ARMIE
Monday morning at start na ulit ng work. Having good vibes since masaya naman ang team building at outing noong weekend minus yang Carlo na ‘yan. “Let’s just work and hwag ma-stress sa love. Let’s go!”
Pagpasok ko sa office, ay mukhang nagkakagulo sa technical team. Maya-maya ay pinakilala ang mga bagong trainees sa technical team. May isa doon na maganda. Mas maganda sa akin at naimbyerna agad ako. Ang mas nakakaimbyerna ay tinutukso na agad ito kay Carlo. Ngiti naman ang mokong na ito dahil s’ya daw kasi ang crush ng bagong trainee kaya tuloy sa kanya in-assign ang pag-train dito.
Lunes na Lunes ay nawala agad ang good vibes ko. Pagdaan ko sa room ng tech team na naka glass wall ay kitang-kita ko ang mga paghaharutan nina Carlo at ng bagong trainee. Ngiting-ngiti si loko at masayang-masaya. Nakakaasar, nakaka-bwisit. nakaka-badtrip. Lahat na! Samantalang sa akin panay pang-aaar n’ya. “Damuho talaga s’ya!”
Lumipas pa ang ilang araw at lalo yata silang nagiging close. Kasabay pa nilang kumain sa breaktime ang mga trainees nila.
“Wala ka na,” pangungutya ni Marco.
“Not my lost,” mayabang kong sagot.
“Iba ka sis. Sa ‘yo talaga ako eh,” napatawa s’ya sa confidence ko.
“Kunyari ka pa. Hindi na nga kayo namamansin dahil may magaganda kayong trainees,” sabi ko pa.
“Busy lang, selos ka na agad d’yan. Lalo na siguro kay ano?” dagdag pa n’ya.
“Ano? Di ako nagseselos ‘no,” sagot ko.
“Deny pa. Halata ka naman Armie.”
“Sige na. Dun ka na Marco.”
“Selosa,” pang-aasar pa n’ya sa akin sabay alis at balik sa team n’ya.
“Sa susunod ‘di na tayo ang mga kasama ng mga ‘yan,” pagalala ni Mira.
“True. May mga bago na sila at mga salawahan sila,” sagot naman ni Cindy.
Tahimik na lang ako at ayoko nang maging bitter pa. Dumating na ang sabado at last day na ulit ng work week.
“Tuloy ba tayo sa birthday, yung sa daddy ni Carlo?” tanong ko sa dalawang girls.
“Bukas nga pala yung birthday. ‘Di ako makakasama e,” sagot ni Mira.
“Akala ko gusto mo ng mga kainan,” paalala ko.
“Birthday din ng pamangkin ko e. Tagal ko nang ‘di s’ya nakikita,” dagdag n’ya pa.
“Bakit ‘di ka nagyayaya? May kainan pala sa inyo,” nagtatampong sabi ni Cindy.
“Sorry girls, nawala talaga sa isip ko tsaka baka ayaw n’yo ng children’s party eh,” paliwanag ni Mira.
“Kami pa ba tatanggi d’yan pero paano naman yung daddy ni Carlo? Tayo na lang pumunta Cindy,” yaya ko.
“’Di rin ako pwede. Nagsabi na ako na uuwi ako sa bahay,” sagot naman ni Cindy.
“hay ano ba kayo girls,” naiinis na sabi ko.
Nag-uwian na kami sa aming mga pamilya sabado ng gabi. Pagdating ko sa bahay sa Cavite, ay agad kong chinarge ang dead kong phone at nag-text pala ang daddy ni Carlo na hwag daw kaming mawawala bukas sa birthday n’ya.
“Paano kaya nalaman ng Daddy ni Carlo ang number ko? Paano na ito, ako lang ang pwedeng pumunta at ang malapit? Nakakahiyang pumunta mag-isa, nakakahiya ding hindi pumunta? Saad ko.
Tinext ko si Drew at si Marco. Hindi rin daw sila pwede bukas dahil kesyo may family gathering, magpapahinga, may iba pang gagawin ang dahilan nila. ‘Di na lang ako sumagot sa text ng daddy ni Carlo.’ Di naman siguro ‘yun magtatampo kasi isang beses pa lang naman kaming nagkita.
After mag church ay Laba Day at ‘di uso sa family namin ang special bonding kapag Sunday. Pag birthday lang, pasko o new year. Sunday is just an ordinary day pero special pala para sa mga damit ko na dapat labhan.
Habang naglalaba ay may tumatawag sa cp ko na unknown number.
“Armie, hindi pa ba kayo pupunta? Iipapasundo na kita kay Carlo,” sabi ng nasa kabilang linya na parang daddy ni Carlo.
“Naku hwag na po nakakahiya naman po, tito. Ako na lang po ang pupunta d’yan at kaya ko naman pong mag-byahe,” nasabi kong bigla na ‘di muna nag-iisip.
“Para hindi ka mahirapan sa pag-punta,” pilit pa n’ya.
“Hwag na po kasi ‘di alam ni Carlo ang bahay namin. Ako na lang po ang pupunta maya-mya,” saad ko pa na parang ‘di na ako makatanggi pa.
“Naku, pumunta ka na agad. Kasi puro matatanda ang bisita dito. Para may makausap naman akong iba kaya pumunta ka na ha at kung hindi ay ipapasundo na kita,” pananakot pa n’ya.
“Opo. Magbibihis na po ako,” napasubo na ako sa pagpunta sa birthday.
Naisip kong hindi nga pala ako pupunta pero bakit sinabi ko na pupunta ako? Nainis ako sa sarili ko dahil pabigla-bigla ang sagot ko
“Mag de-dress ba ako? Parang O.A. naman. Casual na lang. Shorts, blouse at sandals. Pa-girl pa rin naman,” sabi ko.
Mga 2 oras ay na byahe papunta sa bahay ni Carlo dahil medyo malayo at ma-traffic. Nag-aircon bus ako para ‘di ako ma-haggard sa byahe. Medyo kinakabahan ako ng slight baka ipahiya lang ako ni Carlo sa mga tao dun at ingungudkod ko talaga s’ya dito sa cupcakes na dala ko.
Pagdating sa gate ay dumiretso ako ng pasok sa loob ng bahay. Nakatingin ang ibang bisita at ngumiti naman ako sa kanila. Nagtataka siguro sila kung sino ako na bagong mukha na bisita ng daddy ni Carlo.
Diretso ako sa loob ng bahay para hanapin ang may birthday. Nadatnan ko sila sa dining area na nakaupo kasama si Carlo na may kasamang babae. Si new girl trainee. Nadismaya ako pero smile lang sa kanila.
“Happy birthday po,” bati ko sabay abot ng cupcakes.
“Salamat. Gawa mo ba ito?” tanong ng Daddy.
“In-order ko lang po sa kakilala ko,” sagot ko.
“May dala rin kasi si Nina at s’ya daw ang ng bake,” pagmamalaki pa ni Carlo sa kasama n’ya.
“Ahh talaga,” sabay smile ko na may pagka-plastic.
“Kumain na kayo sa labas. Carlo, asikasuhin mo sila,” sabi ng Daddy.
Pumunta na ako sa labas at naghanap ng mapupwestuhan. Nakakahiya na wala akong kilala sa party. Nagsisisi ako na pumunta pa ako lalo na ng makita ko si Carlo na kasama yung trainee na ‘yun.
Naghahain na sila ng handa kaya naisip ko na tumulong na lang since wala naman akong kakausapin. Nakita kong tumutulong na din sa pag-aayos si girl trainee. Habang kasunod naman si Carlo na ‘di ito iniiwan at inaalalayan palagi at mukhang close na close na talaga sila.
Maya-maya ay nagkainan na. Ayokong maki-join sa table nung dalawa kaya sa ibang table ako pumuwesto. Katabi ko si Lucy na pinsan ni Carlo na nakita namin sa Tagaytay.
“Hello po Ate, dito ka na umupo sa tabi namin. Ikaw yung friend ni Kuya Carlo ‘di ba? Ikaw lang mag isa?” bati at usisa ni Lucy.
“Oo yung sa Tagaytay. Malalayo kasi ang bahay nung iba at ako kasi dito lang din sa Cavite,” sagot ko.
Tumayo si Girl trainee at lumapit sa videoke machine para kumanta. Maganda siguro ang boses. Olat nanaman ako kasi ‘di ako magaling d’yan.
Thinking out loud ang pinili nya na song. Pero si Carlo pala ang kakanta. Magaling pala s’yang kumanta. Malamig ang kanyang mga boses at mukhang para kay girl ang kanta n”ya.
Mya-mya ay si Girl naman ang nagpatuloy ng kanta. Wow! Maganda rin kumanta at bagay sila. Sobra. Nalungkot ako na parang gusto ko nang umuwi.
Baby now, take me to your loving arms. Kiss me under the light of thousand stars. Place your head on my beating heart.
After nilang magkantahan ay nagtatawanan naman silang dalawa na para bang walang ibang tao sa paligid nila.
Tumabi naman sa amin si Daddy.
“Hindi ko alam na may iimbitahin pala si Carlo na iba,” saad n’ya.
“Ok lang po ‘yun. Hindi naman po s’ya ang ipinunta ko dito,” sagot ko sabay ngiti.
“Nakakahiya tuloy sa ‘yo. Sabi ko pa naman ay mgkakapalagayan kayo ng loob ng anak ko. Yun pala ay may kasamang iba ang loko,” paliwanag n’ya pa.
Nagtawanan naman kaming nasa table. Nag-umpisa ng magkwento si Daddy ng mga kalokohan n’ya nung bata pa s’ya. Tawanan lang kami ng tawanan at mabuti naman at ‘di na ako out of place.
Habang yung dalawa ay bored na dahil wala na sigurong mapagkwentuhan at nagce-cellphone na lang. Kumakanta ng pa isa-isa si Girl trainee.
Maya-maya pa ay may lumabas na shitzu na alaga nina Carlo.
“Ang cute naman ng doggie na ‘yan,” sabi ni Girl Trainee.
Nagpa-pet naman ang epal na doggie na ito kay Girl at kay Carlo na parang anak nila. Masaya nanaman ang dalawa. “Mahilig din naman ako sa dogs. Kala ba nila ay sila lang,” sambit ko
Biglang nagtanong si Lucy sa akin.
“Ikaw ba ‘yung pinaiyak ni Kuya Carlo,” straight forward na tanong n’ya.”
“Ano? Bakit mo naman natanong? I cried once kasi nakakapikon na s’ya,” sagot ko.
“Sabi n’ya naiyak ka daw kasi na feel mo yung sincerity n’ya. Pero bakit hindi naging kayo? Na feel mo ba na binobola ka lang?” usisa n’ya.
“Ano bang tanong ‘yan. Sincerity? Wala s’ya nun.”
“Ano ba kasing sabi n’ya sa ‘yo kaya naiyak ka? kwento na, dali.”
“Sige na nga. Ang sabi n’ya sa akin, “Tayo na. Paano kung gusto na kita?” tapos biglang may Segway na “Naniwala ka ba? Joke lang yung mga sinabi ko.”
“Ang sama n’ya, isusumbong ko na talaga s’ya.” Sabay tayo ni Lucy at pumasok sa loob ng bahay.
Ako naman ay naiwan na sa table dahil sa pag-alis ni Lucy at di ko na sya napigilan pa. Nais ko na sanang magpaalam kaya lang ay busy naman si Daddy sa mga bisita n’ya. Tityempuhan ko na hindi sya busy o kya ay tatakas na lang ako. Sumasama na ang pakiramdam ko habang nakikita ko si Carlo at si Girl Trainee.
Maya-maya pa ay isa-isa nang nag-uuwian ang mga bisita. Sasabay na rin ako sa pag-uwi.
“Tito uuwi na rin po ako,” paalam ko.
“Ipapahatid kita kay Carlo,” sabi ng Daddy.
Tumanggi ako dahil ayokong magpahatid kay Carlo at aasarin n’ya nanaman ako at kapag napikon ako ay baka maiyak nanaman ako.
Tatakas na sana ako nang tinawag ako ni Daddy.
Armie, magpahatid ka na,” ani Daddy.
“May kasama ako Daddy,” sagot naman ni Carlo na halatang ayaw din akong ihatid.
“Iwanan mo muna dito at umahin mo nang ihatid si Armie. Ano ka ba? Hindi ka nahihiya sa bisita,” galit na sabi ni Daddy.
Wala itong nagawa kaya inilabas ang car para ihatid ako. Sasabay na din daw si Girl Trainee at magkakasabay kami sa loob ng car. Sobrang awkward at umupo agad si Girl sa unahan at ako naman ay sa likod. Sobrang naiinis na ako at ‘di ko kaya na makasama sila na naglalandian pa sa loob ng car.
Pumara na lang ako sa may kanto at sinabi ko na magbu-bus na lang ako para ‘di na sila mapalayo since ibang way ni Girl sa akin.
“D’yan na lang ako sa kanto kasi may dadaanan pa din ako,” palusot ko.
“Ihahatid ka na namin,” kunyaring concern pa si Carlo.
“Sure ka? Gabi na kasi at delikado na,” at concern din si Girl sa akin.
“Ok lang ako. Nakapunta nga akong mag-isa e,” sagot ko pa.
“Kung kaya mo naman pala, ‘di ka na naming pipilitin. Ibababa kita bago magkanto at maglakad ka na lang ng koti kasi alanganin baka mag-traffic pa pagbaba mo,” prankang sabi ni Carlo.
“Ang bait mo talaga sa ‘kin walang hiya ka.” sabi ko lang sa sarili ko na medyo napikon sa mga sinabi n’ya.
Pagtigil ng sasakyan ay bigla akong bumaba at ‘di na nagsalita pa. Dumiretso sa paglalakad sabay sakay sa bus na naghihintay pauwi sa amin. Sila naman ay lumiko papaunta sa kabilang way para ihatid si Girl
Napahiya ako kanina sa mga sinabi ni Carlo. Pinamukha n’ya talaga sa akin na hindi n’ya ako gusto at hwag akong umasa na magugustuhan n’ya.
Na-touch naman ako nang mag text ang Daddy n’ya.
“Salamat sa pagpunta at nasiyahan ako sa ating kwentuhan. Sorry dahil hindi ko alam na may kasama si Carlo. Sana ay magkita pa tayo ulit dahil ikaw talaga ang gusto ko para sa anak ko.”
Napatawa ako sa text kaya nagreply naman ako sa kanya
Walang anuman po at happy birthday ulit.
CARLO:
Hindi naman ako trainor pero bakit ako binigyan ng iti-train na bago? Maganda si Nina, masayahin s’ya at pala-kwento. Minsan ay nasosobrahan na kaya ‘di na s’ya sa trabaho naka-focus. Lagi n’ya akong binibiro na crush n’ya daw ako pero tinatawanan ko na lang. Isang bes ay nakita n’ya na may dala akong regalo para sa daddy ko. Nag-usisa s’ya at nalaman n’ya na birthday nito sa Linggong dadating.
Napasubo yata ako nang yayain ko s’ya at ‘di ko akalain na o-oo s’ya. Wala naman yatang pupuntang iba dahil ‘di daw makakapunta sina Marco kaya siguro ‘di na rin siguro pupunta ang mga girls.
Nagulat na lang ako nang umaga ng Linggo na pinapasundo sa akin ni Daddy si Armie. Tinawagan n’ya daw ito na pumunta sa birthday n’ya kaya sinabi ko na lang na may pupuntahan akong iba.
Kailangan kong sunduin si Nina dahil may order ako sa kanya na cupcakes at sayang naman kung hindi ko ito kukunin.
Naawa din naman ako kay Armie kasi napilitan s’yang pumunta at medyo malayo pa naman ito sa kanila. Ano kaya ang reaksyon n’ya kapag nagkita sila ni Nina?
Nasundo ko na si Nina at ang cupcakes. Maya-maya ay dumating na rin si Armie na may dala ding cupcakes. Inasar ko agad s’ya na si Nina ay may dala rin at s’ya ang mismong nag-bake ng dala nito.
Masyadong clingy itong si Nina, masyadong isip bata at laging nakadikit sa akin. ‘Di ko na tuloy nakausap ang ibang mga pinsan ko.
Si Armie naman ay nasa kabilang table kausap si Daddy at si Lucy. Mukhang masaya sila at mukhang ako ang pinagtatawanan nila? Baka sinisiraan n’ya ako sa daddy ko o kaya naman ay ang daddy ko ang nagkukwento ng kung anu-ano. ‘Di ko madedepensahan ang sarili ko dahil may nakabantay sa akin.
Mukhang nagpapaalam na si Armie. Hindi ko na s’ya inasar ng todo dahil mukhang na sa awkward situation na s’ya kanina pa. Pinapahatid s’ya sa akin ni Daddy pero tumanggi ako. Pero napilitan na rin ako ng parang nagagalit na si Daddy sa akin.
Gusto ko rin sana syang ihatid kaso ayokong iwan si Nina. Nagfee-feeling close s’ya sa mga kamag-anak ko at iniisip na nga nila na girlfriend ko siya. Nang napilitan na rin akong ihatid si Armie ay sasabay na din si Nina sap ag-uwi.
Uunahin ko na lang si Nina at huli na si Armie na ihahatid ko. Nakukulili na ang tenga ko kasi sa kadaldalan ni Nina. Kung huli na si Armie ay mas tahimik lang ang paligid ko.
Biglang nagpababa na lang si Armie sa kanto dahil may dadaanan pa raw s’ya at magbu-bus na lang pauwi. Parang nainis ako dahil dis oras na nang gabi ay may ibang lakad pa s’ya. May ka-date pa ba s’ya? Kaya siguro ayaw n’ya talagang magpahatid kanina. Hindi ko na rin s’ya pinilit at ‘di na ako nag-usisa kung saan pa s’ya pupunta.
Na-realize ko na parang ang sama ng mga nasabi ko kay Armie. Sumama ba ang loob n’ya? Bigla akong nakunsyensya. Babalikan ko ba s’ya? Pero sumakay na s’ya ng bus. Paano ko pa mababawi ang mga nasabi ko?