Chapter 10 :Stucked by Rain
"Hi." Napatalon ang balikat ko nang marinig ko ang boses ni Crimson. Napahawak pa ako sa dibdib ko dahil sa lakas nang pagkabog nito.
"W-What?" I asked him.
Nakasilip lang siya sa pinto na bahagya pang nakabukas. Ang ulo niya lang ang nakikita kaya nagulat talaga ako.
"Hindi ba't sinabi ko na sasamahan kita na pumunta sa location ng project natin?" wika niya. Hindi siya nakangiti ngayon pero alam kong hindi naman siya mukhang iritado.
Well, kanina ko pa nga 'yan naisip at balak ko na rin sanang pumunta kahit mag-isa lang ako. Saka hihingi na lamang ako ng favor sa architect namin. Kahit hindi ko pa siya kilala ng lubos ay alam kong hindi naman 'yon tatanggi sa akin na samahan ako. Mas nakakahiya kung sa CEO ako magpapasama. I feel nervous when he's around.
Tumayo na ako at sinikop ko lahat ang gamit ko saka ako naglakad sa pintuan.
"Ano na? Labas ka na," I said in a cold voice. Nakasilip lang kasi siya at parang nasisiyahan pa. Tinaasan ko siya ng kilay nang hindi man lang talaga umalis do'n.
Mahinang sinipa ko ang pintuan at napadaing siya dahil tumama 'yon sa panga niya. I rolled my eyes nang sobra siyang maka-react.
"Suplado," he murmured saka siya umalis sa pintuan at lumabas na rin ako.
Napangisi ako nang hinihimas-himas pa niya ang nasaktan niyang panga. Hindi naman 'yon kalakasan pero kung umakto akala mo ay nasaktan talaga. Salubong ang kilay niya at nakangiwi pa.
**
"Convoy tayo," mariing bigkas ko. Nagtatalo na naman kasi kami pagdating sa parking lot ng company niya.
Gusto niyang sumakay ako sa kotse niya para raw makapagtipid kami ng gas o kaya naman daw ay para sabay kami at mabilisan na ang pagdating. Ang gusto niya ay 'yong hindi kami maghihiwalay. Ang clingy ng CEO na ito!
"I have my car, you can drive your car," bored na sabi ko sa kanya at sinimangutan ko pa siya.
"Okay then, ako na lang ang makikisakay sa 'yo," ani pa niya at walang sabi-sabing sumakay na sa sasakyan ko.
Napabuga na lamang ako ng hangin sa bibig at napahilot sa sentido ko. Napaka-kulit talaga niya.
Tahimik lang ako sa buong biyahe. I want to concentrate sa pagmamaneho pero sadyang mapang-asar ang kasama ko dahil nakatitig lang siya sa akin at hindi man lang tumingin sa iba.
"Quit staring at me, Del Labiba. Napagkakamalan ka na talagang bakla," angil ko. He just chuckled. Mas uminit ang bunbunan ko. Para tatantanan na niya ako ay pinaharurot ko na ang kotse ko at malapit na ito sa full speed drive.
"What the heck?!" he cussed and I smirked.
"H-Hey, slow down!" he shouted pero hindi ko siya kinibo at mas bumilis lang ang pagmamaneho ko.
Safe naman kaming nakarating sa destinasyon namin at hindi ko alam kung ano ba ang mararamdaman ko ngayon.
Matatawa ba o maaawa sa kasama ko? Pagkababa niya kasi ay halos matumba pa siya at pagewang-gewang maglakad saka siya sumuka nang sumuka.
Nakaluhod lang siya sa gilid ng kotse ko at sumuka na talaga siya sa kalsada. Putlang-putla pa nga siya.
Okay, na-guilty ako. Lumapit ako sa kanya at tinabihan siya. Saka ko hinagod ang likod niya.
"You okay?" I asked him. Sinulyapan niya ako pero masama 'yong tingin niya sa akin. Kitang-kita ko ang paglabas ng ugat niya sa sentido at muli na naman itong sumuka.
"Baka pati laman mo ay maisuka mo, ha?" pagbibiro ko sa kanya at hinahagod ko pa rin ang likod niya. Ngayon lamang ako dinapuan ng pagkaawa sa kanya. Ang kulit mo naman kasi.
Nang wala na siguro siyang maisusuka pa ay huminto na siya at sumandal sa kotse ko habang nakapikit.
Tagaktak siya ng pawis at namamasa ang labi niya. Hindi naman siya amoy suka dahil matapang ang amoy ng cologne niya.
Nakapatong ang kaliwang braso niya sa nakatukod niyang tuhod. Bahagyang nakatingala pa ito at hingal na hingal.
Kinapa ko ang bulsa ko para kumuha ng panyo sana, ang kaso parang nakalimutan kong magdala.
"You have handkerchief?" I asked him. Gumalaw ang talukap ng mga mata niya. Ang guwapo niya sa ganyang posisyon pero dapat ko na munang isantabi ang pantasya ko sa kanya.
Napatingin ako sa iilang tao na kung hindi ako nagkakamali ay mga taga-DGOC ito. Binalingan ko ulit nang tingin si Crimson.
May panyo siya sa pocket ng slacks niya kaya walang permisyo na kinuha ko iyon sa kanya saka ko pinunasan ang noo niya.
Napahinto ako at napaatras nang hulihin niya ang palapulsuhan ko. Napadilat siya at tinitigan ako. Para na namang tinutusok ang balat ko ng kuryente na sa kanya yata nagmumula.
Ginalaw niya ang kamay ko at ginabayan ito para punasan ang pawis niya. Huminga na muna ako nang malalim na hininga saka ko pinagpatuloy ang ginagawa ko.
Binitawan na niya ang kamay ko at pinanghawak na lamang iyon sa laylayan ng suot kong coat at hinila na naman ito. Kaya napalapit ako sa kanya pero hindi ko na 'yon pinansin pa.
Bumaba ang panyo niya sa labi niya at natigilan na naman ako. Bakit ang pula-pula ng labi niya? Natural ba talaga itong mapula? Pinilig ko ang ulo ko at ang leeg na niya ang pinunasan ko.
"Tubig?" patanong na sambit ko. May tumama kasing tubig sa tungki ng ilong ko at napatingala ako.
Natatakpan na ng itim na ulap ang langit dahil nagbabadya ang malakas na ulan. Parang kanina lang ay maaliwalas ang panahon pero ngayon mukhang uulan pa yata.
Nagsunud-sunod ang pagpatak nito at kung hindi lang ako hinila ni Crimson ay baka tulala lang akong nakaupo ro'n.
Nakahawak siya sa kanang braso ko habang ang isa niyang kamay ay nasa ulo ko at patakbong lumapit sa waiting ched.
Pagdating namin doon ay basang-basa na kami ng ulan. "Dapat sumakay na tayo kaagad sa kotse ko," usal ko at humihingal pa ako. Medyo may kalayuan kasi ang tinakbo namin.
"Titila rin naman ang ulan, maya-maya lang," aniya.
Basa na ang buhok niya at medyo nagulo na rin ito. Nakangiting sinulyapan niya ako kaya nag-react na naman ang puso ko.
"Okay ka na? Hindi ka na ba nahihilo?" tanong ko sa kanya. Nakangiti na kasi siya ngayon, hindi na siya mukhang nakakaawa. Umiling siya at umusog sa tabi ko. Walang upuan dito. Nasa pangalawang ched pa ang mayroon at doon sumilong ang iba.
Nakikita ko pa sa malayo ang kakambal niya na nakatingin sa gawi namin.
"Yes?" Napalingon ako sa kanya nang magsalita siya bigla.
"Idiot, wala akong gagawin. 'Tado," asik niya sa kausap mula sa kabilang linya. Napatingin ulit ako sa direction ng architect. Nasa tainga rin nito ang cellphone at mukhang sila ang magkatawagan.
"Tigilan mo ako, Drim."
Napayakap ako sa sarili ko nang humangin ito bigla kaya nilamig ako.
"Stop it, Drim," dinig kong pakikipag-usap niya sa kakambal niya at ilang mura pa ang pinakawalan niya saka siya tumigil.
Pokerface na naman siya at ginulo ang basa niyang buhok. "Ang malas mo ngayong araw, engineer. Umulan pa talaga," komento niya kaya siniko ko siya.
"Bakit naman ako ang malas? Baka ikaw," ani ko at ngumiti lang siya.
Inirapan ko siya kaya mas lumakas ang tawa niya. "Ang ganda mong lalaki," komento na naman niya. I just rolled my eyes.
Ilang minuto pa ang tinagal namin at talagang hindi na ito tumila pa. Mas lumakas lang lalo ang ulan kaya sinisisi ko na naman siya.
"Dapat nga kasi ay sa kotse na tayo, eh 'di sana hindi tayo ma-stuck ng ulan dito!" bulyaw ko sa kanya.
Kung sa kotse na sana kami ay madali lang kaming makaalis dito at bumalik sa company niya pero ang sunga ng kasama ko.
"Ayaw mo no'n? May bonding tayo in the middle of rain," aniya kaya umiling ako sa kanya.
Winisikan ko siya ng tubig ulan sa mukha kaya napapikit siya. Akmang gagantihan ako nang pinagbantaan ko siya kaagad. "Subukan mo," saad ko kaya ibinaba niya ang kamay niya.
Akala ko makukuha ko na siya sa banta ko pero ang ginawa niya ay hinilamos sa akin ang tubig ulan sa mukha ko kaya siniko ko siya ulit.
Tawa lang siya nang tawa. 'Tado nito!
"Sino si Anne Junelyn?" Nanlambot ang tuhod ko dahil sa pagbigkas niya sa tunay kong pangalan.
Ang lakas ng impact no'n sa akin. Ibang-iba talaga kapag siya ang bumibigkas ng pangalan ko.
Naririnig ko lang 'yon mula sa biological mother ko na hindi ko na rin alam kung nasaan na siya sa mga oras na ito. Pero hinahanap ko pa rin siya. Gusto ko siyang makita ulit.
"Why'd you ask?" balik na tanong ko sa kanya.
"Sino ba siya? Girlfriend mo? Sa kanya ang kuwintas na 'yan?" tanong niya at nginuso pa ang kuwintas ko sa leeg.
"Ano naman?" walang buhay na wika ko at umungol siya dahil sa pagkairita.
"Maganda ba 'yang Anne Junelyn mo, kaya mahal na mahal mo?"
"Maganda ba si Morry kaya mahal mo rin?"
"Kailan pa naging sagot ang isa pang tanong?" nakakamot ulong wika niya.
"Ewan ko sa 'yo."
"Sana huwag ng tumila," aniya kaya siniko ko siya ulit. Hinawakan naman niya ang braso ko.
"Nakakarami ka na Engineer Mikael."
"Tigilan mo ako at baka magselos ang girlfriend ko kapag kinausap mo pa akong bakla ka," ani ko at namilog ang mata niya.
"Hi, I'm Crimsa." Nalaglag ang panga ko nang umakto siya na tila bading! He's sounds like a gay, too!