Maaga kaming gumising para mag-swimming at para hindi pa sikat ang araw. Masakit na sa balat kapag maaraw na at dapat habang makulimlim ay mag-swimming na agad. Ayaw din naman naming na magka-sunburn ang balat namin. Nadatnan namin na nagkakape na ang dalawang boys malapit sa beach at pagkatapos ay sabay-sabay na kami nag-swimming.
Malinis ang tubig at ‘di gaanong malamig, mapayapa lang ito at ‘di maalon at masarap sa pakiramdam na para kang hinehele ng dagat sa mahinang alon nito. Nakakawala ng lungkot. Kinikilig ako sa ganda ng tanawin at preskong hangin habang nakalublob sa dagat. Nakakagaang ng pakiramdam kaya sana ay ganito na lang palagi.
Pinararamdam ng dagat ang pag-ibig n’ya sa akin at ako din naman sa kanya. Maiiyak ka na lang at masasambit mo ang katagang “Thank you Lord for everything.” Di katulad ng iba na fake love ang isusukli sa totoo mong pag-ibig.
After ng swimming ay nagbihis na kami at nag-almusal ng 10am. Nag-ayos na rin kami ng aming gamit pagkatapos ay aalis na kami at papunta naman ng Tagaytay. Doon na raw kami maglu-lunch. Matutuloy din pala ang plano namin dati na akala namin ay ‘di na kami magkakasama-sama ulit. Mas masaya sana kung kasama si Carlo kaso paano nga naman sasama kung may taong iniiwasan? At mang iinis lang yun kung nandito kasama namin
Sa sasakyan,
“Naalala ko lang sino nga ba yung may crush kay Carlo? Si Mira ba yun?” pangungulit nanaman ni Marco.
“Si Armie ‘no, hindi ako,” pagtanggi pa ni Mira.
“Ang daldal mo ‘no, gusto mo ng brake fluid? Wala kang preno e,” saad ko.
“Kaya pala nagpunta sa apartment,” pang-iinis pa ni Marco.
“Hoy hindi naman sa crush. Nagkataon lang iyon kasi inutusan lang ako ni Ma’am ‘di ba. Ang chichismoso n’yo ding mga lalaki,” paliwanag ko.
“Hwag ka na dun kasi masungit yun tsaka inaasar ka lang palagi,” sabat pa ni Drew.
“Pero mabait din naman ‘yun,” pagtatanggol naman ni Marco.
“Doon ka sa taong ipapakita sa ‘yo na mahal ka,” singit pa ni Drew.
“Crush lang ‘yon guys at walang malalim na koneksyon. Hwag kayong serious d’yan, Ok,” sagot ko.
“Tumingin ka lang sa paligid mo at baka nasa harap mo lang o nasa gilid. Hwag kang tumingin sa malayo,” may patama ang mga sinasabi ni Drew.
“Anong nangyayari sa ‘yo pare? Love adviser ang dating ha,” natatawang sabi ni Marco.
“Ayoko lang masaktan si Armie. Panira ka talaga, pre,” dagdag pa ni Drew.
Nagkatinginan lang kami nina Mira at Cindy sabay tawanan lang ng mahina.
“Dadaan ba tayo sa fantasy world? Magpa-picture tayo dun,” suggestion ko.
“Mamaya na lang siguro sa hapon para ‘di maiinit. Magdiretso muna tayo ng Tagaytay kasi nagugutom na rin kasi ako. Kayo ba? Mag lunch na tayo mag-aala una na din,” sabi naman ni Marco.
“Sige gutom na rin ako,” sang-ayon ni Mira.
“Ikaw pa, lagi namang gutom,” pang-aasar pa ni Cindy.
“Oo na. Baka ikaw na kainin ko d’yan.”
Nag-stop kami sa isang kainan na ‘di gaanong kamahala. Nag-order kami ng bulalo, fried chicken, sisig at pancit.
Napatingin ako sa may parking lot nang may dumating na lalaking naka-motor. May kaangkas na babae na halata ang pagka-slim nito at pagka-sexy kahit naka maong jacket at tattered pants.
Bumaba silang dalawa. Nagtanggal ng helmet at sa gulat ko ay si Carlo pala na ‘di ko ine-expect na makikita ko dito sa Tagaytay. “Sinadya n’ya ba talagang pumunta para makita ko na may kasama s’yang ibang babae? Nakakaimbyerna talaga ang lalaking ito,” bulong ko
Bigla ko tuloy napansin ang suot ko. Naka-baggy pants, oversized t-shirt at cap pa. Trip ko lang magpaka-boyish since wala naman si Carlo. ‘naisip ko kasing ‘di kailangang mag effort at ayoko rin naman mag short dahil baka ginawin lang ako. Kaso mainit din naman pala dito kapag tanghali.
“Bakit ito pa ang sinuot ko? Bakit nagkita pa kami dito? Wala akong laban sa babaeng kasama n’ya na babaeng- babae ang itsura. Ang ganda at ang sexy pa,” Nawala ang konting confidence na mayroon ako sa sarili. “Wala na talaga kong pag-asa. At wala naman talaga noon pa.”
Palapit silang dalawa sa table namin. Nag hi! si girl sa amin at nag hi! rin naman kami sa kanya. Tapos ay tinuon ko na ang tingin ko sa pagkain. ‘Di ko binati si Carlo at narinig ko na lang na bumati s’ya sa dalawang girls pero tuloy lang ako sa pagkain ko.
“Alis na rin po pala ako,” sabi ni girl.
“Alis ka na agad. Sumabay ka na maglunch sa amin,” anyaya ni Marco.
“Hindi na po kasi may ka-meet din kasi akong friends at naki -sabay lang po ako,” sabi ulit ni girl.
“Di na raw po. Pinsan ko ‘yan at bata pa ‘yan pre,” saad naman ni Carlo.
“Bye po sa inyo,” paalam ni girl.
“Sasabay ka ba pauwi?” tanong ni Carlo sa pinsan n’ya.
“Hindi na po kuya. Mauna na kayo at sasabay na lang ako sa friends ko mamaya.”
Lumuwag ang masikip kong dibdib. Para akong nakahinga ng maluwag dahil pinsan lang pala.
Kaso nakakadyahe talaga ang suot ko. Ang hot pa naman ni Carlo sa itim n’yang jacket at itim na shirt. Pinagmasdan ko s’ya kanina habang papalapit sa amin at alam kong nakatingin din s’ya sa akin kanina habang kumakain at may pang-asar nanaman s’ya na sasabihin.
“Masarap ang bulalo dito, Armie. Bumalik ulit tayo dito,” sabay abot sa akin ni Drew ng bowl na may bulalo.
“Oo, masarap nga. Sige balik tayo,” sagot ko naman.
“Try mo rin itong sisig,” nagsandok si Drew at naglagay sa plato ko.
Nakakahalata na si Marco sa mga kilos ni Drew.
“Pre, gusto ko rin yang sisig. Pagsandok mo din ako ng bulalo please,” pang-aasar pa nito.
Napapatawa lang kaming mga gilrs. Sabay nasamid ako at naubo.
“Pasandok ka kay Cindy,” pikon na sabi ni Drew.
“Ako na lang,” sabay bigay ng sabaw kay Marco.
Napailing lang si Marco at tumahimik na.
Pagkakain ay nagkayayaan papunta sa Fantasy World. Yung castle sa may Batangas para lang mkapag-picture. Sumunod naman sa amin si Carlo na naka-motor. Tapos ay tumambay saglit sa Twin Lakes para magpa-picture rin at nag-sightseeing.
Nakaupong mag-isa si Marco kaya tinabihan ko. Gusto kong humingi ng advice sa kanya since mas bihasa s’ya sa mga relationships sa palagay ko.
“Kung half meant lang ang sinabi sa ‘yo ng isang tao, maniniwala ka ba o hindi?” umpisang tanong ko.
“Half meant is half joking, half serious. So, maniniwala ba ako? Maybe in some point” sabi n’ya.
“Naguluhan lang ako lalo.”
“What do you mean exactly? Tell me anything. I can keep a secret,” saad pa n’ya.
“Talaga. Eh Chismoso ka nga e. Anyway, basta secret ito ha. When somebody told you na,
“Ano, gusto mo ba ako?”
“Paano kung gusto na rin kita?”
“Isipin mo na totoo ako ngayong gabing ito.”
“What would you say and what would you feel kung gusto mo rin s’ya? Maniniwala ka ba?” tanong ko sa kanya.
“Depende kung credible ba yung person and if you knew him personally. But you know, lahat ng manliligaw ganyan ang sinasabi. It’s your descision if you’ll trust him or not. Sugal ang pag-ibig Ate girl,” paliwanag pa ng expert.
“Korek ka naman d’yan Kuya Boy,” saad ko. Sabay tawa naming dalawa ni Marco.
Sabay akbay n’ya sa akin like giving comfort sa nalilito kong damdamin at parang sinasabi n’ya na kaya mo ‘yan.
Nag-mall din kami. Nag-order at kumain ng pizza at pagkatapos ay naglaro kami sa amusement arcade.
Lahat naman kami ay may pagkaisip bata pa kaya nag-try kami ng lahat ng games. Ang gulo namin habang naglalaro at tawanan ng tawanan at kulitan. Ng-try din kami magpa-picture sa photo boot pero ‘di lang kami kasyang lahat. Niyaya ako ni Drew na magpa-picture na kaming dalawa lang at pinagbigyan ko naman at pagkatapos ay kaming tatlong girls naman.
May binulong sa akin si Carlo at tiniyempo n’ya na wala akong katabi.
“Bakit ganyan ang suot mo?” natatawang sabi n’ya.
“Bakit nanaman? Fashion ‘to at uso. Palibhasa wala kang alam,” pagtataray ko
Tumawa lang s’ya at umalis na. Lumapit lang s’ya para bwisitin ako.
Naisipan namin na mag-videoke pero maliit ang lang boot kaya tatlo lang ang pwede. Kami lang ng mga girls at ang mga boys ay busy pa rin sa paglalaro. Nagpapataasan sila ng score sa basketball at kung anu-ano pa.
Maya-maya ay naubos na ang mga credit namin sa cards kaya nag-ayawan na. Next naman na pupuntahan ay sa coffee shop paramagkape, tumambay lang, kwentuhan at sight seeing sa Taal Volcano na kita from the coffee shop.
Mag 7:30 na at kailangan na naming umuwi sa Manila. Matagal at traffic pa sa byahe.
“Mamaya na tayo umuwi kasi traffic na,” saad ni Drew.
“Saan pa tayo pupunta?” tanong ni Cindy.
“Kina Carlo na lang. Malapit lang kayo dito, ‘di ba pre?” pagkumpirma ni Marco.
“Oo nga tingnan natin yung kotse daw ng erpats n’ya na lagi n’yang kinukwento,” dagdag pa ni Drew.
“Teka, tanungin n’yo muna kaya ako kung gusto ko kayong isama,” pag-apila pa ni Carlo.
“Tara na. Papalipas lang kami ng traffic,” sabi naman ni Marco.
Wala nang nagawa si Carlo kaya pumayag na din.
“Baka gusto n’yong mag-dinner kasi kape lang ininom natin,” sabi ni Mira na gutom na.
“Bumili na lang tayo ng lechong manok tapos dun na natin kainin,” suggestion ko.
“Ok yan. Very good ka talaga sis,” sabi ni Marco.
“Thank you bro,” sabay himas sa aking ulo na parang little sister n’ya.
“Sasama ka pa ba? Malapit ka na ‘di ba. “Di ka pa uuwi sa inyo?” pagtaboy sa akin ni Carlo.
“Grabe ka na talaga Carlo, ang sama mo kay Armie. Hindi na rin kami sasama ni Cindy,” pagtatanggol pa ni Mira sa akin.
Medyo naiinis na rin ang dalawang boys sa kanya dahil sa sobrang pang-iinis n’ya sa akin.
“Joke lang guys. Biro lang ‘yun. Armie, sorry na,” sabi ni Carlo sabay irap at iling ko naman.
Nasa unahan si Carlo na nakasakay sa motor n’ya. Sinusundan naming s’ya sakay ng kotse ni Marco.
Sabi ko, “Guys, tutuloy ba kayo kahit uuwi na ako?”
“Bakit ‘di ka na sasama? Uuwi na rin kami,” saad pa ni Marco.
“Pumunta na tayo para wala ng issue,” sambit ko kahit na pipikon na ako kay Carlo.
“Nagbibiro lang yun Armie. Pagpasensyahan mo na,” sabi pa ni Marco.
Pagdating sa kanila, pinapasok kami sa loob ng bahay at bumati kami sa mommy at daddy n’ya. Tapos tumuloy na kami sa garahe kung saan nandun daw ang kotse na pinag-uusapan nila na nasa tabing bahay nila. Malaki ito na parang talyer at maraming mga gamit para sa panggawa ng kanilang sasakyan.
Kumain muna kami sa isang gilid na may table at mga chairs. Pagkakain ay tumayo na silang tatlo para tingnan ang mga sasakyan.
Habang kinakalikot ni Carlo ang kotse ay nakatitig naman ang dalawang boys sa ginagawa n’ya na namamangha sa nakikita nila.
“Ano kayang meron dun?” tanong ni Cindy.
“Puro pyesa lang,” sagot ko.
“Parang nakalimutan na yata tayo,” sagot naman ni Mira.
“Ano ba kayo? Wala tayong panama d’yan. Sa paningin ng mga lalaki wala ng gaganda pa sa motor at sa kotse. Kahit gaano pa kaganda ang isang babae, lilingon lang sila saglit pero ang motor at kotse, tititigan pa ng mga ‘yan,” page-explain ko.
Pumasok sa garahe ang tatay ni Carlo at nakipag-kwentuhan muna sa mga boys tapos ay sa amin namang mga girls.
“Sino ba sa inyo ng nobya ng anak ko?” tanong ng daddy ni Carlo.
“Naku, wala po. Mga friends lang po kami,” sagot ni Mira.
“Medyo suplado po kasi yang anak n’yo,” pabulong na sabi ni Cindy para ‘di marinig ni Carlo.
“Ganun ba? Magaganda pa naman kayong mga kasama n’ya. Pihikan kasi talaga ‘yan tapos iniwan pa ng babae. Napapansin ko na palaging malungkot kaya baka kailangan ng bagong girlfriend. Sayang itong isa, tomboy ka ba iha?” kwento pa ng daddy n’ya.
Nagtawanan naman ang dalawang girls.
“Hindi po, outfit lang po,” sagot ko.
“Wala ka bang gusto sa anak ko? Matagal ng single ‘yan at puro kotse at motor ang inaatupag. Gusto ko na kasing magka-apo,” pagbibiro pa n’ya.
“Crush n’ya po si Carlo pero ‘di s’ya pinapansin,” pangbubuko pa ni Cindy.
“Daldal nito oh. Hindi po totoo ‘yun ‘di po naming gusto ang isa’t-isa,” sabi ko pa.
“Mabait yang anak ko, gwapo pa. Bakit hindi mo gusto?” pagpupumilit ng Daddy.
Biglang lumapit si Carlo na naririnig yata ang pinag-uusapan namin at pangungulit ng daddy n’ya.
“Daddy, hwag mo ng lokohin ‘yang mga girls. Lika na, dito ka sa mga boys.”
“Sige d’yan na kayo mga iha. Manligaw ka na kasi Carlo para naman hindi ka palaging malungkot. Bakit ‘di mo ligawan yung isa. Maganda ‘yun,” payo pa ng daddy n’ya.
“Daddy. Wala akong panahon d’yan. ‘Di naman maganda ‘yun eh,” narinig ko sabi n’ya sa daddy n’ya.
Pinaandar ng Daddy ni Carlo ang luma nitong sports car. Maayos pa ito at ok pang tumakbo. Lalabas lang daw ang mga boys at iikot lang saglit sakay ng sports car. Nag-intay naman kaming tatlo sa garahe habang nag-iikot sila.
Pagbalik nila ay nagpaalam na din kami dahil medyo late na.
“Birthday ko nga pala sa susunod na Linggo kaya pumunta kayo ha. Madami akong handa. 60 na kasi ako. Aasahan ko kayo at lalo na kayong mga girls ha,” paanyaya ng daddy ni Carlo.
“Sige po tito,” sagot ni Cindy.
“Kami po hindi na?” sabat naman ni Marco.
“Sama rin kayo syempre,” sabi ng Daddy nya.
Sumakay na kami sa car at ihahatid na kami sa dorm.
CARLO
Kinaumagahan ay tinext ako ni Marco na sumama sa Tagaytay at doon daw sila maglu-lunch sa isang bulaluhan. Patapos na rin naman ang ginagawa ko bago magtanghali kaya wala na akong ibang gagawin kaya pumunta na lang din ako.
Nadatnan ko sila sa isang resto na nag-iintay ng kanilang order at kasama ko ang pinsan ko na nakisabay lang sa akin. Binati ko silang lahat maliban kay Armie na nakatungo at busy sa kanyang pagkain. ‘Di ko nga s’ya agad nakilala dahil sa suot nyang maluwag na pants at shirt kaya ang akala ko ay may iba silang kasama.
Panay asikaso sa kanya ni Drew at lagi ‘syang tinatabihan kahit saan kami magpunta. Nagpapicture pa nga sila na silang dalawa lang at inaakbayan din sy’a nito at parang gusto n’ya rin naman. Naisip ko na lang na asarin siya tungkol sa suot n’ya na mukha s’yang totoy pero ang cute pa rin naman n’ya.
Sinabihan ko rin s’ya na umuwi na at hwag nang sumama sa bahay para iniisin pa pero naiinis na pala sila sa pangbu-bully ko kay Armie. Binawi ko naman agad ang sinabi ko sabay sabi ng sorry sa kanya. Alam kong nasasaktan na rin s’ya sa mga sinasabi ko at sobra na rin ang pang-iinis ko sa kanya.
Napilitan na rin akong isama sila sa bahay. Ang kulit ni Daddy at niloloko pa ang mga girls tungkol sa akin at in-invite n’ya pa sila sa kanyang birthday party sa susunod na linggo.