CHAPTER 3

5000 Words
LORELY POV Nagising ako sa ingay na naririnig ko. Dahan-dahan kong minulat ang mga mata ko para makita kung ano ang nangyayari. Nang maimulat ko na ng maayos ng mga mata ko ay nakita kong abala ang ibang pasahero sa kanilang gamit, nagtaka naman ako kaya naman tumingin ako sa may bintana. Kaya naman pala aligaga na ang ibang pasahero, malapit na pala kaming dumating sa maynila. Gigisingin ko na sana si Angel ng makita kong unti-unti na rin naman pala siyang nagmumulat kaya naman inasikaso ko na yung isang bag ko at iba pa. "Malapit na tayong dumating Angel, ayusin mo na yung ibang gamit mo para mamaya di kana mahirapan." sabi ko sa kanya matapos kong maayos yung mga gamit kong bi-bit bitin ko mamaya. "Ganun ba, kaya pala aligaga yung ibang mga pasahero malapit na pala tayong dumating." tango ko naman sa kanyang sinabi dahil abala ako sa pagtingin sa labas ng bintana. Nang di magtagal ay nakarating naman kami sa may terminal sa pasay hindi muna kami bababa dahil sa cubao dapat kaming bumaba dahil medyo malapit na yun sa pupuntahan namin. Ilang oras din ang tinagal namin bago kami makadating sa may cubao dahil sa traffic. Naunang makababa si Angel sakin kasi nga yung bagahe niya kukunin niya pa sa compartment ng bus, buti na lang nasabi yun ni Angel dahil muntik ko pang makalimutan yung dalawang luggage bag ko at isang hand carry na bag, medyo marami nga talaga yung dala ko pero buti na lang di naman mabigat tapos yung hand carry na bag ko naman ay pinatong ko lang sa isa kong luggage bag para di ako mahirapan sa pagdadala. Pareho kami ni Angel na dalawa ang luggage bag kaso dalawang hand carry yung dala niya at isang backpack, parang lumayas siya sa lagay niya ngayon ah sa dami ng dala niya. "Hanap na lang tayo mg taxi Lorely kasi mahihirapan tayo kung mag bu-bus tayo, sa dami ba naman ng dala natin baka mag mukha tayong kawawa sa pakikipag siksikan sa mga tao." sang ayon naman ako sa kanya kasi rush hour na ngayon dito at halatang ang damang taong nag aabang ng bus ngayon. Hapon na kasi kami nakarating sa pasay kaya medyo ginabi kami papuntang terminal sa cubao. "Sige dun tayo banda mag abang." turo ko sa may gilid ng kalsada. Sakto namang pagdating namin dun eh may dumaang taxi, agad din itong pinara ni angel at sinabi kung san kami papunta. Pumarada naman si manong sa may gilid ng kalsada para ipasok yung mga gamit namin sa compartment nito, dahil sa dami halos di na magkasya sa compartment kaya nagpasya kaming ipasok na lang ang iba sa loob. Pagkatpos ma ayos ng mga gamit namin sa loob ng taxi ay agad naman kaming umupo sa likod nito. --------------- Inabot kami ng higit na tatlong oras sa daan bago maka dating sa apartment. Around 8:30 pm kami nakadating, una akong bumaba para pumasok sa may gate at katokin yung pinto. Sa mga bagahe naman namin si Angel na ang bahala dun nagbigay nadin naman ako ng bayad sa kanya kanina. *knock 3x Pagka katok ko ng tatlong beses ay agad naman bumukas yung pinto at bumungad sakin ay isang lalaki. "Sino po sila?" tanong sakin ng lalaki. Well, infairness gwapo siya mga kapatid. "Ahm, andyan ba si Aleng Elizabeth, pakisabi andito na yung hinihintay niya." sagot ko naman sa lalaki at bigla naman niyang sinarado ang pinto. Siguro pupuntahan na niya si Aleng Elizabeth. Di rin naman nagtagal ay biglang bumukas ang pinto. "Ikaw ba si Lorely, yung sinasabi ng kapatid kong si Emy?" tanong niya sakin. "Opo ako nga po." "Buti naman at dumating kana iha, kanina ka pa namin hinihintay ng anak ko, pati na din yung isa di pa dumadating nag aalala na ako sa inyo eh." mahabang litanya niya sakin. "Actually po, magkasabay po kami nung isa. Kinukuha niya lang po yung mga gamit namin." "Ganun ba iha, sige teka lang sandali." pagka sabi ni Aleng Elizabeth nun eh may tinawag siya, at dumating din naman yung lalaki kanina. So pangalan niya pala ay Kenth. "Bat niyo po ako tinawag Ma?" tanong ni kenth kay Aleng Elizabeth. "Tulungan mo yung kasama ni Lorely sa labas, madami daw kasi silang dala kaya sige na tulungan muna dun." agad naman lumabas ng bahat si kenth para siguro tulungan si Angel kaya naman sumunod na din ako sa kanila. Pagdating ko eh hawak na ni kenth yung dalawang luggage bag ko, kukunin ko na sana kaso nagsimula na rin naman siyang maglakad kaya pinabayaan ko na lang siya, tinulungan ko na lang si angel sa isang luggage bag niya at binitbit ko yung isang handcarry bag niya, total nakasukbit na rin naman sa balikat ko yung backpack ko kaya di na ako nahirapan pa. Nang makapasok kami ay agad kung binaba yung handcarry bag ni angel sa may sofa kasi nakita ko na rin naman dun yung dalawang luggage bag ko. "Iha maupo muna kayo dyan at maghahanda muna ako ng hapunan ninyo at mukhang pagod pa naman kayo sa byahe niyo." sabi ni Aleng Elizabeth samin na sinagutan lang din namin ng tango ni Angel. May kalakihan ang bahay, mga nasa tatlong palapag. Yung daanan naman papunta dun ay nasa may labas, may nakita kasi akong hagdanan dun ng papasok kami ni Angel. Mga nasa walong kwarto ang tantiya ko na meron sa taas diko lang alam kung san kami banda pe-pwesto. "Kakain na daw sabi ni Mama." nagulat ako ng biglang magsalita si kenth na nakaharap sakin medyo malayo naman siya kaya sa tingin ko eh hindi niya napansin na nagulat ako sa kanya. Pagkasabi naman ni kenth nun eh agad naman siyang umalis at pumuntang kusina kaya kami naman ni Angel ay tumayo at pumuntang kusina. "Ano yun girl bat may pa tingin-tingin sayo si kuya pogi ha, ikaw ha may nabihag agad yang ganda mo nakaka inggit naman." pabirong sabi sakin ni Angel. "Ano ba yang pinagsasabi mo Angel porket tumingin sakin may gusto na agad di pwedeng tumingin siya sakin kasi may sinabi." "Bat sayo lang tumingin, pwede naman sakin ah. Tas kanina ko pa talaga napapansin yan noh nung kinuha niya yung mga gamit." "Ewan ko sayo Angel baka akala mo lang yan." "Ay naku girl maniwala ka crush ka nun." Tumigil na kami sa pag uusap ng makarating kami sa kusina. Nakito kung naka upo na si Kenth at Aleng Elizabeth sa may pabilog na lamesa. Bale pag upo ko eh katabi ko si Aleng Elizabeth sa may right side ko tas si Angel naman sa left side ko at nasa tapat ko naman si Kenth, medyo naiilang nga ako kasi panay ang tingin sakin ni kenth. Ayoko naman mag isip ng masama pero kaya pinabayaan ko na lang at baka naninibago lang siyang may ibang tao silang kasama. "Ahem, Matunaw yan wag masyadong titigan." biglang salita ni Angel. Kinurot ko naman siya kasi halatang may pinagtritripan. "Sinong Matutunaw iha?" tanong naman ni Aleng Elizabeth. Ito na nga ba ang sinasabi ko eh. "Ay wala po, sabi ko eh hindi yan matutunaw kung titignan lang ni lorely yung pagkain dapat eh kinakain yun diba kenth." nakakalokong sagot naman ni Angel kay Aleng Elizabeth at ngiting parang nang aasar kay kenth. Kinurot ko na lang sa may tagiliran itong si Angel at baka hindi pa ito tumahik. Aksyon namang magsasalita pa siya ng pinangdilatn ko na siya ng mata kaya tumahimik na laman siya at kumain na lang, buti naman. Hindi kami inabot ng isang oras at natapos na din kaming kumain kaya't nag presinta akong kami na lang ni Angel ang maghuhugas, aayaw pa sana si Angel ng sinamaan ko siya ng tingin. Tamo tong babaeng to di man lang marunong mahiya hay nako. "Oh diba girl sabi ko sayo may gusto sayo si papa kenth, titig na titig sayo kanina oh parang tutunawin kana." tawang sabi ni Angel habang binabanlawan yung mga pinggan na nalagyan ko na ng sabon. "Hoy Angel magtigil ka nga dyan, ang malisyoso mong tao ha di pwedeng naninibago lang yung tao." sagot ko naman sa kanya. "Ay nako girl anong naninibago ka dyan ang sabihin mo manhid ka lang, halatang halata sa tao na may gusto sayo eh." sabi naman niya na kinatahimik ko. Manhid ba talaga ako oh baka sadyang malisyoso lang talaga tong si Angel. Ay naku bahala na nga pabayaan na lang. Pagkatapos naming mapatuyo yung mga pinanghugasan namin eh linagay na namin sa lalagyan ito. Napunasan na din namin yung lamesa at maayos na rin tignan yung kusina kaya naman ay nagpasya kaming mag punta na sa sala at naghihintay daw dun si Aleng Elizabeth sabi kanina ni Kenth. "Tapos na ba kayo iha?" bungad samin ni Aleng Elizabeth pagdating na pagdating namin sa may sala nila. "Opo, malinis na po yung kusina." "Salamat sa inyo iha." pasasalamat naman ni Aleng Elizabeth samin. "Naku walang anuman po yun tiyaka salamat din po sa pa dinner masarap po pala kayong magluto." pabirong sabi ni Angel. "Ay naku iha yung anak ko yung nagluto nun hindi ako." sabi naman ni Aleng Elizabeth samin. Hala si kenth nagluto nun, infairness masarap ah. "Ay talaga po ba, aba pwede nang mag asawa ah diba Lorely." nabigla naman ako sa tanong sakin ni Angel na kinatango ko na lang din. "Ay naku wala ngang girlfriend yung anak ko mag asawa pa kaya." "Di nga po sa gwapo nun walang jowa oh Lorely wala daw jowa." "Oh ano namang kinalaman ko dyan kong wala siyang jowa?" nagtataka kong tanong kay Angel. "Wala naman sinasabi ko lang baka kasi may balak kang mag apply as girlfriend." tatawa tawang sagot sakin ni Angel. Tumawa din naman maging si Aleng Elizabeth. I bet namumula na ako ngayon sa hiya. "Pwede yan iha total wala namang girlfriend ang anak ko." tumatawa pa ring sabi sakin ni Aleng Elizabeth. "Ay muntik ko na pa lang makalimutan, bukas na lang kayo muna lumipat sa pwe-pwestuhan nyong kwarto at di pa namin nalilinisan yung mauupahan niyo. May isa pa namang kwarto dito." sabi naman ni Aleng Elizabeth samin. Tumango na lang kami at sinabihan niya kami na sumunod sa kanya at kung tungkol naman daw sa mga gamit ay nailipat na daw ni kenth kanina pa dun sa tutulugan daw muna naming kwarto. "Dito muna kayo mga iha, malaki naman ang kama dyan at may C.R naman din. Sige na at iiwan ko na kayo ng makapag pahinga na rin kayo at halatang pagod kayo sa byahe." pagkasabi ni Aleng Elizabeth nun eh sinarado niya agad ang pinto. Linibot ko ang boung kabuuan ng kwarto at tama nga ang sinabi ni Aleng Elizabeth malaki nga ang kama, may kabinet din at may study table. Andito na rin yung mga gamit namin. Umupo naman ako sa may kama at si Angel ay maglilinis daw muna ng katawan sabi niya kaya't tumango na lang ako. Ako naman ay binuksan ko naman yung hand carry bag ko at linabas ko yung tuwalya, damit at iba pang gagamitin ko. Hindi rin naman nagtagal ay lumabas na si Angel na bagong ligo at sinabing ako naman daw kaya't tumango na lang ako para matapos ako agad at makapag pahinga na kami at masyado kaming napagod sa byahe. Hindi din naman ako nagtagal sa banyo, nag half bath lang ako dahil pagod ako sa byahe wala akong energy para sa pagligo. Inaantok na din ako kaya paglabas ko sa banyo ang sinampay ko lang sa may bintana banda at nahiga na, paglabas ko sa banyo ay tulog na si Angel siguro napagod lang talaga siya kaya nakatulog agad. Nahiga na rin ako sa tabi ni Angel at nagdadasal, sana maging maayos ang magiging buhay ko dito. Sana makuha ko ang mga sagot na hinihiling ko, sana malaman ko ang totoong pagka tao ko, at sana mahanap ko na ang mga magulang ko. Pagkatapos kung magdasal ay pumikit na ako at nakatulog lang din ako agad dahil sa pagod. Nagising ako dahil sa liwanag na tumatama sa mukha ko. Nang idilat ko ang mga mata ko ay yung bintana agad ang una kong nakita, ng tignan ko naman yung kabilang side ng kama eh wala na si Angel. Siguro naunang magising sakin. Kaya naman ay agad akong bumangon sa pagkakahiga at linigpit itong hinigaan namin. Naligo na rin ako bago bumaba. Pagkatapos kong maligo ay lumabas lang akong naka tuwalya tutal ako lang naman ang tao dito at nakalimutan ko ring magdala ng damit ko, nasaan kaya ang mga tao sa bahay bakit kaya wala sila siguro namalengke pero asan naman yung si angel at bakit wala dito, hys hayaan ko na nga lang susulpot din naman yun kung andito. Simpleng tee shirt at maong short lang ang sinout ko dahil wala naman akong planong umalis ngayon at mag aayos lang kami sa kwartong uupahan namin ngayon ni Angel. Nang makita kong maayos na ang itsura ko ay bumaba na ako para hanapin si Angel. Sakto namang napadaan ako sa may kusina at nakita ko silang nandun na at naka upo na, mukhang sakto lang yung dating ko para sa agahan ah at nandito lang pala tong babaeng to nag iisip pa ako kung saan to pumunta andito lang pala sa kusina. "Buti naman at nagising kana girl, pupuntahan kana sana ni Kenth para gisingin." may panunuksong sabi ni Angel sakin at sabay tingin kay kenth. Si kenth naman ay tumikhim lang. "Pasenya na mukhang napagod kasi ako sobra sa byahe kahapon." sabi ko naman sa kanya. "Ayos lang iha, magpahinga ka na lang mamaya sa lilipatan niyong kwarto tutal ay nalinis na ni kenth iyon." sabi naman ni Aleng Elizabeth sakin. Tumango na laman ako at agad ng umupo sa upuan at para makakain na kami dahil halatang kanina pa nila ako hinihintay. Tahimik lang kaming kumakain at tanging mga kubyertos lang ang naglilikha ng ingay. Nang medyo nauuhaw na ako ay hinanap ko yung pitsel ng tubig nabigla naman ako ng may naglapag sa tabi ko ng isang basong tubig at nagsalin din siya ng sa kanya. Ng tignan ko kung sino yun ay si kenth lang pala. Nang tignan ko rin si Angel ay nanunuksong tinignan niya lang ako, di ko na lang siya pinansin at alam kong aasarin niya lang ako dahil sa nakita niya. Ng lumipas ang ilang oras ay natapos din kaming kumain at kagaya kagabi kami ni angel ang naghugas ng mga pinagkain namin at sila Aleng Elizabeth naman ay ihahanda na yung kwarto na uupahan namin. Ngayon ay si Angel ang nagsasabon ng pinggan habang ako naman ang nagbabanlaw nito mamaya na lang namin pupunasan ang mga pinggan pag natapos na naming linisan to. Di rin naman nagtagal ay natapos na kami sa kusina, kaya naman ay pumunta na rin kaming sala. Saktong labas namin sa kusina ay siya ring pasok nila Aleng Elizabeth at kenth, sinabi ni Aleng Elizabeth samin na maayos na daw ang kwarto na uupahan namin at pwede na daw kaming lumipat dun. Kaya naman wala na kaming inaksayang orani Angel at gumayak kami papuntang kwarto para kunin ang gamit namin at ng mailipat na namin dun. Habang inaayos namin ni angel ang gamit namin para madala na namin sa kwarto namin, eh biglang pumasok si kenth sa kwarto. "Oh kenth, tutulungan mo ba kami ni Lorely si gamit namin?" biglang sabi ni Angel na nagpalingon sakin sa kanya, ito talagang si angel minsan talaga ang kapal ng mukha, magpa tulong ba naman sa anak ng may ari ng uupahan namin. "Ah Oo, sinabihan ako ni mama na tulungan kayo sa paglilipat niyo." "Sinabihan nga ba oh baka naman nagkusa." may tonong pang aasar ni Angel sabay tingin sakin, ito talagang babae na to hindi lang makapal ang mukha malisyo pa ang ganda sana eh kaso ganito mag isip. "Tumigil ka nga Angel, Ahm, Ayos lang ba talaga sayo kenth na tulungan kami sa paglilipat baka kasi nakakaabala kami sayo eh." nag aalangan kong tanong kay kenth. "Oo ayos lang naman sakin." sagot niyang ngiti sakin. Pagkatapos niyang sabihin yun eh agad naman niyang kinuha yung dalawang luggage bag ko at agad lumabas ng kwarto kaya naman itong si Angel ay todo ang ngiti na binibigay sakin at ako patay malisya lang. Ayaw ko naman mag isip ng ibang meaning dahil lang dun, ito rin kasing si Angel malisya agad eh konting tulong sakin eh binibigyan na ng meaning, naku talaga tong babaeng to. Dahil sa kinuha na rin naman yung dalawang luggage bag ko eh tinulungan ko na lang si Angel sa kanya, sa kabila ko eh yung luggage bag tapos yung isa eh yung hand carry ko. Medyo mabigat yung bag ni Angel kaya nahihirapan akong bitbitin, mabato kasi yung labas nila Aleng Elizabeth tapos may mga parang carabao grass sa gilid ng pader, yung bato guys ha eh di yung parang ordinaryong bato para siyang mga polished stones yung andito at medyo malalaki konti kaya mahihirapan kami pag ginamit yung stroller ng bag ni Angel kaya wala talaga kaming choice kundi buhatin. Nang nasa may hagdanan na kami ay siya rin namang baba ni kenth kaya naman eh linapitan niya agad ako at kinuha yung luggage bag para siya na daw yung magbitbit, aayaw pa sana ako kaso nakuha na rin naman niya kaya pinabayaan ko na lang din. Naunang umakyat si Angel sa hagdanan medyo nahihirapan siya sa laki ng isang luggage bag na dala niya ngayon kaya naman medyo natatagalan kami sa pag akyat. Hahakbang na sana ako ng nakalimutan kong andun pa pala yung bag ni Angel at saktong iaangat niya to ng humakbang ako kaya naman dahil sa gulat ko ay nadulas ako. Inaasahan ko ng magpapagulong gulong ako pababa ng wala man lang akong naramdaman at tanging parang may nakahawak lang saking bewang. Kaya naman agad kong minulat yung mata ko at nag aalalang mukha agad ni kenth ang nakita ko. Dahil dun eh natitigan ko yung maamong mukha ni Kenth, gwapo naman kasi talaga si kenth. Maputi, singkit medyo ang mata, mahahabang pilikmata, may matangos na ilong at makinis na mukha, in short guys eh gwapo. Napaayos lang kami ng tayo ng makarinig kami ng tumikhim. "Nagka inlaban naba kayo dyan mga tsong? Para kasing may pumapalibot na sa inyo kanina pa na mga hugis puso eh, naku talaga ang lalandi." pabirong sabi ni Angel samin ni kenth. Ako naman ay medyo naiilang dahil sa nangyari, myghaad maayos lang kaya yung itsura ko kanina nakakaconscious naman matitigan ng ganun ka gwapong nilalang. "Ayos ka lang ba, wala bang masakit sayo?" nag aalalang tanong sakin ni kenth. "Wala namang masakit kaya siguro ayos lang ako, salamat pala kanina ha akala ko talaga magpapagulong gulong nako pababa eh." biro kong sagot sa kanya. Medyo nakaka feel kasi ako ng akward guys kayo ba naman matitigan ng isang gwapong lalaki. "Ayos lang, tyaka pano ka gugulong pababa kong nasa likod mo lang ako. Kung mahuhulog ka edi masasama ako pag ganun kasi nasa likod mo lang naman ako." tatawa tawa naman si kenth ng sabihin niya yun. Oo nga pala nakalimutan ko pala nasa likod ko lang siya, nako naman Lorely ang tanga mo buti na lang talaga at nasalo ako ni kenth at hindi kami nahulog baka sa ospital bagsak naming dalawa. "Hoy mga malalandi, aba may gana pa talaga kayong maglandian diyan kung tulongan niyo kaya ako dito ng ma akyat na natin to." sigaw na sabi samin ni Angel kaya naman agad akong naglakad pa akyat pero nabigla ako ng hawakan ni kenth yung isa kong kamay. "Akin na yang bag na dala mo, tulungan mo na lang sa pagbubuhat yung kaibigan mo." sabi niya sakin at agad kuha ng bag sa kamay ko. Kaya naman tumango na lang ako sa kanya at agad naglakad pa akyat papunta kay angel. "Hoy babae ano yung pinagusapan niyo ni kenth, umamin na ba yun na may crush siya sayo." agad na tanong sakin ni Angel ng makalapit ako sa kanya. "Ano ba naman yang pinagsasabi mo Angel, Anong umamin. Nagpasalamat lang naman ako at tinanong niya kung may masakit ba sakin." pagdedepensa ko naman sa sarili ko. "Aba masakit eh nasalo ka nga niya agad eh, naku yung paraparaan ni papa kenth masyadong luma. Maturuan nga sa susunod tapos sandali nagpasalamat? eh bakit nagtatawanan kayong dalawa gurl, talagang salamat lang ba yung sinabi hindi umamin." tumatawang sabi niya sakin, kahit kailan talaga tong babaeng to. "Siraulo ka talaga, kung ano-ano mga naiisip mo eh nagpasalamat lang talaga ako at walang aminan na nangyari kasi walang aaminin malisyosa ka talaga angel." sabi ko naman sa kanya. Medyo natagalan kami sa pag akyat dahil nasa may third floor yung uupahan namin, ng makadating rin naman kami sa kwarto namin eh talagang pagod na pagod kami ni Angel. Sa bigat ba naman ng bag niya eh talagang mapapagod ka lalo na pag paakyat kayo ng hagdanan. Si kenth na nga ang nagbukas ng pinto at unang pumasok sumunod naman ako tapos si Angel. Hindi na rin naman masama, malaki siya. May sala, Isang kwarto at counter top meron ding sink tapos katabi naman ng kwarto eh may isa pang pintuan siguro yun yung C.R. sulit naman din yung 6k namin dito dahil parang maliit na bahay na rin naman siya. "May naiwan pa ba kayong gamit sa kwarto?" tanong ni kenth samin. "Ah Oo meron pa, kami na lang ang kukuha nun mamaya kunti na lang din naman yun eh." sabi ko naman sa kanya, nakakahiya na kasi kung pati yun eh kukunin niya pa baka pagod na rin kasi siya. "Ayos lang naman, sige dito muna kayo kukunin ko lang yun." sabi niya sakin at agad umalis. "Halatang halata na may gusto kaso yung nagustuhan halata namang manhid." pagpaparinig ni Angel sakin. "Sino yan sila Angel, baka matulungan natin yan sa problema nila." maang maangan na sabi ko kay Angel para naman ma asar to at tigilan na ako. "Manhid na nga bobo pa, kawawang lalaki masyadong malamas." aba parang ako ata mapipikon nito ha. "Aba sinong bobo Angel ha, matalino kaya ako noh." "May sinabi ba akong ikaw, binanggit ko ba pangalan mo di ba hindi. Wag masyadong magpahalata friend nako." pang aasar na naman sakin ni Angel. Kailan ba ako nanalo sa babaeng to kahit kailan siguro wala akong laban dito pagdating sa asaran. Kaya naman pabiro ko na lang siyang tinarayan at ang lola niyo eh tinayaran din ako sabay belat sakin, aba ang isip bata. "Paki tignan naman kung ito na lahat yung gamit niyo, sabihin niyo lang kung may kulang at babalikan ko na lang sa kwarto." biglang sabi ni kenth na nagpagulat sakin. "Ay wala na ayos na kenth, ito na lahat. Ikaw ba Lorely may kulang ba sa gamit mo?" makahulugang tanong sakin si angel. Kaya naman tumingin din sakin si kenth. kahit kailan talaga itong babaeng to. "Ahm Wa-wal-a na ku-mple-to na la-hat, ehem Oo kumpleto na." naku naman Lorely bat ka nauutal, relax ka nga mag iisip na naman ng iba tong si Angel dahil sa sinabi mo eh. "Ah ganun ba pero bat ka nauutal may problema ka ba." nakakalokong tanong sakin ni angel, ito na nga ba ang sinasabi ko mag iisip na naman to ng iba. "WALA!!., ahh I mean Wala siguro pagod lang ako. Oo yun nga pagod ako." ngiti kong alangan sa kanila. "Sigurado ka ba, mabuting magpahinga ka muna may dalawang single bed na rin naman sa kwarto eh. Mas mabuting magpahinga ka na lang at ako na lang ang tutulong kay Angel mag ayos." nag aalang sabi sakin ni kenth. "Nako wag na kami na lang bahala dito, sige na kenth ayos lang talaga ako ikaw na lang ang magpahinga at baka na pagod ka sa pag tulong samin. " nag aalang sabi ko sa kanya. Masyado na rin kasing nakakahiya kung pati sa pag aayos dito ay tutulungan pa niya kami. Masyadong malaking abala na ang nagawa namin sa kanya. "Ayos lang naman sakin ang tumulong sa inyo." pag insist ring sabi ni kenth. "Wag na kenth, nakakahiya na rin kasi. Malaking tulong na samin yung ikaw yung nagdala ng ibang gamit namin." sabi naman ni Angel. Buti naman at tinulungan niya ako dito. "Sige kung yun ang gusto niyo. Pero kung kailangan niyo ng tulong tawagin niyo na lang ako ha." nakatingin sabi ni kenth sakin. Pagka sabi niya nun ay lumabas na siya ng apartment, buti na lang at hindi na nagpumilit tumulong masyado ng nakakahiya dahil siya halos ang nagdala ng mga gamit namin. "Aba malupit si pareng kenth bes ah, ako na nga yung kaharap ikaw pa talaga yung bukod tanging tinignan niya at kinausap para lang akong statwa sa harap niya ah, iba na ang tama sayo ni pareng kenth." tumatawang sabi ni Angel sakin. Loka talaga tong babaeng to eh noh kung ano-ano mga pinagsasabi. "Tumahik ka nga kasi pag di ka pa tumahik ikaw ang tatamaan sakin Angel." irita kong sabi sa kanya. "Bes noooooooo, I still have lot of dreams tutuparin ko pa lahat yun. Huhuhuh." madrama niyang sabi sakin. "Bat kaba mag bu-business management ha sana nag artista kana lang tutal magaling ka naman umarte ha." sumasakit na ang ulo ko sa babaeng to parang maaga yata akong kukunin ni lord dahil sa kanya eh. "Natatakot kasi ako bes alam mo na." "Bat ka matatakot kala ko ba matapang ka." "Hindi bes, natatakot akong mahigitan ko pa yung mga Hollywood Actress nag aalala lang ako at baka kahit bagong sikat pa lang eh malaos dahil sakin." nakakalibot na tawa ni Angel ang naiimagine ko ngayon habang tumatawa siya sa harapan ko. Parang kinikilabutan ako sa mga nakikita ko ah. "Kailangan mo ng magpa check Angel, masyado ng maluwag yang turnilyo mo sa utak." nanghihinayang kong sabi sa kanya. "Grabe ka bes sa ganda kong to, may sira aba umiyak yung mga lalaki dahil dun." nararamdaman niyo bang masyadong mahangin guys, kapit na lang kayo dyan at baka matangay pa kayo ng bagyo. "Iwan ko sayo Angel, eh tulog mo na lang yan baka pagkatapos nun eh umayos na yang luwag ng turnilyo sa utak mo." pagkasabi ko nun sa kanya ay agad akong pumasok sa kwarto at agad naman nahiga sa kama na malapit sa bintana. May kalakihan pala yung kwarto, kada kama eh may night stand cabinet sa gilid kaya naman linagay ko na lang muna dun yung backpack dun at nahiga naman ako agad sa kama ng makapagpahinga ako saglit at para pag gising ko eh maglilinis na lang ako agad. ANGEL POV Hi readers, Pretty Angel at your service! Ahahaha di biro lang guys. Kita niyo guys basta-basta na lang nang iiwan si bes Lorely, kaya walang lovelife yun eh masyadong cold at manhid nako. Tas sabihan ba naman akong maluwag daw turnilyo ng utak ko eh ang talino ko kaya, One plus One is Eleven, ta niyo guys ang talino ko diba ahahaha. Before anything else pala guys magpapakilala pa pala ako sa inyo. I am Angel, your fallen Angel. Joke lang guys, ito na talaga. I am Angel kimie Lobern. Unique ng apelyido ko guys noh, paki tanong nga tatay ko bat yan ganyan masyadong masagwa pakinggan, di biro lang guys ahahaha. Again, I am 19 years old and also a business management student like Lorely so that's maybe a reason kung bakit nagkaintindihan kami agad dahil pareho pala kami ng hilig. So kung tatanongin niyo kung asan ang bida sa storyang to aba andun tulog at iniwan ako dito. Ano naman ba gagawin ko dito, wag niyang sasabihin sakin na gusto niyang ako lang mag isa ang maglinis dito dahil kung yun nga ang gusto niya aba bahala siya dahil matutulog din ako noh. Linock ko lang yung pinto at pumasok agad ako sa kwarto at aba ang loka tulog na, naku makatulog na nga rin muna bahala siyang magising na magulo sa labas dahil sa gamit namin. ---------------------- Nagising ako dahil sa ingay na naririnig ko sa labas ng kwarto, kaya naman ay dahan dahan kong minulat yung mga mata ko at tinignan yung kabilang side kung nasan nakahiga si Lorely. Kaso ng pagtingin ko eh wala na siya dun, siguro eh naglilinis na yun dun sa labas. Kaya naman ay dali dali akong tumayo at inayos ang sarili bago lumabas. Nang lumabas ako ay nakita ko siyang naka upo sa sahig kaya naman ay palihim akong lumapit sa kanya para gulatin. "LORELY!!" malakas kung sigaw malapit sa tenga niya at talaga namang gulat na gult siya dahil napahawak pa talaga siya sa dibdib niya. "Angel naman papatayin mo ba ako sa gulat ha!!" giggil na sigaw sakin ni Lorely, Omoooo ang kyutt niya magalit namumula pa yung pisnge niya. "Ang kyutt mo bes, pakurot nga sa pinge." nakangiti kong sabi sa kanya. "Tumigil ka nga Angel, tatamaan kana talaga sakin." "Eh ang kyutt mo kasi pakurot na dali." pagpupumilit ko sa kanya. "Tumigil ka nga Angel, kesa sa kalokohan ang isipin mo bat di ka kaya mag isip kong san tayo kukuha ng kakainin natin para sa tanghalian." sabi niya naman sakin. Hala Oo nga pala wala pa pala kaming gamit na magagamit pa sa pagluluto kaya wala kaming pagkain ngayon. *knock 3x Nagkatinginan pa kami ni Lorely ng marinig namin na may kumakatok sa pinto. Parang pinapahiwatig ng tinginan namin kung sino ang magbubukas ng pinto. "Ikaw na magbukas." panabay na sabi namin ni Lorely. "Di ikaw na." sabay ulit naming sabi. "Lorely dali na ikaw na, promise di na kita kukulitin na kurutin pisnge mo." puppy eyes na sabi ko sa kanya, please sana gumana. Bato pa naman tong babaeng to. "Sabi mo yan ha, pag ikaw di tumupad sa usapan eh bibitin kita ng patiwarik." pag babanta niya sakin. Nakakatakot naman tong babaeng to kaya naman ay tumango tango na lang ako. Buti na lang at pumayag.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD