Isang taon na ang nakalipas matapos mag karoon ng zombie outbreak sa city nila. Sa katunayan hindi lang city nila ang naapektuhan kundi pati narin ang karadig lugar. Officially locked na ang city nila wala ng basta basta na makakalabas at lalong makakapasok.
Hindi na ma-control ng gobyerno ang sakit na kumakalat sa naturang syudad kaya pinabayaan nalang nila ito at mas binigyan pansin na hindi pa ito lumaki sa buong Pilipinas.
Yung mga mag dadala lang ng supply sa Green Hills ang makakapasok.
At hanggang ngayon wala paring lunas ang naturang sakit dahil hindi naman nila alam kung saan nag mula at paano nagawa maliban kala Aiko.
Sa hindi inaasahan, marami pa palang survivor sa sentro. Lumaban sila para sa kanilang mga buhay at ang naging epekto? Naging sakim sila.
Tuluyan ng nawala ang pag kakapwa tao sa mga dugo nila, ang importante nalang sakanila ay ang saliri nila.
Wala na silang pake kahit tao ang kalaban nila basta mabuhay lang sila.
Hindi mo rin maiwasan na, mismong kapwa tao na ang kalaban mo.
Napag usap nalang nila na bumalik sa bahay ng tito ni Yico mas safe kasi doon
May tatlo na kwarto ang bahay, Iisa lang ang kwarto ni Gee , Jasmin, Khal El at Aiko.
Ganoon din sila Gab, Charlie, Alas at Ashley.
Iisang kama lang si Gab at Ashley ganoon din si Alas at Charlie.
At sina Yico at Luna naman, dahil nga si Yico ang may ari ng bahay. Sila lang dalawa sa isang kwarto pero mas maliit nga lang sakanila kumpara sa iba.
Meron silang maliit na kusina, banyo at sala.
Yung mga gamit naman sa bahay nila ay kinuha nila sa mga tindahan o di kaya sa mga bahay, wala ng batas batas pwede na nila kunin ang lahat ng gusto nila.
Ganoon din sa pagkain, pero dahil hindi habang aasa sila sa mga pagkain na naiwan sa mga grocery naisipan ng girls na mag tanim.
Nag alaga naman ng manok ang mga lalake, wag na kayo mag tanong paano sila nag alaga ng manok. Nag nakaw sila ng manok sa isang bahay.
For safety rin ng mga to ginawan to ni Yico ng bakod at medyo malayo sa bahay nila para di sila palibutan ng infected, Alam naman natin na maingay ang mga yon.
Hindi naging madali ang buhay nila sa sentro. Isipin mo minsan makaka-engkwentro ka ng mga iilang pang mga survivors na gahaman.
Minsan mga infected, pero nakayanan naman nila.
"Oh sigurado, babangon tayo! Kayang lahat ikaw at ako" masayang kanta ni Khal El habang nag luluto ng pancake. Napangiti naman si Aiko at napa sandal sa frame ng pinto at napa cross arms.
May isa syang natuklasan kay Khal El, magaling ito gumawa ng kanta lalo na ang boses nito.
"Alam mo bang di na tayo babangon?" Tanong ni Aiko, medyo nagulat naman si Khal El at napalingon sa girlfriend nya.
"Uy, gising ka na pala?" Masayang ani ni Khal El at bumalik sa pag luluto, lumapit naman si Aiko sakanya at tiningnan kung ano ang niluluto nito.
"Panigurado kung nasa Green Hills tayo, di ako makakatikim ng ganyan" ani ni Aiko sabay turo sa pancake. Tumawa naman si Khal El.
May taga luto kasi doon, Alam mo yung parang nasa preso kayo? Mas nakakatipid daw kasi pag ganoon.
Humarap naman si Khal El kay Aiko at biglang hinalikan noo nito na kinagulat ni Aiko
"Good morning pala sayo" ani nya sabay ngiti, namula naman si Aiko ng onti never ata sya masasanay sa ganyan ni Khal El.
Mapapasabi nalang talaga si Aiko na ang swerte nya.
Nabaling ang atensyon nilang dalawa ng makarinig sila ng pag bukas ng mga pinto.
Agad na bumungad sakanila si Alas sumunod lang sya sa inutos ni Ashley na may kargang mukang bagong gising na Gab sa likod nito.
Napatawa nalang si Khal El.
Mukang nahihirapan pa si Charlie mag adjust dahil buhay prinsesa yan si Gab. Sanay yan sya na pinag sisilbihan.
"Goodmorning" bati ni Aiko kay Alas na parang wala lang naman karga. Ngumiti lang sya kay Aiko saka binaba si Gab sa maliit nilang sofa.
Humiga naman si Gab sa sofa at mukang natulog ulit kaya napakamot lang ng ulo si Alas.
"Gab naman, gising ka na" ani ni Alas, mukang wala lang narinig ang babae.
Hindi nalang sya inabala ni Alas at nag tungo kay Aiko at Khal El
Umupo sya sa isang upuan—sa dining table nila at tahimik na pinag masdan ang dalawa.
"Musta naman kayo?" Pag babasag nya sa katahimikan, tumingin naman si Aiko sakanya at naupo narin sa upuan sa mismong harap ni Alas.
"Okay lang naman" sagot nya, napatungo lang si Alas
"Sila Gee at Jasmin? Musta maging roommate?" Ani nya uli, napa ngiti naman si Aiko nung naalala nya sina Gee at Jasmin. Clingy talaga yung dalawa, yung di sila nakakadiri tingnan-sweet sila tingnan ganoon.
"Ayos lang sila, ang sweet nga nila" nakangiting ani ni Aiko kaya napangiti din si Alas.
"Ikaw? Kamusta, kayo ni Ashley?" May halong pang aasar na ani ni Aiko kaya napairap si Alas.
Alam naman nilang lahat dito na may gusto itong si Alas kay Ashley pero itong si Ashley sobrang manhid
"Wag nga kayo mag biro ng ganyan" mahina nyang ani, napa taas lang ng kilay si Aiko, sakto namang dumating si Khal El sabay lapag sa halos sampung layer na plato ng pancake sa lamesa. Nag karoon ito ng medyo malakas na tunog kaya nagising si Gab.
"C-charlie?" Tawag nito at naupo sa sofa, makalat pa ang buhok nito at tumingin-tingin pa sa paligid.
Lumingon naman sina Alas sakanya.
"Anong Charlie ka dyan? Nautusan lang ako na ilabas ka tapos tinulugan mo lang ako" naka pamewang na ani ni Alas, napa busangot lang si Gab.
"Narinig ko pangalan ko?" Biglang sulpot ni Charlie, naka sunod naman sakanya si Ashley na mukang iritable ka-aga aga. Napansin naman ni Aiko na hindi maganda timpla nito.
"Oh, Ashley? Bakit mukang sama ng gising mo?" Ani ni Aiko sa kanya. Inis lang syang umupo sa upuan sa tabi ni Ashley sabay cross arms.
"eh kasi, kanina pa ako ihing ihi tapos ang tagal lumabas ng kung sino man tao sa loob ng banyo" inis nyang ani, napailing nalang si Khal El at Aiko.
"Mag kape ka nga muna" malumanay na ani ni Khal El sabay abot ng isang baso na kape na dapat sakanya pero mukang kailangan kumalma ng pangalawa sa bunso nila
Dahil maganda mood ni Khal El ngayon, nag timpla narin sya ng kape para kay Alas at sa iba pang umiinom ng kape. Di naman kasi umiinom ng kape si Gab at Luna eh.
Nag tungo si Charlie kay Gab at naupo sa tabi nito. Ngumiti lang sya kay Gab kaya itong si Gab naman marupok at kinilig.
"Para ka talagang baby" pang gigigil ni Charlie sabay pisil sa pisngi ni Gab
"I'm not a baby.." maktul nya, napa tawa naman si Charlie at binitawan muka ni Gab
"Yes, you're not a baby but you're my baby" banat ni Charlie, bigla namang nabilaukan si Ashley sa iniinom nyang kape at tiningnan ng masama si Charlie na naka ngiti lang na parang walang sinabi.
Si Gab naman ngayon ay sobrang namula na dahil sa banat ni Charlie sakanya.
"luh, galawan nito" ani ni Alas.
"Kayong dalawa ang bitter nyo, palibahasa mga single. Bakit di nalang kayo mag mahalan? Kita nyo naman ang paligid puro mga couple" ani ni Charlie at tumayo sa sofa, sumunod naman si Gab na hanggang ngayon di parin maka get over sa sinabi sakanya.
"Good morning!" Masayang bati ni Jasmin at naupo narin sa hapag kainan, sumunod naman sakanya si Gee na mukang iritable rin katulad ni Ashley.
Napairap naman si Aiko kasi ka-aga aga sama ng mga timpla.
"Galit yan kasi ang tagal ni Yico sa banyo, naiihi na sya" pag papaliwanag ni Jasmin sabay kuha ng plato nya at nag lagay ng sarili nyang pancake sabay lamon.
Marami na nag tataka bakit di tumataba yan.
Alagang Gee Yamato yan.
"Buti pa magsi-upo na kayo para mag agahan. Medyo madami tayong gagawin" ani ni Khal El, nag si-upo naman sila sa mga lugar nila.
"Asan si Yico at Luna?" Tanong ni Aiko habang kumakain, parang isang magic word yung sinabi ni Aiko dahil bigla lang lumabas yung dalawa.
"Yico, ano bang ginawa mo sa banyo at ang tagal mo hah?!" Reklamo ni Gee, tumaas lang dalawang kilay ni Yico sabay upo, ganoon din ang ginawa ni Luna.
"Ano ba ginagawa sa banyo?" Pilosopo ni Yico, natawa naman si Charlie at Ashley.
"Gusto mo sagutin ko?" Pilosopo rin pabalik ni Gee kaya napairap na si Alas. Aga-aga mag bubulyawan na.
"Naliligo ako, di ba halata?" Ani ni Yico sabay pakita ng basa nyang buhok.
"Naliligo ka pala?" Biro ni Gab sabay tawa, nabilaukan naman si Jasmin na nanahimik na umiinom ng kape.
Natawa sya don, bat ba.
"Charlie, ako sayo bantayan mo maayos yang girlfriend mo baka ano magawa ko dyan" mahinahon na ani ni Yico sabay tusok ng tinidor sa pancake at kumain.
Nag tama lang ang dalawang kilay ni Ashley at Charlie kasi hindi nila alam kung seryoso ba si Yico doon.
"Gago to, wag nyo isipin yun" ani ni Luna at bintukan muna si Yico bago kumain, tiningnan lang sya ng masama nito bago uminom ng kape.
Pagkatapos nilang kumain, nag ayos na silang lahat. Ang boys kasi ay kukuha nanaman ng mga supply sa mga grocery na siguradong maraming mga umaaligid na mga infected, yakang yaka lang yan nila. Sa tagal ba naman nila lumaban sa mga infected di pa ba sila sanay?
Dala dala ang mga baril nila, tahimik na bumaba sa Humvee ang lima. Alisto silang nakatingin sa paligid, handa sa kahit anong laban-mapa tao man o infected.
Tahimik silang nag lalakad sa isang grocery na mukang nauubos na rin ang mga laman dahil sa ilan pang survivor na pumupunta dito. Kitang kita mo ang kalat sa paligid at di mo rin makakalimutan ang mga naaganas na mga parte ng katawan. Huminga ng malalim si Charlie—pinipigilan ang sarili na masuka. Kahit siguro ilang beses nya na tong nakita hindi parin sya nasanay.
Yung mga labi dito halatang mga isang buwan palang siguro sa mga survivor to na nag balak kumuha ng pagkain dito.
Kinasa ni Gee ang baril nya at dahan dahan na nag lakad. Mukang wala naman silang nakikita na kung ano sa paligid.
Kumuha si Khal El ng cart at ganoon din si Charlie, kailangan nilang kumuha ng supply na tatagal ng ilang araw.
Siguro sa parte ng isang zombie apocalypse yung pagiging libre lang ng lahat ng bagay dito ang maganda.
"Kami mag babantay basta kumuha na kayo ng dapat kunin" ani ni Alas, tumungo naman si Khal El at tinulak ang cart. Bumuo ito ng mahinang tunog pero hindi naman ganoon ka-pansin pansin.
Nag simula na syang kumuha ng mga pagkain na hindi pa lagpas as expiration date nito.
Ito nga pinag aalala ni Khal El, pag naubos na ang lahat ng pagkain dito at ma-expire na lahat ano na kakainin nila? Buti nalang naka isip yung mga babae na mag tanim at itong si Yico mag alaga ng manok.
"Uy" tawag ni Gee, napatingin si Khal El sakanya at tinaasan sya ng kilay.
"Y-yung...ano" ural ni Gee, halos di nya nga magandang tumingin kay Khal El.
Napairap nalang si Khal El, everytime kumukuha sila ng supplies lagi tong ganito si Josh.
"For f**k sake, Gee. Halos isang taon na natin kasama sila Aiko tapos nahihiya ka parin sa simpleng sanitary napkins?" Inis na ani ni Khal El, napa kamot lang Gee.
Napakamot nalang ng ulo si Khal El.
"Ikaw kumuha" ani ni Gee at umalis, hindi nya kung saan pumunta yon.
Napatingin si Khal El kay Charlie at agad namang umiwas ng tingin ito.
"Luh, wag ako ah" ani nya at tinulak ang cart nya. Napa kurap kurap nalang si Khal El dahil pinipigilan nya ang sarili nyang matapunan ng delata tong mga lalake na to.
Napabalik sya sa wisyo ng may nag hulog ng sanitary napkins sa cart nya, halos hindi nya na nga mabilang to. Napatingin sya sa nag lagay nito at nag tama ang tingin nila ni Yico.
"Bat ba kayo nag aaway dyan?" Simple nyang tanong, napangiti naman si Khal El dahil napaka open ni Yico sa ganyang bagay. Actually, si Yico naman talaga nag lalagay ng mga sanitary napkins sa cart nila lagi kasi itong si Gee at Charlie ang arte, daming reklamo kasi di daw nila alam ganito ganyan. Tiningnan nya yung laman ng cart nya pero may nahagip yung mga mata nya, nag tama ang dalawang kilay nya at tiningnan ng masama si Yico.
"Salvador, ano nanaman yan?" Tanong ni Khal El sabay turo doon, agad naman itong kinuha ni Yico.
"Ah wala, mag katabi kasi yung condom at sanitary napkins tapos nag panick ako di ko naman napansin na nasama pala" ani ni Yico sabay awkward ng tawa. Tinaasan lang sya ng kilay ni Khal El pero mas sinamaan nya ito ng tingin nung pinasok nya to sa bulsa nya.
Akala ba ng lalake na to di ko nakita yon? Simpleng pasok ka pa sa bulsa mo.
"Talaga lang hah? Everytime ba na kukuha ka ng sanitary napkin nag pa-panick ka tapos may sasama na condom? Ayos" sarkastiko na ani ni Khal El sabay tulak sa cart nya.
Napakamot lang ng ulo si Yico at sumunod nalang din kay Khal El na pumunta sa drink section.
Napahawak naman si Alas sa ilong nya habang pinag mamasdan ng maayos ang isang katawan dito sa grocery. Napakunot ang noo nya nung pinag masdan nya tong maayos.
Nag tataka lang sya dahil medyo sariwa pa ito. Ito yung mga biktima na pinag pyestahan, yung talagang nilantakan.
Napa isip sya ng malalim. Bakit yung ibang mga katawan dito ay mukang matagal na pero ito mukang medyo sariwa pa ito.
"Charlie" tawag ni Gee kay Charlie na kumukuha ng kung ano ano sa isang aisle. Tiningnan lang sya ni Charlie at tinawanan, paano ba kasi. Hindi maabot ni Gee yung chocolate na hindi nya alam kung lagpas na ba sa expiration date na nasa pinaka taas.
"Ganyan ba talaga ang problema pag di ka ganoon ka-tangakaran?" Asar ni Charlie sabay tawa, inis lang na tumingin si Gee sakanya.
Ponyeta ka, lagot ka saakin pag naabot ko to tatapon ko to sa pag mumuka mo.
Inis na nilagay ni Gee ang isa nyang paa sa rack ng pagkain. Aakyatin nya dahil ayaw sya tulungan ni Charlie.
Yung sinigurado nya ang paa nya sunod nya naman ginawa ay humawak sa taas ng rack para ihila ang sarili nya katawan.
Inabot nya ang chocolate na nasa pinaka taas, malapit nya na tong maabot pero biglaan syang natigilan nung nararamdaman nya na nawawalan ng balanse ang rack at natumba sa patalikod kasama nya. Nag karoon ng isang malakas na tunog sa buong grocery at napa mura si Gee dahil nga nasama sya dito pero wala naman syang kung anong galos.
Agad na napatingin si Khal El sa natumbang rack at agad na napa mura.
Napalingon naman si Alas doon at agad na nag alala kung anong gulo yon.
"Potangina, ano yon?" Gulat na tanong ni Yico habang may hawak sya na can ng
pepsi.
Nanlaki naman ang mga mata ni Charlie na nakatingin kay Gee. Kitang kita nya ang lahat.
Inis na tumayo si Gee at tiningnan ng masama si Charlie
Sisisihin nya pa sana to ng makarinig sya ng mga takbo at nakakatakot na ungol.
Mukang may tawag silang iba dahil doon.
"What the fuck..." bulong ni Yico at agad na napatingin sa sarili nya. Medyo malayo sya sa iba at wala syang baril. Parang gusto nyang sapakin ang sarili nya, masyado kasi syang kampante.
Agad na napa bitaw sa cart si Khal El at kinasa ang baril nya. Ganoon din ang ginawa ni Alas at tatakbo na sana kung asan ang iba pero mukang maiiba ang plano nya nung may narinig syang ungol sa likod nya.
Dahan dahan syang lumingon at agad na bumungad sakanya ang isang zombie na mukang nag tra-trabaho dito. Suot suot parin kasi nito ang kulay asul na uniporme na may halo na ng dugo. Ganoon din ang muka at mga kamay nito.
"tama hinala ko, may infected dito" bulong nya at agad na tinutok ang baril sa naturang zombie.
Nag pakawala naman ito ng malakas na ungol, yung tipong rinig na rinig sa buong grocery. Tiningnan lang sya ng maangas ni Alas bago ito binaril ng isahan sa ulo nito dahilan ng pag tumba nito sa dating madugo na sahig.
Nanlaki ang mga mata ni Gee at Charlie nung may lumabas na mga infected sa kung saan. Grabe ang tingin nila sakanila. Nag halong epleyado at costumer ng grocery ang mga infected.
Halos sabay itong sumigaw ng nakakakilabot at tumakbo papunta sa dalawa.
"S-s**t!" Mura ni Charlie at agad na binitawan ang cart na hawak nya sabay takbo. Gulat lang na naka tingin si Gee kay Charlie na tumakbo dahil akala nya lalaban silang dalawa pero mukang iba ang nasa utak ni Justin.
"TANGINA MO JUSTIN!" Sigaw ni Gee, napatingin sya sa harap nya at agad na kinuha ang baril nya na nasa likod nya sabay kasa at tutok. Inasinta nya ito ng maayos bago pinaputok ng sunod sunod na sakto sa mga ulo nito.
Parang gustong sakalin ni Gee si Charlie dahil mas madali to pag tinulungan sya ni Charlie.
Kitang kita ni Khal El ang pag tataksil ni Charlie sa kaibigan nya kaya napailing sya sabay tulak ng malakas sa cart papunta sa entrance ng grocery. Wala syang balak na umuwi na walang dala.
Agad nyang tinutok ang baril nya sabay tira sa mga infected na tumatakbo papunta kay Gee.
Nagulat naman si Gee at agad na napalingon sa likod nya, nag tama ang tingin nila ni Gee.
"HOY! TINGIN SA HARAP!" Sigaw ni Khal El kaya bumalik sa wisyo si Gee at napatingin sa harap nya.
Si Charlie naman parang gago na tumatakbo, wala namang humahabol sakanya pero hinahanap nya si Alas. Nahawa na ata sya kay Gab kung nasa panaganib sina Ashley at Alas ang takbuhan.
"A-ALAS!" Tawag ni Charlie sabay tingin sa paligid, naka ramdan naman sya ng presensya sa likod nya kaya agad na nag si-tayuan ang mga balahibo nya sabay lingon sa likod nya at tutok ng baril.
"Charlie! AKO TO!" Taranta ni Alas sabay alis ng pagka tutok ng baril sakanya. Mukang naka hinga naman ng maayos si Charlie.
Puno ng kaba na nakatingin si Yico sa paligid nya. Wala syang kasama at lalong wala syang armas.
Sa isang taon nag improve na si Yico, hindi na sya tulad ng dati na nag pa-panick attack. Nakakalaban naman sya pero kailangan may kasama sya lalo na kailangan may armas sya.
PAANO SYA LALABAN KUNG WALA SYANG KASAMA AT LALONG WALA SYANG ARMAS!?
Yare sya.
Napalunok sya ng malalim at puno ng kaba na tumingin sa paligid, hawak hawak nya parin ang Pepsi na dapat nyang inumin kanina. Hindi nya alam bat di nya ito binitawan.
"fuck..a-asan sila.." bulong nya. Alam nya naman na hindi sya iniwan ng mga to. Naririnig nya parin kasi ang mga boses ni Gee at Khal El pati yung mga faint sounds ng baril na naka silencer.
Kinakabahan syang humawak sa noo nya. Kailangan nyang ma-kontrol ang pag hinga nya.
"Yico, kalma ka..panaginip lang to.." bulong nya sa sarili nya at pilit na ipagaan ang loob nya. Pero mukang naputol ang pag meditate nya nang makarinig sya ng isang yapak at ungol.
Agad syang napatingin doon at parang binuhusan sya ng malamig na tubig.
"f**k" mura nya at dahan dahan na napa atras pero sa oras na sumigaw ng nakakatakot ang zombie doon na sya napa takbo ng mabilis. Rinig nya yung mga yapak nito at mukang hinahabol sya.
"POTANGIIINNNAA!!!" Malakas nyang sigaw, napatingin agad ang iba sa lugar ni Yico. Hindi nila makita si Yico dahil sa mga rack dito pero alam nilang nasa panganib ito.
"Walang armas si Yico..." bulong ni Charlie, agad na nanlaki ang mga mata ni Alas.
"s**t! HANAPIN NATIN SYA! MAPAPATAY AKO NI IRA NITO" Sigaw ni Alas, agad namang tumungo si Charlie at saka sila tumakbo papunta kay Yico.
Napa kagat ng labi si Gee sabay urong habang bumabaril. Napapagod na syang bumaril pero hindi sya pwedeng tumigil. Nasa kanila ni Khal El ang pinaka maraming infected.
"Khal, k-kaya pa ba?" Hirap na ani ni Gee, hindi lang naman tumingin kay Khal El na patuloy parin sa pag babaril.
Sa kabila ng mga ungol nagka rinigan parin sila.
"kaya pa! tangina naman bakit di nalang kayo mamatay" inis na saad ni Khal El.
Ano ano naman ang tinapon ni Yico sa isang zombie na humahabol sakanya. Kung anong mahagip ng kamay nya. Maliban sa Pepsi nya na nilagay nya sa bulsa ng jacket nya.
Mga bulok na gulay, coke, lata at kung ano ano pa ang tinatapon nya pero mukang walang epekto ito sa zombie na patuloy parin ang pag habol sakanya.
Tangina, Talagang di mamatay pag ganyan ang tinatapon mo.
Ani nya sa sarili nya.
Hindi nya alam kung bakit wala lang man nag abala na tulungan sya dito.
Sobrang lakas ng kubog ng dibdib nya at parang di na sya maka salita dahil sa takot nya.
Ano ano na ang naisip nya na baka maging infected narin sya at di maka uwi.
"potangina naman! Lubayan mo ako!" May halong takot at galit na sigaw ni Yico. Tumingin-tingin sya sa paligid, nag hahanap ng kahit anong armas o di kaya mapag taguan para maka ligtas.
Ngayon nalang sya ulit naka takbo ng ganito kabilis.
Nahagip ng mata nya ang mga ref ng mga inumin, mas binilisan nya ang takbo nya sabay bukas sa isang ref at pinag patuloy ang takbo nya. Nabangga naman dito ang zombie na humahabol sakanya at natumba na parang manika sa sahig.
Agad na binuksan ni Ken at huling ref sabay alis ng mga divider nito. Nakarinig naman sya ng ungol kaya napalingon sya doon at agad na nanlaki ang mga mata nya ng nakita nyang naka tayo na yung runner at sumugod nanaman sakanya. Agad syang pumasok sa ref—saktong pag sara nya ng glass na pinto nito naka rating na ang runner sakanya.
Agad syang napapikit ng mata at hinahabol ang hininga nya. Rinig na rinig nya ang ungol at pag kalampag nito sa glass door ng ref. Namamarkahan ito ng dugo na galing sa kamay nito.
Dahan dahan na dinilat ni Ken ang mga mata nya halos atakihin ng makita na sobrang lapit ng infected sakanya. Tanging salamin lang ang naka harang sakanila.
Kinakagat nito ang glass-kitang kita ni Ken yung ngipin nito galing sa loob kaya napa ngiwi sya.
"K-ken...kumalma ka.." bulong nya sa sarili nya sabay hawak sa dibdib nya.
Nararamdaman nya yung lamig ng ref pero nya na to masyado pinansin, kanina pa sya nanlalamig simula nung hinabol sya ng infected.
Agad na binuksan ni Yico at huling ref sabay alis ng mga divider nito. Nakarinig naman sya ng ungol kaya napalingon sya doon at agad na nanlaki ang mga mata nya ng nakita nyang naka tayo na yung zombie at sumugod nanaman sakanya. Agad syang pumasok sa ref—saktong pag sara nya ng glass na pinto nito naka rating na ang zombie sakanya.
Agad syang napapikit ng mata at hinahabol ang hininga nya. Rinig na rinig nya ang ungol at pag kalampag nito sa glass door ng ref. Namamarkahan ito ng dugo na galing sa kamay nito.
Dahan dahan na dinilat ni Yico ang mga mata nya halos atakihin ng makita na sobrang lapit ng infected sakanya. Tanging salamin lang ang naka harang sakanila.
Kinakagat nito ang glass-kitang kita ni Yico yung ngipin nito galing sa loob kaya napa ngiwi sya.
"Y-yico...kumalma ka.." bulong nya sa sarili nya sabay hawak sa dibdib nya.
Nararamdaman nya yung lamig ng ref pero hindi na nya na to masyado pinansin, kanina pa sya nanlalamig simula nung hinabol sya ng infected.
Naramdaman nya naman ang Pepsi sa bulsa nya at agad na kinuha ito. Hindi nya na tiningnan kung expired na ba ito basta binuksan nya lang at agad na ininom ng isahan.
Napatingin sa paligid si Alas at Charlie, hawak hawak ang mga baril nila.
Wala silang nakita na Yico.
Kinakabahan si Alas dahil biglang natahimik si Yico. Ano ano na ang pumasok sa isip nya dahil alam nya namang walang armas na dala yon.
"Shit..di to pwede.." kabado nyang ani. Bumibilis ang t***k ng puso nyang nakatingin sa paligid. Napalunok narin si Charlie.
"A-asan si Yico..?" May halong pag aalala nyang tanong.
Buong lakas na sinipa ni Gee ang isang infected na dahilan ng pag tumba nito sa sahig saka ito binaril. Pagod at walang emosyon syang nag tungo dito at buong lakas na tinapakan ang ulo nito kaya ito nadurog at bumaon ang paa ni Gee sa ulo nito. Kumalat sa pantalon nya at sahig ang dugo nito kaya napangiwi si Khal El.
Yun na ang huling infected na binabaril nila.
Inayos muna nila ang hinga nila saka nag punas ng pawis. Napatingin sya sa paligid at agad na bumungad sakanya sila Alas at Charlie na bakas ang pag aalala sa mga muka nila.
Napansin rin ni Khal El kulang sila ng isa kaya agad na bumilis ang t***k ng puso nya.
"Asan si Yico..?" May halong takot na ani ni Gee.
Tiningnan lang ni Yico ang zombiena mukang walang balak na tumigil. Inuuntog nito ang sarili sa glass door kaya marami ng dugo ito. Yung iba nga tumulo na sa sahig.
Habang tiningnan nya to ng maigi, parang medyo nawawala na ang takot nya. Parang nasanay nalang sya.
"Duh, isang taon na Ken. Dapat sanay ka na" ani nya sa sarili nya. Nag tama lang ang dalawang kilay nya dahil bakit parang nawala sila Josh?
Agad naman syang binalot ng takot.
"h-hindi kaya iniwan nila ako...?" Bulong nya sa sarili nya. Napakagat sya ng labi nya at napalunok.
Nabalik sya sa wisyo nung biglang natumba ang zombie na kumakalampag sa glass door.
Agad na nanlaki ang mga mata nya nung bumungad sakanya ang apat na akala nyang iniwan na sya.
"Jusko, Yico. Kanina ka pa namin hinahanap nandyan ka lang pala sa loob ng ref" ani ni Alas Nakatulala parin si Yico na nanatili sa loob ng ref.
Nasa state of shock pa sya.
Hindi nya mawari na naka survive sya. Di nya rin mawari na hinabol sya ng infected at nag tago sa ref.
"shit....buhay ako.." ani nya, narinig naman sya ng apat kaya napatawa nalang din sila.