CHAPTER 11 TAGUAN

2279 Words
Kinaumagahan ay hinanap ko agad s’ya paglabas ko ng tent ngunit wala s’ya kahit saan ko s’ya hanapin. Umuwi na ba s’ya? Naduwag ba s’ya? May atraso pa s’ya na dapat n’yang pagbayaran. “Nasaan na kaya ang mokong na yun?” nasabi ko na may paghihiganting nararamdaman. Magpakabusy na lang at magpakasaya sa team building na ito. “May araw din s’ya sa akin,” muling sambit ko.  “Anyare sayo? Parang intense ka?” pansin ni Cindy. “Reading -ready lang ako para sa mga physical games para mamaya,” sagot ko. “Kahapon lang wala kang energy at ayaw mo pang sumali ha pero ngayon ay full of energy ka. Teka pala, anong issue n’yo sa ulan ni Carlo ha? Wala kang kinukwento,” usisa pa ni Cindy. “Wala lang ‘yon. Nang-aasar lang yun.” “’Di nga? Parang may something kasi sa inyong dalawa.” “Nung ano lang yon, yung pauwi sana ako ng Cavite tapos umulan ng malakas. Dinala kami sa evacuation center kasi bumaha. Nagkita kami dun ni Carlo at isinama n’ya ako sa bahay ng tita n’ya. Doon kami natulog na dalawa,” pagsasalaysay ko. “Omg! Magkasama kayong natulog?” kinikilig na sabi ni Mira. “Magkasama kami sa isang bahay pero magkaiba ng kwarto, ok.” “oh, tapos? May nangyari sa inyo?” “Baliw! Tapos wala na at umuwi na kami kinabukasan. The End.” “Wala lang pala pero kinilig ka ba?” panunukso pa ni Mira “Tumigil ka.” After ng ilang mga activities na takbuhan, unahan, pagalingan ay magpapahinga muna at magpe-prepare na para sa tanghalian. Nag-aayos na kami ng foods sa mga table nang makita ko si Carlo na papalapit sa aming group. Bigla napataas ang kilay ko sabay buntong hininga. “Bakit kaya s’ya bumalik? Saan kaya s’ya galing? At baka naman may naiwan lang at aalis din agad,” sa isip ko. ‘Di ko pa naiisip kung paano ako makakaganti sa kanya. Ang tanging plano pa lang ay ‘di s’ya pansinin. Pinagmamasdan ko s’ya at binabantayan ko ang mga kilos n’ya. Umupo s’ya sa hapag pero ‘di sa tabi namin. Sa ibang table s’ya pumunta at doon nakisalo ng pagkain. ‘Di rin s’ya lumilingon, at ‘di n’ya ako hinahanap. Tahimik lang s’ya sa kanyang pagkain habang ako ay pasulyap -ulyap sa kanya. So, ako nga lang talaga ang nakakaalala at s’ya ay may amnesia na. “Sige let’s play this game. The game called TAGUAN. Taguan ng feelings. Walang magpapahuli at walang magpapatalo. Mag-iwasan tayo hanggang gusto mo,” saad ko. “Teka kagabi nga pala, anong ganap ha? Bakit may drama scene?” usisa ni Mira. “May drama talaga?” usisa rin ni Cindy “Bakit? Anong pinag-usapan n’yo? Nag-away nanaman kayo? Inaway ka ba? Sabihin mo lang, lagot sa akin ‘yang Carlo na ‘yan,” galit na sabi ni Mira. “Kasalanan ko rin kasi bumigay ako eh at akala ko sincere. Ewan ko ba? ‘Di ko lang talaga napigilang umiyak,” paliwanag ko. “Please elaborate, cannot understand,” usisa pa rin ni Mira “Tinikso n’ya kasi ako. Sabi nya, “Ano, gusto mo ba ako?” “Tapos sabi pa n’ya, “Paano kung gusto na rin kita?” “’Yung huling sinabi n’ya, makinig kayong dalawa ha. Sabi n’ya, “Isipin mo na totoo ako ngayong gabing ito at totoo ang mga sinasabi ko,” pagsasalaysay ko sa mga sinabi ni Carlo. “Oh, tapos kayo na ba? Eh bakit parang hurtful ‘yung pag-cry mo kung nagtapat pala?” Muling usisa ni Mira na nagtataka. “Naluha ako dun mga sis, na-touch ako kasi parang ang sincere ng pagkakasabi kaso may twist sa dulo. Ang sabi n’ya, “Bakit umiiyak ka? Joke lang yun. Sabi mo hindi ka mabilis mapasakay.” “Omg! Girl. Ganon pala s’ya and he’s worse than Marco. Ang kapal ng face n’ya ha,” pagalit na sabi ni Mira. “So, what’s your plan?” kalmadong tanong ni Cindy. “’Di ko pa alam. Basta ako nang bahala dito mga sis at cool lang kayong dalawa d’yan,” sagot ko. “Eh, kayo nga ni Drew ang sweet kagabi. Anong pinag usapan n’yo? Panay ngiti mo nga habang naglalakad kayo,” usisa ko kay Mira. “Wala naman ‘yun at puro ibang tao nga ang pinag-usapan namin. Naiinis na nga ako sa kanya noon kaya kunyari lang na nakikinig pa ako sa mga kwento n’ya pero bored na bored na kaya ako.” “Daming nangyari kagabi ha,” sabat ni Cindy. “Ayan, tulog ka kasi ng tulog dapat sumama ka kagabi para hindi ka nahuli sa balita,” panunuya ko pa. “Heto pa nga ang chika, kasi nga may babae daw s’yang nagugustuhan. Maganda raw, malambing, palangiti, at nakakatawa. Lahat na, as in s’ya na lahat. Perfect girl nga daw kaso may ibang gusto yung girl,” kwento ni Mira. “Perfect talaga at sino raw? Sa office ba? May ganun ba tayong kasamahan. Pero parang ikaw ‘yun Mira. Maganda, malambing, palangiti. Ano pa daw? Nakakatawa. Ikaw nga yun girl,” saad ko. “Sa akin lang kinuwento pero hindi ako. May iba pang perfect bukod sa akin pero ‘di naman talaga s’ya perfect. Lampa nga ‘yun at iyakin,” paninira n’ya pa kung sino man ‘yong tinutukoy niya. “Parang kilala ko na. Oo nga, hindi naman perfect at tama ka, lampa pero ‘di ko pa nakitang umiyak,” sabi ni Cindy sabay tawa nila ni Mira.  “Ahh basta, ang boring n’ya kausap kagabi pero mabuti na lang at pogi s’ya. Naghahanap pa ng iba, nandun naman ako na kasama n’ya na,” may pagka-bitter na sabi n’ya. “Sa office rin ba daw si girl na perfect? Magpa-cute ka kasi para mapansin ka,” patay-malisyang sabi ko pero parang kilala ko na nga rin at ayokong mag-assume. “Ang cute-cute ko na nga. Naku, Armie, magugulat ka talaga kapag nalaman mo,” sabi pa ni Mira. “Sino nga? Sabihin n kasi.” “Sino pa ang laging kinakausap, walang iba kundi ikaw. Medyo slow ka na sis ha,” pahayag pa ni Mira. “Alam ko na ‘yun na may gusto s’ya sa akin at umiiwas na nga rin ako kasi ‘di ko s’ya type. Sobrang daldal n’ya kasi at ‘di ko na maintindihan ang mga sinasabi n’ya kaya nakaka turn-off. Nung una, ok pa s’ya kaso over sharing ng stories mga sis,” paliwanag ko. “Paano kung ligawan ka? Basted agad si Drew? Kawawa naman, ipasa mo na lang sa ‘kin,” ani Mira.  “ligaw na agad? Pag-iisipan ko. Baka ok s’ya at cute naman s’ya eh. “Hwag mo nang patusin, akin na nga lang eh,” pangungulit ni Mira. “Si Armie nga ang gusto, si perfect girl,” ani Cindy sabay tawa nila ni Mira at kumanta pa ng, You are perfect, you are perfect After ng Lunch ay free time na raw para makapag-swimming pa or pahinga tapos mag-uuwian na rin sa hapon. ‘Di na rin daw mag-stay hanggang Sunday para makasama pa ang kanya kanyang family. But we have a choice naman kung gusto pa naming mag-stay hanggang kinabukasan. So, the three of us decided na mag-stay until tomorrow afternoon at ang mga boys ay mag-stay din dito sa Batangas except kay Carlo. “Ano pa nga ba?” Halatang umiiwas s’ya sa akin pagkatapos n’ya akong paiyakin kagabi. Sa tent na lang ulit kami matutulog para wala ng additional fee kesa mag- rent pa ng room na medyo pricey din naman. Sayang at saglit na tulog na lang naman mamayang gabi. “Hindi na mag-stay si Carlo? Bakit daw?” tanong ko kay Drew. “Gusto nang umuwi agad at may gagawin pa raw s’ya sa kanila.” “Ang Korni naman n’ya. Uuwi na agad at walang pakisama,” sabi ko pa. “Di ‘yan ganyan dati. Sumasama naman ‘yan palagi pero ngayon parang laging busy-busihan,” sabi naman ni Marco. “Baka bad trip sa inyong dalawa kasi ang angas n’yo daw. Joke lang. Joke lang ‘yun ha. Hoy ikaw, may atraso ka pa kay Cindy, mag ayos na nga kayo,” saad ko. “Hindi kami maangas. Grabe ka! Misunderstanding lang ‘yun sa amin ni Cindy, maaayos din ito. Basta mag-stay tayo ha hanggang bukas.” “Oo. Pero mag-usap kaya kayo ni Cindy para hindi awkward. Gawan mo ng paraan at kung hindi, hindi ka na naming isasama sa group,” pabiro ko na seryosong advice kay Marco. “Ok po ma’am,” sagot naman n’ya. So, uuwi na nga s’ya at sure ako na ako ang iniiwasan n’ya.  Pinuntahan ko s’ya sa parking lot ng resort kahit sabi ko na iiwasan ko s’ya at nakita kong pasakay na sila sa van. “’Di ka ba mag-stay? Mag-stay yung dalawa mong friends, hindi ka ba jo-join? “Hindi na. Kayo na lang,” masungit n’yang sagot. “One day lang naman. Mag-stay ka na at isang tulog na lang,” pamimilit ko pa. “Hindi pwede at may gagawin pa nga ako sa bahay. Sayang lang ang araw ko dito,” sagot n’ya. “Kalimutan na natin yung mga nangyari kagabi kung ‘yun ang issue,” paliwanag ko. “Ano bang nangyari? Meron ba?” “Wala. Wala naman nangyari ‘di ba. So. mag-stay ka na,” muling pamimilit ko. “Hindi nga. Hwag nang makulit pwede? Ayokong magsayang ng panahon dito,” naiinis n’yang sagot sa pangungulit ko. “Ok, sige na. hindi n akita pipilitin kung ayaw mo. Ang sungit talaga.,” sabay walk out ko. “Malambing lang kapag naka-inom. S’ya pa ang masungit pagkatapos ng ginawa n’ya kagabi. Tapos deny pa s’ya ng ginawa at sinabi n’ya. Hwag pilitin ang ayaw magpapilit. Ako na nga ang unang lumapit, nagpakipot pa. Umuwi na nga lang sya, mabuti pa,” bulong ko sa sarili. Nagsakayan na sa van ang ibang gusto nang umuwi kasama si Carlo at may ilan din naman na mag-stay pa hanggang bukas. Nang nagutom na kami ay nag-decide na lang kami na mag-dinner sa isang malapit na restaurant. Maganda ang place at ang ambiance. Masarap din ang food at mura pa. Naisip kong magpa-picture kami at magpo-post ako