CHAPTER 14

1380 Words
Chapter 14: He's beautiful MIKAEL looks annoyed when I sat beside her. Salubong ang kilay niya. "You're ruined my date, Del Labiba," he said in a flat tone. I smirked when an idea popped up in my head. I glanced at the girl na ka-date ni Mikael. Okay, she's beautiful but Mikael is more beautiful. Kahit na lalaki pa siya. "Hi, sorry for my bad behavior awhile ago. But I want to tell you something, Miss?" "Just call me, Krissha. May pagka-similarity ang name natin, Crimsa. I didn't--" "No," putol ko sa sasabihin niya sana. Narinig ko ang pag-tsk ng katabi ko. "That's just an act, Miss Krissha. Actually," I said at inakbayan ko si Mikael. I made sure na masasakal siya sa ginawa ko para hindi siya makagpasalita. He tried to push me but he can't. Napatingin si Miss Krissha kay Mikael na masama na ngayon ang tingin sa akin. If can stare could kill, Mikael will gonna be a criminal, right here right now. Ngumiti ako bago dinugtungan ang sasabihin ko. "She's my girlfriend, and she's not a boy. Wanna know her secret?" tanong ko pero hininaan ko ang boses ko sa last words ko. Para siya lang ang makakarinig no'n. Lumapit tuloy ang mukha niya sa mesa at parang interesado sa sasabihin kong secret ni Mikael. "What?" curious na tanong niya. "Mikael is a girl and she need to hides her gender because of her family's own belief," I said. "Oh! I know that..." Mas lalo lang yata nagpumiglas si Mikael dahil sa sinabi ko. Wala na akong maisip na ibang ideya kung hindi iyon lang para pumayag na siya na isama ko siya sa bahay ng tita ko at magpanggap na babae saka girlfriend ko. Well, blackmail 'yon. Pero alam kong hindi na siya tatanggi dahil napaka-big deal nga ng naisip ko. At alam kong magkakagulo ang Brilliantes clan. Kahit wala namang katotohanan. I'm so sorry, Mikael. I just need your help. And I need to do this. Forgive me for the lies. *** "Mikael! Wait up!" I called him, hindi niya ako pinansin dahil tuloy-tuloy lang siya sa paglalakad. I know, he's mad at me. Pagkatapos kong makipag-deal kay Miss Krissha ay pinakawalan ko na siya at nag-walk out naman siya kaagad. "Mikael!" sigaw ko pa rin sa pangalan niya at hinabol. Mas binilisan ko ang paglalakad ko. Naabutan ko siya sa parking lot. It's already 4:10 in the afternoon. Hindi naman marami ang customer sa resto. Kaya kahit sa parking lot ay walang masyadong kotse ang naka-parking. "Mikael," humihingal na bigkas ko ulit sa pangalan niya at hinawakan ko siya sa braso niya para mapigilan ko siya sa pagsakay niya sa kotse niya. "Mik--" nabitin sa ere sa ang sasabihin ko sana nang makita at mabasa ko ang emosyon na nakaguhit sa maamo niyang mukha. Particular na ang emosyon sa mga mata niya. "Mikael..." Takot, pangamba at sakit. 'Yan ang mababasa sa mga mata niya. Wala naman akong nababasang emosyon na galit. Nararamdaman ko rin ang panginginig ng braso niya kaya hinawakan ko ang magkabilang pisngi niya. Napakalamig nito. May luhang tumulo ro'n at tila may kung ano naman ang sumasakal sa puso ko. Hindi ko gusto ang makita siyang ganito. Tila nasasaktan. D-did I hurt him? N-nagawa ko nga ba siyang saktan? "MIKAEL..." "A-alam mo ba ang sinasabi mo kanina? Nag-iisip ka pa ba?!" sigaw niya sa akin at nababasa ko na nga ang galit sa tono pa lang. Pero bakit masyadong apektado siya sa ideyang iyon? Dapat hindi kasi wala naman talagang katotohanan ang sinabi ko. Ginawa ko lang 'yon para mapilitan siya na magpanggap bilang babae. "You're just ruined my life!" sigaw niya at nagsipatakan na nga ang mga luha niya na mabilis na pinunasan 'yon ng tumps ko. "I'm so sorry. I was just desperate, Mikael. Alam ko na ikaw lang ang makakatulong sa akin. Walang kaso 'yon sa parents ko but not my aunt. Please, Mikael? Help me with this. Promise, 'yon na ang una't huling kahilingan ko." "Saka...alam ko na nakukulitan ka na nga sa akin. Kung tutulungan mo ako for once, I will promise you that I keep my distance from you. Hindi na kita guguluhin pa and I think that's a good idea though. P-para mawala na ang weird na feelings ko when you are around," mahabang sabi ko. And when I said those words, parang may bumaon na kutsilyo sa dibdib ko. Na tinamaan nito ang puso ko. Hindi ko gusto ang ideya na lalayo ako sa kanya. Parang gusto ko pang kulitin nang kulitin siya at makikita siya araw-araw. Weird, right? Ilang days ko lang nakilala si Mikael pero masyado na akong na-attached sa kanya. "W-what about me? Alam mong magkakagulo ang pamilya ko dahil sa kasinungalingan mo!" asik niya sa akin ngunit sa mahinang boses lang iyon. Sinubsob ko ang mukha niya sa dibdib ko at hindi naman siya nagprotesta. Mikael is a cry baby. I can say that. But I think, sa akin niya lang 'yon pinapakita. Hinaplos ko ang maikli niyang buhok at parang patalim ang hikbi niya na dahilan na kumikirot ang puso ko. "Help me and I let you go. Just for this one, Mikael..." "What if...umabot sa family ko 'yon?" mahinang tanong niya at sinabayan pa nang paghikbi. "I can take care of that, Mikael. Trust your Crimson, your boyfriend, baby." By that he pushed me and I just chuckled. MIKAEL S. BRILLIANTES' POV "G-GOOD afternoon po," nauutal na bati ko sa parents ni Crimson. Dinala niya ako sa mansion nila at naabutan namin ang parents niya sa living room at mukhang na-disturbo namin sila sa movie marathon nilang mag-asawa. Nang makita nila kami ay sabay pa silang napatayo at nakaawang pa ang mga labi nila. Kabababa rin ni Arct. Drimson sa hagdan and he looks amused nang makita kami. Pangisi-ngisi pa ito kahit hindi na nababakasan ang emosyon ang mukha niya. Umupo ito sa sofa at binigyan na niya kami ng buong atensyon. Naiilang ako sa paraan nang pagtitig ng pamilya ni Crimson. Na-surpresa 'ata sila sa pagdating namin kaya hindi ko tuloy malaman ang gagawin ko. Binati ko na sila lahat-lahat, ngumiti pa ako kahit kabado ako. "Mom, dad, Drim. You're scaring, Mikael." "Oh, sorry. Na-shock lang ako, baby." Ang mommy ni Crimson ang unang nakabawi sa pagkagulat. Tumikhim pa siya. Maganda ang ginang kahit may edad na ito. At pamilyar din sa akin ang hitsura niya. Parang nakita ko na siya somewhere. Ang daddy naman ni Crim ay malaki ang pagkakahawig nila. Guwapo at matikas pa rin ang tindig ng pangangatawan nito. "He's Mikael S. Brilliantes," pagpapakilala sa akin ng kasama ko at hinila pa ako nito sa braso saka ako pinaupo sa sofa. Mabilis namang nagsiupuan ang parents niya habang nasa single sofa ang kakambal nito at naka-dikuwatrong upo. Tumabi sa akin si Crim. "H-hindi ko akalain na napaka-gandang lalaki pala ng boyfriend mo, anak," may humor na sabi ng daddy niya at bigla ay bumilis ang t***k ng puso ko. Anong boyfriend? Sinulyapan ko si Crim na ngayon ay nakahilot sa sentido niya. Nang naramdaman niya siguro na nakatitig ako sa kanya ay mabilis na binalingan ako nito ng tingin. Tipid na ngumiti siya sa akin. "Dad, Mikael is not my boyf--urgh. Nevermind." "Mikael, nagagalak akong makilala ka, anak," nakangiting saad ng ginang at inabot nito ang kamay ko. Sa una ay tinititigan niya lamang ito saka binitawan. "I'm his mother. Pasensiya na kung nakukulitan ka sa anak ko, ha? Ganyan talaga siya sa tuwing komportable siya sa mga tao." Tumango na lamang ako bilang tugon. To be honest ay nahihiya talaga ako sa kanila, eh. Hindi ko lubos na naisip na darating pala ang araw na dadalhin ako rito ni Crim at ipapakilala pa ako sa parents niya. Ang weird lang. Ito ang unang beses na makikila ko ang ibang pamilya na hindi pinipilit ng family ko. "Kaya pala patay na patay sa 'yo ang anak ko, engineer. Aakalain ng karamihan na isa kang babae kaya pasensiya na kung ganoon lang kami makapag-react kanina. This is the first time seeing the most beautiful man, like you engineer," ani naman ng daddy niya. Nakakailang pa rin ang compliment nila. Hindi ko alam kung maganda ba ang ideyang maganda ako compared sa ibang lalaki?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD