Birthday ni Marco kaya nagkayayaan lumabas. Kakain daw tapos ay magvideoke kasama ang technical team at kaming tatlong girls. Kasama rin siguro ang mga new tech girls na ka-close na rin nila. “Pa-bibo pa naman yung mga yun tapos magaling pang kumanta si Nina. Mas magaganda pa sila kesa sa amin kaya mabi-bitter lang kaming tatlo sa party ni Marco. Hwag na kaya kami sumama.” Saad ko “Girls, sama kayo mamaya ha. Birthday ko kaya ‘di pwedeng wala kayo. Asahan ko kayo,” umalis din agad si Marco pagkasabi nito. “Ok. Sasama kami basta kainan at libre,” sabot ni Mira “Hwag na kaya tayong sumama mga sis,” saad ko. “Bakit naman?” tanong ni Mira sa akin “Basta parang ‘di maganda ang pakiramdam ko sa party na ‘yan. Baka maging wall flower lang tayo.” “Wall flower o may iniiwasan?” tanong naman

