Chapter 6: Farewell
ANG PAGHIKBI ni mommy, ang paulit-ulit na pagbikas niya ng pangalan ni kuya Miko.
Na siyang patunay na hindi ito isang panaginip lang. Totoo, totoong nangyayari ito sa realidad. Totoo ang lahat ng ito.
Humigpit ang pagkaka-hawak ko sa malamig niyang kamay. "K-kailangan pa kita, k-kuya... K-kailangan ka pa ng bunso m-mo. P-pero...b-bakit iniwan mo ako bigla, k-kuya? K-kuya ko...kuya Miko. H-hindi ito masayang biro. A-Ayoko n-nang ganito kuya. G-Gumising ka..." umiiyak na wika ko at niyugyog ko pa ang katawan niya upang magising na siya. Ayoko nang ganito. Ayoko sa biro niya.
Hindi ko 'to nagugustuhan. Hindi...
"Nasaan na ang kuya Miko ko? A-Ang kakampi ko? B-Bakit..."
"Kuya ko!" naiiyak na sigaw ko at sinubsob ko ang mukha ko sa bandang tiyan niya.
Hinayaan ko ang sarili kong maging mahina. Hinayaan ko ang sarili ko na umiyak nang umiyak kahit nandito pa ang pamilya ko.
Nawalan ako... Nawalan ako ng kapatid. Iyon na yata ang pinakamasakit na pangyayari sa buong buhay ko. Iyon ang mas dumurog sa puso ko. Ang mawala siya...
Tila may malaking kamao ang pumipiga sa puso ko. P-Parang kanina lang naman. Parang kanina lang kami nag-usap ni kuya. Masaya pa kami, eh. Masaya pa kami bago kami maghiwalay. Nakita ko pa ang ngiti niya. Ang ngiti niya na hindi ko alam kung makikita ko pa ba ulit. Kung masisilayan ko pa ba.
"I told you to take care of yourself, kuya... Please...w-wake up... W-wake up f-for me kuya... Wake up...ayoko nito. A-ayoko, kuya..."
Ganito ba kasakit ang mawalan ng mahal sa buhay? Kalahating pagkatao ko ay parang namatay na rin. Ang hirap bumangon, ang hirap makawala sa hawla ng sakit na ito.
Ang hirap tanggapin. Parang isang panaginip lang ang lahat. Ganito ba kung mawawala sa 'yo ang taong kakampi mo ay lahat ng memories niyo ay magfa-flashback sa isip mo?
Noong mga bata pa kami ni kuya. Masayang naglalaro, palagi akong kino-comfort sa tuwing malungkot ako at nag-iisa. Pinapaalahanan na nandiyan lang siya sa tabi ko at hindi niya ako iiwan. Na may kakampi ako at karamay sa buhay.
"K-kuya...ang daya m-mo naman. Ang daya mo kuya! N-Napakadaya mo!" sigaw ko at doon na ako pinigilan ni kuya Markus.
Inilayo niya ako sa katawan ni kuya Miko. Hindi maawat sa pagtulo ang mga luha ko at sa bawat patak nito ay siya ring pagkirot ng puso ko.
Gusto ko na ring mawala kuya. Isinama mo na sana ako. H-Hindi mo na sana ako iniwan pa. Isama mo n-na lang ako kuya... Isama mo na lang po ako...ayokong mag-isa.
Ayokong mabuhay na wala ka. P-para na rin akong namatay, eh. Ang unfair mo sa akin kuya. Bakit bigla kang bumitaw...
***
Tahimik ang lugar, kahit ang mga ibon ay wala kang maririnig na mga huni, ang kaninang langit na maaliwalas ay tinakpan ng itim na ulap. Tumaas ang temperatura ng lamig sa paligid na buhat nito ang nagbabadyang ulan. Ang hangin na lumalakas na dahilan nito ang pagsasayaw ng dahon ng mga puno.
Malungkot, malungkot ang atmosphere sa paligid.
Tatlong araw na ang nakakaraan nang mangyari ang trahedya sa pamilya namin. Ang malagasan na naman ng isang miyembro sa pamilya, na malaking kawalan sa akin.
Malaking parte sa puso ko ang nawala. Gusto kong isipin na lahat panaginip lang, na kinabukasan ay magigising ako at ang masayang mukha, malapad na ngiti ni kuya ang sasalubong sa akin tuwing umaga.
Na pagkagising ko ay siya ang madadatnan ko. Ang malambing na tinig ni kuya at paalalang mahal na mahal niya ako. Na hindi niya ako pababayaan, na hindi niya ako iiwan, talikuran man ako ng mundo.
Tatlong araw pa lang ang nakakaraan, pero kuya miss na kita. May kulang na sa pagkatao ko, kuya. Na hindi ko alam kung mapupunan pa ba ito o hindi na.
Sa tuwing umaga na magigising ako ay ang kuya ko ang hahanapin ko katulad nang inaasahan ko at kinasayanan ko.
Pero biglang naglaho. Na parang sa isang kisap mata mo lang ay nawala na. Na kay bilis naman.
They are right, hindi mo talaga malalaman kung kailan ba mawawala sa 'yo ang mga mahal mo sa buhay. Hindi mo akalain na ngayon na pala, na ngayon na siya babawiin sa atin.
Na ito na pala ang huling pagkakataon na makakasama mo siya. Na sa kabila nang kasiyahang pagsasama niyo ay mauuwi sa malungkot na wakas. Hindi pala lahat ng kasiyahan sa buhay ay mararanasan mo hanggang sa huling hininga mo. Kung may simula ay may katapusan din.
Kahit hindi makikitaan ng mga luha ang kapatid at daddy ko ay alam kong nasasaktan din sila sa pagkawala ni kuya Miko. Kahit walang binibigkas na kahit ano alam kong malaking parte rin sa pagkatao nila ang nawala.
Sana ako na lang diyan, kuya. Ang daming nagmamahal sa 'yo, oh... Nandiyan sila para sa 'yo. Hindi mo deserve ang mawala bigla sa mundo, kuya. May magmamahal pa sa 'yo at isa na ako roon.
Ngayon ang huling araw na makikita ko ang maamong mukha ng kapatid ko. Ihahatid na siya sa huling hantungan.
Matutulog nang mahimbing si kuya, walang bukas dahil habang-buhay na siyang matutulog.
Gamit ang nanginginig kong kamay ay hinaplos ko ang kabaong niya. Tumulo sa pisngi ko ang luha ko nang makita ang litrato niyang nakangiti. Kitang-kita ang maputi at pantay-pantay na ngipin niya. Sino ang mag-aakala na sa batang edad niya ay matatapos kaagad ang buhay niya?
Car accident, dead on arrival. Bago ako ihatid ni kuya sa DGOC ay patungo na pala siya sa daungan. Luluwas na pala siya papuntang Palawan. Kung alam ko lang ay sana nakasama ko pa nang mas matagal-tagal ang kapatid ko.
Sana sumama na ako sa paghatid sa kanya. Baka sana hindi ganito ang mangyayari sa kanya. Pero lolokohin ko pa ba ang sarili ko? Kung oras mo na ay oras mo na talaga.
Nakaalalay ang dalawang kapatid ko kay mommy na paulit-ulit nang hinimatay simula ng mawala si kuya. Ico-confine sana siya sa hospital dahil biglang tumaas ang blood pressure niya pero tumanggi siya.
Bunsong anak niya si kuya Miko kaya napakasakit sa kanya ang mawala ito. Si dad na si kuya Markus naman ang nakaalalay sa kanya. Si kuya Mergus na hindi ko alam kung bakit nasa tabi ko lang buong araw.
Noong una ay si kuya Markus ang nakaalalay sa akin pero ngayon ay si kuya Mergus na naman.
Isang malungkot na tugtugin sa piano ang maririnig namin. Na hindi ko alam kung bakit kakantahan pa ang namatay. Iyon ba ay alay?
Nilapag ko sa kabaong ni kuya ang isang tangkay ng puting rosas. Mahirap i-let go pero kailangan.
Pinikit ko ang mga mata ko para mag-alay ng panalangin. "S-salamat kuya, maraming salamat sa alaala. Hinding-hindi kita makakalimutan, kuya. Salamat dahil palagi kang nandiyan sa tabi ko. S-salamat dahil hindi ka nag-sawang protektahan ako. I love you, so much. Rest in peace, kuya."
Hagulgol na naman ni mommy ang maririnig lalo nang unti-unti nang ibinaba ang kabaong niya sa hukay.
Gusto ko ring tumakbo palapit, gusto ko ring pigilan at yakapin na lang ang kuya ko.
Kuya, gusto kong sumama sa 'yo...
***
"Kasalanan mo 'to!" Isang malakas na sampal ang sumalubong sa akin pagkapasok ko sa loob ng mansion namin.
Ito ang unang beses na pinagbuhatan ako ng kamay ng stepmother ko. Namumula ang mata at ilong niya. Punung-puno ng luha ang pisngi niya.
"Isa kang salot! Nang dahil sa 'yo kaya ang anak ko ang nawala! Nang dahil sa 'yo kaya namatay ang anak ko! Leave! U-Umalis ka na rito! Huwag na huwag mo nang ipapakita pa sa akin ang pagmumukha mo!" galit na galit na sigaw niya sa akin.
Walang pumigil, nakatayo at nagmamasid lang ang mga kapatid ko. Walang imik na umalis ako.
Nawalan din ako.
Akmang lalapit na ako sa kotse ko nang may humila sa akin at mahigpit na yumakap sa akin.
"Let's escape together...for awhile, baby..."
It's Crimson.
#OS1
ALLLIES