sa social media para makita ni Carlo. Kaso ‘di nga pala kami friends kaya ita-tag ko yung dalawang boys para sure na makita n’ya. Kaso baka ‘di naman sy’a mag-open ng account n’ya. Ah, basta mag-popost ako ng mga pictures namin na masasaya kami at sorry na lang s’ya. Pagkatapos kumain ay ‘di pa rin nagpapansinan sina Marco at Cindy. Napapansin ko lang din kay Drew na laging tumatabi sa akin at panay ang pa-cute. Pero in fairness, cute naman s’ya at palangiti pa. Ang kulit lang na paraang isip-bata. Bumalik na rin kami sa resort. Tuloy lang ang kwentuhan, at kulitan. Konting lakad, pose tapos picture. Nang magdidilim na ay naupo na lang kami malapit sa beach. Nag-picture kami ni Drew na nakaakbay s’ya sa akin at meron din picture na nakahilig ang ulo n’ya sa balikat ko. Meron din, na ako naman ang nakahilig sa kanya. Malambing s’ya at masarap kausap minsan at pinapatawa n’ya ako palagi. Over sharing lang ng stories paminsan na nakaka-bored na rin pakinggan. S’ya na lang kaya ang gustuhin ko at sana ay pwedeng turuan ang puso. CARLO Hindi makakabuti kung mag-stay pa ako na kasama nila. Mabuting pang umuwi na lang, magpahinga at marami pa akong magagawa sa bahay. Pagkauwi ko sa bahay ay agad akong nagbihis ay binutingting na ang isa ko pang motor. Gusto kong makalimutan ang mga nangyari kagabi pero palagi ko pa rin s’yang naiisip. Dumaan ang pinsan kong si Lucy at tinawag ko s’ya. Tinigil ko muna ang ginagawa ko at kinausap ko s’ya. “Paano mo malalaman kung binobola ka lang ng lalaki,” tanong ko. “Ahh, paano nga ba? Sa totoo lang mahirap malaman. Kasi, nambobola man o hindi, pareho lang yung sinasabi. Only time can tell kung mags-stay s’ya o hindi at kung serious ba o manloloko. Bakit mo naman natanong? Ikaw yung lalaki, dapat alam mo.” “Paano kung ikaw kunyari, naiyak ka nung may nagtapat sa ‘yo na lalaki, sa palagay mo sincere yung lalaki,” tanong ko pa ulit. “Pwedeng oo pero pwede ring bihasa na s’ya sa pambobola n’ya. Convincing kahit bola lang. Bakit ba? Sino ka ba dun? Yung sincere, yung bolero, yung umiyak o nagpaiyak? Lagot ka kay Tito.” “Grabe ka, sumbong agad. Nalilito nga rin ako. Una, bola lang, tapos naging sincere tapos umiyak s’ya tpos sabi ko joke lang tapos naguilty ako,” paliwanag ko. “Hala ka nagpapaiyak ka na ngayon ha. Magulo ka naman pala kaya ayusin mong buhay mo kundi lagot ka talaga kay Tito. Ayusin mo ‘yan at aakyat muna ako.” Wala ng tigil kakatunog ang cellphone ko na puro notification ng tag pictures ng grupo. Akala siguro nila ay maiinggit ako sa kanila kaya pinatay ko na lang ang phone ko. Hindi naman mawala sa isip ko ang mga nakita ko sa picture na laging magkasama sina Drew at Armie. Halos magkadikit na ang mga mukha, magkaakbay at sweet na sweet pa. Pero hindi ako nakatiis kaya itinigil ko muna ang aking ginagawa at binuksan ko muli ang cellphone ko. Nakita kong masaya sila sa pictures at naiinis ako na masaya s’ya na kasama ng iba.    
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD