Sa tuwing lilinisin ko ang isang unit na yun na naaalala ko si Carlo ay nagpapatugtog ako ng mga sentimental music sa aking cellphone. Mga pang broken hearted or mellow lang. Tapos ay mabubukas ng pinto ng balkunahe at mag-eemote sa may pintuan o kakanta sa mismong balkunahe na parang may shooting ng music video. Mag-iisang taon na mahigit nung nawalan kami ng communication sa isa’t-isa at makita ko sa sss si Carlo na may iba na sya. Wala pa rin akong love life at walang makilala na ibang lalaki. Halos matatanda na ang mga kasamahan namin sa trabaho at walang chance na makakilala ng iba. Gagawa na ba ako ng account sa online dating? Nakakasawa ng kasama si Mira at gusto ko naman ay yung mayayakap, mahahalikan at pakikiligin ako. Kahit hindi seryoso ay papatulan ko na siguro kaso kahit y

