir will be the one to manage the other branch of it," litanya ni Tita habang nanatili lang kaming nakikinig ni Romir. "But, Ma. I don't have enough knowledge on how to manage a business," saad ni Romir. "Then, you should learn about it. How can you support your family if you don't know how to work?" Pasimple akong napatingin kay Romir. Nagi-guilty tuloy ako dahil alam kung nagsisimula na siyang nahihirapan dahil sa akin. Alam ko, hindi mahihirapan si Romir kapag sinabi ko ang totoo. "Tita, ang totoo kasi----" Napatigil ako sa pagsasalita nang agad hinawakan ni Romir ang kamay ko na nakapatong sa ibabaw ng mesa. "I'll do it," sabi niya na puno ng senseridad ang kanyang boses. Napatingin naman ako sa kanya at napalingon siya sa akin, "...for my own family. I'll do it no matter what it takes," sabi niya habang nakikipagtitigan siya sa akin. Ramdam na ramdam ko ang kakaibang damdamin na nakikita ko sa kanyang mga mata. Tingin na para bang may ibang ibig sabihin, ang tingin na para bang may nais iparating. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD