Chapter 15 : Jaw dropped/His girlfriend, Mikael
"MOM! Stop it, dad! Ikaw rin, Drimson!" sigaw ni Crimson, matapos niyang ikuwento sa parents niya ang kaninang nangyaring kaguluhan na siya mismo ang nag-caused nito.
Tawa lang nang tawa ang parents niya. Ang kakambal niya na umiiling lang ngunit nangibabaw ang mapang-asar na ngisi niya sa labi. Kaya busangot ang muka ni Crim at parang na-stress na siya.
Umayos naman nang pagkakaupo ang mga ito at pinunasan pa ang luhang nangingilid sa mga mata nila. Nahimasmasan na rin sila, marahil.
"Okay, baby. I can handle Mikael for you. Marami akong mga damit na alam kong...kasya sa kanya," his mother said at saka siya tumayo. Inalalayan niya akong makatayo.
"Kung naging babae ka lang, Mikael. Alam kong qualified ka as a candidate of Miss Universe. Magiging suki ka pa yata ng beauty pageant, baka maging big star ka ng Philippines," compliment na naman niya sa akin.
Naalala ko naman noong college pa kami ni kuya Miko. Pinipilit ng mga schoolmates and classmates namin na maging Mr. Campus or maging escort ako sa beauty pageant. Pero lahat inako ng kuya ko kaya naging safe ako ro'n. Pero hindi noong grade school pa ako. Ang mga teacher mismo ang nagpupumilit sa akin na maging escort ng muse. That's I don't have any choice.
"But are you sure na hindi labag sa kalooban niya na gawin ito, Crim baby? Hindi mo naman siya siguro pinilit or baka gumamit ka ng blackmail sa kanya? Alam naman natin ang tungkol sa Brilliantes clan na walang babae sa pamilya nila at kung malalaman ito especially the media ay para mo na ring hinukayan ng libingan ang engineer," may pag-aalala sa boses na wika ng ginang.
"Your mom is right, son," pagsang-ayon naman ng ama niya.
"It's fine, dad. Hindi naman 'yon totoo, right Engr. Mikael?" tanong sa akin ni Arct. Drimson at nakataas pa ang kaliwang kilay niya.
Parang may bumara sa lalamunan ko. Tila ba na may nalalaman siyang sekreto ko. "Yeah," sagot ko.
"Besides wala namang makakaalam nito maliban na lang sa babaeng naka-date ni Engr. Mikael pero alam kong kaya na 'yon ni kuya Crim. Mom, let them be," he added.
"I'm sorry, Mikael kung nadamay ka sa gulo na ginawa ng anak ko," hinging paumanhin sa akin ng mommy ni Crim.
Approachable ang parents nina Crimson at napakabait nila. Magaan kausap kahit na medyo naiilang pa rin ako sa kanila. Hindi ako sanay na binibigyan ako ng special treatment lalo na ngayon pa lang naman kami nagkakakilala.
Nasa silid kami ng asawa niya at kasalukuyang hinahanapan ako ng damit na susuotin ko mamayang dinner. Doon sa mansion ng tita ni Crim.
Inaamin ko at this moment ay nag-uumapaw ang kaba ko sa dibdib. Natatakot ako na baka mas malaking gulo ito kung malalaman ng family ko. Pero katulad ng sinabi niya sa akin na siya ang bahala sa problemang mangyayari in the future.
Sa pagkakataon na ito, I trust Crimson. Siya na lang ang pinanghahawakan ko.
Pumasok kami sa walk-in-closet nila. Malaki ang space nito at bubungad sa 'yo kaagad ang magaganda at halatang expensive na damit.
May mga black leather shoes sa rack at nasa tabi lang din nito ang heels ng ginang. Ang formal, office suit ay maayos at malinis na naka-hanger.
"Pero paminsan-minsan naman nag-co-cause ng trouble ang kambal ko. My sons is a good boy, Mikael," pagkukuwento sa akin ng ginang. Sabi niya kanina tawagin ko raw siyang mama, naiilang ako na tawagin ko siyang ganoon.
May inabot siyang gold long gown sa drawer at inabot ito sa akin. Nakangiti pa siya at nakikita ko ang amusement sa mga mata niya.
"Bagay 'to sa 'yo, Mikael. You know, uhm...sorry to say this. But I am happy that my son caused a trouble like this. Dahil makikita ko ang beautiful man na magsusuot ng mga damit na ako mismo ang nag-design," masayang sabi niya. Oh, so? She's a designer?
"Yes, dress designer din ako. And I was an actress too, noong sa ganyang ka-edad mo pa ako. Anyway, about your late brother. I'm sorry for your lose, Mik. Alalahanin mo lang na nasa mabuting kalagayan na ang kuya mo at alam ko sa mga oras na ito ay ginagabayan ka na niya," pagco-comfort niya sa akin. Kaya dahilan ng pagbilis ng t***k ng puso ko.
Nabigla ako nang yakapin ako ng ginang at hinagod ang likod ko. "Whatever happens, Mikael. When you need the helps of someone, or you have a problems, if you need someone to comfort you, from the misery or whatever. You can count on this family. You are always welcome here, our door is open for you," mahinang sabi niya and I closed my eyes as a lone tears escaped.
"T-thank you, m-mama..." I whispered and I hug her back.
"Anything for you, dear."
I felt comfort.
***
"Is everything okay, Mikael? What took you so long, dear? Are you done? You can come out there," dining kong saad ni mama sa akin.
Nasa labas siya ng walk-in-closet. Naiwan ako rito para makapagbihis. Connection ang bathroom nila sa closet.
Nakatitig lang ako sa malaking salamin na nasa tapat ko. My heart skipped a beats.
Hindi ko nakikita si Engr. Mikael S. Brilliantes. All I can see is the real me, Anne Junelyn Cascabel Hermoso Brilliantes. Wearing an expensive gold long gown na masyadong hapit sa katawan ko. Kumikinang ang cloth nito at may iilang desinyo sa gown. Long sleeve type, parang damit ng prinsesa. Pabagsak din ang tela sa pang-ibaba at alam ko kung maglalakad ako ay possible na maaapakan ko ito.
Simpleng family dinner lamang ito pero hindi ko alam kung bakit ito ang pinili ng mommy ni Crim para sa akin.
Hindi ko tuloy alam kung lalabas na ba ako o ano. Kinakabahan na ako. Ngayon mas lumalabas kung ano ang tunay sa pagkatao ko.
"Mikael? Nag-aalangan ka ba? Don't worry, walang mangyayaring masama or something. Trust my son, Mik. Alam kong hindi ka pababayaan ng anak ko." I took a deep breath as I started to stepped out from the closet.
"Oh, fin--" hindi niya natuloy ang sasabihin niya sana nang tuluyan na niya akong nakita at nalaglag ang box mula sa kamay niya.
Napaatras pa siya at nakaawang ang mga labi. Shocked was written on her beautiful face.
"I-I...c-can't i-imagine... Oh my God..." Naramdaman ko ang pamumula ng pisngi ko.
"H-hindi po ba bagay sa akin? Masyado po bang hapit sa katawan ko? I c-can change naman po," sabi ko sa maliit na boses at mas lalo lang siyang nagulat. She blinked her eyes several times at ginawa pa niyang pamaypay ang palad niya na tila naiinitan siya.
"I can't believe," ulit niya sa sinabi niya kanina.
"Hindi 'yon sa ganoon, dear. I was...just surprised. H-hindi ko akalain na ganito pala ang looks mo kung nakadamit ka na ng... Wow... I lose my words..."
"ARE you aware that you are the very beautiful man in this would, Mikael? Even boys, alam kong mapapansin ang physical appearance mo."
"Oh, man. Ano kaya ang magiging reaction ng baby boy ko," nakangiting sabi niya at marahan na hinila niya ang braso ko.
Ginabayan niya akong makaupo sa tapat ng half-size mirror niya at kompleto ang make-up and the other stuff for make over.
Gamit ang mga daliri niya ay sinuklay niya ang maikli kong buhok. "Lagyan natin ng wig ang hair mo para mas maging girly ka," aniya at binuksan ang drawer at may inilabas siyang color brown wig. Hanggang balikat lang ang haba nito.
"But before that, lalagyan kita ng make-up." Tumango na lang ako bilang tugon.
Para siyang bata na nabilhan ng bagong toys or nagkaroon ng bagong kaibigan dahil sa amusement na makikita sa magaganda niyang mga mata.
"I can't believe na mag-e-enjoy pala ako sa trouble na ito," manghang-manghang komento niya at nagsimula siyang maglagay ng kung anu-ano sa mukha ko.
Minuto ang nakalipas bago siya natapos. Ang wig na suot ko ay mataas na nakapusod. Mas lalo lang umiba ang mukha ko at halos hindi ko na makilala ang sarili ko.
"Done," nakangiting sabi niya and she even clapped her hand because of the so much happiness.
"Mom? Tapos na po ba kayo riyan? We're gonna be late, mom," dinig naming wika ni Crim sa pintuan at kumakatok pa ito.
"Wait a seconds. Come here, dear. Let them drop their jaw," excited na saad niya at hayon na naman ang pagbilis ng t***k ng puso ko.
"Just breath, everything is gonna be alright."
Hinawakan niya ang nanlalamig na kamay ko habang magkasabay na lumabas kami mula sa kuwarto nila.
Since nasa second floor ang kuwarto nilang mag-asawa and we need to step the stairs. Kahit long gown pa ang suot ko ay hindi ako nahirapan sa paglalakad dahil naka-pambahay na slipper lang ako.
Hindi pa man kami nakakalahati sa hagdanan nang makarinig kami ng mga bagay na nabasag.
Narinig ko lang ang mahinang halakhak ng ginang at hindi ko nabigyan ng atensyon ang bagay na 'yon. Dahil abala ako sa gown ko.
Kunot-noong tiningnan ko ang mag-ama ng ginang. Nasa living room silang tatlo at naka-formal outfit na.
Si Arct. Drimson na nakatayo lang sa gitna at malamang kagagaling niya lang sa kitchen area nila. Sa paanan nito ay tila nabitawan ang bowl na may lamang strawberry. Nabasag ito at nagkalat ang kapiraso ng strawberry.
Ang asawa ng ginang ay nakatayo at nasa paanan din nito ang nabitawan na magazine na marahil na binabasa nito.
Huli kong tinitigan si Crimson, katulad ng daddy at kakambal nito ay ganoon din ang reaction niya.
"What's with that reactions, guys?" may sarkasmo na tanong ng ginang sa kanila.
Their reactions ay katulad lang din ni mama. Minuto ang makakalipas bago sila matatauhan at iyon nga ang nangyari.
"Sh*t!" sabay-sabay na mura nilang tatlo at mas lalo lang kumunot ang noo ko.
Magkasabay pa nilang pinulot sa floor ang mga bagay na nabitawan nila. Pero si Drim ay patakbong kinuha ang gagamitin na panlinis.
Dumagundong sa loob ng mansion ang ingay na nagmumula sa cellphone ni Crim. Halatang nanginginig ang mga kamay niya kaya muli niyang nabitawan ito.
Mahihinang mura ang maririnig mula sa bibig niya. "Hay, as what I've expected. Pero hmm...mas grabe pa yata. Come here, dear," ani mama at tinulungan na naman ako nito makaupo sa sofa.
Pero ramdam ko ang tatlong pares ng mga mata nilang nagmamasid sa akin.
"What do you think? Pasado ba?" tanong ng ginang sa mag-ama niya na ngayon ay magkatabi ng nakatayo.
Mangha-mangha at nakaguhit pa rin ang pagkagulat sa mukha nila. Amusement, surprised.
"Oh, I almost forgot the shoes!" she said at may kinuha sa center table na isang box. Maybe iyon na ang shoes. Pero sa halip na iabot sa akin ay binigay ito kay Crim.
Naguguluhan man ay kinuha naman ito kaagad. "Ikaw ang magsuot sa prinsesa mo ngayong gabi," natutuwang sabi nito.
"B-but m-mom--"
"C'mon, baby."
Nahugot ko ang sarili kong hininga nang humakbang siya papalapit sa akin saka siya lumuhod sa harapan ko. Hindi nakatakas sa paningin ko ang panginginig ng mga kamay niya ng buksan nito ang box.
"I-I can handle myself," bigla ay nasabi ko.
Nasa kamay na niya ang kapares na shoes ng long gown ko. May two inch lang ang taas nito at kumikinang din.
Hinawi niya ang gown ko na nakatakpan nito ang paa ko. Mariin na napapikit-mata siya at lumalalim ang paghinga niya.
"This is...f*ck..." he murmured.
"Ako na ang magsusuot niyan. Your hands is shaking," ani ko pero hindi niya ako pinansin.
Namula ang pisngi ko nang maramdaman ko ang mainit at medyo magaspang na kamay niya sa talampakan ko. Saglit na napatitig siya rito at nakita ko pa ang paglunok niya.
Humigpit ang pagkakapit ko sa gown ko. At lumalim din ang paghinga ko. Naririnig ko ang flash ng camera na marahil ang mommy niya ang kumukuha ng picture na iyon.
"For remembrance. You looks like exactly a prince and the princess of the fairytale story."
Pagkatapos kong suotin ang heels, ang nanlalamig na kamay niya ay hinawakan nito ang palad ko. I suddenly feel, warm. Inalalayan ako nitong makatayo.
Nasalubong ko ang maamo niyang mukha at ang pag-sparks ng mata niya.
"Damn it, Mikael. You are breathtaking. Sabi ko na, eh..." anito...