Nosebleed

2047 Words
Agad na napatingin sina Aiko sa bintana ng bahay nung narinig nila ang tunog ng Humvee. "Andito na sila!" Masayang ani ni Ashley habang naka tingin sa bintana. Agad namang tumakbo palabas ng kwarto si Jasmin. Naninigurado lang sya na kompleto silang umuwi. Alam nya kasi yung risk sa tuwing umaalis sila Gee para kumuha ng supplies nila. Hindi mo alam kung uuwi ba silang kompleto o mas malala kung uuwi pa ba. Kahit nasanay na ang mga to makipag laban andoon parin yun kaba. Bumukas naman ang pinto at isang naka ngiti na Khal El at sumalubong sa kanila. Dala dala nya yung malaking plastic na lagi nilang dinadala pag kumukuha sila ng supply. Marami itong laman na pagkain. Sumunod naman si Alas at may dala rin sya ganoon din si Charlie. Nilapag nila sa sahig ang mga dala nila at agad naman tong tiningnan ni Aiko. Tumingin si Jasmin sa tatlo, tila'y may hinahanap sa paligid-may hinahanap na isang tao. Hindi nya alam pero mukang kinabahan sya nung di nya nakita ang hinahanap nya. "Asan si Gee..?" Bakas ang kaba nyang tanong, napatingin sina Alas sakanya. "Jasmin, kalma nasa baba lang sya. Paakyat na rin yon" mahinahon na ani ni Alas sabay tapik sa balikat ni Jasmin. Naka hinga naman sya ng maayos. Akala nya kasi mawawala nanaman si Gee sakanya. Hindi kasi mawala sa utak nya yung nangyari dati nung papunta sila sa mansion nila Gab. Kahit isang araw lang nawala ito pakiramdam nya sobrang tagal non. Dumating naman si Gee at agad na nag liwanag ang mga mata ni Jasmin nung nakita nya to. Agad syang tumabko papunta kay Gee pero agad syang napa tigil nung nakita nya ang madugong sapatos at pantalon nito. Nag tama ang dalawang kilay ni Jasmin at puno ng pag tataka na nakatingin sa paa ni Gee. "Anong nangyari dyan?" Tanong nya, napa gasp naman si Gab nung nakita nya. "Napalaban nanaman sila" Ani Ashley "Wala ng bago doon" simpleng saad ni Charlie habang inaalis ang mga pagkain sa plastic. Sa sobrang sanay nila parang wala nalang sakanila pag napapalaban sila. "Teka...asan si Yico?" Tanong ni Luna, sakto namang pumasok si Yico. Napatingin sila sakanya na nasa pinto. Kita mo sa muka nito na parang anytime bibigay na sya. Agad syang tumakbo kay Luna at niyakap ito na dahilan ng pag urong ni Luna ng konti dahil na bigla sya. Weird lang na nakatingin ang lahat sakanya. "Alam mo bang muntik na akong mamatay.." bulong nya, sa oras na lumabas yon sa bibig nya agad silang napa irap. Wala ng bago dito, sa tuwing umuuwi sila at napapalaban sila laging ganyan si Yico. Napa irap nalang si Luna at hinimas himas ang likod ng binata-lagi na nya ginagawa yan. Alam mo yung salitang 'Baby in the streets, Daddy in the sheets'. Ganoon si Yico. "Parang kami ata ni Khal El yung muntik mamatay eh" ani ni Gee sabay alis sa sapatos nyang sobrang daming dugo. Napa ngiwi naman ang iba dahil pati yung sahig nalagyan na ng masangsang na dugo. "Lilinisan mo yan, Gee Yamato" banta ni Jasmin sa boyfriend nya napa kamot nalang ng ulo si Gee. Hindi na sya lalaban dahi baka masipa sya wala sa oras ni Jasmin. Sa kanya lagi ginagamit yang taekwondo skills nya. Buti nga di ginamit ni Gee ang shooting skills nya kay Jasmin-teka... shooting skills...de joke. Bigla namang naalala ni Gee yung pag tataksil na ginawa ni Gee kanina sakanya kaya agad nyang kinuha ang sapatos nya na may dugo at tinapon to sakto sa likod ni Charlie kaya nakamura to wala sa oras. Tiningnan nya agad ng masama kung sino man yung nang bato sakanya pero agad na nawala ang galit sa mata nya nung nag tama ang mata nila ni Gee na mas halatang galit. Napalunok naman agad si Charlie sabay tago sa likod ni Alas. Alam nya kung ano ang ginawa nya-malay nya ba kasing di tatakbo si Gee? "G-gee...sorry na okey? Buhay naman tayo eh" may halo nyang takot na ani, tinarayan lang sya ng tingin ni Gee kaya napalunok nanaman sya ulit. "Kung tinulungan mo sana ako edi sana di nahulog yung rack!" Inis na sigaw ni Gee, kaya mas lalong napa tago si Charlie sa likod ni Alas. "d-di mo naman abot..bat mo p-pinipilit.." mahina nyang ani pero dinig na dinig ito ni Gee kaya nag tama ang dalawa nyang kilay at napatawa naman ang iba lalo na si Jasmin. Nakakatawa kasi. "Aba't! Halika dito at sisipain kita!" Na-aasar na ani ni Gee at susugurin sana si Charlie pero nahawakan sya ni Khal El. Medyo nagka-gulo sila sa loob pero mga ganitong pangyayari yung nag papasaya sakanila kasi kahit minsan naranasan nilang makipag biruan na parang isang normal na tao. Kasi naman lagi nalang kasi nasa isip nila yung survival. "Alam mo, nag tago ako sa ref" biglang ani ni Yico kay Luna pero narinig to ng lahat kaya natigilan sila at napatingin kay Yico. Naalala naman ni Alas kaya natawa sya, natawa nalang din si Charlie at sumunod si Khal El. Natatawa lang sila sa katotohanan na nag tago si Yico sa ref para di sya makagat ng infected. Pero progress nya na yon. Kung yung dating Yico pa to 1 year ago baka nag lupasay na sya. Hindi na sya nag ha-hyperventilate di tulad ng dati-yung halos di na sya maka galaw. Napa busangot naman si Yico at bumitaw kay Luna. "Anong nakakatawa don!? Iniwan nyo akong mag isa" ani nya, kaya mas lalong natawa sila Alas. Sumama narin si Gee-parang nawala yung inis nya kay Charlie. "Nataranta kami sayo, akala namin ano na nangyari sayo. Nasa ref ka lang pala" tawa ni Alas. "Seryoso, Yico? Sa ref ka nag tago?" Asar ni Ashley kaya sinamaan sya ng tingin ni Yico. Tiningan lang ni Yico ng masama yung mga kasama nya-parang nag pla-plano ng murder. Nabaling ang tingin nya kay Luna na tumawa narin ng mahina. "Wow, sige.Pati ikaw narin" sarkastikong ani ni Yico sabay irap. Hindi na napagilan ni Luna at natawa na talaga sya ng tuluyan. "Tama na nga yan, mag ayos nalang tayo ng mga nakuha nyong supply. Madami pa tayong gagawin" ani ni Aiko, humina naman mga tawa nila bago sila nag si-puntuhan sa mga lugar nila. Si Aiko at Ashley ay nag aayos ng mga pagkain. Mga can goods nilagay sa cabinet, sina Jasmin at Gan naman sa mga bagay na di makakain. Mga hygiene things. Habang si Gee ay naligo at ang ibang boys ay nag si-puntuhan sa mga kwarto nila dahil medyo napagod sa labanan kaniba. "Luna, alam mo ba. Sobrang lamig sa ref kanina, ngayon ko lang naramdaman" ani Yico sabay yakap sa sarili nya. Tinaasan lang sya ng kilay ni Luna dahil medyo alam nya na galawan ni Yico. "Tapos? Anong gusto mo?" Pang aasar ni Luna kaya ngumisi lang si Yico sakanya sabay akbay. Alam mo yung mga parang tambay sa kanto na aakbay sayo bigla. Nilapit ni Yico yung labi nya sa tenga ni Luna sabay bulong. "Painitin mo ako" Napa irap lang si Luna sabay iling. Here we go again. Hinarap ni Luna ang muka nya kay Yico at di na nagulat dahil sa sobrang lapit nilang dalawa. Hindi mo na meron pang mas lalapit dyan eh. "Alam mo kanina lang, nag rereklamo ka kasi muntik ka ng mamatay tapos ngayon ang libog mo nanaman" ani ni Luna, ngumisi lang si Yico na parang proud pa sa sarili nya. "Baby, naamaaaannnn. Mag kakasakit ako sa lammmiiigggg" parang bata na ani ni Yico sabay hila kay Luna mo, napa irap nalang si Luna. Natapos na si Aiko sa ginagawa nya kaya agad syang pumunta sa kwarto nila at kunwari di nya nakita si Yico na hinihila sa Luna. Kumatok pa sya sa kwarto at bumungad sakanya si Khal El na mukang naka tulog dahil sa pagod. Ikaw ba naman bumaril ng walang tigil di ka mapapagod? Agad na nag tungo si Aiko sa isang bahagi ng silid nilang apat kung saan may isang lamesa at iba't ibang klaseng gamit na ginagamit sa experiment. Merong microscope, beaker, tongs at kung ano ano pa. Di mo rin palalampasin ang mga ingredients at equation na naka dikit sa dingding sa mismong harap ng lamesa. Naupo si Aiko sa upuan at nag suot ng surgical gloves. Nag simula nanaman syang tumingin sa mga Erlenmeyer Flask. Itinaas nya to sa lebel ng mata nya at tiningnan ito ng mabuti. Sa loob ng isang taon, isa ito sa pinag kaka-abalahan nina Charlie, Aiko at Khal El. Kumuha sila ng mga gamit sa school nila at sinubukan gumawa ng cure. Nasa kamay na nila ang notebook ni Mark kaya ngayon tinitingnan nila kung asan nag kamali sila Charlie nung ginagawa nila ito. Ilang buwan narin ang susunog ng kilay ang tatlo-ngunit medyo nahihirapan parin sila at hindi alam kung saan ang mali. Binaba ni Aiko ang flask at napakamot sa ulo nya at kinuha ang notebook ni Mark sabay aral ulit dito. "tangina....asan dito yung mali..." inis nyang bulong. Hindi nya lang naman napansin na nagising nya pala si Khal El. Umupo si Khal El sa pagka-hihiga at napakunot ang noo na nakatingin sa likod ni Aiko. Halata yung pagka stress nya dito dahil naka patong ang kanyang dalawang siko sa lamesa at yung kamay nya ay nasa ulo nya. Tumayo si Khal El at nag lakad papunta kay Aiko, hindi lang naman sya napansin ni Aiko dahil malalim at iniisip nito. Alam mo yung pakiramdam na parang nag take ka ng math exams tapos wala kang alam? Ganoon ang pakiramdam nya. Halos mapatalon sya sa gulat nung hawakan ni Khal El at balikat nya. Hawak palang ni Khal El nyang sya na ito kaya kinalma nya ang sarili nya. "Hindi ko na alam, Khal" mahina nang ani, bakas yung pag susuko sa boses nya. Napa buga ng hangin si Khal El at naupo sa isang pang upuan sa tabi ni Aiko. Agad nya itong niyakap sabay himas sa likod nya. "Wag mong pagurin ang sarili mo, walang nag mamadali sayo okey?" Mahinang ani ni Khal El kaya napatungo si Aiko. Bumukas naman ang pinto kaya napatingin sila doon. Tumambad sakanila si Gee na mukang bagong ligo lang. "Uy, sorry kung naka istorbo man ako" ani ni Gee, ngumiti lang si Khal El sakanya sabay iling. "May nag breakdown lang dito, hindi ka nakaka-istorbo" ani ni Khal El, ngumiti naman si Gee at pumasok nalang din. "Ashley, mali yan ginagawa mo" ani ni Alas-kanina nya pa binabantayan yung ginagawa ni Ashley. Si Ashley kasi yung nag luluto ngayon-labag sa kalooban. Tiningnan ng masama ni Ashley si Alas bago bumalik ang atensyon sa niluluto nya. "Kung tumulong ka kaya?" May halong inis sa boses nya kaya tinaasan sya ng kilay ni Alas. "Miss, mas matanda ako sayo kaya wag kang ganyan" Sagot ni Alas, napa irap lang si Ashley-di sya galit kay Alas. Naiinis lang sya kasi lagi nalang sya binabantayan na parang bata-well, bata naman sya pero hindi naman sya ganoon ka bata para pag sabihan. Mas matanda pa nga sya mag isip kaso kay Gab eh. "Whatever" bulong nya sabay irap at pinag patuloy ang pag luluto. Napangiti naman si Alas kay Ashley habang naka tingin sa likod nito. Napatingin sya kay Yico at agad na nanlaki ang mata nung nakitang dumudugo ang ilong nito-at wala ring kamalay malay si Yico. Halos hindi mapinta ang muka nya na nakatingin sa boyfriend nya na hinahanap parin ang sarili. Mukang naramdaman ni Yico ang tingin ni Luna sakanya kaya napatingin din sya dito. "Bakit?" Dahan dahan na tinuro ni Luna yung ilong ni Yico kaya napahawak sya dito. Nung may naramdaman syang basa agad nyang tiningnan nito at nanlaki ang mata nya. Gulat na tumingin ang dalawa sa isa't isa, hanggang sa naramdaman ni Yico na parang umiikot ang paligid nya. Napansin naman to ni Luna kaya agad syang tumayo at hinawakan ang dalawang balikat ni Yico. "Y-Yico?!" Tawag nyo pero mukang hindi sya narinig nito hanggang sa pumikit ang mga mata nito at bumagsak sa kama. Mas lalong kinabahan si Luna sa nangyari. "s**t!" Patuloy parin yun pag dugo ng ilong ni Yico, pati ang kama nag karoon narin ng dugo. "What the f**k" mahinang mura ni Luna.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD