Chapter 16: Kiss, drunk
CRIMSON DEL LABIBA's POV
"Damn, Mikael. You are breathtaking. Sabi ko na, eh..." namamaos kong sambit habang nakatitig pa rin sa kanya.
Parang iluluwa ng dibdib ko ang puso ko. Dahil sa bilis nang t***k nito. N-nakakatulala ang ganda niya ngayon. Nakakabakla nga. Nakaka...basta ang hirap ipaliwanag. Ang hirap...
"Hanggang kailan kayo magtititigan diyan, son?" tanong sa amin ni daddy saka pekeng tumikhim. Nang-aasar, eh 'no?
Hindi lang ako, hindi lang ako ang nagulat kanina nang makita namin sina mom at Mikael na pababa na ng hagdanan. Maski sina daddy at Drim ay natulala rin sa nakita. Nakakagulat na nakakamangha.
Who would have thought that Mikael is more beautiful than Morry? More than the actress, the model and the beauty queen. He's so beautiful more than anyone of this world. Oh, God. The right terms can describe him, a gorgeous. He's like a goddess. Sh*t...
Tama nga ako, tama nga ako na makalaglag panga sa oras na magdadamit na siya ng ganito.
He's look like...exactly a girl. S-saka ang boses niya...iba ngayon. B-boses b-babae iyon.
Umangat ang kamay ko sa pisngi niya bago pa dumampi iyon ay may humatak na sa akin mula sa likuran ko.
"What a gay. Nakakabakla nga ang kagandahang lalaki ni Engr. Mikael, d*mn it, kuya. Why I have this feeling that daddy cheating on mommy just staring at your Mikael, kuya?" iritadong komento ni Drim.
"W-what?! Watch your mouth, Drim! I'm loyal to your mother! I love her, you know that," defensive na saad ni daddy kaya tiningnan ko siya.
Napasinghap naman ang ama ko dahil sa pagkakatitig ko sa kanya.
"W-What is that, Crim? H-Hindi ko aagawin sa 'yo si engineer. Hindi pa naman ako bakla, ha!" sabi nito at namumula rin ang pisngi niya.
"And why are you blushing, dad?!" malamig na tanong ko sa kanya. Namilog naman ang mga mata niya.
Hinila ko si Mikael palapit sa akin at naramdaman ko na natigilan siya. "Dad."
"Oh come on, son! Magiging son-in-law ko naman siya. But Mikael, bago mo pala pakasalan ang dalaga ko ay mamamanhikan ka pa sa amin," nakangising sabi ni daddy at natawa na lamang ang ina ko. Nakabawi si daddy sa pamumula ng pisngi niya!
Nag-init ang pisngi ko dahil sa katagang binigkas niya. "What the f*ck, dad?! Anong dalaga?!" nag-uusok ang ilong na tanong ko sa kanya.
Natulala na naman ako nang marinig ko ang boses ni Mikael. Nakikisabay siya ngayon sa tawanan ng parents ko.
"Let us go, babies. Alam kong naghihintay na ang tita niyo."
***
"I'm afraid, Drim sa 'yo na lang sumabay si Mikael," ani mom at mabilis na nag-react ako.
"Mom, I have my car," sabi ko at inilingan niya lang ako.
"Natatakot lang ako na baka maaksidente kayo, until now ay natutulala ka pa rin sa boyfriend mo, baby," she said at may ngisi rin sa labi.
"Mom, how many times do I have to tell you that Mikael wasn't my boyfriend and f*ck! I'm not gay! I'm straight!" sabi ko at napahawak ako sa ulo ko. Nakakainis na sila!
"Defensive, eh?" komento ni Drim.
"What if si Mikael talaga ang bakla? What if patulan ka niya?" my mom asked, napaka-kulit talaga niya!
Napatingin tuloy ako kay Mikael na nakangiwi na ngayon. Medyo nagulat pa siya nang mapansin niyang nakatitig siya sa akin.
"What?" suplado niyang tanong sa akin.
"You're a gay?" bigla ay natanong ko.
"I-I'm not... I'm a girl..." Bumilis ang t***k ng puso ko dahil sa sinabi niya.
"A girl for a night. Just this time, okay?" Napairap ako.
"Disappointed," Drim murmured.
I just rolled my eyes.
"OH! I am so glad, finally! Nakarating din kayo!" salubong sa amin ni tita Marine. Ang lapad-lapad ng ngiti niya at una niyang nilapitan si mom.
Niyakap niya ito at hinalikan sa pisngi, mom did the same to tita.
Nakababatang kapatid ni daddy si tita Marine. Nasa early 40's pa lang siya. Single pero parang nasa 30's pa siya the way she dressed and acts.
Huminto si tita sa tapat ni Mikael. Na-intimidate tuloy ang kasama ko kaya napasiksik ito sa gilid ko.
"Tita," mahinang suway ko kay Tita. Kunot na kunot ang noo nito at taimtim na tinitigan si Mikael.
Hinawakan ng tiyahin ko ang magkabilang pisngi nito at inangat para matitigan na naman nito sa mga mata.
"Marine," tawag ni daddy kay tita pero hindi siya nito pinansin.
Minuto ang nakalipas bago namin nasilayan ang amusement sa mga mata niya.
"Ngayon pa lang, Crim. Itali mo na ang girlfriend mo. She's like a precious to keep. Oh God, hija, suki ka ba ng beauty queen? I have an offer for you. Kung ikaw ang magiging candidate as a Binibining Pilipinas 20**. Tiyak na panalo ka na! And so on, magiging Miss Universe pa!" masayang sabi ni tita at uminit ang bunbunan ko.
"Tita, she can't! Huwag ang girlfriend ko, please!" nakasimangot na sabi ko.
Isa si tita sa head ng Aces and Queen's entertainment. At natural na sa kanya ang ganitong reaction pero bakit sumobra naman yata? Ngayon lang ba siya nakakita na pinakamaganda sa buong mundo. But I can't blame her, though.
"H-Hindi po, ma'am eh," nahihiyang sagot ni Mikael.
"Just call me, Tita M. But on the second thought, Crim, my nephew. Ipahiram mo--" tita didn't finish her words.
"No, Tita. A big no," putol ko rito.
Ngumiti lang si tita at tinititigan na naman si Mikael. Nararamdaman ko ang pagkailang niya.
"What a lucky you have, Crim. So, introduce her to me, my nephew."
Napatikhim ako at nilingon si Mikael. Sa mga mata ko kung sang-ayon ba siya sa sasabihin ko sa kanya. Humawak lang siya sa braso ko at ngumiti kaya natutulala na naman ako.
"She's A-Anne J-Junelyn C-Cascabel H-Hermoso, tita." Mariin na napapikit-mata ako dahil sa boses kong nauutal. Halos hindi ko mabigkas ng ang pangalan ng girlfriend niya. Sh*t! Pakiramdam ko ayaw ko sa babaeng iyon dahil siya ang napaka-suwerte sa totoo lang!
"She's m-my g-girlfriend, tita. B-Baby, she's my tita Marine Del Labiba, kapatid siya ni dad."
***
"Anne, what do you do for a living?" tanong na naman ni tita.
Dating reporter yata si tita noong past life niya dahil wala na siyang tigil sa kakatanong sa kasama ko. Mabuti at naisasagot lahat iyon ni Mikael. Parang sanay na siya sa pagsisinungaling. Is that a bad things or what? Nasasabayan niya kasi si tita, eh.
"I uhm...I'm a wedding organizer," sagot niya sabay tingin sa akin. Nginitian ko lang siya at tumango.
Ang bakla rin ni engineer, wedding organizer pa ang naisip niya. Sa dami-rami ng mapili niya, right? Baka iyon nga ang trabaho ng girlfriend niya?
"Really?" This time si mom naman ang tuwang-tuwa sa pag-uusap nila.
Nasa dining area na kami at kasalukuyan nang kumakain ng dinner namin. Tahimik lang ang kakambal ko at si daddy pero alam kong nakikinig din sila. Si Drim na nahuhuli kong nakatitig kay Mikael kaya sinasamaan ko siya nang tingin. Umiiling lang siya and he even mouthed, 'gay'.
"I will hired my son's girlfriend to organize your wedding, Marine. How's that?" singit ni daddy.
"Iyon ay kung magpapakasal pa ba ang kapatid mo, hon," natatawang komento ni mommy.
"I doubt it," sabi naman ni Drim.
"Oh, why not? It's a good idea!"
Pareho kaming nagulat sa sinabi niya. "A real? Tita, magpapakasal ka na talaga?!" gulat na tanong ni Drim sa kanya.
Napapalakpak pa siya at halos mawala na ang mga mata niya dahil sa lapad ng ngiti niya.
"Tell to Lui that I'm going to marry him!"
"f**k!"
Tito Lui, ex-boyfriend ni tita Marine. 15 years ago...naghiwalay sila dahil sa isang pagkakamali ni tito Lui. Nakabuntis ito ng ibang babae, ikakasal na sana sila that time pero si tita mismo ang sumuko dahil hindi niya matanggap ang katotohanan na may anak ang lalaking mahal niya at sa ibang babae pa.
After the dinner ay hinayaan na rin ni tita Marine si Mikael, hindi na niya ito kinulit pa at nag-uusap na sila ngayon kasama si mommy pero si Mikael...
"Damn it, Mikael! What are you doing?!" tanong ko sa kanya at patakbong lumapit sa direksyon niya.
Balak ba niyang maligo sa pool? Akmang tatalon na kasi siya, eh. Hindi na rin stable ang utak niya ngayon, eh. Pinainum kasi siya nina mommy at tita ng margarita.
Halatang hindi sanay ang engineer dahil ang bilis niyang malasing. Hindi na nga maayos ang paglalakad niya.
"Nakakainis talaga si tita," reklamo ko. I grabbed his arm pero mabilis na hinampas niya ang braso ko. Nagsalubong ang kilay ko.
"Mikael..."
"Gusto k-kong maligo sa dagat, Del Labiba," sagot niya habang nakatingin sa pool.
"Hindi 'yan dagat, Mikael. Come on, iuuwi na kita."
"A-Ayoko pa...d-dito na muna tayo," parang batang saad niya at napatingin ako sa labi niya na humahaba na ang nguso. I looked away. D*mn it!
"H-Hey!" gulat na sigaw ko nang dumausdos siya pababa.
"Nabasa na tuloy ang gown mo!"
Umupo ako para mapantayan ang mukha niya. Nilublob niya sa tubig ang mga paa niya kaya nabasa rin tuloy ang gown niya. Tinanggal niya kanina ang heels niya. Dahil sumasakit daw habang tumatagal na sinusuot niya iyon.
Napaupo ako dahil sa biglaang pag-atras ko. Ang lapit-lapit ng mukha niya sa akin at halos maamoy ko na ang hininga niya na may halong wine pero hindi naman mabaho iyon, 'no!
Pulang-pula na ang pisngi niya at namumungay na ang mga mata niya. Napangiti ako. Ang cute pala ni engineer malasing. Sana pala noong pumunta kami sa bar ay sana nilasing ko na siya noon pa man, 'di ba? Nakita ko na rin sana ang ganitong reaksyon ni Mikael.
"What a cute baby," mahinang bulong ko. His forehead knotted.
"Who's baby?" inosenteng tanong niya.
"You."
"B-But I'm not a b-baby, anymore..." anito.
Umayos ako sa pagkakaupo sa gilid ng pool at inaalalayan pa rin siya. Kung bibitawan ko siya sa braso niya ay baka bigla ay mahulog siya sa pool.
"How old are you again, Mikael?" I asked him. Napaisip naman siya at itinaas ang mga daliri nito na tila nagbibilang.
Nakakatuwa siyang pagmasdan ngayon. Ibang-iba pala ang Mikael na lasing na kaharap ko ngayon kaysa sa Engr. Mikael na napaka-suplado at kill joy.
"How old am I? I-I...forgot," nalilitong sagot niya. I chuckled because of that.
"You're just five years old, baby. You forgot your age?" biro kong tanong sa kanya. Mas lumalim pa yata ang gitla sa noo niya.
"I'm just five? N-Nilolok* mo lang ako, eh!" saad niya.
Bumaba ang mata ko sa dibdib niya. I wonder kung ano ang inilagay ni mommy sa dibdib niya at mukhang may kalakihan ito. Hindi naman kasi bagay kung walang laman iyon. Masyadong hapit sa kanya ang gown niya at maliit din ang baiwang. P-Para ngang 'sakto lang sa palad ko. D*mn...
"What is this, baby?" I asked him at wala sa sariling hinawakan ko iyon. I'm just curious.
Malakas na hinampas niya ang kamay ko kaya nagulat ako. Pero saan nga ba ako nagulat? Sa paghampas niya sa kamay ko o sa paghawak ko sa dibdib niya na sobrang lambot naman 'ata?
"p*****t!" asik niya sa akin at natulala ako.
"Baby, pareho tayong lang lalaki kaya hindi kita binabastos ha?" sabi ko at inilingan niya ako.
"But w-why did you touch my..." halos hindi niya matapos-tapos ang sasabihin.
"Wala, come on. We need to go home, you are drunk already. Baka ano pa ang gawin mo riyan na hindi ko magugustuhan," wika ko at tumayo na.
Itinaas niya sa ere ang kanang kamay niya. "Help me, please," he said. My heart skips a beat. Bakit ganito ang boses niya? Napaka-lambing naman 'ata?
I took a deep breath at pinakalma ko na muna ang puso ko. Ang lakas ng impact sa akin ni engineer. I need to stop this feelings. Bago pa ako maging bakla ng tuluyan. At kahit lalaki pa siya ay baka... Urgh!
Napasabunot ako sa buhok ko dahil sa mga naiisip ko sa utak ko.
Hinila ko na lang ang kamay niya para makatayo siya pero napasobra naman 'ata dahil napalakas ang pagkakahila ko sa kanya. Dahilan na napasubsob siya sa dibdib ko. I wrapped my arms on his waist.
Fuck! Ang liit naman 'ata?
He groaned because of the frustration.
"Can I kiss you, Crim?"
"What the f**k, Mikael?!"
"Are you cussing me?" namimilog ang mga matang tanong niya.
Bago pa ako makapag-protesta ay nagulat na lamang ako sa sunod niyang ginawa.
D-Did just M-Mikael kissed me...on the lips?