Nang mag 1st monthsary kami ay nagpunta kami sa isang malaki at sikat na mall. Nanonood kami ng sine at kumain sa isang mamahaling restaurant. Nahihiya ako kaya si Carlo na lang ang umorder ng aming mga kakainin. Pagkatapos ay naglalakad-lakad kami sa buong mall na magka-holding hands at naglalambingan. Niregaluhan ko siya ng isang wireless mouse para lagi niya akong maalala habang siya ay nagtatrabaho at natuwa naman siya. tinanong niya ako kung ano raw ang gusto kong regalo. Ayoko na sanang humingi pa dahil sya naman ang nagbayad ng sine at food naming pero mapilit siya. isang water tumbler na lang ang pinili ko na lagi kong gagamitin habang nasa opisina. “Mahal mo ako?” tanong nya habang nakakulong kami pareho sa aming mga braso “Oo naman. Mahal na mahal,” sagot ko. “Mahal na mahal

