CHAPTER 9

1753 Words
Chapter 9:Bact to work BUMABA na ako mula sa sasakyan niya. Hinatid niya ako mismo sa condominium building. Stalker kaya siya kaya nalaman niya ang condo na tinutuluyan ko ngayon? Kasi nga paano niya nalaman na rito ako nakatira? Hindi naman kami close at hindi ko nasabi sa kanya ang address ko. "Huwag ka nang bumaba! You may leave now," sabi ko nang akma siyang bababa na. Pero hindi niya ako pinansin. Bumaba pa rin siya at ngumisi sa akin. "Sorry to hurt your bubbles, Engineer Mikael. Dito rin ako nakatira," nakangising sabi niya at halos malaglag ang panga ko. Dalawang taon na akong nanunuluyan dito sa condo kasama ang kuya ko pero never kong nakita si Crimson dito. "Matagal na ba?" tanong ko. Medyo pahiya ako roon. Umiling siya at napakagat-labi pa. What the? Bakit ang sexy niyang tingnan kapag ganoon? I shook my head repeatedly. "One day ago," sagot niya at namilog ang mga mata ko. "Yesterday?" hindi makapaniwalang tanong ko. Humakbang siya palapit sa akin at hinawakan ang magkabilang balikat ko mula sa likod ko at naglakad na siya kaya lumakad na rin ako. Na isa pa ay tulak-tulak niya ako, eh. "Get off, Del Labiba. Don't touch me!" supladang sabi ko. Siya lang ang lalaking nagagawang hawakan ako at halos manlambot na ang tuhod ko dahil sa presensiya niya! "I'm your friend, now. Engineer Mikael. Magkapit-bahay lang tayo," aniya at pilit na nagpupumiglas ako sa hawak niya. "Don't move, you looks like a gay. That afraid to touch by someone," natatawa niyang komento at kung hindi lang talaga siya malakas ay baka kanina ko pa siya siniko sa tagiliran niya. "Idiot, gay loves men! Baka masiyahan pa iyon, but not me! I'm a boy!" sigaw ko at huminto kami sa elevator. Bumukas ito kaagad kaya pumasok na ako. Sumunod naman siya. "So, I'm a gay, then?" tila inosenteng tanong niya sa akin at parang huminto ang pag-iisip ko. B-Bakit naman niya 'yon nasabi? Bakla siya? "W-What do you mean?" naguguluhan kong tanong sa kanya. Lumalim ang gatla sa noo ko. "I am happy when I touch your skin," diretsong sagot niya at napaatras ako dahil sa paghakbang niya. "Can you feel that?" tanong niya sa mahinang boses at kinuha ang kamay ko at itinapat ito sa dibdib niya. Mas lumaki pa tuloy ang mga mata ko. Para akong nakakita ng multo dahil sa kanya! "You're crazy," sabi ko at kung may ikakalaki pa ba ang mata ko ay ewan ko na lang. "L-Lumayo k-ka nga..." nauutal kong sambit. Mas lumalapit kasi siya sa akin at wala na akong mauurungan pa kundi ang malamig na pader ng elevator. Kulang na lang ay gawin niya rin ang ginagawa ng mga bidang lalaki sa TV drama. 'Yong ii-stuck niya ang bidang babae gamit ang bisig niya. Napahiwalay lang siya sa akin nang makarinig kami nang pagtikhim mula sa likod niya. Gusto ko tuloy ilubog ang sarili ko sa malalim na dagat dahil sa kahihiyan. May dalawang babae kasi ang sumakay sa elevator at hindi makapaniwalang nakatitig ito sa amin. Laglag panga sila pareho at palipat-lipat ang tingin sa amin. Tumabi sa akin si Crimson kaya siniko ko siya. Narinig ko ang mahinang pagdaing niya. "That hurts, baby..." aniya at ang akala mo ay nasaktan talaga. "Mag-jowa ba sila?" "Siguro nga, bes. Ang close nila masyado, eh." "Parehong lalaki?" "Oo." Mariin na napapikit-mata ako dahil sa bulungan nila. Kainis! Parang mawawala pa ang reputation ko sa CEO na ito. Sinilip ko ang reaction niya. Medyo nagulat ako dahil no expression ang face niya. Mukhang hindi niya rin nagustuhan ang narinig. Ang kulit niya kasi! Nauna akong lumabas mula sa elevator kasi nasa floor na ako ng unit ko. Narinig ko ang footsteps ng kung sino man mula sa likuran ko. Diretso lang ako sa paglalakad hanggang sa marating ko ang condo ko. Pinindot ko ang passcode ko at nang bumukas ito ay papasok na sana ako nang maramdaman ko na naman ang pamilyar na presensiya niya. Binalingan ko nang tingin si Crimson na ngayon ay nakangiti na naman siya. Bipolar! "Hanggang dito ba ay sinusundan mo pa rin ako?" usal ko. "Sorry to disappointed you, Engineer Mikael, dito rin ang floor ng unit ko," aniya. Nasa tapat lang din ang unit niya. "Whatever!" bulyaw ko. "9900, ang passcode ko. Puwede mo akong pasukin sa loob ng condo ko. I don't mind, by the way. Good night, Mikael," nakangiting saad niya saka siya pumasok sa unit niya. Ang kulit ng lahi niya! Nakatulog ako kagabi nang mapayapa. Nakatulog ako ng walang hinanakit sa dibdib pero noong nagising na ako sa umaga ay parang bumalik ulit ako sa realidad. Bumalik ulit ang sakit sa dibdib ko. Nasanay ako, nasanay ako na may nagdo-doorbell sa labas ng pintuan bago siya papasok sa condo ko at ang kuya Miko ko ang una kong masisilayan ngayon. Pero wala. Ngayon ay wala na. Walang kuya Miko ang nagluluto ng almusal ko. Walang kuya Miko na aalagaan ako at pangingitiin. Ngayon pa lang ay pakiramdam ko hindi ako sanay na walang kuya Miko ang madadatnan ko sa umaga. Pero kailangan kong tanggapin ang katotohanan. Na hanggang doon na lamang ang kapatid ko. Na hanggang doon na lang ang role niya sa buhay ko. Napakalaking kawalan sa akin ang kuya ko. Parang gusto ko tuloy sumama sa kanya. Ngayon, ramdam ko na nag-iisa na lamang ako. Ramdam ko na wala ng nagmamahal sa akin. Dapat mabuhay ako ng ako lang, na mag-isa na lang ako. Na dapat tatagan ko ang kalooban ko dahil sarili ko na lamang ang kakampi ko. Hindi na ako kumain ng breakfast ko dahil ang mukha ni kuya ang nakikita ko sa loob ng condo ko. Mas sumisikip lang ang dibdib ko. Para akong nasu-suffocate. Tahimik na binagtas ko ang daan patungong company nina Crimson. Ginamit ko ang isa kong sasakyan dahil naiwan sa mansion ang paborito kong kotse, na si kuya Miko pa ang nagbili no'n. Sa ngayon gusto kong magtrabaho na muna. Isasantabi ko muna ang problema ko sa buhay. Hindi pa man ako nakakapasok sa entrance ng company ay abot-abot na ang kaba ko sa dibdib. Tapos palinga-linga pa ako na akala mo ay may hinahanap ang mga mata ko. Napabuntong-hininga na lamang ako at umiling. Mabilis ang mga hakbang ko at nang makapasok ay tinungo ko ang elevator. Nakasarado pa ito at may iilang babaeng empleyado pa akong kasama sa labas ng elevator. Hawak-hawak ko ang sling ng shoulder bag ko at ang kaliwang kamay ko naman ay nakasuksok sa loob ng black pants ko. Iniingatan ko ang bawat kilos ko sa tuwing nasa labas ako. Kung hindi lang siguro sila titingin sa mukha ko at pagkakamalan akong babae ay hindi 'yon halata sa mga kinikilos ko. Lalaking-lalaki ako kung titingnan nila. "Ang pogi, 'di ba siya 'yong bagong engineer natin?" "Oo, siya si Engineer Mikael S. Brilliantes, anim silang magkakapatid at puro lalaki lahat." "Pero balita ko namatay ang isa nilang kapatid." "Talaga? Ang gaganda ng mga lahi nila, saka si Engineer Mikael ang pinakabata." "Ang guwapo niya, grabe. Humingi tayo ng number niya!" Hindi na lamang ako nag-react sa mga binubulong nila. Hindi na rin ako nagugulat dahil sanay na ako sa ganito. Tumunog ang elevator, senyales na bumukas na ito. Tumagilid ako at tiningnan ang limang babaeng empleyado, may isang bakla rin at pulang-pula na ang pisngi niya, hindi makatingin sa akin ng diretso. Pero ramdam ko sa tuwing nasa ibang direction ang tinitingnan ko ay sumusulyap siya sa akin. Iminuwestro ko ang kamay ko at tipid na ngumiti. Alam naman nila kung ano ang nais kong ipahiwatig sa kanila. Nakangiting sumakay sila sa elevator at pagkatapos ay sumunod naman ako. "Gentleman ang bebe loves." "Para akong mahihimatay, grabe!" Umiling na lamang ako, bago pa sumara ang elevator ay may braso na ang humarang no'n. Si CEO Crimson Del Labiba. Naka-blue office attire siya ngayon at parang naka-sampung beses na sinuklay ang buhok niya. Malinis ito at maayos tingnan. "Good morning," walang kangiti-ngiting bati niya. Iba ang reaction niya ngayong umaga na ito. "Morning," I greeted him back at bahagya pang tumaas ang sulok ng labi niya. I looked away when my heart beating fast again. "Good morning din po, sir," bati naman sa kanya ng mga empledayo niya. Tumango lang siya at muli akong tiningnan. Urgh, ibang klase ang epekto sa akin ng CEO namin. Para akong mahihimatay na ano. Umusog ako sa left side ko nang tumabi siya sa akin. Napayuko ako nang makita ko sa pintuan ng elevator na nakatingin siya sa akin. Kahit kailan talaga ito, pahamak. "Mamayang break, lapitan natin si Engineer Mikael," dinig kong mahinang bulong na naman nila. Nasa 2nd floor pa lamang kami nang bumukas ito at may dalawang lalaki ang sumakay. Base sa hitsura at gestures nila ay nagkukuwentuhan sila pero nang mapatingin sa amin ay halatang nagulat ang mga ito at natigilan. Pero kalaunan ay parehong ngumiti. "Good morning, Engineer Brilliantes and sir," magalang na bati ng isang lalaki na may hawak-hawak na blue prints. Isa siya sa team ni Architect Drimson at pati ang kasama niya. Tumikhim ang katabi ko nang tumagal ang tingin sa akin ng dalawa. May hitsura naman sila at matangkad. Tumabi ang mga ito sa akin at naramdaman ko na may humila sa coat ko. Naguguluhang tumingin ako kay Crimson. Hawak-hawak na niya ang laylayan ng coat ko at muli na naman akong hinila palapit sa kanya. Diretso lang ang tingin niya. Ganoon na lamang ang gulat ko nang mapatingin ako sa unahan ay nakatingin sa amin lahat ang sakay ng elevator. Naguguluhan at nakakunot-noo pa. Nakita rin nila na hinihila ako ng CEO at hawak niya ang coat ko! Muli akong yumuko at narinig ko pa ang pagtikhim niya. Hindi man lang nahiya! Ngayon ay kami na lamang ang natira at nakatutok na sa akin ang buo niyang atensyon. Naiilang ako sa bawat titig niya kaya nanginginig ang kamay ko. Ako na ang unang lumabas at tinungo ko kaagad ang office ko. May kalakasan pa ang pagkakasara ko ng pintuan at humugot nang malalim na hininga. Inayos ko na layout ko at kinalimutan pansamantala ang CEO na 'yon pero ang walang hiya! Pinapanood ako sa mula sa loob ng opisina niya. Hindi ba siya naaabala sa ginagawa niya? Pero maya-maya lang ay lumabas siya habang nakatutok ang mata niya sa hawak niyang cellphone. May tumatawag yata sa kanya o ang girlfriend niya kamo? I breath a deep sigh and I'll back to work again.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD