Lorely POV
Inaayos ko sa upuan ko yung isang backpack ko at yung mga pinamili ko kaninang pagkain at other necessities, tapos dala ko rin yung neck pillow ko para kung inaantok ako ay di mangawit yung leeg ko pagmatutulog ako. Habang nag aayos ako ay may isang babae ang lumapit sakin at nag tanong kung pwede ba daw siya tumabi sakin tumango naman ako, mas maayos ng babae ang katabi ko keysa sa lalaki di pa naman ako kumportable lalo na't mahaba habang byahe to. Yung pupuntahan ko naman sa maynila eh kapatid ni Sister Emy na may paupahan, dun na din ako mangungupahan hangga't sa makatapos ako sa pag aaral. Hys, makatulog nga muna total pa andar na din naman ang bus at bukas pa naman kami makakadating.
-------------------------------
Nagising ako sa isang kalabit sakin, dahan-dahan ko namang minulat yung mga mata ko at tinignan kung sino yung kanina pa kalabit ng kalabit sakin. Pagtingin ko eh yung babae palang katabi ko.
"Ahm pasensiya napo kung na istorbo kita, huminto kasi yung bus sa isang kainan tapos sinabihan kami na mananghalian na at umihi kasi di na daw sila hihinto, deri-deritso na daw yung byahe pagkatapos dito." nag aalangan niyang ngiti sakin.
"Ah ganun pa, salamat naman at ginising moko. Sakto namang gutom nako, tara sabay na tayo." sabi ko sa kanya at tumango naman siya. Nauna siyang tumayo at naglakad palabas ng bus habang naka sunod lang ako sa kanya.
Nang naka pasok na kami sa kainan eh dun ko lang nakita na maraming tao. Siguro dito nag sto-stop over yung mga bus para kumain, napansin ko din kasing maraming bus na nakaparada sa labas nito.
"Ano ba o-orderin mo?" tanong niya sakin ng makarating kami sa may kuhanan ng mga tray at pumila.
"Yung mura lang para tipid." sagot ko naman sa kanya.
"Ganun ba, sige pareho na lang ng sayo yung o-orderin ko." ngiti niya sakin.
Nang kami na yung pipili eh pumili lang ako ng gulay, di ko kasi trip kumain ng mamantika gaya ng mga adobo at baka sumama yung tiyan ko mahirap na wala pa naman akong gamot na nabili. Gaya din nga ng sinabi ng kasama ko kung ano yung kukunin ko eh yun din yung sa kanya, kanina pa kami nag uusap nito pero di ko man lang na tanong pangalan nito.
"Tara dali at baka maubusan tayo ng mauupuan may dumating pa na mang isang bus siguradong mas dadami ang tao at baka wala na tayong maupuan." mahabang litanya niya. Gaya nga ng sinabi niya eh naghanap nga kami ng mauupuan at so far may nahanap din naman kami sa may sulok nga lang pero buti na yun atleast may mauupuan kami.
"Ahm kanina pa tayo nag uusap pero diko pa alam pangalan mo, hehehe pwede bang malaman?" tanong ko nung pagka upo namin.
"Ah Oo nga noh, pasensiya na nakalimutan ko pang magpakilala, Ako nga pala si Angel, Angel Cruz. Ikaw?"
"Lorely Morie pala. Mag aaral ka din ba sa Maynila?"
"Ah Oo, mag aaral din ako dun." sagot niya sa tanong ko. Aba, pareho pala kami.
"San ka pala tutuloy pagdating mo dun sa maynila?" tanong ko sa kanya. Lam niyo na nagbabasakali lang na baka pareho pa kami ng tutuluyan.
"Ah sa may San Mateo, Rizal. Yung kaibigan kasi ng Mama ko eh may paupahan dun kaya pinaki usapan niyang dun na lang daw ako tumuloy hanggat makatapos ako ng pag aaral." hala pareho pa kami ng lugar na pupuntahan.
"Hala pareho pala tayo ng destinasyon eh, sa may San Mateo din kasi ako pupunta. Kela aling Elizabeth ka ba uupa?" tanong ko sa kanya kasi baka tama yung hinala ko.
"Oo dun nga kay Aleng Elizabeth nga, Hala wag mong sabihin na dun ka rin mangungupahan?"
"Omyghaaad, Oo dun din ako mangungupahan, kapatid kasi siya ng nag palaki sakin eh."
"Ganun ba, hala ang saya naman."
Sabi niya sakin habang naka ngiti.
Nagpatuloy kami sa pagkwe-kwento hangga't sa natapos kaming kumain. Nagpahinga muna kami sandali bago kami nag pasyang pumuntang banyo para umihi.
Nalaman kong isa din pala siyang business management student kagaya ko at pareho pa kami ng skwelahan. Buti naman at may kakilala ako agad ng sa ganun ay di naman ako mahiya.
"Lorely tapos ka na bang magbayad?" bigla niyang tanong sakin kaya dali-dali ako nag ayos at lumabas sa cubicle pagkatapos kong mag flush.
"Oo bakit, aalis naba tayo?" tanong ko sa kanya na sinagotan naman niya ng tango. Kaya naglakad na kami palabas at dumeritso kami papuntang bus. Sakto namang pagkasakay namin ay siya ding pag andar ng bus.
"Angel gusto mo ng Candy pampawala ng hilo?" tanong ko sa kanya kasi na pansin kong parang namumutla kasi siya.
"Ahh sige pahingi Lorely, sakto pa namang nahihilo ako." pagkasabi niya nun ay agad naman akong kumuha ng Mentos mint at ibinigay sa kanya. Agad din naman siyang nag pasalamat sakin at sinabing matutulog daw muna siya ng sa ganun ay mawala daw yung hilo niya.
Nang nakatulog na si angel ay naisip kong tawagan si Sister Emy at kamustahin, baka nag aalala na yun sakin. Nung kinuha ko yung cellphone ko eh agad kong hinahanap ang numero ng bahay ampunan.
"Hello Lorely iha, kamusta ka na?" unang bungad sakin ni Sister Emy pagka dial ko ng numero ng bahay ampunan. Halata namang hindi nag aalala si Sister ah.
"Hello din Sister, opo ako nga po to. Maayos naman po ako." sagot ko sa kanya.
"Asan ka na ngayon iha?"
"Hindi ko po alam Sister Emy pero sa tingin ko eh malayo pa po kami eh."
"Ganun ba iha, nakakain ka naman nang pananghalian?" tanong ni sister sakin, nakakataba talaga ng puso pag may nag aalala sayo.
"Opo Sister, kakatapos ko lang pong kumain. Ikaw po ba Sister, kamusta na kayo. Baka hanggang ngayon ay umiiyak pa yung mga bata?" tanong ko naman kay sister, panay kasi ang iyak ng mga bata nung pa alis ako kaya di na lang ako nag paalam at baka mag bago pa ang isip ko.
"Oo nga eh, yung si totoy ayaw kumain dahil nga wala ka. Di ko na alam ang gagawin ko sa batang yun." namomoblemang sabi sakin ni Sister Emy.
"Ganun po ba, pwede po bang pa kausap kay totoy, Sister?" pagka sabi ko nun kay Sister ay narinig ko na lamang ang pag tawag ni Sister kay totoy sa kabilang linya.
" sniff~ Ate Lorely ikaw po ba yan, *hiccups?" tanong ni totoy sa kabilang linya. Hys, umiiyak na naman tong batang to.
"Oo totoy si Ate Lorely to, bat ka ba umiiyak ha. Ano nga ulit sabi ni Ate?" tanong ko sa kanya.
"Wag ako iiyak para hindi mag-alala si Sister sakin."
"Oh yun naman pala, bat ka umiiyak ngayon?"
"Miss na po kasi kita ate eh." paiyak niyang sabi sakin.
"Di ba sinabi ko naman sayo na ginagawa to ni ate para sa pangarap niya. Tyaka diba promise ko sayo bibisita naman si ate sayo eh." sabi ko sa kay totoy sa kabilang linya.
"Pangako mo ate ha na bibisita ka dito ha."
"Oo naman totoy pangako yan, magdadala din ako ng pasalubong para sa inyo pag bibisita ako."
"Sige ate pangako ko sayo, magpapakabait ako kay Sister di na ako iiyak." sabi niya sakin at alam kong naka ngiti na tong bata ngayon.
"Sige paalam na totoy bigay mo na kay sister Matulog ka ngayon ha." pagkasabi ko nun sa kanya ay biglang tumahik ang kabilang linya siguro binigay na niya kay Sister yung telepono.
"Salamat talaga iha, kanina pa kasi umiiyak yung batang yun nag aalala na kami." sabi sakin ni Sister Emy.
"Walang anuman po yun Sister, tyaka napamahalan naman din ako sa batang yun. Basta kung ano mang problema diyan Sister tawag ka lang sakin ha." sabi ko kay Sister. Nagpa alam din naman si Sister agad pagkasabi ko nun, marami pa daw kasi siyang gagawin kaya hinayaan ko na laman.
Hys. Makatulog na nga lang muna tutal malayo pa naman byahe namin eh.
Naalimpungatan ako sa ingay na naririnig ko, tumigil pala ang sinasakyan naming bus sa isang kainan. Nagba babaan ang mga pasahero para kumain, hindi na ako bababa pa dahil mag pagkain na naman na akong binili siguro iihi na lang ako at baka di na kami pa tumigil mamaya.
Tumayo na ako ng lahat ng pasahero ay naka bababa na magtatanong na lang siguro ako kung asan ang C.R dito.
Pagka bababa ko is meron akong sign na nakita, ang nakasulat is "This way C.R" hindi na pala kailangang magtanong. Sinundan ko lang kung saan nakatungo ang arrow it was on the right side and nakita ko naman siya kailangan pa palang pumila buti na lang hindi madami ang nakapila.
Minutes had passed is ako na ang papasok sa C.R medyo natagalan naman sa pagpila pero ayos lang naman yun. It was my turn now sa C.R and pumasok naman agad ako.
After ko dun sa C.R is bumalik ako sa bus and kumain, biscuit at isang junk food lng ang kinain ko at tubig lng din.
After kung kumain is nagligpit na ako ng gamit ko together with my foods tinago ko na sa bag at nag surf lang ako sa f*******:.
Hindi rin naman nagtagal is umandar na ang bus, aalis na siguro. Agad nag pumasok ang mga kasama kung pasahero, ng wala ng kulang is lumarga na ang bus. siguro bukas makakadating na ako sa maynila. Sana maging maayos ang magiging takbo ng buhay ko dun.