Maganda ang gising ko ngayong araw ng Linggo. Sana ay maging productive at makapahinga ng kahit kaunti. Naglinis ng kwarto at nagsalang na ng labahin. Nagluto ako ng masarap na almusal na itlog, tuyo at sinangag. Pagkatapos ay aattend ng dalawang oras na simba at sa pag-uwi ay may masarap ng tanghalian na niluto ng aking lola. Sinigang na baboy at may malamig na softdrinks pa. “Nay, ano pong ulam natin?” tanong ko sa aking lola. “Sabi mo sinigang ang gusto mo kaya ayan ang niluto ko,” sagot naman niya. “Wow! Mukhang masarap yan ha. Kain na tayo,” “Sige na kumain ka na at tawagin mo na rin sila.” “KAKAIN NA! ANO PANG HINIHINTAY NYO?” sigaw ko para marinig na ng buong pamilya ko. Pagkatapos ay pumasok na ako sa aking kwarto para manood ng kdrama habang naka-aircon pa. Napaisip ako n

