CHAPTER 8

2107 Words
Chapter 8 : Possessive CEO "AT SINONG Anne Junelyn ito?! Girlfriend mo?!" Para akong nabuhusan ng malamig na tubig dahil sa pangalan na binanggit niya. "Sino 'to, ha? Girlfriend mo? May girlfriend ka na nga!" iritadong saad niya at nanlalaki pa ang butas ng ilong niya. Hindi ko siya sinagot. Padabog na inagaw ko sa kanya ang hawak-hawak niyang kuwintas. Kinabahan talaga ako at halos manigas ako sa pagkakaupo ko. Nanginig din ang kamay ko. Napaawang ang labi ko nang matitigan ko ang pangalang naka-ingrave sa kuwintas. Crescent moon ang necklace na kulay dark. Napatulala ako, ni minsan ay hindi ako nagpagawa ng kuwintas na may pangalan ko kasi nag-iingat ako sa buong buhay ko. Ayokong mabunyag ang sekretong hindi ko naman ginustong itago pero dahil para rin sa kapakanan ko ay mas pinili kong ilihim na lamang ito. A-ang kuwintas na ito ay kay kuya Miko. Alam ko dahil araw-araw kong nakikitang suot niya ito sa leeg. Anne Junelyn B. 'Yan ang mababasa sa necklace ni kuya na halos ikagimbal ng pagkatao ko. A-alam ni kuya, alam ni kuya ang tunay kong pagkatao. May alam ang kuya ko na isa akong babae. "Look at me, Mikael!" dinig kong sigaw sa akin ng lalaking kasama ko at hinawakan ang magkabilang pisngi ko. Nagtatakang tiningnan ko naman siya ng diretso sa mga mata niya. Mababasa roon na hindi niya nagustuhan ang nakita niya. "Sino si Anne Junelyn? Girlfriend mo? You missed her, that's why you are crying," he said, the girl you asking who is she, is now in front of you, Crimson. At hindi ko namalayan na lumuluha na pala ako. Kaya pala overprotective ang kuya ko noon sa akin na hanggang ngayon, kung hindi lang siya binawi sa amin ng Diyos. Tandang-tanda ko pa noon, ang mga batang lalaking nais akong makalaro pero pinagtatabuyan sila ni kuya. Ang akala ko noon ay nagseselos lang siya kapag may mga batang nais akong maging kaibigan. Noong high school naman kami ay kapag nagbabanyo ako ay sinasamahan niya ako at tinitiyak niyang walang tao tapos ang akala ko ay pati siya magbabanyo rin pero sa pintuan ng CR lang pala siya magbabantay. At may kung mag-iimbita sa akin na maglaro ng basketball na natutunan ko dahil tinuruan ako ni kuya ay todo tanggi rin si kuya Miko. Sa college, siya ang pumiling sport para sa akin. Badminton for male, gusto ko ngang maglaro ng basketball o soccer pero ayaw niya. Ang dahilan niya ay baka raw masaktan ako. Bantay sarado ako ng kuya ko noon especially when it comes to boy. Hindi naman ako na-pressure sa paghihigpit niya sa akin dahil pabor sa akin iyon lahat. Umiiwas ako sa mga lalaki pero kahit babae ay ginagawa rin ni kuya. Lapitan ako ng babae at lalaki noon na ikinainis ko dahil distracted ako sa pag-aaral. Kaya pala, kaya naman pala ginagawa iyon lahat ni kuya. Dahil alam niyang babae ako pero ni minsan hindi siya nagtanong sa akin. Hindi niya ako sinumbong kay dad. Hindi niya isiniwalat ang nalaman niya tungkol sa akin. Nilihim din ni kuya. Pero bakit? Bakit niya 'yon ginawa. "Haist! Let's go, dadalhin na kita sa bar!" Hindi ako kumibo nang hinila niya ako sa braso dahil natulala talaga ako sa nalaman ko ngayon. Gusto kong umiyak, gusto kong yakapin ang kuya ko. Gusto ko siyang tanungin kung bakit nilihim niya iyon. Gusto kong malaman ang kasagutan. Biglang huminto si Crimson at hinarap ako. "Umiiyak ka na naman," aniya na ngayon ay hindi na iritado ang boses niya. May pag-aalala na 'yon. Napa-atras ako nang hawakan niya ang pisngi ko at pinunasan ang nahulog na butil na luha ko. Tila napapaso ako sa kamay niya na nakadampi sa pisngi ko at hindi ako makakilos. "Maliban sa mga lalaking kakilala ko na asawa na ngayon ng mga kaibigan ko ay ikaw lang ang nakita kong lalaking umiiyak. Ikaw lang ang lalaking nakilala ko na totoo sa sarili at wala kang pakialam kahit may makakita sa 'yo na mahina ka. I am so proud of you, Mikael," mahabang sabi niya at may ngiti sa labi. He pulled my body para yakapin ako. I automatically snaked my arms on his back. Nagawa ko pang isubsob ang mukha ko sa balikat niya at doon lumuha. HINDI ako dapat umiyak, hindi ako dapat umiiyak sa balikat ni Crimson dahil hindi naman talaga kami magkaibigan. Hindi ko dapat ito ginagawa pero iyong katawan ko na mismo ang gumawa no'n. Parang sa piling ng lalaking ito na gagaan ang bigat sa pakiramdam ko. Nabibigyan ako nito ng comfort na iiyakan ko na naman. Hinagod-hagod pa niya ang likod ko at naririnig ko ang mahihina niyang pag-hum ng kanta. Sa una ay hindi ko alam ang tono ngunit laking gulat ko nang kumanta siya. "Please don’t say a word 'Cause they all have been said now Like a journey coming to an end You say Let it run like the river Wild and without a care Just like the days, we were young and fumbling Nakapikit ang mga mata ko nang pinapakinggan ko lang ang boses niya. Hindi ko alam na maganda pala ang boses niya, malamig at baritono. "Everything fades away Let it go by with a flow Really wish I could stay, but you know me All the moments we shared Are not going anywhere Never quite understood it when you told me Just close your eyes And I be right by your side 'Cause memories don’t say goodbye Gumagaan, gumaan ang pakiramdam ko. Nagagawa niyang tanggalin lahat ng sakit na nakatago lang sa dibdib ko. Maliban sa kuya Miko ko ay may isang tao rin pala ang magagawang pakalmahin ang kalooban ko. Na kinatakutan ko rin sa huli. Dahil baka may pagkakataon na iiwan din niya ako. Alam ko iyon. Ramdam ko. He starte humming the song again at doon nahimasmasan ako. Hindi na ako umiiyak. Parang bigla ay maayos na ako. "Like the lyrics, all the moments we shared are not going anywhere. Never quite understood it when you told me, just close your eyes...and I be right by your side, always remember that, Mikael. Whether you like it or not, you are my friend now, at kaibigan mo na rin ako, Mikael." *** LAY's Club House, as what I have requested na dalhin niya ako sa bar ay iyon nga dinala niya ako. When we entered inside the bar, all you can see, the wild customers. May mga nagsasayawan, make outs, nag-iinuman and a loud sound because of the music. Noong nabubuhay pa ang kuya ko ay hindi niya ako dinadala o isinasama na pumasok sa isang Club House. Pero ngayon nakapunta ako dahil sa lalaking kasama ko. Lumapit kami sa counter kung saan makikita mo ang bartender na nagmi-mix ng wine. Umupo kaming dalawa sa highchair at pinatong ko ang braso ko sa glass table at nangalumbaba. "Good evening, sirs," bati sa amin ng bartender at sabay na kinindatan pa ako. Fre*k. If I'm not mistaken ay magkasing-edad lang sila ni kuya Markin. Matangkad siya at may malaking katawan. May hitsura naman ang lalaki pero ayaw ko ang pagkindat-kindat niya sa akin. I groan because of the frustration, hinilamos ba naman ng kasama ko ang palad niya sa mukha ko kaya nawala tuloy sa paningin ko ang bartender na may color blue ang buhok. Malamig na tiningnan ko ang kasama ko. Nasa right side ko siyang nakaupo na halos magdikit na pareho ang braso namin. Salubong lang ang kilay nito at hayon na naman ang iritasyong naka-guhit sa mukha niya. "Bakit ba?" masungit na tanong ko sa kanya at ibinalik ko ang paningin ko sa bartender na sa akin na ngayon nakatitig. He licked his lips kaya napasunod talaga ang mata ko roon. "Stop it, Arkanghel!" biglang sigaw nito at natulala na naman ako. Arkanghel ang pangalan niya? Mukha siyang bad boy pero santa naman ang pangalan niya. No wonder na guwapo nga siya at anghel ang pangalan nito. "CHILL, man," natatawang sambit ni Arkanghel. Lumapit siya sa amin at inatras ko ang mukha ko dahil dumukwang talaga siya palapit sa akin. "I like you," walang gatol na saad nito na ikinangiwi ko. Tumayo si Crimson at binatukan niya ang lalaki pero hindi ito ininda. Nakatitig lang sa akin, tila hinihigop at hinuhusgahan ako sa paraan nang pagtitig niya sa akin. "Well, sorry to disappointed you, dude. Hindi kayo talo," ismid na sabi sa kanya ni Crimson. Umiling lang ito. "I know, but I still like him. He's look exactly like an angel, susuotan lang siya ng damit pambabae at wigs ay pagkakamalan mo na siyang babae," straight forward na komento nito. Hindi ko nagustuhan ang tono ng boses niya. Kadiri, nanlalandi. "There's a thing that we can change, honey. Problem solve. Puwedeng ako o ikaw ang mag-exchange ng something you know. Pero ikaw na lang para hindi tayo magtalo kung sino ang top or bottom," nakangising sabi niya. Namula bigla ang pisngi ko. "Magpaka-santa ka, Arkanghel! Kadiri 'yong mga sinasabi mo!" bulyaw ni Crimson sa kanya at ngumisi lang ito. "O babae talaga ang kasama mo, man. Hindi mo lang sinasabi sa akin para hindi kita maagawan. He's so beautiful," komento pa nito na hindi naubusan ng papuri. "'Tado ka, Ark! Just give us a drink! Hurry up!" "Alright, wait for a while, honey," anito at kumindat na naman siya sa akin. Kaya mukhang na-stress na sa kanya si Crimson. Humahaba ang nguso nito at namumula ang pisngi at tainga niya. Malakas na tinapik ko siya sa kaliwang balikat niya na muntik na niyang ikalaglag mula sa upuan niya. Nagulat ko yata. "What?!" galit na tanong nito sa akin. Sa halip na mainis ako sa kanya dahil pinagtaasan niya ako ng boses ay tinawanan ko lang siya. Lumambot ang expression ng mukha niya na at umawang pa ang labi niya. Tulalang nakatitig lang siya sa akin. Natatawa ako sa inaakto niya ngayon. Mukha siyang nagseselos. Kung hindi lang kami nakarinig ng bagay na nabasag ay hindi ako ihihinto at nang makita ko sa tapat ko si Arkanghel na para siyang natulos sa kinatatayuan niya. Tulala rin siyang nakatitig sa akin. "Ark! Sa tagal-tagal mo ng bartender sa club ko ay ngayon ka pa talaga nakabasag ng glass wine? Naka-drugs ka ba, pare?" tanong ng isang lalaki na pumasok sa counter at umiling-iling pa ito. "Napaka-t*nga kasi," Crimson commented at parang doon lang nagising sa pagkakatulog ang bartender at napakamot pa ito sa batok niya. "S-sorry, Cyan. May nakita kasi akong anghel, eh," anito at sumulyap sa akin. Nakita ko pa ang pamumula nang pisngi niya. "Ah... Anghel pala, don't worry. Free country naman ito puwede mong maging boyfriend ang customer natin, right Mr--?" ani ng nagngangalang Cyan. "Mikael, I am Engr. Mikael S. Brilliantes," sagot ko at napatango siya. "Engineer pala, I am Cyan. The owner of this club and this is my bartender, Arkanghel Montegracia, he's a doctor. Hindi halata, 'di ba?" aniya at ginulo ang buhok ni Arkanghel na wala pa ring imik. "Ang CEO na si Crimson ang kasama mo, boyfriend mo?" Boyfriend ko? Ang weird na naman ng puso ko. Bigla na naman bumilis ang t***k nito. Nag-init ang pisngi ko. "Shut up, Cyan! It's a mistake to bring Mikael, here! Ang dami kong kaagaw sa atensyon niya," mahinang sabi nito pero narinig naman namin. Hinila na niya ako sa braso ko. "We're going," cold na pagpapaalam nito sa dalawa. "Killjoy mo, Crim! Huwag mo nang isama si Mikael ko! Akala ko ba mag-iinum kayo?" pahabol na wika ng lalaki pero naging bingi na ang kasama ko. Hinayaan ko na lamang at hindi ko na kailangan ang alak para makalimot. Dahil sa piling pa lang ni Crimson ay kampante na ako basta huwag lang akong magtiwala sa kanya. Not now. Pinagbuksan pa niya ako ng pintuan ng kotse niya at napaigtad ako nang malakas niya itong sinara. "Seriously?" I uttered. Umikot siya sa driver's seat at pinaharurot na naman sa kung saan. "Hindi nga babae ang kaagaw ko sa 'yo, puro lalaki naman," mahinang bulong na naman niya pero hindi malinaw sa akin ang narinig ko. Lalaki lang at kaagaw ang tangi kong narinig. "You okay?" tanong ko kapagkuwan. Hindi niya ako sinagot pero umismid lang siya. "At nagpakilala pa!" This time ay narinig ko na ang binibigkas niya. "Ano 'yon?" tanong ko ulit. Napaatras ako sa kinauupuan ko nang binalingan niya ako. Para siyang lion na handang kumain ng buhay. Masyadong malamig ang expression ng mukha niya. "Bawal ka makipagkaibigan sa iba, ako lang dapat!" sigaw niya sa akin at kumabog na naman nang malakas ang dibdib ko. What a possessive CEO!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD