Kinaumagahan ay nagulat na lamang kami sa mga nangyayari. “Armie gumising ka nga at tingnan mo ito dali. Hoy gising na,” malakas na tawag ni Cindy sa akin. “Bakit ba? Ang aga-aga pa e,” inaantok na sabi ko. “Tingnan mo ito dali. Itong post ni Carlo sa sss nya,” sabay pinanakita ni Cindy ang kanyang phone. “Ano ba yan? My girl. Sino yan? Ako ba yan?” pupungas-pungas pa na sabi ko. “Oo nga ikaw nga. Pinost yan ni Carlo ngayon lang.” “Patingin nga,” usisa ni Mira. ‘Di pa pumapasok sa utak ko ang mga nakita ko at humiga ako ulit. Iniisip ang mga nakita ko sa post ni Carlo habang nakahiga. “So, pinapaalam nya sa buong mundo na girlfriend nya na ako. Pero di naman ako naka-tag.” “Yun na rin yun at may picture naman. Pwera na lang kung kamukha mo lang yung babae,” saad ni Cindy. “Eh ano

