Hindi alam ni Gab kung red alert ba talaga kasi purong mga tao lang ang nakikita nya. Hindi nya nalang ito pinansin at tumakbo nanaman muli. Buong lakas syang tumakbo hanggang sa nakarating sya sa building 2 pero sa oras na nakarating sya doon agad na bumungad ang isang infected na sundalo sakanya.
Hindi ito galing sa building 2 kundi nasa building 1.
Walang mangyayari sayo pag ipairal mo ang inyo takot.
Kailangan nyang maka alis dito, kailangan nya makarating kala Yico at kayla Charlie
Lumibot ang mga mata nya hanggang sa nahagip nya ang isang mop.
Wala yan lang nakita nya dito.
Hinawakan nya to ng mahigpit saka inalis ang dulo nito.
"f**k this s**t!" puno ng tapang nyang ani sigaw. Huminga sya ng malalim at itinaas ang stick na hawak nya at tinututok ito sa infected na nag lalakad papunta sakanya.
Sumigaw sya ng buong lakas at tumakbo sabay baon sa dulo ng stick sa mismong dibdib ng infected. Tumalsik ang mga dugo nito sa damit at muka nya pero wala na syang pake doon. Hinatak nya muli ang stick na naka baon dito kaya mas kumalat ang dugo sa sahig. Sobrang bilis ng takbo ng puso nya pati na rin ang pag hinga nya.
"s**t, nakapatay ako.." bulong nya at pinunasan ang noo nya na may dugo gamit ang braso nya.
Nabalik sya sa wisyo nung nakita nyang mas maraming mga infected ang lumabas sa building one.
Hawak hawak ang stick na maraming dugo mabilis syang tumakbo papasok sa building at buong lakas na umakyat sa hagdan.
Tanging tunog lang ng sapatos nya na marahas na tumatagpo sa sahig ang maingay sa hallway.
"f**k, anong nangyayari!?" Taranta ni Yico nung naririnig nya ang red alert alarm.
Pumunta sya sa bintana ng kwarto nila at agad na binalot ng takot sa nakikita nya.
May mga infected sa labas at sinusugod ang ibang mga sundalo.
"s-shit.." takot nyang bulong at agad na napalayo sa bintana. Napatingin si Ira sakanya at agad na hinawakan ang balikat nito.
"Yico, anong meron?" Tanong ni Luna, nanginginig na tinuro ni Yico ang bintana kaya napatingin sya doon saka nag tungo.
Kitang kita nya ang gulo sa labas.
"Paano.." bulong nya, biglang silang nakarinig ng ingay sa pintuan kaya nabaling ang tingin nila doon.
Mas lumalalim ang pag hinga ni Yico at napaurong si Luna naman dahil na ata sa instinct nya agad syang humarang sa harap ni Yico in a protective manner.
Hindi nalang pinansin ni Yico na nag muka syang babae dahil dito kasi mas inuna sya ng kaba nya.
Biglang bumukas ang pintuan kaya mas lalo silang na-alerto. Bumungad sakanila si Gab na may dugo ang damit at may dalang stick na mukang handle ng mop na maraming dugo.
"What the f**k?" Tanging sambit ni Yico, agad na sinara ni Gab ang pinto.
"Anong nangyayari?" Tanong ni Luna, agad namang binuksan ni Gab ang cabinet at nag kalkal doon.
Alam nya may mga handgun na iniwan dito sina Alas.
"May pinapasok pala silang infected sa Green Hills ng di natin alam, for experiment daw tapos mga tangina silang mga bobo sila naka wala kaya kumalat ang virus" ani ni Gab habang kinakalat ang ibang mga damit, napa 'yes' lang sya nung nakita nya ang dalawang handgun.
Walang iniwang bala dito pero may laman pa ang handgun. Sunod namang kinalkal ni Gab ang mga damit at pinunit ito sabay ikot sa braso nya.
Para kung makagat man sya di sya mainfect.
"Anong ginagawa mo?" Si Yico naman ang nag tanong ngayon.
Yung natapos na sya sa pag balot sa braso nya, kinuha nya naman ang katana ni Luna na nasa tabi lang.
"Sasama ba kayo saakin?" Seryoso nyang tanong sa dalawa, nag tama lang ang dalawang kilay ng dalawa.
"Saan?"
"Aalis tayo dito, pupuntanan natin sina Charlie. Alam mo bang di na nila ipapasok sina Charlie pag bumalik sila? Lockdown na ang first gate at lahat ay pinalilikas as building number 5. Ayaw kong maiwan dito habang nasa labas ang mga kasama natin. Maiintindihan ko naman kayo pag di kayo sasama, after all alam kong plano nyong bumuo ng pamilya-"
"Cut the bullshit, sasama kami. Sa tingin mo ba mag papaiwan kami dito at magpaka-stress maging parents? Hell no" ani ni Luna, ngumiti naman ng bahagya si Gab sabay abot sa katana ni Luna, kinuha naman ito ni Luna.
Inabot naman ni Gab ang isang baril kay Yico, pero tiningnan lang ito ni Yico.
Hindi nya alam pero nag aalanganin sya.
Parang di nya kaya sumungod sa labas, all this time kasi kaya sya buhay kasi may lumiligtas sakanya.
"H-hindi ko kaya.." bulong nya sabay iling, napatingin lang sakanya ang dalawa.
"Yico-"
"Luna, di ko kaya! Magiging mabigat lang ako!" Bigla nyang sabay lagay sa dalawa nyang nanginginig na kamay sa bibig nya.
"Ano? Iiwan mo kami? Ako?" May halong sakit na ani ni Luna. Agad namang umiling si Yico.
Takot sya.
"Hanggang kailan ka magiging ganyan, Yico? Ako inaamin ko pabigat rin ako pero kailan magigising ka sa katotohanan!? Yico, survival na tayo nito! Pwede kang matakot pero dapat lumaban ka" ani ni Gab, nakatingin lang si Yico sa mga mata ni Gab. Pinag masdan nya ito.
Base sa itsura nito mukang lumaban ito.
Tangina...ang duwag ko...
"Yico" tawag ni Luna sabay tawa ng mapait kaya napatingin sya sa girlfriend nya at parang sa mga tingin nito kitang kita nyang nasasaktan ito.
"Kung kaya mo maging lalake sa kama sana ganoon ka rin sa labanan" mapait nyang ani, nanlaki lang ang mga mata ni Yico.
Sapul sa puso yun.
"Kaya kong i-risk lahat para sayo pero parang di ka ganoon" dagdag nya, napakagat ng labi si Yico.
"Yico, ano na?" Tanong ni Gab, huminga sya ng malalim at agad na kinuha ang baril na nasa kamay ni Gabkahit di sya marunong.
Gusto nyang ipakita na mali sila, hindi sya ganoon. Takot lang sya.
"Luna, oo duwag ako pero hindi ibig sabihin non di kita mahal" ani nya at kinasa ang baril habang naka tingin parin kay Luna.
Unti-unting napa smirk si Luna.
"tutok, asinta, tira" ani ni Luna-tinutukoy ang baril.
"Ngapala, ano ang gagamitin natin papunta doon?" Pag iiba ng topic ni Luna.
"Chopper namin, si Ashley na ang bahala doon kaya kailangan na natin bilisan" pag yayabang ni Gab sabay kindat.
"s**t, bat ang astig nyong apat?" Manghang ani ni tatlo, nag kabit balikat lang ang dalawa.
Humarap si Gab sa pintuan saka ito sinipa ng malakas kaya ito bumukas.
"Let's get it" ani nya.
Tahimik na nag lalakad ang anim sa loob ng school, ang tahimik sa lugar na to at kitang kita mo yung mga dugo sa puting dingding.
Dito nag simula ang lahat.
"di ko inakala na ganto ang inabot ng lugar na to" bulong ni Charlie sabay tingin sa paligid. Yung dating puno ng mga studyante na lugar ay wala na.
Yung dating lugar kung saan sila nag tatawanan ay wala na.
Bigla nalang nawala ang lahat.
Dahil sa isang pag kakamali.
Nadaanan pa nila ang isang pamilyar na silid.
Ang clinic room.
Napalunok si Charlie, Khal El at Aiko. Sa mismong silid na yan ang unang danak ng dugo.
Naka bukas lang ito, kaya nakikita nila ang loob.
Yung puting kama ay napuno ng dugo at sira sira ang mga kurtina.
Bumabalik kay Charlie yung araw na yon. Yung araw na naging zombie si Jed at kinagat si Mark hanggang sa nagka gulo sa loob at sya na gago iniwan ang mga kasama nya sa loob.
Hindi nya lang naman napansin ang luha na kumawala sa mga mata nya.
"Charlie...Alam kong di mo intensyon yun" ani ni Aiko sabay hawak sa balikat ni Charlie. Napa punas ng luha si Charlie at ngumiti ng mapait sa babae.
Pero ginawa ko parin.
Napakunot ang noo ni Gee nang parang may narinig syang kakaiba. Alam mo yung parang may asong kumakain ng karne.
Dahil sa pag tataka nya mas pumasok sya sa loob ng silid at tumingin sa paligid hanggang sa may nakita sya.
Isang nilalang na nasa sahig-naka harap ang likod sakanya. Kitang kita na naka lab coat ito pero naging pula na nag puting coat na ito.
Katulad na katulad sa suot nito kala Aiko nung una nila itong nakita.
Nag si-taasan ang balahibo ni Gee nung
makita nya ito ng maayos.
Kinakain nito ang laman loob ng isa pang studyante.
Agad syang napa hawak sa bibig nya at pinipigilan ang maduwal pero naka gawa parin sya ng ingay kaya natigil ito sa pagkain at tumingin kay Gee.
Agad itong nagpakawala ng mala hayop na tunog at biglang sumugod kay Gee.
Puno ng gulat at takot na napatingin ang iba doon. "s**t!" Mura ni Gee pero mas mabilis ang
kamay nya at agad itong binaril sakto sa
ulo kaya natumba na rin ito sa sahig.
Napatingin sya muli sa katawan at doon na sya lumabas sa silid at sumuka sa gilid.
"s-shit..mukang di ako makakain nito ng di naiisip yun.." ani nya sabay punas sa bibig nya. Hinimas naman ni Jasmin ang likod nito.
"Alam nyo, dapat na tayong umalis dito at kunin yung notebook" suhestyon ni Alas kaya napatungo naman sina Khal El at nag patuloy sa pag lalakad.
"Ito na, ito na yung lab" ani ni Khal El sabay turo dito. Naka sara parin yung pinto.
Alam naman nilang walang infected dito dahil sila ni Charlieang huling tao ang umalis dito. Binuksan ni Khal El ang lab at bumungad sakanya ang dating lab-wala lang naman ang gumalaw dito kaya nakahinga sila ng maayos.
Si Aiko at Khal El lang ang pumasok sa loob habang nasa labas ang iba-nag babantay.
Agad na kinuha ni Aiko ang notebook na yun at binuksan. Andoon nga ang lahat ng tungkol sa vaccine na ginagawa nila.
Habang si Khal El naman ay napatingin sa mga microscopes at mga iba pang lap utensils.
Tumingin-tingin naman sa paligid iba. Mula sa taas kitang kita nya yung mga infected na mukang di mag papatalo-kinakalmpag parin ang gate.
Si Gee naman di maka move on sa nakita nya. Pilit nyang binubura sa utak nya.
"Jasmin, pahingi nga ammu" ani ni Charlie, binigyan naman sya ni Jasmin.
Nanahimik syang nag lalagay ng ammu sa baril nya ng mabitawan nya ang isang bala.
"Peste" mura nya pero di nya na ito nasalo pa at gumulong ito papunta sa hagdan at nalaglag doon-gumawa ito ng paulit-ulit na ingay sa hagdan.
Napatigil silang lahat, dahil grabe ang pag echo ng bala na yun. Hanggang ngayon naririnig parin nila yung tunog nito na tumatalon pababa sa hagdan.
"Charlie naman.." ani ni Alas at napa sambunot sa sarili nya.
Sunod naman nilang narinig ang mga
nakakatakot na yapak at ungol na dahilan
na pag tigil nilang lahat.
"s**t s**t s**t" sunod sunod na mura ni Gee.
Biglang may nagpakita na mga runner at walker sa hagdan na mukang galing sa baba sakanila.
"WHAT THE f**k" Mura ni Jasmin, pinag babaril nila ito pero mukang di nila kaya dahil mga studyante ito at medyo madami sila. Nag kumpulan ang mga to at nag sisiksikan-kitang kita mong sabik na sabik ito sakanila.
Agad na napa atras si Alas. Napa labas naman si Khal El sa lab at agad na nanlaki mga mata nya.
"TANGINA! TAKBO!" Sigaw ni Alas, napa atras naman sina Charlie saka tumakbo.
Mukang napako si Khal El sa pinto at wala ng oras para tumakbo, kasi kung tatakabo sya maiiwan si Aiko na nasa loob. At kung tatakbo sila sabay mukang maabutan sila.
Agad nyang sinara ang pinto, sunod naman sya nakarinig ng kalampag at ungol sa pinto.
"ANONG NANGYAYARI!?" taranta ni Aiko.
"M-may mga infected!"
Agad na nanlaki ang mga mata ni Aiko at ang unang pumasok sa utak nya ay sina Jasmin sa labas.
"Sila Jasmin!?"
Napaupo sa sahig si Khal El, kinakalma ang sarili nya.
"Nakatakbo sila"
"PAREHAS TALAGA KAYO NI GAB, CHARLIE!" Sigaw ni Gee habang tumatakbo.
Parehas nung nangyari papunta sila sa Green Hills,yung napatunog ni Gab ang kotse.
Hinahabol sila ng ibang infected habang
yung iba andoon kala Khal El.
Takbo ng takbo lang sila hanggang sa nakita ni Jasmin ang hagdan na may gate.
"DOON!" Sigaw nya sabay turo sa hagdan.
Tumakbo sila papunta doon, ni-lock agad ni Gee ang gate gaya ng ginawa nila kanina sa main gate.
Kinakalampag ito ng mga infected.
"Tangina nyo, pinatakbo nyo pa ako" ani ni Gee sa mga nilalang na walang alam kundi umungol at umatake.
"Tama na yan, Gee" ani Jasmin sabay hila sa kanya na nakikipag away pa.
Napatingin sila sa paligid.
"Sila Khal El!?" Taranta ni Charlie.
"Nakita kong sinara nya ang pinto kanina, safe sila pero kailangan natin sila balikan" ani ni Alas.
Dala dala nag pagod nilang katawan, halos wala na silang lakas na nag lakad sa hallway at nag iisip kung paano nila matutulungan ang dalawa na naiwan sa lab.
"potangina, anong floor na ba to?"
Nabaling ang atensyon nila sa may kanan-hagdan paakyat ng makarinig sila ng boses ng isang lalake na pamilyar sakanila.
"Wag ka nga maingay" ani pa ng isang babae, agad na nanlaki ang mga mata ni Charlie.
"Wala bang infected? Kating kati na ako lumaban" dagdag pa ng isang lalake. Napasapok ng noo si Gee dahil kilalang kilala nya yang boses na yan.
Tuluyan nang nakababa sa hagdan ang mga maingay na yon at agad silang tinutukan ng lalake ng baril partida di pa asindato.
"A-Ashley, Gab, Luna, Yico?" Hindi makapaniwala na ani ni Alas, nanlaki ang mga mata ni Gab.
"Gab?" Dagdag ni Charlie. Agad na nabitawan ni Gab ang baril na hawak nya at biglang tumakbo papunta sa kanila. At niyakap si Charlie
Sumunod namang lumapit sina Yico
"Paano? Akala ko nasa Green Hills kayo?" Tanong ni Gee, ngumiti lang si Ashley.
At ayon ni-kwento na nila kung anong nangyari.
"Ano na mangyayari saatin?" Mahinang tanong ni Aiko, nakaupo sila ni Khal El sa sahig ngayon habang binabasa ni Khal El ang notebook. Sinara naman ni Khal El ang notebook at bumuga ng hangin.
"Ewan ko na...pero alam kong babalikan nila tayo" ani nya, rinig na rinig parin nila ang kalabog sa labas.
Ng biglang may kumatok sa pinto, parehas silang napatingin doon.
Nawala na ang mga kalabog di lang naman nila napansin.
"Hindi naman siguro kumakatok ang infected diba?" Tanong ni Aiko.
"OY! KHAL EL? Aiko?" Tawag ni Jasmin sa labas. Agad na nanlaki ang mga mata nilang dalawa at napatayo.
"JASMIN!? Oh myghadddd!!" Masayang ani ni Aiko at agad na binuksan ang pinto.
Agad na bumungad sakanya sina Gab, Ashley Luna at Yico
"Wait? Paano kayo napunta dito?" Hindi makapaniwala nyang tanong. Napakamot lang ng ulo si Yico.
Akalain mo yon, sa gitna ng outbreak naka hanap sila ng pamilya. Pamilyang kasing tatag ng gusali. Sa ganitong panahon, wag natin kalimutan mag mahalan dahil yun ang magiging malakas nyong sandata upang mabuhay. Yun ang ginamit ng survival squad, hindi nila gustong mamatay dahil gusto pa nilang makasama ang isa't isa. Gusto pa nilang tumawa ng kompleto at gumawa ng kalokohan ng sabay.
Sa kahit anong sakuna pag mamahalan ang magiging malakas mong sandata.