"Romir, pakiusap. Umuwi ka na," naririnig kong pakiusap ni Papa kay Romir nang pumunta ito sa bahay isang araw na hindi namin inaasahan. "Pa, please. Bigyan niyo sana ako ng pagkakataong makausap si Vence at makita si Rovi dahil miss na miss ko na sila," pagpupumilit din ni Romir. Nanatili akong nasa likod ng pintuan namin, nakikinig. Nang nakita ko kasi siyang papasok ng gate ay agad akong nagtago at si Papa ang pinakiusapan kong kumausap sa kanya. "Ayaw niyang makipag-usap sa'yo. Kaya, pwede bang umalis ka na," muling pagtataboy sa kanya ni Papa pero hindi pa rin siya nakinig. "Pa, please," umiiyak na niyang pakiusap, "...Vence! Kausapin mo naman ako, oh," dagdag pa niya. Napapikit na lamang ako habang tumutulo na rin ang mga luha ko. "Romir, please," sabi ni Papa. Patuloy pa rin

