bc

My Road Mate

book_age18+
5
FOLLOW
1K
READ
badboy
CEO
like
intro-logo
Blurb

Alam nyo yung masakit?. Ayun yung nagmamahal ka ng taong hindi mo alam kung mababalik ba sayo yung pagmamahal na binibigay mo. Pero ayos lang kasi doon ka masaya. How ironic right!?. Lalo na kung iyong taong minamahal mo ay hindi mo sigurado kung kilala kapa dahil sa ilang taon na ang lumipas.

I'm Gail Sandoval magbebenta kwatro palang ako pero maraming ng problema sa buhay.

'Minsan sa buhay may mga desisyon tayong hindi natin alam kung bakit natin ginawa. Mga desisyong alam nating tama, pero bakit sa kabila ng tama nating ginawa, bakit may kapalit na sakit? Bakit parang minsan nanghihinayang tayo sa mga bagay na binitawan natin?. '

Yan ang mga nasa isip ko pagkatapos ng halos limang taon matapos ang pag uusap namin ng lalaking lihim kong minamahal sa kabila ng hindi namin kilala ang isat isa. Ang alam ko lang, sa halos araw araw naming pagkikita sa daang nagdurugtong sa lugar kung san ako nakatira at mg sa kanya. Halos sa araw araw naming pagkikita sa kalsadang ito, kahit malayo pa lang alam kong sya na iyon.

Magdurugtong din kaya ang puso ko at ang kanya?. Kailan ko kaya uli sya makikita?. Pag dating kaya ng araw na yun, pwede pa kaya?.

Pero mukang huli na ang lahat dahil ng magkita kami may kasama na sya. Hanggang dito na lang kaya kami?. Hay san kaya kami aabutin?.

O baka naman ako lang ang nangangarap ng gising. Ilang taon na rin ang dumaan baka kailangan ko na rin syang kalimutan para sa huli hindi ako masasktan.

chap-preview
Free preview
Unang Libro
"Hoy babae layo nanaman ng utak mo dyan! Sino bang iniisip mo nanaman, ha?" Sabi ng kaibigan kong si Dain. "Kanina pa kita kinakausap hindi ka naman sumasagot." Inis na sabi nya. Matagal ko ng kaibigan si Dain simula pa nung elementarya kami, hindi ko pa natatandaan kung kailan kami nag aaway. Parang hindi pa nga eh lagi kaming magkasama simula noon pa hanggang nag aral kami ng high school pati na rin syempre ng college. "Ha!? Kausap mo ba ako? Sorry may iniisip lang ako." Buntong hinga kong sabi sa kanya. "Sabi ko anong oras ang lunch mo, para sabay na tayong bumaba mamaya dahil may tinatapos ako". "Ah baka mga alas dose bababa nako, sige sabay na tayo". Habang may ginagawa ako sa computer na nasa harapan ko hindi ko mapigilang mag isip. Ang dami nanamang babayaran sa susunod na katapusan. Ang hirap maging panganay, pero syempre hindi naman ako nagrereklamo, yun nga lang hindi ko alam kung pano pag kakasyahin ang sahod ko. "Gail, aalis kaba bukas sama ka samin weekend naman eh". "Hindi ka pa nakakasama samin simula nung pumasok ka dito" pagtatampong sabi ng katrabaho kong si Trisha. Oo nga pala Gail ang tawag nila sakin dito, ang pangalan ko pala ay Gailey Sandoval, mag bebente kwatro na ako this year and walang boyfriend since when? Haha maniniwala ba kayong since birth? "Ah sige susubukan ko, may lakad na kasi akong plano para bukas eh" ngiting sabi ko kahit ang totoo wala naman talaga akong lakad dahil tinatamad lang ako. Gusto kong magpahinga sa mahabang araw na to. "Ano ba yan ih, sayang naman may isasama pa naman sana si Greg na pogi" halukipkip nyang pagsabi. "Haha kayo talaga alam nyo namang wala pa sa isip ko yang ganyan eh". "Ang sabihin mo may hinihintay ka lang na bumalik, ilang taon na yun baka may asawa na yun girl!". "Kalimutan mo na yun, kung magkikita man kayo baka hindi kana kilala nun!". Well tama si Trisha ilang taon na rin yung lumipas pero hanggang ngayon umaasa pa rin ako na sana isang araw maka salubong ko uli sya. "Hay nako basta hindi ko sigurado kung makakapunta ako, text nyo na lang sakin yung address kung nasan kayo bukas". Tamad kong sagot sa kanya. "Hmp, sige na nga hindi na kita pipilitin tetext na lang kita ah". Sabi nya sakin habang nakataas ang isang kilay. "Oo sge" tipid kong sagot, ewan ko ba kung bakit wala akong hilig sa mga ganyang night out party. Siguro kasi lumaki akong iskwelahan bahay lang ang punta. "Oh tara na bhe, baba na tayo kanina pa ako nagugutom eh" sabi ng kakalapit lang na si Dain. "Sige ako rin eh. Kanina pa talaga ako nagugutom hindi pa kasi ako nag almusal simula kanina. Habang kumakain kami sa canteen lumapit samin yung isa naming ka trabahong lalaki si Greg. "Hi girls, can I sit here? " ngiting sabi nya. Hindi mapag kakaila ang magandang lahi na meron ang lalaking ito. Gwapo sya, matangkad, matangos ang ilong, maputi at ha! mayaman. Pero syempre hindi naman binibigay ang lahat diba?. Ang higit sa lahat mayabang. Hays. " Bakit dito pa ang dami namang bakanteng upuan eh? Pagtataray na sabi ni Dain sa kanya. " Oh come on Dain, look!" sabay tingin sa likuran nya." Ang daming babae dun ayokong tumabi sa kanila lilingkisan lang nila ako". Mahangin na sabi ng lalaki. Tumaas naman ang kilay ko, napaka yabang talaga ng lalaking to. "And besides magkakaibigan naman tayo right Gailey?. Hays kung hindi lang mahangin ang lalaking to pwede na eh kaso hindi, nakakatakot yung ngiti nya. " Kung kakain ka, kumain ka na lang, wala akong gana makipag daldalan sayo ". Mabait naman ako kaso ang ingay ng lalaking to nako... Hays uwian nanaman, hindi ko namalayan ala singko na pala kailangan ko ng mag ayos ng mga gamit. Dahil maaga pa kaming uuwe bukas, marami pa akong gagawin pag uwe ko mamaya sa board. Nag boboard lang ako kasi malayo ang pinapasukan ko dito sa Makati. Tuwing weekend ang uwe ko samin. Kasama ko si Dain sa board since bestfriend for life kami. "Guys bye, see you next week, dont forget that we have a meeting on Monday morning dont be late" paalam ng leader namin na si sir Benedict. Matanda na sya pero hindi mo mahahalata dahil makisig pa rin ito at medyo strikto, mabait naman sya pero nakakatakot kung hindi mo sya kilala. "Oy babae tara na, anong lulutuin natin pag uwe?". Sabi ni Dain sakin habang pinapatay ko ang kompyuter ko. "Ikaw ano bang gusto mo?. Dumaan na lang muna tayo sa grocery para makabili ng mga need natin". Pagkauwe namin nag luto ako ng adobo since ito yung madaling lutuin dahil pagod na rin kami sa byahe. "Oy bhe weekend bukas sasama kaba kila Trisha. Hindi kaba sasama umuwe?" sabi nya sakin habang nakahiga na kami sa tig isa naming kama, medyo malawak din tong kwarto na naupahan namin sakto lang din sa budget. "Sabi ko itext nya na lang ako kung saan sila bukas, pero ayoko sumama eh haha alam mo namang hindi natin gusto yung mga ganung gimikan". Sabi ko habang nag cecellphone. "Oo buti naman, akala ko mag isa lang ako babyahe bukas eh". Sige matutulog nako maaga pa tayo bukas, good night patayin mo yung ilaw ah". Utos nya sakin, nako kung hindi ko lang kaibigan to sasabunutan ko to ih. Habang nakatingin sa kisame, hindi ko maiwasang isipin na uuwe ako bukas at kahit malabo umaasang makikita ko uli yung taong matagal ko ng gustong makita uli. Ilang taon na rin simula ng makita ko sya at hindi ko alam bakit hindi ko man lang naitanong kung anong pangalan nya. Pinapangako ko sa oras na makita ko sya hindi nako mag dadalawang isip na itanong yun. Nakakatawa dahil umaasa pa rin ako na balang araw magkikita kami uli sa daan kung san kami laging nagkaka salubong. Unti unti nakong hinihila ng antok sa mga isiping yun. Yung features nya hindi ko makalimutan, yung boses nyang masarap pakinggan kesa sakin. "Hmp! hindi hindi!" sabay ng pag tapik ko sa noo ko na para bang makakalimutan ko sya pag hinampas ko yun. Naglagay na lang ng earphone para makatulog na. Kinabukasan nag text sakin si Trisha, kinukulit ako na sumama sa kanila. Kung nagtataka kayo bakit ako lang ang niyaya nila at hindi kasama si Dain. Well magkaiba kasi kami ng department at hindi kami nagkikita kita kung hindi pa maglalunch. Hindi sila close ng besty ko dahil mataray ang babaeng yun. Sinabi ko na lang na uuwe ako kaya hindi ako makakapunta. "Okay kana, wala kana bang naiwan? Sabi ko kay Dain dahil ang babaeng to ang bagal kumilos. " Yes, let's go sana hindi traffic ". Sabi nya at pinatay ko ang ilaw at nilock ang pinto. "Alright, tara na baka ma traffic pa tayo sa EDSA, alam mo namang hindi uso ang word na bilis dun". natatawang sabi ko. Habang nasa byahe hindi ko maiwasang hindi kabahan, wala akong ideya kung bakit. Hindi naman ako nagkakape para mag palpitate, mag katabi kami ni Dain sa bus. Pagbaba namin sumakay pa uli kami ng isang jeep para makarating samin para maglakad na lang. "Hindi nako dadaan sa inyo Dain, deretcho nako sa bahay, ikamusta mo na lang ako kay tita". Bukas na lang ako dadaan ng hapon pag babalik na tayo sa board ". Sabi ko sa kanya ng maghihiwalay na ang daan namin pauwe. Malapit lang ang bahay namin sa isat isa pwedeng lakarin pero hindi kami magkapit bahay. Habang naglalakad pauwe, parang namalikmata ako sa nakita ko. Naka motor sya pero nakalikod na ng dumaan sakin. Medyo malayo pa ako kaya hindi ko na nakita ang muka nung lalaki. Pero bakit bigla akong kinabahan, bakit parang may kakaiba akong naramdaman. Yung kaba ko kanina sa bus bumalik pero mas malakas. Binilisan ko yung lakad ko baka maabutan ko yung lalaki pero pagliko ko wala na sya. Umuwe na lang ako pero yung kabang nararamdaman ko nandto pa rin. "Ma!?, tawag ko kay mama ng makapasok ng bahay. " Oh nakauwe kana pala kumain kana ba? " sabi ni mama ng nakangiti sakin. " Opo, magpapahinga lang po muna ako mamaya napo ako kakain uli. " sabi ko habang nagmamano. Baka magtaka kayo bakit si mama lang ang hinahanap ko. Wala na ang papa ko, sumakabilang bahay na. Mag isa na lang akong nagtataguyod kila mama at sa dalawa ko pang kapatid. Hindi na ako galit kay papa, ganun siguro talaga may mga pagmamahalan na hindi nagtatagal. " Ma, nasan sila Hailey at Charley?. Sabado ngayon ah wala po sila?. Tanong ko ng mapansing wala ang dalawa kong kapatid. " May make up class sila, kasi diba walang pasok ng isang linggo dahil sa bagyo". Sagot ni mama sakin. Pagkatapos namin mag usap ni mama umakyat nako sa taas para magpahinga. Ilang oras akong nakatulog paggising ko alas singko na ng hapon. Bumaba ako ng nakabihis na pang jogging, naka black jogging pants ako, white na maluwag na t shirt may suot na black rubber shoes at naka earphone. Nakatali rin ang mahaba kong buhok. "Ma, mag jogging lang ako, babalik ako mamaya". Paalam ko. "Oh sige mag ingat ka dyan sa labas ha!". Sagot nya. Habang lakad takbo ang ginagawa ko papuntang park, may nakita akong isang bulto ng lalaki na naglalakad papunta sakin. Para akong binuhusan ng isang drum na malamig na tubig ng naaninag ko ang muka ng lalaking papalapit sakin. Ganun pa rin ang itsura nya, lalo lang lumaki yung katawan nya, lalo lang syang kumisig. Napahinto ako sa paglakad takbo, lakad na lang ang ginagawa ko habang papalapit ng papalapit kami sa isat isa. Hindi ko makayanan ang tingin na binibigay nya sakin, hindi ko maipaliwanag kung nakikilala nya pa ba ako o naalala pa ba nya ako. Ang mas lalo kong hindi maipaliwanag ay ang nararamdaman ko dahil sa nakikitang may kasama sya. Isang magandang babae maputi ito, matangkad din balingkitan ang katawan at nakakapit sya sa braso ng lalaking kasama nya. Ganun din ito nakahawak ito sa bewang ng babae. Para bang aagawin sila sa isat isa. Hindi ko maipaliwanag ang hapdi na nararamdaman ko, halos limang taon ko syang hinintay na makita uli. Wala naman akong masisisi dahil ano ba namang lamang ko sa babaeng kasama nya baka asawa nya na yun. At ako heto umaasa ng walang kasiguraduhan, sa lalaking hindi ko pa alam ang pangalan. Nag iwas ako ng tingin sa kanya dahil hindi ko makayanan ang tingin na pinupukol nya sakin. Napatingin ako sa babae at ang sama ng tingin neto sakin. Inaano ko ba to? Kala mo aagawan kung makahigpit ng kapit eh. Nang makalagpas na sila sakin huminga ako ng malalim. Hawak ko ang dibdib dahil sa sobrang kaba ko kanina. Hindi nako lumingon pa baka bumuhos lang ang luhang kanina ko pa pinipigilan. Nag jogging na lang ako, at ng pagod na upo ako sa damuhan. Masarap ang hangin dito sa park wala masyadong sasakyan ang nadaan marami ring nag jogging at nag pipicnic na pamilya, mga nag papractice ng sayaw mga nag dedate at syempre nag sosolo katulad ko. Hindi ko namalayan ang oras dahil nag enjoy akong maupo sa lamig ng hangin nakahiga nako dito sa damuhan marami pa ring tao dahil may ilaw na nakapalibot dito at maliwanag ang paligid. Nandito lang ako sa gilid sa medyo hindi gaano abot ng liwanag, iniisip ko kung paano ko kakalimutan ang lalaking iyon. Naalala ko tuloy nung una naming pag uusap at mukang huli na rin iyon. FLASHBACK Nakahiga nako sa kama ko, ng marinig ko si mamang nagagalit sa cellphone dahil hindi nya macontact ang kapatid kong si Charley, gabi na rin at teenager pato baka pagpagtripan ng mga tambay sa labas. Bumangon ako para tanungin si mama. "Ma, wala pa rin po ba si ley?" palayaw ng kapatid ko. "Nako yang batang yan gabing gabi na nasa computer shop pa rin gagawa daw ng notes nya pero kanina pa wala!". Inis na sabi ni mama "Sige po, tatawagin ko na lang dun ma, baka naglalaro pa yun". Lumabas nako ng bahay medyo malayo sa bahay yung computer shop kaya sa kalsada ako dadaan mga alas nuwebe trenta na siguro ng gabi. Habang naglalakad ako nakasalubong ko yung lalaking lagi kong nakikita dati pati hanggang ngayon. Nagulat ako ng tinanong nya ako. "Ahm, hi!". Sabi nya, nagulat ako kasi sa tagal namin nagkikita simula nung elementarya hanggang nung nag ojt nako sa college nakaka salubong ko sya. Kaya hindi ko alam kung pano ako mag rereact. "Ah, hi?". Tuliro kong sagot. "Ah sorry, may I ask your name ?. Hindi ko alam kung pano sya kakausapin kasi stranger pa rin sya, hello. " Ahm, Gail bakit?" tanong ko. " Ah san ka pupunta , gabi na ah." taray feeling close sa isip isip ko. " Aaahh, sa com shop tatawagin ko lang yung kapatid ko". Naiilang na sagot ko sa kanya, kasi naman nakakatuliro naman yung ganto. Out of nowhere kakausapin ka ng taong nakikita mo lang sa daan?. "Oh really, ahm pwede ba kitang ihatid? San ba yung inyo?. Nandun lang naka park yung motor ko kukunin ko lang." nakangiting sabi neto sakin. Ha! wow naman pala may paghatid si kuya mo. Ano ba kala sakin neto? Porket cute sya magpapahatid ako?. " Ay nako hindi na, tatawagin ko pa kasi yung kapatid ko eh". Tyaka ko sya iniwan dun habang naka tayo at nagpunta na sa comshop. Pero sa kinasamaang palad, wala dun yung magaling kong kapatid. "Ay kuya Ben! Wala po ba dito si ley?" tanong ko sa nagbabantay dahil kilala na nya ako at ang kapatid ko dito kapit bahay lang namin si kuya ben. "Ay wala, bakit hindi pa ba nauwe?". Tanong nya. "Ah ganun po ba, oho wala pa sa bahay eh nagagalit na si mama haha". Natatawang sabi ko. "Sige ho, mauna na po ako". Pagpapa alam ko. "O sige mag ingat ka riyan". Pagpapa alala nya sakin. Mabait tong si kuya ben samin, matanda na rin kasi pero nag tatrabaho pa kahit ayaw na syang pagtrabahuhin ng mga anak nya. Gusto lang daw nya ng mapaglilibangan. Habang naglalakad pauwe, nasilaw ako sa liwanag ng motor na nasa harapan ko. Kinabahan naman ako dahil yung lalaki kanina yung nandun. "Ano, bat wala kang kasama nasan na yung kapatid mo?". Takang tanong nya, bat na nagtataka pa sya pake nya ba diba?. "Ahh, ano eh wala dun". Sabi ko ng pilit na ngiti. "Ahhh ganun ba, pwede ba kitang makausap?".sabi nya sakin na ikinagulat ko. "Ha!? para san?". Takang tanong ko dahil wala naman kaming ugnayan sa isat isa para mag usap tyaka gabi na rin. "Please? I just want to talk to someone, it's been a year since we saw each other day by day. And honestly I am really curious about you." mahaba syang sabi. Parang may tumusok sa puso ko ng sinabi nyang curious sya sakin, dahil ang totoo maski ako gusto kong malaman yung tungkol sa kanya. And ano daw i needs somebody to talk to? " Alright then, pero saglit lang dahil baka hanapin ako ng nanay ko". Sumakay ako ng motor nasa likod ako, hindi ako nakapit sa kanya. Baka nagtataka kayo bakit ako sumama eh hindi ko naman kilala to. Siguro sa sobrang lagi naming nagkikita since then, may na build ng konting tiwala?. Kung ano man yun, parang feeling ko safe ako kahit hindi ko pa sya lubos na kilala. "Don't worry, I dont harm you." sabi nya habang tumatakbo ang motor nya. Paghinto namin ang sarap ng hangin, nandto kami sa park. May iilan pa namang mga tao dahil mag aalas diyes pa lang naman. "Hmm! so anong gusto mong pag usapan?". Pagbasag ko sa katahimikan namin, limang minuto na kami rito pero hindi kami nag sasalita. "Honestly, I just want someone to be with, you know pag may problema gusto mo lang ng may kasama kang makikinig sayo". Malungkot nyang sabi. Hindi ko alam kung bakit parang may nakikita akong sakit sa mga mata nya habang sinasabi nya yun. "You can share to me, I can listen." nakangiting sagot ko. Napatingin lang sya sakin sabay ngiti. s**t! bakit ganun yung ngiti nya! Nakakatunaw ng puso. Ngitian ko na lng din sya ng medyo alanganin haha. Naka ilang minuto rin kaming nandun, nag kwento sya tungkol sa family nya sa career nya. "I'm just waiting for my visa to release, para maka alis na". Nakangiti nyang kwento. May konting sakit sakin nung sinabi nya iyon, ibig bang sabihin nun aalis na sya? Dun na sya titira sa ibang bansa? Or magtatrabaho ba?. "Talaga?". Maiksi kong sagot sa kanya habang nakatingin sa langit na puno ng mga bituin. Matagal bago kami nag salita uli. "Do you have a boyfriend?". Tanong nya sakin habang nakatingin sa taas. Na ikinagulat ko naman ng husto. "Ha!? Wa-wala pa since birth!." parang gusto kong sabunutan yung sarili ko, bat kailangan ko pang sabihin yung since birth?. Lalo na ng makita kong parang ngumiti sya ng konti kahit naka side view sya sakin. "Can I ask a favor?". Deretsong tingin nya sakin, na hindi ko mawari. "Favor?" tanong ko. "Yeah, if its okay". Seryoso nyang sagot. "Ahm, o-okay sure ano ba yun?". Kahit kinakabahan ako sa favor na gusto nya. "Can I hug you?". Parang nagmamakaawa nyang sabi pati mga mata nya parang kumikinang. Natuliro naman ako sa favor nya, ano ba yan. Bat yakap hindi ako sanay, hindi ako pwedeng mahulog sa gantong sitwasyon. Pero naaawa ako sa kanya. "Ah-eh s-sge pero saglit lang". Sabi ko yakap lang naman diba? Hays. Lumapit sya sakin, niyakap nya ako ng mahigpit. Yun bang parang hindi nako makahinga, hindi ko sya niyakap pabalik. Inalis ko na agad yung kamay nya sakin. Hindi kasi ako komportable eh. "A-ano tara na, baka hinahanap nako ni mama". Sabi ko pagkatapos nun tumayo nako papuntang motor nya. Narinig ko pang umubo sya ng konti. Pag uwe namin sa kanto na lang ako nagpababa. Dali dali nakong umuwe na parang hibang hindi ko alam kung ano tong nararamdaman ko pero masaya yung pakiramdam ko. Lagi ko pa syang nakaka salubong pagkatapos nun. Pero naiwas nako. Na kwento ko na rin kay Dain at nakita na nya rin. Simula ng nagka trabaho ako hindi ko na sya nakikita dahil nag boboard nako. End of flashback

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

His Obsession

read
104.3K
bc

MAGDALENA (SPG)

read
30.5K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
96.3K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
176.6K
bc

The Ballerina's Downfall

read
81.6K
bc

The naive Secretary

read
69.8K
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
29.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook