CHAPTER ONE

2236 Words
"Lorely iha, mag iingat ka sa maynila ha! Tawagan moko kung nakarating kana para alam kung maayos ka lang at hindi ako mag alala sayo." sabi ni Sister Emy siya ang head ng bahay ampunang kinalakihan ko. Sabi ni Sister Emy nakita niya lang daw ako sa harap ng bahay ampunan na may naka burda na lorely, kaya yun yung pinangalan nya sakin kasi baka yun daw ang binigay saking pangalan ng mga totoo kung magulang. "Opo Sister Emy, tatawag ako pagdating na pagdating ko dun at'saka wag po kayong mag alala sakin, magiging maayos ako dun". Pampalubag loob ko kay Sister Emy. Mahirap ng mag alala sya masyado sakin at baka atakihin sya ng sakit niya. "Sige na iha, gumayak kana at baka mahuli kapa sa biyahe mo, sumabay kana lang din kela Mang Cardo dahil pupunta sila sa bayan para ipagbili ang kanilang mga gulay, nasabihan ko na rin naman silang daanan kana lng dito." "Opo Sister, sige at aalis na ako at baka andito na po sila, paalam po at mag iingat kayo lage dito." sabi ko kay Sister Emy bago nag pasyang lumabas sa bahay ampunan. At sakto namang paglabas ko ay siya ding pagdating nila Mang Cardo kasama niya ang kanyang anak na panganay na si Carlo. "Iha nag antay kaba sa amin ng matagal?" "Di naman po, kakalabas ko lang din naman po." "Ganun ba iha, Oh Carlo ano pa hinihintay mo ipasok muna ang mga gamit ni Lorely sa truck." utos ni mang Cardo sa anak nitong si Carlo. Ito namang si Carlo kung maka tingin sakin eh kala mo papatayin ako, laki ng galit ah wala naman akong ginagawang masama. At yun na nga guys ipinasok na ni Carlo yung mga gamit ko pero yung masamang tingin niya sakin andun pa rin, matanong nga to kung may problema ba to sakin dati pato ah nung mga bata pa kami, tsk. "Psst, Carlo." tawag ko sa kanya sabay kalabit dahil baka di ako narinig. "Psst, Woyy" "Woyy Carlo, pans- " "Ano ba kailangan mo ha!" pasigaw na tanong niya sakin. "Oh Carlo anong problema bat ka sumisigaw? " "Ahem, Wala pa nabigla lang ako pasensiya po." "Sigurado kaba Carlo? " "Opo pa sigurado ako." pag sisinungaling niyang sabi sa papa niya. Tsk, halata namang di siya ok pero nagsisinungaling pa kay Mang Cardo ang sama namang anak nito. "Ano ba kailangan mo ha bat kaba nanggugulo?" bulong niya sakin. "Itatanong ko lang sana kung bat ba lage kang galit sakin Carlo. May nagawa ba akong mali sayo sabihin mo naman sakin kasi wala akong maalalang may nagawa akong masama sayo." mahabang litanya ko sa kanya. Totoo namang wala akong maalala, magkaibigan naman kami dati eh pero nabigla ako nung nagkita kami eh bigla siyang naging ganyan. Lagi ng masama ang tingin sakin at higit pa don iniiwasan niya na rin ako. Ay, bago pa la ang lahat Magpapakilala muna ako. Muntik ko pang makalimutan. Ako nga pala si Lorely Morie, apelyido ni Sister Emy yung gamit ko kasi di naman ako tulad ng ibang bata sa bahay ampunan na may boung pangalan, ako tanging pangalan lang at walang apelyido. 19 years old na din ako, kakagraduate ko lng ng senior high at mag co-college na kaya ako pupuntang maynila para dun mag aral. I'm taking Business Management, kasi feel ko yun yung bagay sakin. Tungkol naman sa appearance ko, hmmm wala namang special, simple lang ako pero maraming nag sasabing maganda daw ako pero para sakin lahat naman ng babae maganda. "Wala ka na dun kung may galit ako sayo oh wala mas isipin mong mabuti yung pag aaral mo." pag puputol ni Carlo sa malalim kong pag iisip. Pero ano daw? Wala na daw ako dun, hindi pwede yun. Kaibigan ko siya kaya dapat alam ko. Pero teka, ako kaibigan niya, tsk. Ang ambisyosa ko naman halata namang di na niya akong tinuturing na kaibigan. "Pero karapatan kong malaman yun Carlo, Kaibigan moko?" "Kaibigan? Kailan kita naging kaibigan?" alam ko naman yun pero di ko aakalain na sasabihin niya talaga sakin yun. Ang sakit lang marinig na siya mismo nagsabi nun sakin, sana tumahimik na lang siya. Pero kasalanan ko rin naman kung di ko sana yun sinabi di ko maririnig ang isang nakakasakit na salita galing sa kanya. "Oo nga pala, ako lang naman kasi yung nag iisip na magkaibigan tayo. Pero di mo naman ako masisisi eh. Masaya naman tayo nung mga bata pa tayo, naglalaro at nag uusap pero isang araw nagbago na lang bigla ang lahat. Gusto kitang kausapin pero kada lumalapit ako sayo eh umiiwas ka naman. Gusto ko lang naman malaman kung bakit ka biglang nagbago nun. Pero ngayon sinabi mong di mo ako kaibigan sa tingin ko yung mga nangyari sating masasaya nung bata tayo eh balewala lang pala sayo." malungkot kong sabi sa kanya. Masyado ata akong nasaktan sa mga sinabi niya sakin kaya ko nasabi sa kanya yun. "Pasensiya na hindi ko sinasadyang mapagsalitaan ka ng ganun, Sorry." "Ayos lang naiintindihan ko naman yun." sabi ko sabay ngiti sa kanya. Nung tinitigan ko yung mga mata niya eh nakita kung malungkot yun, di ko alam kung namamalikmata lang ba ako oh ano pero sigurado ako dun. Una siyang umiwas ng tingin sakin at tumingin na laman sa labas ng bintana. Siguro nga di na ako magkakaroon ng mga kaibigan. Hys, yung kinilala kong kaibigan eh ako lang pala yung nag iisip na magkaibigan kami. Siya na nga lang yung tinuturing kong kaibigan eh di pa totoo at ako lang yung nag iisip. Masakit lang isipin yun kasi, simple lang naman yung hiling ko eh yung maging masaya at magkaroon ng mga kaibigan pero kahit ganu ka simple pa yung hiling ko eh imposibleng matupad pa. Siguro totoo nga yung sinasabi ng mga tao sa lugar namin, na malas ako oh ano kasi kahit kailan di ko pa naramdamang maging masaya sa buhay ko. Minsan na iisip ko nga na bat pako binuhay ng diyos kong puro paghihirap lang naman yung mararamdaman ko, pero gaya nga ng sinabi ni Sister Emy sakin lahat ng ginagawa ng diyos eh may dahilan. Kaya kahit ano pa mang dahilan ng diyos kung bakit niya ginagawa sakin tong mga bagay-bagay nato tatanggapin ko na lamang at magtitiwala sa kanya. Hys, makatulog na nga lang muna at malayo layo pa naman ang byahe papuntang lungsod. ----------------- "Lorely iha, gumising kana malapit na tayo sa lungsod" Nagising ako sa isang kalabit sa akin at ingay na naririnig ko. Dahan-dahan kung minulat ang aking mata at nagulat pa ako ng makitang ang lapit ng mukha sakin ni Carlo, nakakagulat tong lalaking to ah. "Ahem, ah eh Mang Cardo asan na po pala tayo ngayon." pagtatanong ko kay Mang Cardo para mawala naman yung awkward na nararamdaman ko sa sarili ko, kung di sana kasi ang lapit ng mukha ng lalaking to eh di ko to mararamdaman. "Saktong papasok na tayo sa lungsod iha, sa may terminal kaba namin eh dederitso oh baka may gusto ka pang daanan?" tanong sakin ni Mang Cardo. Tama bibili na lang din ako ng mga kakainin ko para sa byahe at malayo layo pa naman ang byahe baka gutomin ako. "Ah Mang Cardo, pwede po ba tayong tumigil kahit sa isang Convenience store, bibili sana po ako ng mga pwede kong baonin sa byahe at baka magutom po ako." "Sige iha, saktong may madadaanan tayo ngayong isang convenience store. " "Salamat po Mang Cardo." tanging tango na laman ang isinagot sakin ni Mang Cardo sa pasasalamat ko sakanya. At sakto ding nadaanan na namin yung convenience store. Pababa na sana ako ng pigilan ako ni Mang Cardo. "Sandali muna iha, isama mo itong si Carlo para may tumulong sayong magbitbit ng mga pinamili mo." nabigla ako nung sinabi yun ni Mang Cardo. Kaasar din tong si Mang Cardo eh, di niya ba nahahalata na di kami komportable ni Carlo magsama sa iisang lugar. At yung akala ko ring tututol si Carlo sa sinabi ni Mang Cardo ay nagulat ako nang kusa siyang bumaba. Bumaba na rin lang ako ng dahan-dahan at sumunod sa kanyang maglakad, ang awkward ng sitwasyon namin. Nauuna siyang maglakad at naka sunod lang ako sa kanya. Nabigla ako ng mabangga ako sa isang matigas na bagay, ang sakit sa ha. Ng tignan ko kung ano yung nabangga ko eh nagulat ako. Jusmeyoo, bumangga lang naman ako sa likod ni Carlo, dahan-dahan akong umatras palayo sa kanya. Kinakabahan kong ano ang gagawin niya. "Pwede bang wag kang yumuko habang naglalakad ka, pasalamat ka at ako yung nabangga mo at hindi ibang tao." "Pasensiya na, di na mauulit." paghingi ko ng pasensiya sa kanya, at sumunod na lang din ulit maglakad sa kanya. Siya na ang nagbukas ng pintuan at nag pasalamat din naman ako at ganun pa rin tango lang yung response sa'kin. Nang kumuha ako ng basket ay inagaw niya sakin, pinabayaan ko na lang kasi baka mag away pa kami mahirap na. Di naman marami ang bibilhin ko yung mga magagamit ko lang naman tapos kunting pagkain para pag nagutom ako eh may makain ako sa byahe. Una kong kinuha ay toothbrush,toothpaste at sabon tapos tissue. At jusmeyo sino kayang ponso pilato ang naglagay ng tissue nato sa pinaka mataas na estante di ba nila naisip na pano na lang yung mga ang cute ng height at di to ma abot. Ginagawa ko na ang lahat-lahat para lang ma abot ko yun ng biglang may nag abot nun at nilagay sa basket, pagtingin ko eh si Carlo lang pala. Magpapasalamat sana ako pero nauna na siyang maglakad sakin. Sunod ko namang pinuntahan eh sa may napkin section, mahirap na guys at baka datnan tayo dapat lage tayong handa. Kinuha ko yung night mode with wings na sister. Sunod ko namang pinuntahan eh yung mga biskwit, kumuha lang ako ng tatlong klaseng biskwit at kumuha na lang din ako ng Piattos at Cheetos. Bago ako pumunta ng cashier para magbayad eh chineck ko muna kung wala naba akong nakalimutan at so far wala naman na akong nakalimutan at naglakad na lang ako papunta sa may cashier si Carlo naman ay nakasunod lang din naman sakin, wala kaming imikan. Nung nasa may cashier na kami ay si Carlo na din yung naglagay, kukuha na sana ako ng bayad ng nabigla akong si Carlo ang nagbayad ng mga pinamili ko. Nagtataka akong tumingin sa kanya pero umalis na siya dala ang mga pinamili ko. Kaya dali-dali akong lumabas at sumunod sa kanya para bayaran siya, nakakahiya naman. "Ahm Carlo sandali babayaran na lang kita, patingin ng resibo para alam ko kung magkano lahat." akma ko sanang kukunin sa kanya yung mga pinamili namin ng iniiwas niya ito sakin. Nagtataka ko siyang tinignan. "Wag na isipin mo na lang na paghingi ko na laman to ng tawad sayo sa nasabi ko sayo kanina." "Ha, ayos lang naman yun sakin, sige na babayaran na lang kita nakakahiya naman sayo." "Wag na, isipin mo na lang na bawi ko sayo yun sa lahat-lahat." natulala ako sa sinabi niya at dahil nakita ko ulit siyang ngumiti. Shocks, ngumiti si Carlo sakin. Tahimik lang akong nakasunod sa kanya papunta sa sasakyan nila. Parang gumaan ang pakiramdam ko dahil sa ngiti ni Carlo sakin di ko yun inaasahan, ang cute niya talagang ngumiti. Nakasandal lang ako sa bintana at hindi magawang tumingin sa kanya. Ilang minuto ang nagdaan ay nakarating na kami sa terminal. "Iha andito na tayo." ngiting sabi sakin ni Mang Cardo. Pagkatigil na pagkatigil ng sasakyan ay agad bumaba sa Carlo at sumunod naman si Mang Cardo. Ito na aalis na ako sa kinalakihan kong lugar. Ma mi-miss ko to. "Iha ayos ka lang ba?" nag aalalang tanong sakin ni Mang Cardo. Ngumiti at tumango na laman ako para naman hindi mag alala si Mang Cardo. Bumaba na ako ng sasakyan at nakita kong andun na ang mga gamit ko. Katabi naman nito si Carlo, kaya pala bumaba siya agad para pala kunin yung gamit ko. "Hatid kana namin sa Bus mong sasakyan iha, madami ka pa man ding dala at baka mahirapan ka." sabi ni Mang Cardo sakin sabay kuha ng ilang bagahe ko at yung iba naman ay si Carlo ang nagdala. Nakasunod lang ako sa kanila, at di ko mapigiling malungkot dahil kailangan kong iwan ang lugar kung san ako lumaki. Pero wala akong magagawa, kahit imposible gusto ko talagang mahanap ang mga totoo kung mga magulang at bukod dun gusto ko ring matupad ang mga pangarap ko. "Iha nandito na tayo, dali bilisan mo at baka maubusan ka ng mauupan kami na ang bahala sa mga bagahe mo." "Salamat ng marami Mang Cardo pasensiya na din po sa abala, Sayo din Carlo salamat sa lahat." pasasalamat ko sabay ngiti ng matamis. "Naku naman iha, anong abala eh napaka liit na bagay lang naman nito." sabi sakin ni Mang Cardo, hys. Ang bait naman ni Mang Cardo. Umakyat na ako sa bus at naghanap ng pwedeng mauupuan, may nakita naman ako sa may gitnang bahagi ng bus at dun umupo. Nakita kong kumaway si Mang Cardo sakin kaya't kumaway din ako sa kanya si Carlo naman ay nakatingin lang sakin. I guess this is my goodbye to the place where I was raised. I just hope that I well have a better life sa kung saan man ako papunta ngayon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD