memories of us
"nakapagod talaga mag jogging sa field kahit isang round lang!!"sabi ni claire sa kanila "naku!!buti pa mag meryenda na Lang tayo!..gutom na kasi ako"sabi naman charlie. habang hinihimas-himas ang kanyang tyan."ok ba!" pag sang ayong naman ng dalawa pa naming kasama na sina kayla at si Jared..naka ngiti lamang ako sa kanilang apat.."sige kayo taya ubos na pera ko eh..hehehe"sabi ko sa kanila."chip in tayo!"reklamo ni claire.."ok bah pero 20pesos nlang pera ko dito,kaya dagdagan nyo nlang.".sabi ko.."ok!"sabay nilang sabi..pag katapos naming kumain sa canteen nag tatawanan na lang kmi sa mga pinangagawa namin."si charlie kanina nakita ko na nakasimangot nung hinawakan ni troy yung kamay ni kyla"nakangising turan ni claire.habang si charlie naman ay busy pa rin sa pag subo ng lugaw at tinapay,kunwari wlang narinig."Totoo ba?"tanong ni kyla sa kanya na nakangiti.."tsk!pakialam mo ba!". sabi ni charlie na nakanguso na"may pakialam ako kasi ako yung hinawakan ni troy,so it means may kinaiinisan ka sa amin,or may lihim kang pag tingin hahaha!"nanunuksong saad ni kayla sa kanya"asa!wala nuh!!"naiinis na turan ni charlie "oiiiiyyy!nag seselos sya hahaha!!"pang aasar pa ni kayla sa kanya"oo na!nag seselos na ako! ng hindi ko alam kung bakit!!kainis!!"natatawa na kami sa kanilang dalawa."tapatin mo na kasi charls,sige ka,baka ma unahan ka,malay mo may gusto rin pala sya sayo"nakangiting sabi ko sa kanya.Hindi na lingid sa amin na may gusto si charlie kay kyla,kahit hindi nya man sabihin,nakikita namin sa galaw nya..iba ang saya na hatid sa kanya ni kyla kahit parati sya nitong binabara..."hoy!tapatin mo nga akong mukong ka!"barakong saad ni kyla na agad nmang kinapula ng mukha ni charlie"bakla ka ba!??"seryosong tanong ni kyla ulit sa kanya.kaming tatlo ay nag hihintay sa susunod na mangyayari habang kinikilig sa mga eksena na nagaganap
"key hindi --"naputol ang sasabihin ni charlie dahil sa tanong ni kyla"type mo ba si troy kaya ka na iinis sa akin!???akala mo ba aagawin ko si troy sayo!???"sabi ni kyla na agad namang nagpagulat sa aming apat "anong pinagsasabi mo!???!..grrr!!hindi ako bakla!at lalung hindi ko type ang kapreng lalaking yun!!nakakainis ka kyla!!ang dami mong napapansin!!" galit na sabi ni charlie kay kyla"eh bakit ka naiinis sa tuwing kasama ko si troy!"pasigaw na tanong ni kyla"bakit hindi mo ako pinapansin sa tuwing magkasama kami at bakit mo ako sinusungitan,then palagi ka pang galit kapag nakikita mo ako!ano yun ha!? kung wala kang gusto kay troy ano ang ibig sa---"naputol ang sasabihin ni kyla dahil bigla nlang tumayo si charlie at galit na tumingin ng diritso kay kyla at sumigaw "dahil nag seselos ako!dahil mas bagay kayo kaysa tayo!dahil malapad ang ngiti mo hanggang tenga tuwing sya ang kasama mo !pero pag ako mag kasalubong parati ang kilay at naka simangot pa!tang**a naman kyla!!ang manhid mo!!hindi mo pala na pansin na may gusto ako sayo!!Bw*s*t!!!nakakainis yung kamanhidan mo!!"..sigaw ni charlie kay kyla na naestatwa...habang kaming tatlo ay nka nganga sa kanilang dalawa.."gusto mo ako?"hindi makapaniwalang saad ni kyla kay charlie na ngayon ay nagulat sa mga nangyari.
nag iwas ng tingin si charlie "ewan ko sayo!".sabi ni charlie at mabilis na kinuha ang bag at umalis.Kami naman ay nag katingin habang pinipigilang sumigaw.Hanggang sa hindi na namin kayng pigilan pa "BAHAHAHAHAHA"tawa naming tatlo habang hinahampas ang mesa at sabay sigaw."grabe!!kaylangan pang galitin para lang maka amin ng feelings!hahahaha"sabi ni claire.."gusto nya ako"hindi makapaniwalang sabi ni kyla sa hangin na agad namang nakapahinto. sa aming tatlo.."oo key,gusto ka nya,actually hindi ka lang nya gusto kundi "MAHAL KA NA NYA!" sabay-sabay naming turan sa kanya."Bakit hindi ko napansin?,bakit hindi ko man lang nakita ?" "kasi nga " MANHID KA!"Sabat ulit namin sa kanya.."wala ka kasing balak pansinin sys,kaya hindi mo sya napapansin,akala mo hindi ka nya gusto,pero way lang nya yun para naman ma pansin mo sya,."
seryosong sabi ni Jared.
"kayo kasing mga babae hirap intindihin,ang hirap yung kunin,kahit kunting pag ka interes wala,basta hindi nyo pinapansin,hindi nyo talaga mapapansin"naiinis na dugtong pa nya.."oh! bakit ka natahimik dyan?..ano pa ang ginagawa mo?alam kung may gusto ka rin kay charlie,kahiT hindi mo man sabihin kita ko yun the way ka kumilos,ha!nakalimutan mo na ata na simula elementary mag kasama na tayo"nakangiting sabi ko.
"salamat drei,alis muna ako sundan ko lang sya!"nakangiting sabi ni kyla at mabilis na tumayo at tumakbo."hoy !bruha!!hintayin na lang kita sa labas!sa waiting shed!wala akong sundo!sasabay ako sayo!" sigaw ko sa kanya"OK!" sigaw nya habang tumatakbo."naloko na" iling na sabi ko na lang ng may dumating na motor sa harap namin" so paano ba yan,maiwan ko na kayong dalawa dito,andito na sundo ko,alis na ako drei,red"paalam ni claire sa amin "ok !mag ingat kayo. sa byahe!" sabi namin sa kanya "ok kayo din"naka ngiting sabi nya."so! sa labas na lang natin sila hintayin,baka magalit na sila tiya linda sa atin,tayo na lang dito ang natira,mukhang tayo na lang ang hinihintay pra maka alis na rin sila"sabi ni jared "nga eh!tara na !!".
Habang nag lalakit kmi nag tetext ako kay kyla na uwi na kami baka pagalitan ako ni lola pag maabutan ako ng 5pm dito sa school.Napansin ni Jared na parang hindi ako mapakali kay niyugyug nya ako pra ma kuha ang atentyon ko sa cp ko,"hoy!ayos ka lang ba??bakit parang nag aalala ka??"takang tanong nya,"pasado alas kwatro na kasi,sigurado nag aalala na si lola."sabi ko "chill!!grabe talaga si lola,drei 3:50 ang out mo,then hindi pa nman late masyado,ang iba nga until 6pm pa nandito eh!"pag papanatag nya sa akin.
"iba na man sila sa akin,magagalit si lola pag nalaman nya na hindi na parte ng school ang ginagawa ko dito."malungkot na sabi ko sa kanya "sabagay, napaka protective kasi ni lola sayo eh"natatawang sabi nya."Hintayin ko na lang sila dito sa waiting shed,uwi ka na,baka hinihintay ka na sa inyo," sabi ko "mas kaylangan mo ako.ngayon,delekado pag mag isa ka lang na mag hihintay dito,sabayan na kita tutal sasabay din naman akon kay charlie eh". paliwanag nya"ok" Sabi ko na lang.umupo sya sa tabi ko "uhmm,drei.." sabi nya "hmmm?" sabi ko"may nagugustuhan ka ba dito sa campus?"tanong nya"ahh..ehh..ba.bakit mo. nanatanong?"nauutal na tanong ko"ahhh ehhh kasi may--" "drei ,red!!"Sigaw nina kyla at charlie sa kanila na nag paputol sa paguusap nila"akala ko sinundo kana ni tita,halika na uwi na tayo sigurado pagagalitan ka pag gabi na kita ma ihatid sa inyo,"paliwanag ni kyla"so paano ba gan red charls alis na kmi ni andrea,alam nyo naman kahit lalaki ang porma nito dalagang pilipina parin kung ituring ni tita ella."natatawang sabi ni kyla. "oo na!ingat kayo sa pagmamaneho mahal ha"namumulang sabi ni charlie "kayo na!!??"sabay naming bulalas ni jared.silang dalawa naman ay nakangiti at sabay tumango."oo mahal ko din naman sya eh!"maarteng sabi ni kyla..Nagkatinginan kami ni jared at nag kibit balikat na lang..."congrats sa inyong dalawa,sana bukas mag pa kain nman kayong dalawa".sabi ko.."ok drei,don't worry makakaasa ka hehehe,".."kaya boto talaga ako sayo charls eh,libre parati ang pagkain hehehe"pagmamalaki ni jared,."sus! grabe talaga!..0oh sya sige na alis na kmi,sigurado nag aalala na si tita dito kay andrea..alis na kmi bye jared byebye mahal mwuuuuaaaaahh!!!"sabi ni kyla na nag flying kiss pa pra kay charlie."mwuuuuaaah!!ingat mahal ko sa pag byahe.,tx mo ako pag dumating ka na sa inyo ha!"sabi ni charlie"drei text mo rin ako pag naka uwi ka na ha"seryosong sabi ni jared na agad ko namang tinanguan.