Chapter 7: Comfort
CRIMSON DEL LABIBA's POV
"BABE," salubong sa akin ng girlfriend ko pagkapasok ko sa unit niya.
Mabilis na pumulupot ang magkabilang braso niya sa leeg ko at mariin na hinalikan ako sa labi. Nagprotesta ako kaagad at mahinang tinulak ang katawan niya palayo sa akin.
"I thought you're not feeling well, Morry?" I asked her. She called me a while ago that she was sicked at kailangan niya raw ako but it seems she's fine naman.
"I just missed you, babe," malambing na wika niya at gumapos ulit sa akin ang kamay niya saka ako hinalikan.
"I'm busy with my work, you know that, babe," I said at hindi man lang ako nakapag-paalam kay Mikael kanina na aalis na ako.
I was worried dahil tumawag talaga sa akin si Morry na masama ang pakiramdam niya at hindi siya nakapunta sa shoot nila kanina.
"Where's your manager, babe?" tanong ko pero hindi niya ako sinasagot dahil patuloy na hinahalikan pa rin niya ako.
"Stop it, Morry," pagpipigil ko sa kanya pero hindi na naman niya ako pinansin.
"Just kiss me, babe, please," may pagmama-kaawang sabi niya. Napabuntong-hininga na lamang ako.
Hinapit ko siya sa baiwang niya at ako na ang unang humalik sa labi niya. Nagsimulang tinupuk ng apoy ang katawan namin pero bago mauwi lang ito sa bagay na alam kong pagsisihan ko ay huminto na ako.
"Just rest now, Morry. May trabaho pa ako na hindi ko natapos sa opisina ko," sabi ko at hinaplos ko ang labi niya na ngayon ay namumula na.
"Babe, hindi pa ba natin gagawin iyon?" nakangusong sabi niya, mabilis na umiling ako.
"Ang tagal na natin pero hanggang halik lang tayo?!" tanong niya at may pagka-irita sa boses.
"You know well, that I'm not that type of person, Morry. Hindi kita gagalawin hangga't hindi mo dala ang pangalan ko," mariing sabi ko at umismid siya.
Pinalaki kasi kami ni Drim ng mga magulang namin nang maayos. Na huwag gawin ang ganoong bagay hangga't hindi pa kami ikinakasal. Pinapaalala talaga sa akin 'yon ng parents ko lalo na ang ina ko.
Believe me or not, never kong ginalaw ang girlfriend ko. I respect her, too much. Siya lang talaga ang pumipilit sa akin na gawin iyon. Hindi naman dahil sa ayaw ko pero hindi ko talaga ginagawa ang bagay na iyon.
"I have to go," sabi ko, hinalikan ko na muna siya sa noo niya bago ako lumabas sa unit niya. Wala siyang nagawa nang umalis na ako.
Hindi na bago sa akin ang pangyayaring ito. Dahil madalas na niya itong ginagawa.
Napahinga ako nang malalim at pumikit nang mariin. Habang lulan na ako ng elevator. Nagmulat din ako ng mga mata nang imahe ni Mikael ang nakita ko.
"Damn it!" mahinang mura ko at tinanggal ko ang nectie ko.
Is this normal? I can even seeing myself kissing Mikael on the lips.
I am in trouble! Normal pa ba iyon? Alam kong hindi naman ako bakla pero malaki talaga ang atraksyon ko sa engineer na iyon. Nagkakagusto ako sa kapwa ko lalaki?! At alam kong hindi rin bakla si Mikael. Lalaki 'yon, lalaki!
Sinampal-sampal ko pa ang pisngi ko dahil sa kahibangan ko. Baliw na nga ako at ang lalaki na iyon ang iniisip ko.
Nagawa ko pang magpatayo ng malaking hotel at siya pa ang kinuha kong head engineer para lamang makita ko siya araw-araw.
Hindi na nga ako normal. Napapaisip na tuloy ako at nagdududa sa tunay kong kasiraan.
Pero lalaki naman talaga ako!
Lumabas na ako mula sa elevator nang bumukas na ito. Wala sa sariling nagmaneho na ako pabalik sa kompanya at napahawak ako sa labi ko.
"I'm curious though, what does it taste ang mahalikan si Engineer Mikael?" tanong ko sa sarili.
I shook my head multiple times at malulutong napamura na naman ako.
I'm not gay!
When I reached my company, I feel disappointed. Hindi ko na naabutan doon si Engineer Mikael at walang ideya ang empleyado ko kung saan nagpunta ang lalaking iyon.
Bigla na lang daw umalis nang wala man lang paalam. May plano pa naman kami na pumunta sa location ng pagtatayuan namin ng bagong project.
Sa sama ng loob ko ay inabala ko na lamang ang sarili ko sa pagtatrabaho habang ang kabilang parte ng utak ko ay na kay Mikael.
Saan kaya 'yon nagpunta? Sa oras ng trabaho pa. Nakipag-date kaya sa babae? I pinched the brigde of my nose sa naisip kong kahibangan. Bakit yata hindi ko gusto ang ideya na nakikipag-date siya ngayon?
3:15 pm nang may kumatok sa pintuan ng opisina ko. Tubig at burger lang ang kinain ko kaninang lunch time at panaka-nakang sumusulyap sa kanilang opisina kung bumalik na ba siya pero mukhang hindi na.
"Kuya," dinig kong tawag sa akin ng kakambal ko at naabutan niya akong nakatingin sa wall glass.
Nagsalubong ang kilay niya at napa-cross arms, tapos ilang beses umiling. "Talagang hulog na hulog ka na sa engineer na 'yon, kuya. Ilang araw mo lang 'yon nakikilala," aniya. Iyon nga Drim. Hindi pa umabot ng isang linggo ay ganito na ang nararamdaman ko.
Gusto ko siyang makilala pa nang lubos. Interesado ako sa buhay niya at curious din. Saka ang guwapo naman talaga ng engineer na iyon, maliit lamang ang shape ng mukha niya na aakalain mong hindi siya lalaki.
"Kaibigan lang, Drim," sabi ko at nagkibit-balikat lang ako. But knowing Drim? Makulit talaga siya.
"I have a bad news here, kuya. About your boyfriend," ani ni Drim at nagsalubong ang kilay ko.
Boyfriend? Pinanindigan talaga ni Drim ang nasa utak niya na boyfriend ko si Mikael?
"Creepy ang ngisi mo, kuya! In love ka na nga!" bulyaw sa akin ni Drim at tinapik-tapik pa ang kaliwang pisngi ko.
Ewan ko ba kung bakit sa halip na mandiri ako sa naisip ng kakambal ko na boyfriend ko si Mikael ay mas natuwa pa ako lalo. Parang may something akong naramdaman sa tiyan ko.
Hindi na nga ako normal! Bakla na ba ako?!
"What is it, Drim?"
"Nagkaroon ng car accident kanina at lulan nito si Engineer Brilliantes," sagot niya sa akin at bigla akong napatayo dahil sa gulat.
Mariin na magkalapat ang labi niya at maya-maya lang ay ngumisi siya at hayon na naman ang weirdo niyang pag-iling.
"D-Did I heard it right, Drim? N-nasaan siya?" tanong ko na may pag-aalala sa boses ko. Kinabahan ako sa naisip na napahamak siya.
"I'diot, si Engineer Miko ang tinutukoy ko!" natatawang sabi niya. Napaupo ulit ako sa swivel chair ko and I felt relief nang hindi naman ang Mikael ko ang naaksidente. Err-what?! Did I...s-said Mikael ko?!
Bakit bigla akong kinabahan na siya 'yong naaksidente?
Kaya siguro umalis siya bigla dahil may emergency. Nagsisi tuloy ako kung bakit umalis ako bigla. Eh, 'di sana naka-one point na ako kay Mr. Engineer. Ako pa ang maghahatid sa kanya papuntang hospital kung sakali man. But I lost that chance.
"Pero kamusta naman si Engineer Miko?"
"Dead on arrival, kuya," straight forward na sagot ulit ni Drim and for the second time around ay napatayo ako.
"It can't be!" namimilog ang matang sigaw ko.
Parang kanina lang namin nakita si Engineer. Miko, masaya pa ito noong hinatid ang kakambal kahit convoy lang sila. Nakangiti pa ito noong nagpaalam na siya sa kapatid niya.
Nakakamangha nga ang closeness nilang magkapatid dahil nakuha nitong halikan sa noo si Mikael. Oh, baka bakla si Miko? O si Mikael? Pero hindi rin.
"Tiyak na nasasaktan na ngayon ang boyfriend mo, kuya," komento na naman ng kakambal ko at binato ko na siya ng ballpen ko. Hindi siya nakaiwas kaya sapul 'yon sa matangos niyang ilong.
"Leave me alone, Drim!"
"Bakla!" sigaw niya sa akin pabalik at patakbong lumabas na. I know he didn't mean that, dahil tumatawa siyang umalis sa loob ng opisina ko.
Napaisip ako. Tiyak na nasasaktan na nga ngayon si Mikael. Bigla akong naawa sa kanya.
Bakit sa isang idlap lang ay nawala sa kanya kaagad ang kuya niya? Hindi nga nadidiktahan ang kamatayan at nasu-surpresa tayo.
Hays, Mikael.
***
Gusto kong lumapit kay Mikael para i-comfort siya pero pinipigilan ko dahil hindi dapat. Baka iba rin ang isipin ng pamilya niya. Nakaalalay sa kanya ang kuya niya na si Engineer Markin, bunsong anak na lalaki pala si Mikael at lima ang kuya niya pero nalagasan ng isa.
Kahit tahimik lang siyang nakatanaw sa kabaong ng kapatid, kahit na hindi mo makikitaan ng luha ay alam kong sa loob-loob niya ay nasasaktan na siya.
Alam kong masakit sa parte niya ang mawalan ng isa pang kapatid. Napakahirap no'n. Me as well, I can't imagine myself without my twin, Drim. Kahit pinagloloko lang ako ng kakambal ko ay mahalaga siya sa akin. Mahal ko 'yon at siya ang kalahati ng pagkatao ko. Baka ikamamatay ko rin kapag nawala siya sa akin.
Ramdam mo talaga ang malungkot na atmosphere, iyak nang iyak ang ina ni Mikael lalo pa noong ibinababa na ang kabaong sa hukay. Buong hapon ko lang pinapanood si Mikael.
Hindi ko alam kung ano ba ang pumasok sa utak ko at naghintay ako sa labas ng mansion nila.
Pagkatapos nang libing ng kuya niya ay umuwi na kami kaagad nina dad pero ibang direksyon ang tinungo ko.
Ang mansion ng mga Brilliantes, alam ko ang bahay nila ayon sa kuwento sa akin ni dad. Matalik na kaibigan niya ang daddy ni Mikael.
Napahinga ako nang malalim at ring nang ring ang cellphone ko. Tumatawag ang girlfriend ko pero ayokong sagutin. Until I saw Mikael na palabas na mula sa mansion nila.
Subdivision ito at nakapasok ako because of the connection. Parang any moment ay babagsak na sa sahig si Mikael kaya bago pa iyon mangyari ay lumabas na ako mula sa sasakyan ko at dinaluhan ko kaagad siya.
Hinila ko siya payakap sa akin at ramdam ko ang panginginig ng katawan niya.
"Let's escape together...for a while, baby..." I said.
Mabilis ang mga hakbang ko para maisakay ko kaagad si Mikael. Nagawa ko pa siyang buhatin na hindi ko akalain na magagawa ko. Kumakain ba siya nang maayos? Diet? Bakit ang gaan niya kumpara sa mga lalaki?
Saka, parang ang awkward na binuhat ko ang kapwa ko lalaki. Sige nga, isipin niya. Pero hindi iyon ang mahalaga. Si Mikael.
Dinala ko siya sa bridge na malapit lang sa kompanya namin. Tahimik lang siya nang makarating kami rito. Nakaupo siya sa sahig ng bridge habang nakatanaw sa malayo.
8:15 PM na at nakikita na ang magagandang lights na buhat nito ang mga buildings at mga bahay sa Metro Manila.
Malamig ang simoy ng hangin na humahalik sa balat ko pero si Mikael hindi alintana ang lamig nito.
"Bakit mo ginagawa 'to?" walang emosyon na tanong niya sa akin. Nakatayo lang ako sa gilid niya at naka-pamulsa habang nakasandal sa railings.
"Gusto lang kitang samahan, alam kong nasasaktan ka sa pagkawala ng kuya mo," sabi ko.
"Siya na lang ang kakampi ko, eh..." dinig kong mahinang bulong niya. Umupo na ako sa tabi niya at tinitigan siya.
Heto na naman ang weirdong pakiramdam. Bumibilis na naman ang puso ko sa tuwing malapit siya sa akin.
"Puwede mo akong maging kaibigan, masasandalan at lahat-lahat," sabi ko at napakamot pa ako sa batok ko. Nailang ako bigla sa lalaking kasama ko.
Na dapat hindi ako mailang dahil pareho kaming lalaki.
"Pero bakit mo ako tinawag na baby? Nahihibang ka na ba?!" namimilog ang matang tanong niya sa akin.
Namumula ito at namamaga, mapula na rin ang matangos niyang ilong at sumisinghot-singhot pa. Hilam ng mga luha ang mata niya.
MIKAEL S. BRILLIANTES' POV
"HA? Guni-guni mo lang 'yan," sagot niya sa akin at palipat-lipat na ang tingin niya pero iniiwasan ang tumingin sa akin.
"Crimson," tawag ko sa pangalan niya at napaigtad siya dahil sa gulat. I rolled my eyes.
"May alam ka bang club house?" I asked him.
"What do you want to do? May alam ako," sagot naman niya.
"Dalhin mo ako roon," sagot ko.
"Ano naman ang gagawin mo roon? Mambabae?"
Marahas na binalingan ko siya nang tingin na ngayon ay malamig na ang mga mata niya.
"Dalhin mo na lang ako roon," masungit na sabi ko.
Somehow, nakakaramdam ako ng comfort dahil sa ginawa niya. Parang nakahanap ako ng kaibigan pero hindi ko pa rin kayang magtiwala sa kanya dahil lalaki siya.
"Ayoko! Magagalit ang girlfriend mo!" parang batang sabi niya at kinunutan ko siya ng ulo.
"Pakialam mo kung mambabae ako?!" sigaw ko sa kanya pabalik.
Napahilot siya sa sentido niya. At may inabot sa akin na kuwintas.
"At sinong Anne Junelyn ito?! Girlfriend mo?!"
Para akong nabuhusan ng malamig na tubig dahil sa pangalan na binanggit niya.