Monday
Maaga akong gumising. Pangit man ang nagdaang linggo ay kailangan pa ring bumangon, lumaban at mag move-on. New me, stronger and much better person. Sabi nga Sarah G. aka Layda Magtalas, bolder, braver and fiercer!!!
Di na papaapekto sa mga bagay-bagay sa paligid. Go lang ng go!
Sa loob ng cr
Ikinuwento ko sa dalawang girls ang mga nangyari sa birthday party.
“So, move on ka na girl? Sure na?” tanong ni Mira.
“Yup! Sure na sure na!” mabilis na sagot ko.
Paglapit ko sa aking table ay may napansin ako. May tatlong toblerone na nakapatong.
“Kanino kaya galing? Kay Drew ba o kay Carlo? O may iba pa? Pero imposibleng kay Carlo,” sabi ko.
Tinago ko na lang ang mga ito sa bag ko. Bakit wala man lang note? Walang nagparamdam kung kanino nanggaling ang mga chocolates. Lituhin lang ba talaga ako at pag-isipin kung kanino ito galing? Dagdag pa talaga sa isipin ko.
Tuesday
May iba ng station ang mga trainees sa tech. team. ‘Di na nila katabi ang mga boys. Pero paminsan-minsan ay lumalapit parin si Girl kay Carlo. Nakikita ko sila sa glass window. ‘Di ko pa rin maiwasan na ‘di s’ya tingnan. “Di ko na rin alam kung gusto ko pa rin s’ya o naiinis na ako. ‘Di na rin sila sabay-sabay kumain sa canteen dahil binigyan na ng ibang sched ang mga new girl trainees.
May tatlong cupcakes naman sa table ko at may note. Agad kong binasa na galing pala ito sa daddy ni Carlo. Nakalagay lang na “Thank you for Coming”. Give aways pala.
Thank you po sa cupcakes
Bago yan ha. Pinabili ko pa kay Carlo kahapon
para ibigay sa iyo.
Naku, thank you po. Bakit nag abala pa kayo?
Ok lang naman po na wala.
Para sa iyo talaga’ yan. Si Carlo ba ang nag-abot o
ipina abot lang sa iba? Bilin ko na s’ya mismo ang
magbigay s aiyo.
S’ya po ng nagbigay sa akin. Thank you po ulit.
Wednesday
Nang mag-luch break kami sa canteen, biglang duman si Carlo na may dalang California maki. Basta inilapag at iniwan sa table naming at syempre kinain naman namin. Sayang ‘yun at masama tumanggi sa grasya pero ‘di ko s’ya tiningnan o kahit nag Thank you s kanya.
Thursday
Umuulan nanaman. Nakakalungkot ang panahon kapag ganito. Parang umiiyak ang langit. Nakikiramay sa ating may mga pinagdadaanan lalo na sa pag-ibig. Sana ay may makasabay ako sa paglalakad tulad ng mga nasa kdrama.
May mag aabot din kaya ng payong sa akin kung wala akong dala? Itry ko kayang hwag gamitin ang payong ko at magpakabasa kaya ako sa ulan. Baka sakaling dumating si Prnce Charming o kaya ay ako pala ang makakatagpo ng lalaking walang payong at kailangan ko syang payungan.
Baka naman holduper yun o kaya manyakis. Hwag na nga lang at baka mapahamak pa ako
“Sis, payong oh may nagpapabigay,” sabay abot ni Mira.
“Sino naman? May payong na ako. Gamitin mo na yan,” tanggi ko.
“Si Carlo ang nagpapabigay. Baka wala ka daw payong o kahit kanino sa atin. Bumabawi yata sayo? Na-guilty,” saad pa n’ya.
“Ipapahiram mo na lang sa iba kung sinong walang dala,” muling pagtanggi ko.
Friday
Pagbukas ko ng drawer ay may nakatiklop na papel. Binasa ko ito habang walang nakatingin.
“Sorry sa lahat. Sa lahat ng mga nasabi ko. Hindi ko sinasadya”
Walang name. In-assume ko nalang na kay Carlo ito galing dahil s’ya lang naman ang may atraso sa akin. Itinupi ko lang ulit at inilagay muli sa loob ng drawer ko. ‘Di na talaga ako maniniwala sa kanya tapos sasabihin n’ya nanaman na joke lang lahat.
I’ll guard my heart this time from now on. Hinding-hindi n’ya na mararamdaman at makikita na gusto ko s’ya. Hindi na ako magca-care o mag-aalala para sa kanya. As in stop na.
Uwian na at umuulan nanaman. Nakita ko si Carlo sa labasan na nakasilong sa kapirasong bubong sa entrance ng building. ‘Di ko na sana s’ya papansisin.
“Armie, pwede bang sumabay? Wala kasi akong payong,” pakiusap n’ya.
“Heto pala yung payong mo. Wala ka palang payong pero nagpapahiram ka sa iba,” sagot ko.
“Ah, ‘di ko kasi nadala yung isang payong ko. Naiwan sa apartment. Teka, baka gusto mong kumain muna. Masarap maglugaw ngayon o kaya mami,” sagot pa n’ya.
“Anong meron? Maysakit ka yata. Umuwi ka na o kaya ay si Nina na lang ang yayain mo?” pang-iinis ko.
Naisip ko na parang masarap ngang kumain ng lugaw sa panahon ng tag-ulan.
“Nagselos ka naman agad. Wala naman yun at friends lang kami,” aniya.
“Bakit ako magseselos? Tsaka hindi kasi ako kumakain ng ganun. Sumasakit ang tyan ko sa street foods. Kumain ka mag-isa kung gusto mo,” pagtataray ko.
“Sige, salamat sa pagdala ng payong ko,” sagot n’ya.
Naglakad na ako papunta sa sakayan ng jeep. “Ang weird n’ya talaga,” bulong ko. Naisip ko tuloy na kumain ng lugaw sa may malapit sa dorm at ‘di naman siguro s’ya pupunta doon.
Bumaba ako sa may lugawan malapit sa dorm. Kanina ko pa ito naiisip habang nasa jeep at baka hindi pa ako makatulog kaya umorder ako ng isang bowl. Sa kabilang table ay nakita ko na nandun din pala si Carlo na ngingiti-ngiti at iiling-iling. Hindi ko s’ya pinansin at umupo ako sa ibang table. Lumapit s’ya sa akin dala-dala ang bowl ng lugaw n’ya sabay upo sa tabi ko.
“Akala ko ba hindi ka kumakain ng ganito?” aniya.
“Naisip ko lang na parang masarap. Bakit ba?” sagot ko.
Ngingiti-ngiti lang s’ya habang nakasimangot naman ako.
Kumain lang kami at ‘di na nag-usap at pagkatapos ay tumayo na ako para umalis.
“Alis ka na? Hatid n akita sa dorm,” alok n’ya.
“Hwag na. umuwi ka na nga. Ang kulit mo rin,” sabay lakad ko ng mabilis at ‘di na rin s’ya sumunod sa akin.
Saturday
Nagulat ako ng may chocolates sa ibabaw ng table ko at may note na nakadikit dito.
Galing pala kay Dew. Niyayaya nya ako na mag-dinner kaming dalawa. Chineck ko maigi ang drawer ko kung may iba pa na galing naman kay Carlo pero wala. Bakit umaasa pa ako sa lalaking yun? Wala namang ka sweet-sweet sa pagkatao n’ya.
Di muna ako ng text kay Drew. Nabigla ako sa kanya kahit alam kong may gusto s’ya sa akin. Maya-maya ay ngtext na sya agad ilang minuto pa lang pagkakita ko ng mga chocolates at note n’ya..
“Dinner tayo mamaya, pwede ba?”
‘Di muna ako sumagot at nag-umpisa na akong magtrabaho. Pag-iisipan ko muna at sasagutin ko na lang mamaya after mag lunch.
Pagkatapos mag-lunch ay nilapitan ako ni Drew sa aking table para kausapin ako habang wala pa ‘yung iba naming kasamahan sa work
“Bakit?” tanong ko agad.
“Anong sagot mo?” tanong n’ya rin.
“Saan?” patay malisya ako kunyari.
“Sa tanong ko sa note. Saan mo ba gusto?” sagot n’ya
“Wala pang oo o hindi, saan na agad? Sagot ko naman.
“Para mabilis. Ano? Kahit saan mo gusto pwede. Mamaya ha,” pamimilit pa n’ya.
“Mamaya na agad-agad? Ahh, sige. Pwede mamaya. May bibilin din kasi ako sa mall bago umuwi ng Cavite,” muling sagot ko.
“Ok! Deal na yan ha. Babantayan kitang maigi. ‘Di ka makakatakas,” pagbibiro n’ya pa.
“Kapag naalala ko. Paano pala kapag pinag-OT ka? Sorry na lang ha,” paalala ko sa kanya.
“Oo nga no? Intayin mo ko,” aniya
“Iiwanan na kita at uuwi na ako,” sabi ko.
“Basta tatawagan kita,” sabi n’ya sabay alis at kindat sa akin.
Nang mag-uuwian na ay tumawag sa akin si Drew at pinag-over time daw s’ya.
“Intayin mo na ako, saglit lang naman ako mag-overtime” paawa n’ya.
“Intayin kita sa mall at may bibilin pa ako.. Kapag after 2 hrs. ay wala ka pa, uuwi na agad ako.”
“Sige, tatapusin ko agad itong ginagawa ko.”
Pumunta na ako sa mall para mamili ng mga kailangan ko. Food, toiletries at iba pa. Napuntahan ko na din ang iba pang store na gusto kong puntahan at mag-dadalawang oras na akong paikot-ikot sa mall nang biglang tumawag si Drew.
“Malapit na ako. Wait lang ha,” hinihingal na sabi n’ya.
“Sige, dito lang ako sa may upuan,” sagot ko.
Dumating na si Drew kasama sina Marco at Carlo. Nagtaka si Marco na napangiti at si Carlo naman ay walang reaksyon nang makita ako. Pinipigilan nanaman ang emosyon n’ya para kunyari ay wala s’yang pakialam
“Anong meron ha?” panunukso at pagtatanong ni Marco.
“Wala. Sige na alis na kayo at may pupuntahan pa kayo ‘di ba.” Pagtaboy ni Drew sa kanila.
“’Di ba kami kasama d’yan,” pang-iinis pa ni Marco kay Drew.
“Hindi pwede. Alis na,” saad ni Drew.
“Hoy, iba na ‘yan p’re ha. Sige na, mag-enjoy na lang kayo. Ingatan mo ‘yan,” paalala pa ni Marco.
Kumaway lang ako at ngumiti na medyo nahihiya kay Marco. Hindi ako tiningnan ni Carlo sabay alis na agad n’ya.
Kumain kami sa isang fast food. Ayokong magyaya sa mamahaling kainan at sabi n’ya ay friendly dinner lang naman daw. Wala s’yang binabanggit kung manliligaw ba s’ya o kung friends lang ba talaga at pagkatapos ay nagyaya s’yang manood ng sine.
“Sige na, panoorin na natin ito. Ilang Linggo na ‘yang palabas at baka palitan na. Tsaka gusting-gusto ko yan panoorin kaso wala lang akong makasama,” pilit ni Drew.
“Bakit ‘di mo niyayaya yung dalawa?” tanong ko.
“Pangit kasama yung dalawa na ‘yun. Syempre mas masaya kung gusto mo ‘yung kasama mo sa panonood,” sagot pa n’ya.
“Kaso gagabihin na tayo at ‘di natin aabutan yung pang 6pm. Susunod ay 8pm na kaya 10 pm na matatapos,” paliwanag ko.
“Ihahatid naman kita kaya hwag kang mag-alala.”
“Dun nga ako nag-alala sa paghatid mo sa akin at baka kung saan mo pa ako dalhin,” pabiro ko.
“Bakit? Wala naman akong gagawing masama. Ano? Sige na please!” pamimilit pa n’ya.
“Sa Cavite ako uuwi mamaya kaya next time na lang yung sine kasi gagabihin ako masyado e. Next week na lang kahit weekdays. Meron pa naman siguro ‘yon,” paliwanag ko ulit.
“Sige, next week na lang. sabi mo eh,” sagot n’ya.
Hinatid nya na ako sa sakayan ng bus at nagpaalam na din s’ya. Medyo punuan na sa bus at Umabot na ako sa may likod. Napansin ko ang lalaking parang kilala ko. Si Carlo, nandito din sa bus na sinasakyan ko. Pero bakit nandito pa sya? Kanina pa s’ya dapat nakauwi at saan pa kaya galing? Di s’ya dapat dito sumakay dahil mapapalayo s’ya sa kanila. Umupo ako sa dalawahan bago maghulihan sa tabi ng bintana. Lumipat si Carlo mula sa hulihan papunta sa tabi ko at pinaalis ang lalaking nakaupo sa tabi ko.
“Ang tagal nyong mag-dinner ni Drew. Saan pa ba kayo nagpunta?” tanong n’ya.
“Nagselos ka na agad. Friendly dinner lang ‘yun,” nakangiting nang-aasar na sabi ko.
“Sinong nagseselos? Ako? Assuming ka,” pagdedeny n’ya pa.
Ayoko nang tanungin pa s’ya at ayoko ding mag-assume na nagseselos nga s’ya. Pumikit na s’ya habang nakasandal sa upuan. Nawala ang antok ko dahil sa kanya at natatawa ako ng bahagya. Ako naman ay nakahilig sa bintana at pinilit kong makatulog pero naiisip ko s’ya. Gusto ko sanang humilig sa braso n’ya kaya lang ay nahihiya ako at baka mapahiya pa ako.
Hinila n’ya ako sa braso para dumiretso ako ng upo at inihilig n’ya ang ulo n’ya sa balikat ko at umangkla pa s’ya sa braso ko.
“Hwag kang malikot, matutulog ako,” sabi n’ya.
“Ang galing ha. Gawin ba akong unan,” sabay hila ko ng braso ko pero mahigpit ang kapit n’ya.
Hinayaan ko na lang s’ya sa pagkakahilig n’ya. Bababa na s’ya dapat sa susunod na kanto dahil liliko naman ang bus papaunta sa amin pero wala s’yang imik at nakapikit pa rin.
“Hoy, malapit ka nang bumaba,” paalala ko.
“Oo. Alam ko. Sagot n’ya.
“Hoy, lampas ka na. ‘Di ka pa ba bababa? Saan ka pa ba pupunta?” pangungulit ko.
“Doon pa at malayo pa. Ang kulit talaga,” sagot pa n’ya.
“Saan kayang doon?” bulong ko sa sarili ko.
Lumalayo pa ang bus sa dapat ay babaan n’ya at papalapit naman ako sa aming bahay. Hinayaan ko na lang s’ya at ‘di na s’ya tinanong at nang malapit na ako ay nagready na ako sa pagbaba.
Pagtayo ko ay tumayo rin sya. Lilipat ba sya ng upuan? Tiningnan ko s’ya ng masama na may pagdududa. Nang ako ay nakababa na ay nakita kong pababa rin s’ya ng bus.
“Saan ka ba talaga pupunta? Sinusundan mo ba ako? Stalker ka no?” tanong ko.
“May pogi bang stalker? Ihahatid ko kasi yung hinintay ko na nakipag-date pa bago umuwi,” sagot n’ya.
Natigilan, napaisip at napangisi ako ng bahagya.
“Ako ba ‘yung tinutukoy mo? Dito na ko kaya umuwi ka na,” masungit kong sabi.
“Wala man lang pakape. Di pa nga ako nag-didinner,” nagpapaawa n’yang sabi.
“Eh bakit ‘di ka nagdinner? Dala ko ba ang kanin at ulam.”
Naawa naman ako nang sinabi n’yang di pa s’ya kumakain. Kaya niyaya ko na lang s’ya sa malapit na convenient store. Nagpaalam na rin s’ya agad pagkatapos magkape at kumain. Naglakad kami pabalik malapit sa bahay at sumakay na s’ya ng bus pauwi sa kanila.